bc

The Purchased Wife Of A Mafia Lord

book_age18+
1.2K
FOLLOW
19.6K
READ
arrogant
mafia
bxg
musclebear
villain
like
intro-logo
Blurb

Isang marangyang buhay ang kinagisnan ni Alverah Fajardo. Subalit dahil sa isang trahedya, biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Sa isang iglap, nawala sa kaniya ang lahat matapos maaksidente kasama ang kaniyang pamilya. Siya lamang ang nakaligtas, habang ang mga mahal niya sa buhay ay pumanaw. Naiwan siyang mag-isa, at ang masaklap pa, tuluyan siyang inabandona ng kaniyang nobyo nang hindi na siya mapakinabangan pa.

Sa sobrang kapos sa buhay, napilitan siyang magtrabaho bilang isang waitress. Ngunit hindi niya alam na isang kapahamakan ang nagaabang sa kaniya. Nalinlang siya at nasangkot sa isang ilegal na auction. Ngayon, hawak na ng isang mapanganib na tao ang kaniyang buhay. Binili siya ng isang mafia lord.

"I bought you for 5.5 billion. From now on, you're mine and one of my possessions. You also need to work for me, and for your first task is to sign those papers and become my little obedient wife," the mafia lord commanded.

chap-preview
Free preview
SIMULA
"ARE YOU a virgin?" Deritsong tanong ng interviewer mula kay Alverah. Kasalukuyang nasa harapan siya nito at sa likod ng may kakapalan na salamin ay matiim na tinignan siya sa mata habang masinsinang ini-interview. "Yes po," mahinahon at magalang niyang sagot kahit sa kalooban niya ay medyo nabigla siya at nakaramdam ng konting pagkailang. "Kung ganon, you're hired." Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa harapan niya. Kahit nagugulohan man sa mga nangyayari ay galak niya pa rin tinanggap ang kamay nito. Hindi niya alam kung anong koneksyon ang pagiging birhen sa trabahong ina-apply-an niya. Lalo na at bilang waitress lang naman na trabaho ang sinubukan niyang pasukin. Wala siyang experience sa pagiging waitress, ngunit base sa mga nakikita niya sa isang restaurant ay alam niyang taga kuha ng in-order, taga-serve, o taga-ligpit ng pinagkainan ang iilan lamang na gagawin. "Thank you ho!" Magalang at nakangiti niyang pasasalamat mula sa interviewer. "We're currently short of stuff tonight, kaya kung ayos lang sa'yo ay pwede ka ng magsimula mamayang gabi." Nakangiti nitong sabi. Agaran siyang tumango. "I can start anytime po." May malawak na ngiti sa labi niyang sagot. Halos hindi masukat ang kasiyahan na nararamdaman niya sa araw na ito, lalo na't sa rami ng sinubukan niyang pasukin na trabaho ay masasabi niya na ito lang ang tumanggap sa kaniya ng maayos kahit sa kabila ng kakulangan ng experience. "That's great. Then, I'm expecting your presence tonight." Nakangiti siyang tumango at saka nagpaalam. *** KINAGABIHAN ay maaga siyang umalis sa kaniyang inau-upahang apartment. Habang nasa taxi palang ay hindi niya maiwasan na kainin ng takot at pangamba. Natatakot siya na baka sa unang gabi pa lang ng trabaho niya ay papalpak siya, kaya sisiguroduhin niya talaga na aayusin niya ang trabaho kung ayaw niyang mawalan ng kwenta ang lahat ng paghihirap na isinakripisyo niya. Pagkababa niya sa taxi ay mabilis na bumungad sa kanya ang malakas na musika na nanggagaling sa loob ng isang high end bar club. Kunot noo at agaran na tinignan ang dala-dalang cellphone. Puno ng pagtataka niyang tinignan ang mensahe na kaninang ipinadala ng nag-interview sa kanya. Laman nito ang oras at ang lokasyon sa pagtatrabahohan niya. "Manong, sigurado po ba kayo na nasa tamang lokasyon po tayo?" May pag aalinlangan niyang tanong mula sa taxi driver na nasa loob ng sasakyan at hinihintay ang bayad niya. "Oo naman, Miss beautiful. Sa ilang dekada ko na sa pagtatrabaho bilang isang taxi driver ay kabisado ko na ang lahat na rota ng lugar dito. Bakit? May problema ba?" Nakangiting sagot nito. Ngunit iyong klase na ngiti na iginawad ay nagbibigay ng kilabot sa kaniya. Kabado siyang naglakas loob upang magsalita muli. "Kasi po, isang restaurant po iyong inaasahan ko na bubungad sakin. Pero isang exclusive club bar po yata ito." Nakita niya agad ang pagbabago ng emosyon sa pagmumukha ng taxi driver. Mabilis na napawi ang ngiti sa labi nito at bakas ang galit na tila nawalan ng pasensya dahil sa narinig mula sa kaniya. "Sinasabi mo bang dinala kita sa maling lugar dahil sa masamang intensyon?" Puno ng akusa siya nitong tinignan. Gulat at bumuka ng bahagya ang bibig niya para itanggi sana ang sinasabi nito. Ngunit hindi niya na magawang magsalit pa ng mas inunahan siya nito at galit na binulyawan. "Feeling ang p*ta! Maganda ka nga pero napaka-feelingera mo. Ang sabihin mo, wala ka lang talagang pera na maibabayad kaya dinadaan mo ako sa mudos na ito! Tang'na! Isarado mo na ngalang iyong pinto!" Asik nito sa kanya. Halos napatalon siya sa gulat. "Magbabayad naman ako Manong," taranta at nanginginig sa takot niyang sabi. "Huwag mo na akong lokohin pa. Alam kong uso ang modus ngayon. Minalas pa at nabiktima pa ako ng isang p*ta!" Sigaw nito sa kanya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan nito papalayo. Nanliliit at natulala naman siyang nakatayo sa tabi ng daan. Nakaramdam siya ng hiya, lalo na't may iilan pa ang nakarinig at nakakita sa nangyari. Nakayuko niyang mabilis na pinunasan ang basang pisnge at saka inayos ang sarili. Hindi niya inaasahan na makakarinig siya ng mga ganong insulto dahil lamang sa maling akala. Malalim siyang bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili. Nang tuluyang mahimasmasan ay napagpasyahan at naglakas loob niyang nilapitan ang isang bouncer na nakatayo sa labas ng entrance ng bar club. Magtatanong sana at magbabasakali na baka na mali lang na lokasyon ang naibigay sa kaniya. "May ticket ka?" Pagtatanong agad ng bouncer sa kanya. Umiling naman siya. "Wala po. Pero itatanong ko lang sana kung alam niyo itong address?" Mahinahon niyang sabi, sabay pakita sa nakabukas na cellphone niya. "Dito iyon, Miss," walang pagdadalawang isip na sagot ng bouncer. "Are you sure po kuya?" Kinakabahan at puno ng pag aalinlangan niyang tanong. Medyo nagka-trauma siya kanina sa taxi driver. "Yes, Miss. Ito nga iyon. Bakit? Ano ba ang pakay mo sa club na ito? At nga pala, kailangan niyo po munang mag-purchased ng ticket doon para makapasok." Agad siyang umiling. "I'm here to work po as a new waitress." Pagsasabi niya ng totoo. Hindi siya sigurado kung anong dapat niyang maramdaman ng tinapunan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay may hindi makapaniwalang ekspresyon ang bumakas sa pagmumukha nito. "Are you Ms. Alverah Fajardo?" seryoso sa tinig nitong tanong sa kanya. Tipid siyang tumango. "Yes po." "Kanina pa naghihintay si Boss sa'yo. Please follow me." Kahit naguguluhan man ay wala siyang nagawa kun'di sundan ito, gayun, mukhang nagsasabi rin naman ito ng totoo. Naguguluhan pa rin siya kung bakit iba ang nakalagay sa work place na nakita niya sa hiring job sites, kumpara sa kinaroroonan niya ngayon. Mas pinili niya nalang muna itikom ang bibig at baka nakalimutan lang i-explain ng nag-interview sa kaniya ang pagbabago ng lokasyon. Nang tuluyan siyang makapasok sa loob ay malinaw niyang naririnig ang nakakabinging musika. Halos sumasabay ang puso niya sa beat ng ipinatugtog ng dj. Agaran din tumambad sa kanyang ilong ang iba't ibang klase at magkahalong amoy mula sa alak, usok ng sigarilyo at mga pabango ng mga customer na nadadaanan niya. Medyo may kadiliman rin ang loob ng bar at tanging isang nakaka-hilong disco lights lang ang nagbibigay liwanag sa loob. "Hey, Miss. Are you alone?" Isang foreigner na lalaki ang nangahas na kausapin siya, bahagya rin siyang hinawakan nito sa may braso para pigilan sa paglalakad. Naiilang naman siyang umiling at inalis ang kamay nito sa braso niya. "May problema ba, Ms. Fajardo?" Pagtatanong ng kasama niyang bouncer. Tila natakot naman ang foreigner dahil walang atubili siya nitong iniwan. Umiling siya. Tumango ang bouncer at saka ay nagpatuloy na sila sa paglalakad. Isang elevator ang nilapitan nila, pinindot agad ito ng bouncer at ilang segundo lang ang hinintay ay bumukas na agad ito. Pumasok na agad sila at pinindot ang button ng tamang palapag na pupuntahan. Nang tuluyang sumirado ang elevator ay doon lang siya nakahinga ng maluwag. Ilang sandali ay naramdaman niya ang paghinto ng elevator, at saka ang pagbukas nito. Nang makalabas sila ay isang tahimik na may kalawakan na hallway ang tumambad sa kanya. Hindi na rin maririnig ang ingay mula sa baba. Puma-unang naglalakad sa harapan niya ang bouncer kaya tahimik na sinundan niya naman ito habang pa-simple na tinitignan ang bawat sulok ng palapag. May ilang pinto siyang nakita at nadadaanan. Sa hula niya ay mga private rooms ang mga iyon. Sa tapat ng isang pinto na kulay itim na nasa pinaka-dulo ng hallway sila huminto. "We're here." Pag-aanunsyo ng bouncer. Pasimple siyang bumuntong hininga para pakalmahin ang puso niya na halos nagmala-tambol sa lakas ng kabog nito. Kumatok ng tatlong beses sa pinto ang bouncer. "Boss, nandito na ho si Ms. Alverah Fajardo." "Papasukin mo siya." Isang tinig ng may katandaan na boses ng babae ang nagsalita mula sa loob ng silid ang narinig niya. Humarap sa kanya ang bouncer. "Narinig mo si boss, kaya pumasok kana." Bahagya siyang nataranta sa pagtango. Pinagbuksan siya ng pinto ng bouncer kaya wala siyang nagawa kundi pumasok na ng tuluyan. Pagpasok niya sa loob ay agad niyang nakita ang isang may edad na babae na sa hula niya ay nasa 50s na ito. Kasalukuyang nakaupo ito sa isang single couch, may binabasang mga papales habang sa kabilang kamay nito ay may hawak na wine glass at bahagyang inaalog. "Good evening po." Mahina at magalang niyang usal. Nilingon siya ng matandang babae. "Maupo ka, Miss Fajardo," usal nito sabay inilahad ang bakanteng pang-isahan na sofa na nasa harapan nito. Tipid siyang tumango at saka maingat na lumapit sa gawi nito. "Thank you po." Ngumiti ang matandang babae. "It's nice to finally meet you, Ms. Alverah Fajardo. I am Olivia Pineda." Pagpapakilala nito sabay inilahad ang kamay. Nahihiya at maingat niya itong tinanggap. "N-nice to meet you po, Ma'am. I am Alverah Fajardo ho pala." Nakita niya ang paglaki ng ngiti ng matandang babae. "Sinabihan na ako ni Rhea tungkol sa'yo. Sinabi niya na magandang dalaga ka. Pero iba pa rin talaga kapag sa personal na talagang nakikita ang kagandahan mo, nasabi na rin niya na you're still a virgin." Pagsisimula nito sa usapan. Hindi niya maiwasan na pamulahan sa huling sinabi nito. "Aww, how cute. Birhen na birhen nga." Nakangiting sabi nito sa naging reaksyon niya. Nakakadala ang mga ngiti nito ngunit sa hindi malamang dahilan ay may tila mali siyang nararamdaman. Hindi niya ma-explain ng mabuti pero may kung ano sa mga ngiti ng matanda. Tipid siyang ngumiti. "Mawalang galang na po, bakit niyo nga po pala ako pinapunta dito? Na sabi po kasi ni Ma'am Rhea kanina na kailangan na kailangan po talaga agad ang tulong ko," straightforward niyang tanong. "I see. Hindi ka lang maganda, kun'di straightforward din. But before I answer that, anong inumin ang gusto mo? Juice, coffee or wine?" Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi nito. "Water nalang po." Mahina itong napatawa. Alam niyang wala sa pagpipilian ang inalok nito pero para sa kanya at sa mga oras na iyon ay tanging tubig lang ang makakapawi sa nanunuyot niyang lalamunan. May tila tinawagan ito at ilang sandali ay pumasok ang parehong bouncer na lalaki na naghatid sa kanya kanina. May dala na itong tray at sa ibabaw nito ay isang babasagin na baso at may laman na malamig na tubig. Pagkatapos mailapag sa harapan niya ang dinalang tubig ay agad na nagpaalam ito para lumabas. "Thanks, John." Nakangiting usal ng matandang babae sa tauhan. Tumango naman ang lalaki at tuluyan ng lumabas. Nang tuluyang naiwan muli sila ng matandang babae sa loob ng opisina ay isang nakakabinging katahimikan ang namatuwi. "You can drink it now, Ms. Fajardo," nakangiting sabi sa kaniya ng matanda. Tipid siyang tumango at ngumiti. Maingat niyang kinuha ang baso na nasa harapan. "Anyways, the reason why I called you is to make a simple conversation with you, so you can feel comfortable. Don't worry, lahat naman na bagong hired ay dumadaan talaga sa akin. It just that, I am type of a boss na gustong hands on pagdating sa mga tauhan ko. May ipapakilala rin akong manager na pwedeng tutulong sa'yo para turuan ka sa mga gawain at mabilis kang makapag-adjust sa trabaho." Sa sinabi ng matandang boss ay nakaramdam siya ng kaginhawaan dahil mukhang maayos na boss ang napasukan niyang trabaho. "By the way, do you have any questions? Don't worry, hindi naman ako nangangagat," pagbibiro nito. Agad na sumagi sa isip niya ang kanina niya pang pinagtataka. Napangiti siya ng maliit at pagkatapos ay maingat na ibinalik at inilapag sa coffee table ang kanina niya pa palang hawak na baso. "Actually, meron po. Tungkol po sa-" napahinto siya sa pagsasalita ng makaramdam bigla ng matinding pagkahilo. Agad na napa-sapo siya sa kanyang ulo. "What is it?" Nakangiting tanong sa kanya ng matandang boss. Hindi naman nagtagal ay unti-unti namang nawawala ang hilo. Tumikhim siya at umayos ng upo. "Tungkol po sana sa lo-" bago pa niya matapos ang sasabihin, biglang lumala ang hilo at matinding umikot ang paningin niya. Akala niya ay ma-aalerto at mag-aalalang dadaluhan siya ng matandang babae, ngunit ang nakita niya lamang ay ang nakakakilabot at tila matagumpay na ngiti sa mga labi nito, hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook