"OPEN YOUR eyes. I'm just here. I won't let you fall," kalmado na ani ng lalaki sa may bandang likuran kay Alverah. Mabilis na nagsipagtayuan ang kaniyang mga balahibo sa may batok. Alam niyang hindi lang ito dulot sa pagihip bigla ng may kalakasan at malamig na hangin sa kanila. Kasulukuyang yakap siya nito sa may bandang likuran, nakapalibot sa may baywang at tiyan niya ang katikasan ng mga braso nito. Sa sobrang lapit ng kanilang mga katawan ay nararamdaman niya na ang init na temperatura ng lalaki at sigurado siya na maging ito ay nararamdaman rin ang tensyonado niyang katawan. Humugot siya ng malalim na hininga at marahan na ibinuga. Ilang minuto na ang nakakalipas, matapos ng magboluntaryo ang lalaki na tutulongan siya para labanan at harapin ang isa sa kinatatakutan niya. Ngunit

