"MOMMY, STOP it," iritang sabi ni Alverah sa kanyang Ina na kasalukuyang nakaupo sa passenger seat at bahagyang kinukunan siya ng video.
"Stop being so grumpy, sweetheart. Ngayon lang ulit tayo makakapagbakasyon kaya iwan mo muna sa siyudad ang problema mo," nakangiting sabi ng Ina sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Iritado siyang umirap sa hangin at saka pinagkrus sa may bandang dibdib niya ang kanyang mga braso.
"Bakit kasi ang hilig niyo sa padalos-dalos na bakasyon, Mom? Ayos na ang plano ko, maayos na iyong plinano namin ni Julius. Tapos kung kailan malapit na kaming aalis ay doon ka pa biglang mag-aanunsyo ng family trip," mataray niyang sabi nito.
Planado na niya at ang kanyang nobyo na si Julius na mag-out of town kasama ang mga kaibigan nito. Ngunit kung kailan nalalapit na ang petsa ng kanilang byahe, biglang nag-anunsyo ang kanyang ina na gusto nitong magbakasyon kasama ang buong pamilya bilang birthday gift na rin sa nalalapit nitong kaarawan. Dahil dito, napilitan siyang kanselahin ang lakad nila ni Julius at mas pinili niyang sumama sa family trip ng kanyang Ina.
"Someone's facade is tearing down, alert," pang-aasar sa kanya ni Anthony, ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki at katabi niyang nakaupo sa may backseat.
Magkasalubong ang mga kilay at matalim na tingin ang ipinukol niya rito, dahil pinupuntarya nito ang kumakalat sa university ang pagiging mabait niya.
"Shut up, you nerd!" pikon na asik niya sa kapatid. Mahina lamang itong tumawa.
"Alverah Fajardo, stop giving us with that kind of attitude. And don't talk your Mom with a tone like that. Kaya nga sinabi namin sa'yo na pwede mo siyang isama kung gusto niya. Moreover, this trip will serve as your Mom's birthday gift, so, don't ever break her heart. I'm warning you," puno ng babalang sabi ng Ama niya sa kanya, na kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan. "And also, Anthony. Stop teasing your older sister and keep away all your gadgets or I might confiscate them." pagsusuway naman nito sa kapatid niya.
Itinikom niya agad ang bibig at saka nagpupuyos sa iritasyon niyang ibinaling ang paningin sa labas na nadadaanan ng kanilang sasakyan.
Nakita niya sa repleksyon ng salamin na bintana ng sasakyan ang ginawa ng nakakabatang kapatid niya. Maingat nitong ipinasok ang mga gadgets sa loob ng back pack na dinala, saka inilabas ang isang makapal na libro. Napailing-iling at napapangiwi niya itong nilingon.
"What?" Pagtatanong nito sa kanya ng makita siyang nakatingin.
Umiling siya at mas piniling isandal ang ulo sa headrest ng kanyang upuan saka ipinikit ang mga mata. Balak niya na lamang matulog.
"Where are we na pala, Dad? Malapit na ba tayo?" Narinig niyang tanong ng kanyang kapatid sa kanilang ama.
"We're almost getting there, baby," boses ng Ina niya ang narinig niyang sumagot.
Buong byahe ay nanatiling tahimik lang siya. Hindi magawang matulog, gayung ayaw matahimik ng utak niya mula sa kaka-isip sa naiwang nobyo. Kanina niya pa gustong puntahan si Julius dahil kagabi niya pa itong hindi ma-contact, matapos nang mag-away sila.
Bugnot ang mukha siyang napabuntong hininga at inis na kinuha ang cellphone na nasa loob ng maliit na backpack niyang dala.
Binuksan niya ang messages at mas bumigat ang puso niya nang wala siyang natanggap na kahit isang reply mula kay Juluis.
Pinindot niya ang inbox nito at saka nagsimulang mag-tipa.
'Love, I'm sorry, please bati na tayo.' usal niya sa kanyang isipan at pagkatapos ay pinindot na ang send button.
Akala niya ay wala siyang makukuhang reply nito, 'gaya sa mga naunang messages niya. Ngunit agad na pumaskil ang malaking ngiti sa labi niya nang tumunog ang cellphone at sabay lumitaw ang reply nito.
"If you really meant it. Then come back here this instant." Tahimik niya itong binasa. Agad siyang nalungkot at nagsimulang mag-tipa ng panibagong mensahe.
"You know that I can't." Pigil-hininga niya itong ipinadala. Wala sa sarili niyang pinisil ang hinlalaking daliri habang balisa na hinintay ang magiging reply ng nobyo.
Halos nabitawan niya ang kanyang cellphone nang makita niya ang naging reply ni Julius. "I know that you can. If you don't come back within this day, then you might just want to forget everything that we have. I will break up with you." Sunod-sunod ang reply na natanggap niya mula dito.
'No!' Agad na sigaw ng utak niya. Hindi siya papayag na masasayang sa wala na lamang ang lahat ng pinagsamahan nila ni Julius.
"Mom, can we stop over from a near gasoline station? Malapit ng pumutok ang pantog ko," wala sa sarili niyang sabi. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto ang sinabi. Ganito na ba siya kabaliw sa pag-ibig upang kusa nalang kikilos ang sarili niya para gumawa ng paraan para isalba ang relasyon nila ng kanyang nobyo?
"Can you still hold it for a minute, Ve? Maghahanap lang ako ng gasoline station dahil kailangan ko ring magpa-gas refill," ang ama niya ang sumagot sa kanya.
Tumango siya at tipid na ngumiti. "Yes, dad," sagot niya. Ang totoo ay hindi naman siya naiihi, palusot lamang niya iyon.
Hindi niya maiwasan na kabahan sa binabalak niyang gagawin. Balak niya kasing gamitin ang pagkakataon na iyon para tumakas at puntahan si Julius.
Pagkalipas ng ilang minuto sa kakahanap ng gas station ay tuluyan din silang nakahanap. Hindi pa sila masyadong nakakalapit ay malinaw nilang natatanaw na may mga sasakyan pang naka-pila.
Mahina na pina[atakbo ng ama niya ang sasakyan.
"Dad, pwede na bang lumabas habang may pila pa?" Tila naatat niyang tanong.
"Alright," tipid na sagot ng ama sa kanya.
Akma sana niyang bubuksan nang malaki ang pinto ng sasakyan nang biglang marinig niya ang malakas at mahabang busina. Huli na niyang napagtanto ang nangyari nang maramdaman niya ang malakas na impact na tumama sa kanilang sasakyan.
Isang ten-wheeler truck ang nawalan ng preno. At sa kasamaang palad, isa sa sasakyan nila ang nahagit nito. Nagkandabaligtad ang kanilang sasakyan sa lakas ng pagbangga, at pagkatapos noon ay nakita niya na lamang ang pamilya niya na walang malay habang naliligo sa sariling mga dugo. Saka tuluyan nang dumilim ang lahat.
Isang malakas na hikbi ang kumawala sa bibig ni Alverah nang magising siya sa isang masamang panaginip o mas magandang sabihin, mga alaala niya. Damang-dama niya ang labis na kabigatan at paninikip ng puso. Tahimik at patuloy din ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Ilang taon na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin siyang dinadalaw ng mga alaala na gustong gusti na niyang takasan at kalimutan. Gusto na niyang kalimutan ang masasakit na alaala na iyon, ngunit hindi niya magawa, gayung palagi siyang dinadalaw nito habang tulog.
"Why are you crying?" Isang malalim na tinig ang kumuha ng kanyang atensyon.
Tinignan niya ang pinanggagalingan ng tinig at doon niya lang napagtanto ang kasalukuyang posisyon niya.
Nakadagan ng kaunti ang ibabang katawan niya mula sa matikas na dibdib ni Matthew. Wala itong suot na damit sa pang-itaas kaya ramdam niya ang init nito.
Natigilan siya at nanigas. Nang tuluyang makabawi sa pagkagulat, halos mapasigaw na umalis sa pagkahiga at tila napapasong lumayo siya kay Matthew. Sa sobrang gulat at taranta rin niya ay muntikan pa siyang mahulog sa kama dahil hindi niya napansin na nasa gilid na pala siya ng kama. Mabuti na lamang ay mabilis ang naging reaksyon ni Matthew at hinawakan siya sa kamay sabay hinila. Parang spring siyang sumalampak sa katawan nito.
"Aray," nakapikit at mahina niyang daing.
'Ano 'to?' usal niya sa isipan. Nangunot ang kanyang noo nang may nahahawakan siyang matigas pero may kalambutan t mainit na bagay. Bahagya niya itong pinisil.
"Get off your hands on my crotch woman. Don't play a fire if you're not ready to get it burn," mababa sa boses at puno ng babalang sabi ni Matthew sa kanya.
Agad siyang napadilat ng mga mata at ramdam ang bahagyang pagtayo ng mga balahibo sa may batok niya. Dahan-dahan siyang tumingala para tignan ang mukha ni Matthew. Tumambad agad sa kanya ang madilim at tila may tinitimpi sa mukha nito.
Kumabog ng malakas ang puso niya. Ramda niya rin ang masamang kutob sa kasalukuyang hawak ng kamay niya.
Napapalunok siya sa kanyang laway nang tinignan niya ang ibabang parte ng katawan ni Matthew.
Wala sa sarili niyang napisil ito ng may tamang lakas. Narinig niya ang tila nasasaktang daing ni Matthew. Napatulala siya ng ilang sandali, nang tuluyang nag-sink in sa utak niya ang nangyayari ay malakas siyang napatili at mabilis na lumayo sa lalaki. Halos magkanda-dapa siyang bumaba ng kama at saka namumutlang tinignan si Matthew.
'D-did I just...' hindi makapaniwala niyang usal sa isipan.
Nakita niya ang pag-igting ng panga ni Matthew. Mas lalo ring dumilim ang pagmumukha nito.
"Damn! Stop screaming!" galit na bulyaw sa kanya ni Matthew. Agad niyang tinakpan ang bibig gamit ang kamay.
'What the heck was that? Tangina, umagang-umaga!' hindi makapaniwala niyang usal sa kanyang isipan.
Wala sa sarili siyang napatingin sa kanyang kamay na ginamit pang takip ng bibig, at agad na nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na ang makakasalanang kamay ang ginamit niya.
Walang imik at mabilis siyang kumaripas ng takbo papunta ng banyo at pagkatapos ay halos balibag isirado dahil sa pagkataranta. Nanghihina siyang napasandal nito. Hindi niya maiwasan na matanaw ang sariling repleksyon mula sa malaking salamin na nasa loob ng banyo. Malinaw niyang nakikita ang sarili na halos nagmala-kamatis dahil sa pamumula. Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha. Ramdam niya rin ang init nito.
Bahagya niyang pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. Ngunit agad ding napatigil nang napatingin sa pahamak niyang kamay.
Patakbo siyang lumapit sa sink at naghugas ng kamay.
"Pahamak ka talaga," paninisi niya sa sariling kamay.
Mag-iisang linggo palang ang nakakalipas matapos siyang dinala sa mansion ni Matthew at ginawang asawa. Sa loob ng mga araw na lumipas ay nagigising na lamang siya kinaumagahan na katabi na ito sa kama. Alam niyang normal lang iyon sa mag-asawa, ngunit ang buong akala niya ay hindi ito kailanman papayag na matutulog sila sa iisang kama at magkasama sa iisang kwarto, lalo na't mag-asawa lamang sila sa papel.
Parati ring wala sa bahay si Matthew—na laking ikinatuwa at pasasalamat niya ng sobra dahil sa hindi parin siya komportable sa presensya nito at nagagawa niyang makatulog ng mahimbing sa gabi. Ngunit kinabukasan ngalang ay palaging gulantang ang kanyang kaluluwa sa tuwing magigising na lang siya na katabi ito at natatakot na baka makagawa na naman siya ng pagkakamaling kilos na magdudulot ng kahihiyan para sa sarili niya. Sa kasamaang palad ay nangyari na nga ang kinatatakutan niya.
Aminado siyang hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya ang p*********i ni Matthew, ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang mawindang sa nangyari, lalo na't ilang araw pa lang ang nakalipas matapos ang kahihiyang ginawa niya sa loob ng opisina nito. Pilit niyang kalimutan at burahin sa kanyang isipan ang kababalaghan na nangyari na laking pasasalamat niya nang hindi na muli pa itong nasundan. Ngunit kung kailan nakakabawi na siya at nakakaahon sa kahihiyan ay nangyari naman ito sa kanya.
'But in fairness, it was so f*****g hard and big!' sigaw sa kabilang parte ng utak niya. Mabilis siyang napatigil at marahas na napahilamos sa mukha, nagbabasakali na mahimasmasan at matigil man lang ang maduming pag-iisip.
"Umayos ka, Alverah. Dapat maghunos-dili ka" pagsusuway niya sa sarili at bahagyang tinapik-tapik ang magkabilang pisnge habang tinignan ng mariin ang sarili sa salamin.
Nang tuloyan siyang kumalma ay doon niya lang tinapos ang paghihilamos at saka tuluyang lumabas na ng banyo. Agad siyang nakahinga ng maluwag nang hindi niya na nakita si Matthew sa kama, at tanging si Frida lang ang naabutan niya.
"Nasa hapagkainan na po si Sir Matthew, Madame. At pinapatawag kana po," sabi ni Frida sa kanya.
Tipid naman siyang tumango at puma-unang lumabas ng kwarto habang tahimik naman itong nakasunod sa kanya sa likuran.
Mukhang hindi na naman siya matutunawan sa kakainin niya mamaya.
Pagkarating nila sa dining area ay agad niyang nakita ang likuran ni Matthew. Nakita niyang nagsisimula na itong kumain.
Pasimple siyang huminga ng malalim para humugot ng lakas na loob. Pagkatapos ay maingat na lumapit sa nakahandang upuan na para sa kanya.
Pagkaupo niya ay agad siyang pinagsilbihan ng mga katulong. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng kaunting hiya at pagka-ilang.
Kung hindi lang siya tuluyang nakapag-adust sa panibagong klaseng buhay na meron siya sa nagdaang mga taon, ay hindi niya maramdaman ang mga emosyon na ito. Dahil sa dating buhay na meron siya ay normal lang sa kanya na pagsilbihan, kaya nang magbago ang buhay niya at nawala ang lahat sa kanya, lalo na ang marangyang buhay ay labis na lang na paghihirap ang nangyari sa kanya. Dobleng hirap at pagtitiis ang ginawa niya para lamang makapag-adust agad sa ibang klaseng pamumuhay na meron siya.
"Thank you." Tipid siyang ngumiti at tanging tango lamang ang itinugon ng maid.
Nagsimula na siyang kumain ng tahimik. Pinilit niya ring huwag pansinin at mas piniling kalimutan ang presensya ni Matthew. Ngunit wala pa ring kwanta, gayung malinaw niyang nakikita ito sa gilid ng mga mata niya na tahimik lang ding kumakain habang walang mababakas na emosyon sa mukha.
Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa loob ng dining area. Kaya malinaw niyang naririnig ang papalapit na yapak at tunog ng takong ay agad siyang napahinto sa pagkain at saka napabaling ang paningiin mula sa b****a ng dining area. Nakita niya ang isang kapapasok lang na isang sexy na babae na puno ng kolorete sa mukha at malaki ang ngiting lumapit sa likuran ni Matthew, pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na yinakap ito mula sa likuran sabay hinalikan ito sa leeg.
Gulat at halos mabilaukan siya sa kinakain niya dahil sa nasaksihan.
***
MALAKAS siyang napabuntong hininga habang nakatanaw sa paligid.
Kasalukuyan siyang nagpapahangin sa hardin. Pinili niyang upuan ang isang gawang kahoy na duyan habang sa harapan ay nakikita ang isang nakatayong fountain. Tahimik ang kapaligiran at sariwa rin ang hangin. Ngunit, kung gaano katiwasayan ng paligid, siyang kabaliktaran naman ng kanyang magulong isipan.
Kanina pa gumugulo sa kanyang isipan ang nasaksihan sa hapag kainan. Dapat sana'y hindi na siya nag-aksaya ng oras mula sa mga bagay na hindi mahalaga, ngunit heto siya ngayon, ilang oras na ang lumipas at binabagabag pa rin. Hindi rin nakakatulong sa kanya ang paulit-ulit na marinig sa kanyang isip ang utos ni Matthew sa isa sa kasambahay na dalhin muna ang bagong dating na babae sa opisina nito bago ituloy ang pagkain na para bang walang nangyari. Habang siya ay distracted at hindi makakain ng maayos. Hanggang sa natapos kumain si Matthew ay walang imik siyang iniwan nito sa hapagkainan at hindi na nakita pa ang presensya nito o maging ang babae sa loob ng mansion.
Malakas siyang napabuntong hininga at pilit na iniwaksi ang gumugulo sa kanyang isipan. Mas pinili niyang tamasahin ang katahimikan at tanawin sa hardin.