"MADAME, nandito na po tayo," ani sa driver na naghatid kay Alverah pagkatapos ibigay ang lokasyon. Mabilis na umayos ng upo si Alverah mula sa backseat ng sasakyan. Bahagyang napahigpit rin ang paghawak niya sa sling ng handbag na dala niya. Akala niya talaga ay hindi siya papayagan ng lalaki nang nagpaalam siya kagabi. Mabuti na lamang ay pumayag ito. Ngunit, sa hindi malamang dahilan ay dapat sana siyang maging masaya, pero hindi niya mapigilan ang sarili na tila may mali sa nararamdaman niya. Naalala niya na naman kung pa'no tipid lang na tumango ang lalaki at walang katanong-tanong kung saan ang punta niya o kung sino ang kasama. "Sure ka? Ayos lang talaga na umalis ako?" Paninigurado niyang tanong nito, dahil hindi parin siya makapaniwala na kay dali lang nitong pumayag, gayun,

