ALAS DOSE na at hindi parin nakakatulog si Alverah. Kahit ramdam niya ang kapaguran sa buong katawan niya at sumisigaw na ilapat na lamang ito sa kama, ay hindi niya magawa. Inayos niyang iniyakap ang balabal sa kaniyang katawan para hindi siya lamigin. Kasulukuyang nasa terrace siya at nagpapahangin. Bahagya pa siyang napapikit para damhin ang hangin na tumatama sa kaniya at malayang nililipad ang kulay ginger niyang buhok na may kahabaan na hanggang hita. Bahagya itong nakakulot dahil sa pagtitirintas o tinatali ito ng pa-bun dahil ayaw niyang nagkakalat ito o nakalugay kapag umaga. Iniiwasan niya rin na makakuha ito ng atensyon. Hindi niya pa ito nagugupit muli matapos ng mangyari ang trahedya. Hindi niya magawang ipagupit ito lalo na't paborito ito ng kaniyang pamilya lalo na't sa

