Nagising ako alas dies pasado na ng gabi ngunit hindi na dahil sa kahit anong ingay o lagabog na nagmumula sa 3rd floor ng dormitory building. The loud ringing of my phone woke me up. Akala ko, isa sa mga magulang ko ang tumatawag sa akin. Madalas kasi ay sila lang naman ang ine-expect kong caller ng ganitong oras. But I was wrong. Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Andres sa screen ng phone ko. Ilang segundo ko ‘yong tinitigan bago ko napagdesisyunang sagutin. “Napatawag ka? Is there something wrong?” I asked him the moment I answered the phone. Pupungas-pungas akong umupo sa kama at kinukusot-kusot ang aking mga mata. “Sorry to disturb you from your sleep” Kalmado ang boses niya like he usually is. “Okay lang bang lumabas ka at puntahan ako rito sa field?” napakunot ang noo ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


