KABANATA 4

1670 Words
"PUWEDE KO BANG puntahan ang library na nandito?" tanong ni Alverah sa katulong na si Frida matapos mag-agahan. Sa araw na ito ay napili niyang magpalipas ng oras sa loob ng library. Hindi siya gaano mahilig magbasa, ngunit sa kawalan ng magawa at sobrang pagkabagot, mas gugustohin niya na lamang mag-basa kaysa matulog buong araw. Sa nakalipas na mga araw, tanging tulog at kain lamang kanyang inatupag. Kaya sa takot na baka tumaba siya, paminsan-minsan siyang nagwo-work out. Wala kasing bagong task na ibinigay sa kanya ni Matthew. Pinagbabawalan din siyang lumabas sa villa nito, kaya parang tuloy siyang isang bilanggo. Ayaw niya din na walang ginagawa, kaya sinubukan niyang tumulong sa mga gawaing bahay, ngunit hindi siya hinahayaan ng mga kasambahay. Kapansin-pansin din ang pagka-'di gusto sa kanya ng Mayordorma. "Pwede naman po, Madame. Ihahatid po kita doon," magalang na sagot sa kanya ni Frida. Tipid lamang siyang tumango at pilit na tinatago ang excitement na nararamdaman niya. Hindi niya inaasahan na mararanasan niyang maging excited sa simpleng bagay. Pagkarating nila sa library ay hindi niya mapigilan na mapanganga. Hindi ito ang unang beses na napuntahan at nakita ang ito, dahil minsan na siyang inilibot at pinasyal ni Frida sa buong mansion. Ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang mamangha. Sa nanlalaki at kumikinang na mga mata ay sinuyod niya ng tingin ang kabuohan ng library. Malawak ang kabuohan ng library, kung ikukumpara niya ito sa dati niyang kwarto ay mas malaki pa ito. Kapansin-pansin din ang disenyo at arkitektura sa silid. Naaamoy niya rin ang amoy na tila kahoy at mga pinaglumaan na mga libro. Ilang estante rin na naka-helera ang nakikita niya at puno ito ng mga makakapal na libro. Bahagya siyang tumingala at tinanaw ang nakasabit na mababasagin na chandelier. Nagmumukhang mga diyamanteng kumikinang ang mga nakasabit na kristal dito. Agaw pansin din ang nakapinta sa may kisame na tila katulad sa mga nakikita niya na nasa museum na disenyo. Puno ito ng mga larawan ng mga tao na tila nagmula pa sa Renaissance period dahil sa mga kasuotan ng mga ito. Sunod namang napabaling ang atensyon niya mula sa ikalawang palapag na nasa loob ng library. Natatanaw niya na maging ito ay may mga libro ring naka-helera. "Pwede ba akong umakyat doon?" Nakangiti niyang tanong kay Frida at saka tinapunan ito ng tingin. Agad naman siyang tinubuan ng hiya nang makitang tipid itong nakangiti habang nagmamasid sa kanya. Pasimple siyang tumikhim at pilit na tinatago ang ekspresyon. "Ayos lang po, Madame," nakangiti nitong sagot. Tumango siya at naramdaman niya ulit ang pagkabuhay ng excitement sa kalooban niya. "Pwede mo muna akong iwan dito," sabi niya kay Frida. Nakita niyang bahagya itong natigilan. "Sigurado ka po, Madame?" May bumahid na tila pagalala sa mukha nito. Puno ng pagtataka niya itong tinignan. "Bakit? Bawal ba akong mag-isa dito? May nagpaparamdam ba dito?" kinakabahan niyang tanong. Nakita niyang may tila gusto itong sabihin ngunit kalaunan ay umiling na lamang ito at nakita niya ang pagayos ng ekspresyon nito sa mukha. "Wala naman po," sagot ni Frida at tipid na ngumiti. Akala niya talaga ay bawal o baka may nagpaparamdam nga na hindi nila nakikita. Kaya hindi niya maiwasan na makahinga ng maluwag nang marinig ang isinagot nito. "Kung gano'n po ay maiwan ko na po muna kayo. Tawagin niyo lamang po ako sa isa sa telepono na nandito kapag may kailangan po kayo, Madame." Bahagya nitong may itinuro sa bandang parte ng library. Sinundan niya naman ito ng tingin. Nakita niya ang isang sofa set, pinapalibutan nito ang isang gawa sa kahoy at may magandang kurba na coffee tabale. Sa ibabaw nito ay ang isang teleponong nakapatong. "Maiwan ko na po muna kayo." Napatingin siya muli kay Frida ng magsalita ito. Tipid naman siyang ngumiti at tumango. Nang tuluyang naiwan siyang mag-isa sa loob ng library ay pala-isipan pa rin sa kanya ang naging reaksyon kanina sa kakaalis lang na katulong. "Ano kaya iyon?" bulong niya. Sinuyod niya muli ng tingin ang buong silid. "Hindi kaya may multo talaga dito na nagpaparamdam?" Hindi maiwasan kabahan dahil sa naisip. "Kung totoo man talagang may multo dito, huwag lang talaga silang magkakamaling magparamdam, dahil iiyak talaga ako." mahina niyang usal habang kabadong tinitingnan ang paligid. Malakas siyang napabuntong hininga at saka napagpasyahang pumunta sa ikalawang palapag para doon maghanap ng pwedeng babasahin. Nang tuloyan niyang marating ang ikalawang palapag ay halos malula siya dahil sa daming libro na naka-helera sa kanyang harapan. Isang panibagong set ng sofas ang nakita niya at maging ito ay may coffee table din sa gitna. Maingat ang lakad niyang nilapitan ang malapit na estante ng mga libro at marahan niyang hinaplos ang libro na abot kamay niya lang. Makakapal na balat ng hayop ang naka-cover nito at kulay ginto ginamit pang kulay sa nakaguhit ng mga libro. "Wala bang pocketbook dito?" mahina niyang usal sa sarili. Dati kasi ay isa ito sa nakakayanan niyang tapusing basahin. Ilang minuto na ang nakakalipas at halos nilibot niya na ang ikalawang palapag, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nahanap o nagustuhang basahin. Dahil kung hindi philosophy iyong mga libro na nakahelira ay tungkol naman sa pang-ekonomiya o negosyo na pamilyar na rin sa kanya. Sa dating pinag-aaralan niya, kilala siya bilang isa sa mga matalino sa kanilang batch. Ngunit ang hindi nila alam, sa likod ng maganda at matataas na marka na nakukuha niya, ay isang dalaga na pressured lamang dahil sa dinadala nitong pangalan. Napilitan lamang siyang magsipag sa pagaaral dahil sa takot na baka madismaya ang mga magulang niya at mapuna mula sa mga taong nagbabantay ng bawat galaw nila. Lalo na rin dahil isa siya sa mga tagapagmana ng kilalang pamilya pagdating sa negosyo. "I give up," sabi niya na hindi maipinta ang mukha, at saka mas piniling magliwali sa baba sa pag-asang doon na siya makakahanap ng librong makakuha ng kanyang interes. Bawat shelves na nadaanan ay hindi niya pinalagpas. Umaakyat pa siya sa nakahandang hagdan para makita ang nasa pinaka-itaas na hindi na kaya niyang maabot sa kamay. Nang nasa pinakadulo at huling estante ng mga libro siya napadpad ay bigo siyang bumaba sa hagdan na gawa sa kahoy at kanina niya pa ito tinutulak. Pagod niyang pinunasan ang pawis na namuo sa kanyang noo. "Anong klase ba namang library na ito? Katulad na katulad sa nagmamay-ari nito na napakaseryoso," naiinis niyang usal. "Bahala na nga!" Suko na siya sa seryosong paghahanap. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata. Desperada na siya sa mga oras na ito. Ayaw niyang mamatay sa pagkabagot. Tinatamad rin siyang matulog kahit napaka-cozy pa ng silid na ito. Bahagya niyang itinaas ang kamay niya at walang tingin na itinuro kung saan-saan ang kanyang panturong daliri mula sa harap ng mga estante ng libro. Idinilat niya agad ang mga mata niya at tinignan kung saan nakaturo ang daliri niya. Nakita niyang nakaturo ito sa isang kulay itim na cover at may kakapalan na libro. "Sana naman na hindi tungkol ito sa negosyo," mahina niyang bulong sa hangin. Walang pagdadalawang isip niyang kinuha ito. Hindi niya mapigilan na mapangiwi nang maramdaman ang kabigatan nito. Pero agad na napabaling ang kanyang atensyon matapos makarinig siya ng mahinang tunog. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at mabilis na pinagtayuan ng mga balahibo sa pag-akala na baka may nagpaparamdam na hindi niya nakikita. "Ito ba iyong gustong sabihin sana ni Frida?" Kinakabahan niyang sabi. Ilang sandali ang lumipas ay wala sa sarili siyang napaatras paurong nang makita niya ang pag-galaw ng isang estante na nasa harapan niya. Umurong ito at pagkatapos ay sumuksok ito sa gilid ng katabing estante. Hindi nagtagal ay isang red door ang tumambad sa kanyang harapan. Napanganga at nanlalaki ang mga mata niya itong tinignan. "What the heck just happened?" nagugulantang niyang usal. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan lalo na't nakikita niya lang ito sa isang palabas na may pa-secret door. Kinain agad siya ng kuryusidad. Ramdam niya ang kagustohan na buksan ito. 'No, stop what you're thinking Alverah, remember the saying that curiosity can kill the cat,' pagsusuway agad sa kanya ng bahaging parte ng utak niya. Ngunit nakikita niya na lamang ang sarili na bahagyang inaabot niya ang doorknob habang bitbit pa rin sa kaliwang braso ang mabigat na libro. "What are you doing here?" Halos mapatalon siya at muntikan ng mabitawan ang dalang libro dahil sa gulat nang makarinig siya bigla ng boses sa kanyang likuran. Sapo ang puso at namumutlang niya itong hinarap. Agad siyang nanigas at tila nagmumukha siyang nahuli sa isang krimeng ginawa, dahil sa harapan niya ay isang Matthew na may madilim na pagmumukha. Magkasalubong ang mga kilay at nakakamatay na matalim na tingin nito ang nakapukol sa kanya. Halata sa mukha nito ang galit at tila hindi nagugustohan ang nasa harapan nito. "What do you think you're f*****g doing here?" puno ng mapanganib sa boses nitong tanong sa kanya. Napalunok siya sa kanyang laway. "N-nandito ako para magbasa," utal niyang sagot habang takot itong tinignan. "Get out." Halata sa boses nito ang pagpipigil ng galit. Ilang segundo siyang napatulala. Malinaw ang pagkasabi nito pero para sa kanya ay hindi niya masyadong maintindihan. "H-huh? Anong sinabi mo?" hindi sigurado niyang tanong. "I said you f*****g get out!" Parang kulog na pumutok sa galit nitong bulyaw sa kanya. Napapikit naman siya at halos bahagyang napatalon dahil sa gulat. Nabitawan niya rin ang librong kanina pang bitbit. Ilang segundo siyang nanigas sa kinatatayuan niya habang nanginginig sa takot. Mabilis ang naging kabog ng puso niya at pinanlalamigan ng pawis. Nang makitang niyang akmang sisigawan muli siya ni Matthew ay halos magkanda-dapa siya sa aligagang pagtakbo upang makalayo mula rito, saka takot at walang lingon nya itong iniwan mula sa kinatatayuan nito. Pagkalabas niya sa library ay patuloy pa rin siyang tumatakbo. May ilang katulong din siyang nadadaanan na bahagyang napapahinto sa kanilang ginagawa at puno ng pangusisa siyang tinitingnan. Ngunit hindi niya na magawang pansinin ang mga ito, dahil ang tanging nasa isip lang niya ay ang kagustuhang makalayo sa nakakatakot na si Matthew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD