KABANATA 5

1847 Words
PAGKARATING NI ALVERAH sa silid nilang dalawa ni Matthew ay malakas niyang sinara ang pinto at saka ni-lock ito. Habol ang hininga at pagod siyang napasandal mula sa pinto at nanghihinang unti-unting napadausdos pababa hanggang sa tuluyan siya mapasalampak nang upo sa sahig. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya dulot sa walang tigil na pagtakbo niya. Bahagya niyang itinaas ang dalawang kamay at nakita ang pamumutla, panginginig at ang kalamigan ng mga ito. Nanghihina niyang ibinaba ang mga kamay at binaluktot ang mga tuhod bago yinakap ito ng mahigpit saka yumuko. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit si Matthew para magawa siyang sigawan nito. Dahil sa loob ng ilang araw na nakakasama niya ito sa mansion, malamig ang naging turing nito sa kanya. Tila tinuturing na isang parang hangin at hindi nagi-exist sa harapan nito. Dalawang araw din niya itong hindi nakita, at iyon ang una nilang pagkikita muli. Pero ayon ngalang ay galit agad ang sinalubong nito sa kanya. "G-gusto ko ng umuwi." garagal ang boses niyang sabi hangin. Sa mga oras na ito ay hindi niya maiwasan na makaramdam nang pangungulila mula sa mga magulang at kapatid niya. Kung buhay lang sana sila at kasama niya, hindi niya sana mararanasan ang lahat na ito at mapupunta sa ganitong sitwasyon. Ilang sandali rin siyang nasa ganong posisyon, nang mahimasmasan at kumalma ng konti, ay napagpasyahan niyang lumipat sa kama para makapaghinga nang mabuti. Lumipas ang buong araw ay nagkulong lamang siya sa loob ng silid para magtago. Wala siyang lakas na loob para lumabas sa kwarto dahil natatakot siyang makita si Matthew. Mabuti nalang talaga ay hindi ito pumunta kahit isang beses sa kanilang silid, kaya nakakahinga siya ng maluwag kahit papaano. Hindi niya pa ito kayang makita at harapin, lalo na't pa galit ito. Aminado siya na sobra siyang nagulat at natakot kay Matthew, gayung hindi siya sanay na masigawan o mabulyawan lalo na't dahil galit iyong tao sa kanya. Dahil kahit minsan siyang sakit siya sa ulo ng kanyang mga magulang, kahit kailan ay hindi naman siya pinagtataasan ng mga boses o sinisigawan ng mga ito. May kalakasang tumunog ang kanyang tiyan at saka naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Maghahapunan na rin at kaninang tanghalian pa siyang walang kain. Nagugutom siya, pero mas nanaig ang takot niya. Napapanguso siyang napatulala sa kisame. Ngunit hindi pa tumatagal ang pagiging tulala niya nang halos mapatalon siya sa gulat matapos marinig niyang may kumatok sa labas ng pinto. Sa pagakalang si Matthew ito ay agad na kumabog ng malakas ang puso niya. Unti-unti ring nabubuhay ang takot at kaba sa kalooban niya. Mariin niyang tinikom ang bibig at nanlalamig na nakatingin sa may pinto. Hindi niya magawang magsalita para tanungin ang taong nasa labas ng kwarto. "Madame, si Loisa po ito. Pinapatawag kana po sa hapagkainan." Isang boses ng babae ang narinig niya. Kahit papaano ay agad siyang nakahinga ng maluwag nang malamang hindi si Matthew ang nasa labas ng pinto. Ngunit agad siyang napakunot noo at kinain ng pagtataka nang mapagtanto na ibang katulong ang sumundo sa kanya. 'Nasaan si Frida?' napapa-isip niyang tanong. Humugot siya ng malalim na hininga. "Pakisabi na busog pa ako." Pagsisinungaling niya. "Pero Madame, pinapasabi rin ho ni Mr. Vesguerra na kapag hindi po kayo bumaba agad ay siya po ang pupunta dito." Nahihimigan niya ang tila natatakot sa boses ng katulong. Mabilis na kumalat sa buong sistema niya ang lamig dahil sa narinig. Agad ding sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina sa library. Kahit natatakot man ay wala siyang nagawa kundi bumaba sa kama at nilapitan ang pinto. Sa nanginginig na kamay ay pinihit niya ang doorknob at agad na tumambad sa kanya ang isang katulong na babae, sa hula niya ay mas bata pa ito ng ilang taon sa kanya. Nababakas rin ang pamumutla at nababahid na takot sa mukha nito. Kaya nang makita siya nito ay malinaw niyang nakita kung paano ito napabuntong hininga. Napailing-iling niya naman itong tinignan. Mukhang galit pa yata si Matthew kaya ganito nalang katakot at hindi magawang pigilan na mapabuntong hininga sa kanyang harapan ang batang katulong. 'Ano bang tumatakbo sa isip ng lalaki na iyon para kailangan ko pa siyang sabayan sa pagkain? Hindi niya ba naisip na ayaw ko pa siyang makita o ayaw ko na siyang makita pa?' Mahina siyang tumikhim. "Nasaan nga pala si Frida?" Malakas ang loob niyang tanong mula sa katulong na si Loisa na tahimik lang na nakasunod sa may bandang likuran niya nang magsimula silang maglakad. Lumipas ang sandali ay wala siyang narinig na sagot nito kaya nilingon niya ito at nakitang hindi siya magawang tignan nito ng maayos. Agad siyang kinutoban ng masama para sa katulong niyang si Frida. Napahinto siya sa paglalakad at maayos na hinarap ito. "P-pinarusahan ba siya dahil sa nangyari kanina?" Nagaalinlangan at nag-alala niyang tanong. Ngunit nanatiling itinikom lamang ng katulong ang bibig at iniwasan lamang siya nito ng tingin. Pero sapat lang iyon para makumpirma ang masama niyang kutob. Lupaypay ang mga balikat at nanghihina siyang nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Dahil kahit anong gawin niyang pagtatanong kay Loisa ay wala talaga siyang makukuhang sagot mula rito. Ayaw niya ring magpumilit pa dahil dalawa lang ang dahilan kung ayaw nitong mag-salita. Una, ay dahil hindi sila close at ang pangalawa ay baka pinagbabawalan itong magsalita at may kaparusahang kapalit kapag may sinabi ito sa kanya. Kaya mas pinili niya lamang ang manahimik kahit kating-kati na ang dila niya para magtanong. Nang makarating sila sa hapagkainan ay agad na tumambad sa kanya ang mabigat at malamig na ambiyans. Agad niyang hinanap ang bulto ni Frida mula sa kinaroroonan ng mga serbestrang naka-linya at nakatayo sa tabi. Nakaramdam agad siya ng panghihina nang hindi niya nakita ang bulto ni Frida. 'Anong nangyari sa kanya? Tinanggal ba siya sa trabaho dahil sa akin?' Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili. Ngunit hindi naman nagtagal ay napabaling agad ang atensyon niya kay Matthew nang marinig ang pagtama ng mga ginagamit nitong kubyertos. Humugot siya ng malakas na loob para pigilan ang sarili na tumakbo. Likod palang ang nakikita niya sa lalaki pero grabeng pangangatog sa tuhod na ang nararamdaman niya dahil sa takot at kaba. "Are you just going to standing there?" pag-iimik ni Matthew bigla habang hindi man lang siya nilingon nito. Bahagya siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan at halos mahigit ang sariling hininga. Unti-unti niya ring nararamdaman ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya. Patago niyang naikuyom ang kamay na tila sa pamamagitan non ay doon siya humuhugot ng lakas na loob, saka ay pinilit niyang inihakbang ang mga mabibigat at naninigas na mga paa papunta sa hapagkainan. Nakita niyang nanatili lamang nakatingin sa harap ang mga serbestra na nakatayo sa gilid. Hindi man lang siya binati katulad sa mga nagdaang araw kapag nakita siya nito. Hindi man lang siya tinatapunan ng kahit anong tingin ng mga ito. Mukhang kalat na rin siguro o mas nauna pa nilang nalaman ang nangyari tungkol kay Frida dahil sa kagagawan niya. Sigurado siyang sinisisi na siya ng mga ito dahil sa nangyari sa kasamahan nila. Pinilit niya na lamang na huwag intindihin ang mga iyon. Hanggang sa tuluyan siyang maka-upo, nakumpirma niya ang naisip nang walang kumilos para pagsilbihan siya. Hindi maiwasan na mahinang mapabuntong hininga nang may napagtanto. Hinala niya ay isa ito sa parusang binigay sa kanya ni Matthew. Wala naman siyang problema kung isa ito sa parusa na binigay nito sa kanya. Sa totoo lang ay mas natuwa pa siya dahil matagal na niyang binabalak na gustong sabihin na patigilin ang mga ito na pagsilbihan siya, kaso wala lamang talaga siyang lakas na loob para magsalita dahil sa nahihiya siya. 'Kung iniisip mong mahihirapan ako sa ganito, puwes nagkakamali ka.' Hindi niya maiwasan na makaramdam ng kagustohan na ipahiya si Matthew mula sa parusang ibinigay nito sa kanya. Gusto niyang isampal sa pagmumukha nito na hindi parusa ang binigay nito sa kanya, kundi isang magandang pabor. Sinimulan niya ng pagsilbihan ang sarili. Walang kahirap-hirap ang naging pagkilos niya. Magta-tatlong taon rin siyang nanirahan nang mag-isa, kaya sanay na sanay na ang katawan niya sa ganitong gawain. Pinakita niya nang mabuti kay Matthew na kayang-kaya niya ang sarili niya at saka ipinakita na hindi man lang siya nahihirapan para pawisin sa ginawa. 'Akala siguro nito na porke't lumaki akong buhay prinsesa ay hindi mahihirapan pa rin ako sa ganitong bagay. Well, bad news. Kulang ang nakuha mong balita tungkol sa'kin,' piping sabi niya sa kanyang isipan. Pinigilan niya ang sarili na huwag mapangiti. Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng katuwaan ng maipikitang hindi nagtagumpay si Matthew mula sa binabalak nitong pagpapahirap sa kanya. Subalit hindi rin naman nagtagal ay agad na napalitan iyon ng labis na pagkailang. Nararamdaman niya kasi ang nakapukol na tingin nito sa kanya. Pa-simple niyang sinulyapan at hindi nga siya pinaglalaruan ng kanyang pandama. Ramdam niya ang sobrang pagkailang na halos ay nahihirapan na siya sa paglunok sa kinakain niya. Hindi na rin siya makakilos ng maayos na halos ilang sandali nalang ay inaasahan niyang makakagawa siya ng kahihiyan sa hapag kainan kapag aksidenti niyang mahulog ang hawak na mga ginagamit na kubyertos. 'Anong tinitingin nito? Nabibilib na ba ito sa'kin?' napapa-isip siya. Mahina siyang nagpakawala ng hininga at nagpatuloy sa pagkain habang pilit na huwag pansinin na lamang ang mga tingin nito. Ngunit lumipas ang ilang sandali ay tuluyan siyang hindi nakatiis. Itinigil niya ang ginagawang pagkain at buong tapang na sinalubong ang tingin nito. Pero ilang segundo rin ang kaya niyang itinaga, saka agaran na iniwas ang mga paningin mula rito. "A-ano iyon?" Kabado niyang tanong kay Matthew, habang nakatuon ang mga mata sa pagkain na hindi niya na kayang galawin pa. Mas lalo siyang kinabahan nang nanatili lamang itong walang imik. Pero tila naman may nabunot na tinik sa kanya nang tumigil na ito sa kakatitig sa kanya at tila walang nangyari na nagpatuloy sa pagkain. Napatanga siya. 'The heck just happen? Anong trip niya?' Magulo ang isip niyang pinagpatuloy na rin kumain. 'Ano ba kasi ang trip ng lalaki na ito?' Pasimple niya itong sinulyapan at nakitang umiinom na ito ng wine. 'Weirdo,' piping usal niya sa kanyang isipan. Pinilit niyang alisin sa isipan niya ang ginawa nito. Ngunit hindi niya pa rin maiwasan na mabahala kaya tuluyan siyang nawalan nang gana pang kumain at walang pagdadalawang isip na nagpaalam na magpapahinga na. Ito ang unang beses na naglakas loob siya para puma-unang umalis sa hapag kainan at iwan ng mag-isa si Matthew, ngunit hindi pa nga siya tuluyang nakakatayo sa kinauupuan niya ay may kalamigan na tinig siya nitong pinigalan. "You stay there." Nahihimigan niya ang may diin sa boses nitong sabi sa kanya. Mabilis na nagsipagtayuan ang mga balahibo niya. Naramdaman niya muli ang pamilyar na takot na naramdaman niya kanina mula sa library. Kaya sa isang iglap ay agad siyang napaupo ng maayos habang bahagyang naninigas sa kinauupuan. Halos pigilan niya rin ang paghinga sa takot na baka pati iyon ay makakaabala sa pagkain at mawawalan na naman muli ng pasensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD