KABANATA 1

2697 Words
"ITEM AUCTION 9 was sold to bidder number 301!" Sabi ng auctioneer habang pinukpok ang hawak na gavel. Malakas na palakpakan ng mga tao ang umugong sa buong bulwagan kung saan ginanap ang isang auction. Sa ingay nito ay naging dahilan para magising si Alverah. Kunot-noo at halos nahihirapan idilat ni Alverah ang kanyang mga mata. Hindi pa siya masyadong nagkakamalay, at kahit nakapikit siya ay ramdam pa rin niya ang hilo at ang tila binibiyak na ulo sa sobrang sakit. Hindi rin nakakatulong ang bahagyang paggalaw ng hinihigaan niya, ngunit ilang sandali ay kusang huminto ito. "Hmm..." mahinang daing niya. Akma niyang sasapuhin ang kanyang ulo ngunit hindi niya magawa. Agaran siyang kinain ng pagtataka, at kahit sa kabila ng mabibigat na mga talukap ay pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang mga kamay na nakaposas habang ang kanyang mga paa ay may mabigat na kadenang nakakabit. Kasalukuyang nakahiga rin siya sa isang kulay pulang couch at tanging isang puting see-through na robe ang pumapaibabaw sa suot niyang pulang bikini. Ramdam niya ang tumatagos na lamig ng air-conditioning sa kanyang buong katawan. Nanlalaki ang mga mata at tila binuhosan ng malamig na tubig siya nang mapagtanto ang kalagayan niya. Agaran siyang tinakasan ng dugo sa buong katawan. Unti-unting nabubuhay ang takot at kaba sa puso niya. 'A-anong nangyayari? Nasaan ako? At bakit ako nakakadena?' Nagugulohan at sunod-sunod niyang tanong sa kanyang isipan. Sinubukan niyang magsalita ngunit doon niya lang napansin na naka-duct tape ang kanyang bibig. "And now, for the last lot and the most highlighted item for tonight's auction," pagsasalita ulit ng auctioneer at agad na tumahimik ang paligid. Nakuha ng auctioneer ang kanyang atensyon at tiyaka tulirong hinanap niya ito. Subalit mariin siyang napapikit nang biglang tumapat sa kanya ang ilaw. Umugong agad ang bulongan ng mga tao nang makita siya. Nang tuluyang nakabawi ay sinubukan niyang gamitin ang nakaposas na mga kamay para gawing pang-harang sa liwanag. Ilang sandali pa, unti-unti niyang natanaw ang ilang mga bulto ng mga tao sa harap. "This item was called the fallen white rose," napaling ang kanyang atensyon mula sa auctioneer. Nakita niyang nakasuot ito ng isang kulay itim na tuxedo habang may nakatakip na half mask sa mukha kaya natatabunan ang bandang mata nito. "That item right there," tinuro siya nito. "was once a princess who came from a prestigious family. She was also as pure as white roses," pagdudugtong nito. Malakas na kumabog ang puso niya. 'Anong ibig niyang sabihin?' Nagugulohang usal niya sa isipan. Hindi pa nga gaanong nag-sink in sa kanyang utak ang mga nangyayari, narinig niyang sinimulan na ng auctioneer ang bidding sa kanya. "And the bidding will start at one hundred thousand." Nakangiti nitong sabi. Malakas at mas bumilis ang kabog ng puso niya. Mas lalo siyang namutla at nanlamig sa tuwing may nagbi-bid. "One million," sabi ng isang babae. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil nakaupo ito sa may kadiliman na sulok. "She's not bad as my new toy," dagdag pa nito na malinaw niyang narinig. "One million from that lady in red and with a number of 104. Anyone who wants to surpass one million?" 'Oh, God... Please tulungan niyo po sana ako,' dasal niya sa kaniyang isip. Hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito at mas lalo na kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya ngayon? Sumagi bigla sa kanyang isipan ang naging pag-uusap nila ng kanyang boss. Agaran siyang napaluha nang mapagtanto na naloko siya. Akala niya talaga ay matinong boss ito! "One hundred million!" Isang boses ng matandang lalaki ang nagpabalik sa kanya mula sa pag-iisip. "Woah! One hundred million from the bl-" hindi natapos ang sasabihin ng auctioneer ng pinutol ito sa isang panibagong lalaki. "1.5 billion," walang pagdadalawang isip na sabi ng lalaki. Mas lalong bumuhos ang kanyang luha. Impit rin siyang napapahikbi. 'Please, tulongan niyo po ako.' Puno ng pagsusumamo ang mga mata niyang isinuyod ang paningin sa harapan. Sa nanlalabong mga mata dahil sa luha, napadako ang kanyang paningin mula sa may bandang gitna na nasa pinaka-harap ng entablado. Aksidenteng nakasalubong ng kanyang mga mata ang matiim na tingin ng isang lalaki na prenteng naka-upo sa harapan. Kahit hindi niya masyadong makita ang buong pagmumukha nito dahil sa suot na itim at may konting ginto na half mask, halata pa rin ang kawalan ng interesado sa mga mata nito. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay may kung ano sa mga titig nito para makaramdam siya ng kaligtasan. Maging sa puso at isipan niya ay may parte na sumisigaw na magiging maayos na ang lahat at kailangan niya lang magtiwala sa lalaki. "Anyone wants to go higher for the 1.5 billion?" Narinig niya mula sa auctioneer. Ngunit hindi niya pa rin magawang maalis ang paningin sa lalaki na nasa harap. "5.5 billion." Sa mababa at malamig na boses ay nagsalita ito sabay bahagyang itinaas ang hawak na numero. Hindi pa rin pinuputol ang tinginan nilang dalawa. Nabingi siya sa sinabi nito. Kahit umugong ang iba't ibang reaksyon ng mga taong nakarinig, wala siyang naririnig sa mga sandaling iyon. Tanging nakatuon ang kanyang buong atensyon sa lalaki at tila silang dalawa lamang ang nasa lugar sa mga oras na iyon. "W-wow! 5.5 billion from that man on a black suit and with a number of 001." Gulat at hindi makapaniwalang sabi ng auctioneer matapos ng makabawi ito mula sa pagkagulat. Nang matauhan siya ay malinaw niya ng naririnig ang ilang singhapan ng mga tao. Kung hindi lang naka-duct tape ang bibig niya ay baka maging siya ay mapapasinghap na rin sa gulat. Mabilis na sumikdo ang puso niya. Agad na napatigil din siya sa kakaiyak. "Did I hear anyone say 5.6 billion?" Hindi matago ang excitement at kasiyahan sa boses ng auctioneer habang ito ay nag-eengganyo na may mag-bid pa ng malaki. Pigil-hininga at labis na tension ang namuo sa buong katawan niya. Pinagpapawisan siya ng malamig. Wala mang kasiguroduhan na magiging ligtas siya kapag sa lalaki siya mapupunta, ngunit sa mga oras na ito ay wala siyang magagawa kundi magtiwala sa kutob niya. "No one? Then, going once ... going twice ... sold! Item 10 were sold to number 001!" Isang nakakabinging palakpakan agad ang lumukop sa buong bulwagan matapos ipukpok ng auctioneer ang hawak nitong gavel. Isang mabigat na hininga ang bumuga sa may ilong niya, halos maghabol hininga dahil sa kanina niya pang pagpipigil hininga. Unti-unti na ring kumakalma ang tensyonado niyang buong katawan. Naluluhang hinanap niya ang lalaki. Nakita niyang nakatayo na ito at tila paalis na. Gusto niya sanang pasalamatan ito ngunit, dahil na rin sa pagod at labis na stress na inabot sa mga nangyayari, tuluyang bumigay ang katawan niya at nawalan siya ng malay. *** SIKAT NG ARAW na tumatama sa mukha ang gumising sa kaniya. Agad na tumambad sa kanya ang hindi pamilyar na kulay krema na kisame. Ilang sandali siyang napatulala. Nang tuluyang sumagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari ay taranta siyang napabalikwas mula sa kakahiga sa kama. Kabado niyang sinuyod ng tingin ang buong silid. Malawak ito at tanging krema at puti ang nag-aagawang mga kulay na pumapaloob sa silid. Walang masyadong palamuti o kagamitan ang makikita. Halatang bakante ang silid na ito at walang masyadong gumagamit. Napatuon ang buong atensyon niya sa isang malaki at mababasagin na wall glass. Agaw pansin ang asul na asul na kalangitan sa labas. "Gaano na ba ako katagal na walang malay?" usal niya sa sarili. Bumaba siya sa kama at nakapaa niyang nilapitan ang kinaroroonan ng wall glass. Bahagya niyang nakita ang sariling repleksyon. Kasalukuyang nakasuot siya ng isang malaking puting t-shirt na umabot sa ibaba ng tuhod niya, habang tanging isang panty lang ang suot niya na pang-ibaba. Agad na nabuhay ang kaba sa puso niya. Mas lalo niyang nilapitan ang wall glass at tinignan ang labas para maghanap ng pwedeng makapagtukoy kung saang lupalop ng mundo ang kinaroroonan niya ngayon. Ngunit tanging kalawakan at mapunong kagubatan lang ang nakikita niya. Mas lalo siyang nangamba. "Nasaan ako?" Inilagay niya ang dalawang kamay sa wall glass at walang tigil na sinuyod ng tingin ang buong paligid sa labas. Nagsisimula na siyang makaramdam ng panic nang wala siyang makitang kabahay-bahay o daan man lang. Parang nasa isang liblib na lugar ang kinaroroonan niya ngayon. Muli niyang hinarap ang kabuohan ng silid. May dalawang pinto siyang nakikita at sa hula niya ay isa doon ay para sa banyo. Nilapitan niya ang kulay puting pinto. Malakas ang kutob niya na iyong pinto ang daan para makalabas siya ng kwarto. Puno ng alinlangan niyang tinignan ang doorknob, nagdadalawang isip siyang hawakan ito at pihitin para bumukas at makahanap ng pwedeng pagtatanungan, hindi alintana ang posibilidad na kapamahakan para sa sarili. Humugot siya ng malalim na hininga. Akmang bubuksan niya sana ang pinto ng bumukas ito at wala sa sarili siyang napaatras sa takot na matamaan. Umayos siya ng tayo nang tuluyang bumukas ng malaki ang pinto at nasa harapan niya ang isang nakakatakot na lalaking may malaking pangangatawan. Ang suot nito ay kagaya ng nakikita niyang bodyguard na naka-black suit. May earpiece na nakakabit sa tainga at hindi na siya magugulat kung may baril itong tinatago sa katawan. Walang ka-emosyon siyang tinignan nito. "Gising ka na pala. Kanina pa naghihintay si Mr. Vesguerra sa'yo na magising ka at para dalhin ka sa kanyang opisina," seryoso ang boses nitong sabi sa kanya. Dulot sa takot, ay taranta siyang napatango. Walang imik siyang lumabas ng silid. Hindi niya na nagawang magsalita at magtanong 'gaya sa unang binabalak niya. Pagkalabas niya sa kwarto ay nakita niya agad ang ibang kasamahan ng lalaki. Apat na kalalakihan ang nakatayo sa isang tabi at mukhang kanina pa ito nagbabantay sa labas ng kwarto. Mas lalo siyang nanginig sa takot ng agad na pumukol sa kanya ang mga seryosong tingin ng mga ito. Nanliliit at hiyang-hiya niya pilit na hinihila pa pababa ang laylayan ng suot niyang t-shirt. Hindi man lang siya nagawang bigyan nito ng kahit short man lang. May kalawakan ang hallway at may iilang pinto rin silang nadadaanan. May mahahalin at malalaking painting na nakasabit sa dingding. Sa sobrang tahimik at tanging mga yapak lang nila ang maririnig ay pakiramdam niya tuloy ay nasa isang horror or mystery-thriller movie siya. Huminto sila sa tapat ng dalawang armadong kalalakihan na nakatayo. Sa likod ng mga ito ay ang kulay itim na double door. Namumutla at kabado siyang napayuko. Natatakot siya na baka kapag tinignan niya ang mga ito ay baka mainsulto at barilin siya. Hinarap ng isa sa armadong kalalakihan ang pinto at tiyaka kumatok ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. "Pumasok kana, Miss," seryosong sabi ng katabing lalaki. Natatakot naman niyang sinunod ito. Bahagya siyang nanigas nang marinig ang pagsara ng pinto sa kanyang likuran. Agad niyang naramdaman ang paglalamig ng buong katawan at mabilis ang tahip ng puso nang makita ang isang lalaki na nakatalikod at kasalukuyang nakatayo sa harap ng isang malaki at mababasagin na wall glass, katulad sa silid na pinanggalingan niya kanina. Hindi siya nito nilingon, kaya malaya niya itong napagmamasdan. Nakasuot ito ng isang kulay abong long sleeves, at nakatupi hanggang braso ang mga manggas nito. Mabilis niyang iniyuko ang ulo ng makita ang bahagyang paglingon nito sa kinaroroonan niya. "So, you're already awake?" Mabilis na kumalat sa sistema niya ang kalamigan na dinulot sa boses ng lalaki sa kanya. Nagsipagtayuan ang kanyang mga balahibo sa buong katawan at pinagpapawisan ng malamig. Mariin niyang kinagat ang sariling ibabang labi at nanatiling nakayuko dahil hindi na magawang tignan ang lalaki. Hinintay niya ang muling pagsasalita ng lalaki, ngunit hindi na ito nasundan. Hindi niya maiwasan na magtaka, kaya balak niya sanang iangat ang ulo para tignan ito nang isang dalawang pares na mamahaling sapatos ang lumitaw sa kanyang paningin. Nakita rin niya kung paano siya natatakpan ng anino ng lalaki dahil nasa harapan na niya ito. Agad ding nanunuot sa kanyang ilong at baga ang panlalaking amoy nito. Wala sa sarili siyang napahakbang paurong at muntikan pang matumba nang mawalan siya ng balanse dahil sa gulat. Halos mapasinghap siya ng malakas nang mabilis na hinawakan siya nito sa may baywang. "Look at me." Sa baritono at mapanganib na boses na utos sa kanya ng lalaki. Mas lalong nagwala ang puso niya sa pinaghalong takot at kaba. "I said, look at me." Pag-uulit nito sa sinabi nang nanatili pa rin siyang nakayuko, ngunit sa pagkakataon na ito ay halata sa boses ng lalaki ang tila nauubosang pasensya. Pa-simple siyang humugot ng malalim na hininga at lakas loob na iniangat ang ulo para tignan ito. Halos mahigit niya ang kanyang hininga nang sumalubong sa kanya ang matalim at nakakamatay na tingin nito. Ngunit mas na agaw ang kanyang pansin sa kulay abong mga mata nito. "Ang ganda," wala sa sarili niyang usal. Nang mapagtanto niya ang sinabi, agad siyang namula sa hiya, lalo na't nabasa niya ang aliw sa mukha nito at ang pagtaas ng sulok ng labi nito, ngunit agad din itong nawala. Nahihiyang iniwas niya ang paningin mula sa lalaki. "Now, you can't even look properly at your own savior who paid for a big amount just to save you?" Mahihimigan ang sarkasmo sa boses na sabi nito sa kaniya. Napakunot-noo siya. Nagugulohan niya itong tinignan pabalik. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi makapaniwalang napailing-iling ang lalaki. Ilang sandali niyang tinignan ito na tila isang puzzle, hanggang sumagi sa kanyang isipan ang nangyaring auction. Bahagya siyang nanginig sa takot nang maalala niya ang mga oras na iyon. 'Hindi kaya siya ang lalaki na iyon?' usal niya sa kanyang isipan. Nakumpirma ang kanyang kutob nang isang nakakainsultong ngisi ang pinakita ng lalaki at walang imik na naglakad ito paalis sa harapan niya. Napabuntong hininga naman siya at walang imik na sinundan ito. Umupo ang lalaki sa isang pang-isahang kulay abong single sofa at tamad na naglalagay ng whiskey sa isang nakahandang rock glass na nakapatong sa mababasaging coffee table. Agad na inubos nito ang laman bago nagsalin ng panibagong inumin. Tumikhim siya. "May I ask kung nasaan ako, Sir?" pormal niyang tanong. "At gusto ko sanang itanong kung bakit niyo ako binili?" pahina ang boses niyang pagdudugtong nang makitang matiim siyang tinitignan nito. Nakaramdam siya ng matinding pagka-ilang dahil na rin sa kasalukuyang itsura niya. Wala sa sarili niyang hinawakan ang hinlalaking daliri at bahagyang pinisil-pisil ito. "How about you take a seat first?" Halos mahigit niya ang hininga nang magsalita ang lalaki. Aminado rin siyang nagulat dahil hindi niya inaasahang aalukin siyang umupo nito. "Why do you look so surprised?" Magkasalubong ang mga kilay at tila naiinsultong tanong sa kanya ng lalaki. Napatikhim siya at agad na inayos ang kanyang reaksyon. Mabilis at patay-malisyang umupo siya sa bakanteng single couch na katapat ng kinauupuan ng lalaki, at tanging mababasaging coffee table lang ang nagbibigay ng pagitan sa kanilang dalawa. Bahagyang itinaas ng lalaki ang kanang kamay nito, na halos ikinatigas niya sa kanyang kinauupuan. May isang lalaking naka-black suit ang biglang sumulpot sa tabi niya. Halos mapatalon siya sa gulat. Akala niya talaga na silang dalawa lang ng lalaki ang nasa loob ng pribadong silid nito. Inabot sa kanya ng lalaking naka-black suit ang isang kulay brown na envelope. Gulat at nanginginig ang kamay niya itong tinanggap. Agad na bumakas ang pagtataka sa kanyang mukha habang tinitignan ang hawak na envelope, at saka inilipat ang paningin sa lalaking naka-upo sa harapan niya. Nakita niya itong seryoso na nakatitig sa kanya habang sumisimsim ng alak. Hindi niya natagalan ang tingin nito kaya mabilis niyang iniwas ang paningin at pilit na itinuon ang buong atensyon sa hawak na envelope. Sa namamawis na mga kamay, binuksan niya ito at kinuha ang mga papel na nasa loob. Agad na kumunot ang noo niya at unti-unting namumuo ang mga katanungan sa kanyang isipan nang makita itong isang marriage contract. "I bought you for 5.5 billion. From now on, you're mine and one of my possessions. You also need to work for me, and for your first task is to sign those papers and become my little obedient wife." Pagsasalita bigla ng lalaki na tila animo'y sumasagot sa mga katanungan sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD