MATIIM NA TINITIGNAN ni Alverah si Matthew na tahimik na may binabasa na papeles sa harapan niya. Kasulukuyang prente itong nakaupo sa swivel chair nito na nasa opisina. Hindi parin siya makapaniwala sa ginawa nito kagabi sa banyo. May ideya na siya na hindi iyon ang unang beses na nakakita ito ng hubo't hubad na katawan ng babae. Lalo na't wala man lang itong kareaksyon na mababasa pagmumukha nito habang nakatingin sa kahubdan niya. At isa pa, kahit sa likod ng blankong ekspresyon nito ay alam niyang marami na itong experience sa babae at iba't ibang kulay na rin na balat ng babae ang nasaksihan sa makasalanang mga mata nito. Tahimik at nakahalukipkip lamang siyang nakaupo sa isang pang-isahan na sofa. Parehong sofa na kinauupoan niya no'ng unang dating niya palang sa mansion at lalo n

