KABANATA 2

2124 Words
ISA SA mga hindi kailanman gagawin ni Alverah ay ang magpakasal sa taong hindi naman niya mahal o gusto. Dati pa lang ay hindi na siya sang-ayon sa mga arranged marriage o marriage for convenience, dahil naniniwala siya na ang pagpapakasal ay sagrado at dapat sa mahal mo lang ito gagawin. Wala rin siyang balak na pumasok o sumugal muli sa isang relasyon, lalo na't kagagaling lang ng puso niya sa isang nakakatraumang pag-ibig. "Tititigan mo na lang ba ang mga 'yan? The pen won't move on its own to sign those papers," turan ng lalaki sa kanya nang ilang minuto na ang nakakalipas, at hindi niya pa rin magawang pirmahan ang marriage contract na hawak. Malalim siyang napabuntong hininga at tinignan ng maigi ang hawak na papel. Nakita niya ang magandang kurba at malinis na pirma ng lalaki. Katabi ng pirma ay ang magandang pangalan nito. 'Matthew Vesguerra,' piping usal niya sa kanyang isipan. Pigil ang hininga at labag sa kalooban niyang sinimulang pirmahan ang marriage contract. Nang matapos sa pagpirma, halos manigas ang kanyang kamay at hindi kayang bitawan ang ballpen dahil sa higpit ng pagkakahawak niya rito. Agad na kumilos ang lalaking naka-black suit na kanina pang nakatayo sa tabi niya at nag-aabang sa pirmadong mga dokumento. Tahimik at tila naluluging pinanood niya naman ito sa ginagawa. Kalmado nitong dinampot ang mga papeles at inayos, saka ipinasok muli sa isang envelope. Gusto niyang pigilan ito at punitin nalang ang mga papel, ngunit wala siyang lakas na loob para gawin ito. "Alis na po ako, Mr. Vesguerra," sabi ng lalaking naka-black suit. Nakita niyang tumango si Matthew. Sinundan niya ang paglalakad pag-alis ng lalaking naka-black suit, umaasa na bumalik ito at sabihing panaginip lang ito at kailangan niya ng gumising. Ngunit hanggang sa tuluyan itong makalabas sa opisina ay hindi man lang ito lumingon sa kinaroonan niya. Nang tuluyang naiwan silang dalawa ni Matthew sa loob ng pribadong opisina, agad namayani ang katahimikan. Hindi niya maiwasang kabahan at mailang, lalo na't isang mapanganib na tingin ang iginawad nito sa kanya. Tumikhim siya at saka umayos ng upo. Pa-simple siyang humugot ng malalim na hininga. "So, ano na ang mangyayari sa akin, Sir Vesguerra?" Malakas ang loob niyang tanong kay Matthew, sabay buong tapang na sinalubong ang mga mata nito. Ngunit kusa niya rin itong iniwasan nang hindi niya kayang tagalan ito. Masyadong intense ang mga titig na ibinibigay nito sa kanya, at kung nakakatunaw lang ang mga titig, baka kanina pa siya nalusaw na parang yelo. Nakita niya ang bahagyang pagtaas ng sulok ng bahaging labi nito. "A minutes later, you'll be my wife officially. And your second job is to entertain me," seryosong sabi ni Matthew sa kanya. Agad napabalik ang mga mata niya sa lalaki, tinitingnan kung nagbibiro lang ito. Ngunit ang tanging sumalubong sa kanya ay ang seryosong mukha nito. Kabado siyang napayuko, kunot-noo habang pinipisil ang hinlalaking daliri. Sa kaloob-looban niya ay nagsisimula na siyang atakihin ng anxiety. Nag-aalala siya kung magagawa niya ang gustong ipagawa ni Matthew sa kanya, gayung pagdating sa pag-entertain ng tao ay hindi niya ito gamay. Kahit sa pagbibiro ay wala siyang talento doon. Mahina siya bumuntong hininga at pagkatapos ay muli niyang itinaas ang ulo para tignan si Matthew. "W-what do you mean by entertain you? Paano ko 'yan gagawin, Sir Vesguerra?" Nagaalinlangan niyang tanong. Nakita niyang inubos muna ni Matthew ang alak at tiyaka inalapag ito sa ibabaw ng coffee table. Halos lumubog siya sa kanyang kinauupuan ng mas matiim siya nitong tinignan sa mata. "I heard you're a virgin. But I don't think you're that innocent either. I guess I need to teach my wife from the basic steps to how to entertain her husband," deritsong sabi nito sa kanya. "H-huh?" wala sa sarili niyang usal. Agad na buhay ang kaba sa puso niya, mabilis at malakas ang naging pagtibok nito. "Shall we start?" Mas dumoble ang kaba niya ng makita niyang tumayo si Matthew at nagsimulang naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Hindi siya mapakali at ramdam ang labis na pagkataranta ng agad na nakalapit ito sa kanya. Kasalukuyang nakatayo na si Matthew sa harapan niya, at nakatingala niya itong tinignan. "B-bakit ka lumapit?" halos magkandautal-utal niyang tanong. Madiin siyang napasandal sa may backrest ng single couch nang walang babala na inilagay ni Matthew ang sariling mga kamay mula sa magkabilang arm rest para ikulong siya sa kinauupuan niya. Nanliliit at pinagpawisan ng malamig niya itong tiningnan. Nang hindi niya na kayang tagalan ay agad na tinakpan niya ang buong mukha niya gamit ang mga kamay at palad, umaasa na sa pamamagitan na ito ay makakatakas at makakatago siya mula sa mga titig nito. "Useless," narinig niyang sabi ni Matthew. Akmang lalagyan niya sana ng kaunting siwang ang kanyang mga daliri para matingnan ito, ngunit biglang hinawakan at ikinulong ni Matthew ang kanyang mga kamay gamit lamang ang isang kamay. May kahigpitan din itong hinawakan ni Matthew, saka ito'y itinaas at pinirmi sa may ulo niya. Nahigit niya ang kanyang sariling hininga nang may pwersahan siyang napasandal sa may backrest. "Aray," mahina niyang daing. Hindi siya naging komportable sa posisyon na kinalalagyan niya, kaya sinubukan niyang alisin ang sariling mga kamay mula sa pagkakahawak ni Matthew, ngunit hindi siya pinayagan at hinayaan nitong makawala. "Stay still. You won't like it if I lose my patience, woman." seryoso at mariing banta nito sa kanya. Agad siyang kinabahan at tinakasan ng dugo sa mukha. Nanginginig sa takot niyang inalis ang mga paningin mula kay Matthew. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Matthew, kaya patago niya itong tinignan mula sa gilid ng kanyang mga mata. Nakita niya ang madilim na pagmumukha nito at tila nagpipigil ng inis. Akala niya ay tatayo na ito ng maayos at kusang susuko sa kung anumang binabalak nito, nang bahagya siyang nagulantang matapos biglang hinawakan ni Matthew ang kanyang baba at iginiya ang kanyang mukha paharap nito. Nanlalaki ang kanyang mga mata at halos mapasigaw siya sa gulat nang makita ang maliit na distansya ng kanilang mga mukha, dahil kasalukuyang nakayuko ito sa kanya. Sa sobrang ng kanilang mga mukha ay naamoy na niya ang amoy ng alak na humahalo sa hininga nito. Nakita niyang bahagyang binasa ni Matthew ang sariling labi gamit ang dila at laway. Hindi sinadyang mapako ang paningin niya mula rito. May natural na kulay pink ang mga labi ni Matthew, kaya ng mabasa ito sa laway ay bahagya itong namula. Wala sa sarili siyang napalunok sa sariling laway nang maramdaman ang tuyong lalamunan. Bumigat ang kanyang paghinga. At sa hindi malamang dahilan ay naramdaman niya ang mainit na temperatura na sumakop sa buong opisina. Nagsimulang may namuong pawis sa kanyang noo. Mabilis niyang iniwas ang kanyang paningin nang makita niyang nahuli siya ni Matthew mula sa kakatitig sa labi nito. Ramdam niya ang init sa mga pisnge at tainga niya. Sigurado siyang kapansinpansin ang pamumula niya na parang kamatis. Pinilit niyang ibaling at ituon ang mga mata sa gilid ng mukha ni Matthew. Kahit ramdam niya ang nanunusok na mga titig nito sa kanya. Mas lalong nagwala ang puso niya nang maramdaman ang paglapat ng isang malambot at mabasa-basa na bagay sa labi niya. Pigil-hininga at lumalaki ang kanyang mga mata habang naestatwa sa kinauupuan. 's**t! s**t! s**t!' nagpapanic niyang pagmumura sa kanyang isipan. Bahagya niyang pinakalma ang sarili at ang puso niya, sa takot na baka atakihin siya ng wala sa oras dahil lamang sa sobrang bilis at malakas na pagkabog nito na tila sumali sa isang karera. "Open your mouth." utos sa kanya ni Matthew habang nanatili pa rin magkalapat ang kanilang mga labi sa isa't isa. Tila may sariling utak ang katawan niya para hindi niya ito ma-kontrol, at saka agad na sinunod ang sinabi nito. Naramdaman niya ang bahagyang pagngiti ni Matthew. Akmang ilalayo na sana niya ang mukha para tingnan ito at kumpirmahin, ngunit hindi siya pinayagan nito at bigla siyang siniil ng isang malalim na halik. Nakaramdam siya ng matinding pag-ikot ng paningin dahil sa idinulot nito sa kanya. Mas lalo pa siyang nawala sa sarili nang maramdaman ang paggalaw ng dila nito sa loob ng kanyag bibig. Ayaw niya mang ipahalata kay Matthew ang naging epekto sa ginagawa nito sa kanya, ngunit kusa naman siyang binubunyag ng kanyang sariling katawan. Naliliyo at napapikit niyang dinarama ang mainit at malalim na halik na ibinibigay ni Matthew sa kanya. Ilang sandali ay nakita niya na lamang ang sarili na sinasabayan ang paraan ng paghalik nito at saka ipinulupot ang mga braso sa leeg nito. Bahagya niyang hinigit ang ulo nito palapit sa kanyang mukha at parang sabik na sabik na mas pinalalim ang kanilang halikan. Sa isang iglap ay tuloyang nalunod siya sa halik. Hindi na gumagana ng maayos ang utak niya sa pag-iisip. Alam niya sa sarili na kailangan niya ng huminto, ngunit hindi niya magawa. Tila tuluyang nawalan siya ng kontrol sa sariling utak at katawan. Naramdaman niya ang bahagyang pag-angat ng katawan niya mula sa kakaupo. Mas hinigpitan niya ang pagkapulupot ng kanyang braso sa leeg ni Matthew nang walang kahirap-hirap siya nitong inangat gamit ang mga kamay na nakasuporta sa may bandang pwet niya. Mabilis niya ring ipinulupot ang mga binti sa baywang nito. Hindi niya mapigilang mapaungol nang bahagyang sumagi ang basang hiyas niya na tanging panty lang ang pangharang, mula sa matigas at umuumbok na alaga sa suot na slacks ni Matthew. Naramdaman niyang nagsimulang maglakad si Matthew habang hindi pa rin pinuputol ang mapusok na halikan. Bawat hakbang nito ay hindi niya mapigilan ang pag-ungol at halos tumirik ang mga mata dahil sa kiliting idinulot sa tuwing natatamaan ang basang hiyas niya. Mahina siyang napapahalinghing habang abala pa rin sa pakikipag-espadahan gamit ang kanilang mga dila, at walang pakealam sa naghahalong mga laway nilang dalawa. Nadama niya ang paghinto sa pagkalalakad ni Matthew, at ilang sandali ay napagtanto niyang dinala siya nito sa ibabaw ng sariling office table, matapos maramdaman ang pagkalapat ng kanyang pang-upo sa malamig at makinis na mababasaging mesa nito. Nang maramdaman niya na tila nakakapusan na siya ng hininga, kusa niyang binasag ang kanilang halikan. Bahagya niyang inilayo ang sariling mukha at saka naghabol ng hininga. Naliliyo niya tiningnan si Matthew, habang mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Nanatili ring nakapulupot ang mga braso niya sa leeg ni Matthew. Samantlang, nanginginig at nanghihina niya namang inalis at binaba ang mga binti mula sa pagkakapulupot sa baywang nito. Hindi niya maiwasan na mariing mapakagat sa ibabang labi nang may gigil na pinisil ni Matthew ang kanyang magkabilang baywang, saka idiniin ang sarili mula sa kanya. Mas lalong namungay ang kaniyang mga mata. Naramdaman niya rin ang panunuyot ng kaniyang lalamunan. "W-what?" Tila namamaos niyang ani nang mapansin na matiim itong sa kanya. Hinintay niya itong sumagot, ngunit isang nakakabinging ingay ng ringtone ng cellphone na hudyat na may tumatawag ang bumasag sa namatuwing katahimikan sa loob ng private office ni Matthew. "f**k!" Pagmumura nito at galit na kinuha ang cellphone na nakalapag lamang sa office table nito. Tahimik na pinagmamasdan niya lamang ang lalaki. Malinaw niyang nakita kung pa'no mas dumilim ang pagmumukha nito at ilang sandali ay marahas na pinatay ang tawag. "Prepare yourself tonight." Walang ka-emosyon nitong sabi sa kaniya at walang paalam na iniwan siya nitong mag-isa sa office nito. Natutula naman siyang nanatiling nakaupo sa ibabaw ng office table. Nang matauhan ay agad na tila binuhusan siya ng malamig na tubig matapos mapagtanto ang mga nangyari. "What the hell?" mahina niyang usal. Narinig niya ang tatlong beses na pagkatok mula sa hindi kalayuan na pinto. Nakita niya ang bahagyang pagpihit ng doorknob. Sa takot na maabutan at makita ang position niya ay dali-dali siyang bumaba sa office table at mabilis na inayos ang sarili. Isang babae na nakasuot ng maid uniform ang pumasok. "Good afternoon, Madame. Ako nga ho pala si Frida at ako ang naatasan na dalhin ka sa magiging silid mo po." Pagpapakilala nito sa kanya. Tipid lamang siyang tumango at hilaw na ngumiti. Hindi magawang magsalit dahil sa labis na hiya at panliliit na nararamdaman. Tahimik lamang niya itong sinundan habang sa kaloob-looban niya ay patuloy niyang kinakastigo ang sarili. Hanggang sa marating nila ang magiging silid niya ay mahina sa boses lamang siyang nagpasalamat. Nang tuluyan siyang naiwan ng mag-isa sa kwarto ay mabilis siyang lumapit sa kama at walang kaingat-ingat na sumalampak mula rito. Puno ng gigil niyang hinahampas ang kama gamit ang nakakuyom na mga kamay at impit na sumigaw habang nakasubsob ang pagmumukha sa unan. Nang tila nakakapusan siya ng hininga, saka lang siya tumihaya sa paghiga at pagkatapos ay inis na sinabunutan ang sariling buhok habang paulit-ulit na sinisisi ang sarili. Hindi siya makapaniwala na gano'n siya karupok at kay daling bumigay sa bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD