Chapter 10

3531 Words
Ilang linggo mula nang magsimula ang klase, agad naman akong nakapag adjust. Penny and I became closer dahil lagi kaming dalawa lagi ang halos magkasama. Minsan rin naman sumasama kami sa iba naming kaklase mag lunch but most of it, kami lang. May mga kanya kanya na kasi silang circle of friends. "Stop writing! Pass your papers in front," si Maam Alice. "To let you know, this is recorded." We just had our seatwork dahil kakatapos lang ng discussion. Ganun daw ang gagawin namin sa subject nya from now on. "Ilan sa tingin mo na tama mo?" bulong ni Penny sa akin. "Di ko sure eh. Pero nasagutan ko naman halos lahat." Nalukot ang mukha nya at napa pikit. "Yari na talaga! Yung iba di ko nasagutan. Good luck na lang talaga sakin." "Okay lang 'yan. Bawi ka na lang next seatwork." Maam Alice turned off the the screen saka muling humarap sa amin. "We will be moving on sa ating next topic, naka lagay iyon sa syllabus na ibingay ko sa inyo. Please do an advance reading. I may or may not surprise you with a graded recitation." Nang sabihin ni Maam iyon, my classmates growled in protest. "Class dismissed. You can now go." Ipinasok na namin sa mga bag namin ang mga gamit na nasa desk saka lumabas ng classroom. May araw pa paglabas namin. We're done for the day at uwian na. "Tara Haya," si Penny. There are days like this na hindi nagtutugma tugma ang uwian naming magpi- pinsan kaya nag t-tricycle na lang ako mag isa pa uwi. "Girl, pa send naman ako nung sylabus na sinasabi ni Maam. Nawala ko yata yung kopya ko." "Sige, send ko sayo mamaya." Sabay kaming naglalakad ni Penny papunta sa sakayan ng tricycle sa may plaza nang may bumusina sa likod namin. "Ay palakang green!" gulat na sigaw ni Penny. Napalingon kaming dalawa sa gulat. Nakilala ko agad iyong motor na iyon. Kay Lukas. Naka tigil sya sa likod namin. Naka baba ang isa nyang paa habang naka tukod naman ang dalawa nyang kamay sa silinyador. Naka sabit rin sa katawan nya ang sling bag nya at ang drawing tube nya. Itinaas nya ang parang shade ng helmet nya that revealed his curly hairna natatakpan ang mga mata nya. "Uwi na kayo?" "Hi Lukas!" magiliw na bati ni Penny. Tiningnan nya naman ako ng nakaka loko."Oo eh. Bakit? Isasabay mo ba si Haya?" Siniko ko agad si Penny saka kinunutan ng noo. Ito talaga minsan walang preno. Minsan ako na lang talaga yung nagkaka second hand embarrasment para sa kanya. "Oo sana kung okay lang sa kanya?" tanong ni Lukas saka tumingin sa akin. "Ay, okay lang sa kanya yan. Friends naman kayo eh diba?" aniya saka pinandilatan ako ng mata. Tumaas ang isang kilay ni Lukas. "Oo nga Hayabells. Friends naman tayo eh. Tara na?" Hayabells. Instead of answering him, lumingon ako kay Penny. "Paano ka?" Tumawa sya. "Ano ka ba! Ayan na yung sakayan oh," turo nya sa ilang hakbang na lang na terminal. " Saka magkahiwalay rin naman tayo ng sasakyan na tric." "Sure?" "Oo nga. Para sa barko kong lumalayag." "Malabo yan, mare." I tapped her back. "Ingat ha? Mauna na kami." "Of course naman syempre!" Lumapit sya sa akin saka bumulong. "Go get your man, girl." "Hindi nga!" "Thanks Penny! Ingat ka!" Paalam ni Lukas. Penny waved her goodbye to us saka nauna nang maglakad palapit sa terminal. Lumakad ako palapit kay Lukas. Inabutan naman nya ako ng isa pang helmet at sinuot ko naman iyon saka he reached out his hands para tulungan akong umangkas sa likod ng motor nya. "Kumapit ka ha ng mahigpit ha?" sabi nya. Kinuha nya ang dalawang kamay ko saka ipinulupot sa bewang nya. "Magda- dahan dahan lang naman ang tayo pero kumapit ka para alam kong nasa likod pa rin kita." Nag flashback sa akin iyong sinabi ni ate Yuli sa may bench sa quadrangle na 'If you read too much above the line of his actions, you'll definitely get the wrong idea.' Huwag mag isip ng double meaning. I repeat, Huwag mag isip ng double meaning. Delikado. "Okay." Lukas started to drive away from the school. True to his word, hindi sya mabilis magpa takbo. It was just enough for me para ma enjoy ang simoy ng hangin pati na ang mga nadadaanan namin. I can feel that he's being careful about driving. Maya maya ko rin napapansin na panay ang lingon nya sa side mirror. May mga instances na nagtatama ang mga paningin namin pero hindi nagtatagal dahil eyes on the road sya agad. Delikado't baka ma disgrasya pa kami. Unti- unting mas bumagal ang pag takbo ng motor until Lukas halted sa gilid ng kalsada. May mga naka hilera na parang mga tent roon. Para syang mini food bazaar. "Bakit tayo tumigil?" tanong ko. Pinatay nya ang motor then he swiftly removed the helmet on his head. "Baba ka muna," sabi nya kaya bumaba ako at sumunod naman sya. He slowly stepped closer to me and reached out to the helmet na nasa ulo ko pa. Marahan nya iyong tinanggal. May ilang hibla ng buhok ko ang sumama sa pag angat ng helmet at inayos nya rin iyon. Pakiramdam ko tumigil ang pag hinga ko sa ginawa nya. He looks so casual and natural while brushing my hair with his fingers. I immediately emptied my mind dahil may naiisip na naman akong hindi maganda. Hindi puwedeng bigyan ng meaning, Haya. "Ayan, okay na. Tara foodtrip bago umuwi. I wanna show you something." "Anong-" Hinila nya ako palapit sa mga stall. Magkakahilera iyon na may iba't ibang klase ng street food. Hindi pa ganoon ka rami ang tao ngayon pero halatang dinadayo dahil maya't maya ay may tumitigil na sasakyan. "Dahil pumayag kang ihatid kita, lilibre kita ng gusto mong kainin. Kahit ano, pumili ka na." "Kahit ilan?" tanong ko. Natawa sya."Akala ko pipilitin pa kita eh." "Ay hindi. Never ako tumatanggi ng pagkain." "Pili ka na. Kahit ilan. Hanggang kailan mo gusto." "Sabi mo yan ha." Lumapit ako sa stall na nagtitinda ng calamares at isaw. Humingi ako ng baso kay kuya at agad na nilagyan iyon ng tig limang calamares at isaw saka binuhusan ng suka na sawsawan. Si Lukas naman may bitbit na syang kwek kwek sa baso at isang styro foam ng siomai na naka sabit sa daliri nya at dalawang cup ng milktea na nasa plastic rin. I helped him carry the milktea. "Saan tayo? Saka ano yung ipapakita mo?" Tanong ko. "Tara," sabi nya. "Yung pupuntahan natin is yung gusto kong ipa kita sayo." We walked pass the tents at napunta kami sa bandang likod. My jaw dropped when I saw how magical the view is. The sun can be seen in its full glory and is almost setting at ang ulap ay para bang sinabugan ng kulay kahel at bughaw na pintura na niyayakap ang isa't isa that makes the whole view look like a work of art. Nature is indeed a work of art. "Ang ganda diba?" I looked at Lukas na matamis na nakangiti sa harap ng mga ulap. "Sobra!" hindi ko pa rin makapaniwalang sabi. I can't believe I'm seeing this beautiful thing for free. Umupo kami ni Lukas sa isa mga stone benches, nasa gitna nakalatag ang pagkain namin habang nasa magkabilang dulo kami. This is an open area that is open for all raw. Para kaming nasa edge ng bangin pero may harang naman na railings kaya safe naman. When we settled, binuksan nya na iyong mga pagkain sa gitna namin. Inilagay nya rin ang straw ng milktea sa cup. Sumipsip ako and it was the wintermelon. Iyon din ang flavor na kinuha ni Kia noong nag milktea kami nang ihatid nya kami. We are busy munching our food nang may maalala ako. "Sayang hindi ko dala yung camera ko. I could've captured this beautiful moment," nanghihinayang na sabi ko. I took a snap of the clouds on my phone pero iba pa rin talaga sa camera. I mean, this is such a good view and a good moment na I want to capture. "You still can." Napalingon ako sa kanya at tiningnan na para bang tinatanong kung ano ang ibig nyang sabihin. "How?" "Capture this moment through the lens of your eyes and store it in your own memory," sagot ni Lukas. "'di ba?" And right then and there, my heart melted for him and those words. Hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa kanya na naka tingin lang sa magandang tanawin na nasa harapan namin. I'm happy to hear those kinds of words from him. "Oo nga naman. You're right," sagot ko. "We can go here often if you want and then you'll see different visuals of the sunset. Trust me para kang nanonood ng pagtatapos ng isang magandang pelikula." Nagulat ako sa sinabi ni Lukas. I didn't think that he'd actually invite me to go here again. "How did you find this place? This looks too good to be true," tanong ko saka by kumuha ng isang calamares at kinain. "I found this noong first year ako. Mahilig ako mag road trip eh. Yun bang randomly mag d- drive ako tapos bahala na kung saan ako dadalhin ng bawat liko ko. Habang tumatagal this became some sort of stress release for me." "Sabagay, kahit saan ka namn lumiko, nasa Pilipinas ka pa rin naman. Makaka uwi at makaka uwi ka." "Right." He sipped on the drink. "Ikaw? How do you release your stress? Napa isip ako. "I... kind of hibernate." "Hibernate? Really? Like the bears and hedgehogs?" amused nyang sabi. Tumango ako. "Yes." "Ang cute naman!" Bigla syang napa tawa at nanlaki ang mga mata nya. "What do you do kapag nag ha- hibernate ka?" "Not really hibernate like bears and hedgehogs but I just sleep, eat, and do nothing. Sounds boring 'no?" "No. Not really." "Sus. Ang plastic." Biro ko. "Pero 'yun nga, what I really do is that I do nothing." "Alam ko na kung anong itatawag ko sayo!" Ano na naman bang trip nito ni Lukas, hay naku! "Sige nga. Ano?" pag patol ko naman. "Hayabear!" Pfft! "That's for kids! Ano ako sanggol?" natatawang reklamo ko. "It's cute! Bagay kaya sa'yo. Cute ka rin naman eh!" I was caught off guard with his remark nan naramdaman ko na lang na nag iinit na ang pisngi ko. Ngumiti ako at hindi na lang ako sumagot saka nilingon muli ang langit. For some reason, sobrang lakas ng ihip ng hangin. Probable because we are at a cliff? I'm not sure. Malakas ang hangin kaya't panay ang hawi ko ng buhok ko. Naiwan ko pa yata sa bahay ang tali ko dahil hindi ko ma kapa sa bulsa ko. "Bakit anong problema?" tanong nya. "Masyadong mahangin. Nakakain ko na yung buhok ko," sabi ko. Hinawi ko ulit yung buhok ko pa likod, careful na hindi mahawakan ng thumb at pointing finger ko na may suka. I don't want to smell like vinegar. "Teka, ako na." Tumayo si Lukas saka pumunta sa likod ko. Sinundan ko lang sya ng tingin. Inilabas nya ang isang kulay white na panyo mula sa bulsa at ipinagpag nya para mawala sa pagkaka tupi. "Wala akong tali pero okay na rin 'to," aniya. "Tatalian mo 'ko?" "Oo. Kaya huwag kang malikot." Hinawakan nya ang ulo ko at inikot paharap. Isinakop nya ang bawat hibla ng buhok ko sa gitna at gaya ng ginawa nya kanina, he combed it with his fingers hanggang sa umayos. Matapos iyon, naramdaman kong itinali nya na ang panyo sa buhok ko. "Tapos na?" "Yeah. Talikod ka lang muna. Wait." Tumalikod lang ako gaya ng sabi nya at ngayon, naka rinig ako ng tunog ng pag click ng camera sa phone. Umikot na uli sa saka umupo sa inuupuan nya. "Patingin ako," sabi ko. Inabot nya yung phone nya sa akin. Nakatalikod ako, kita sa background iyong langit pero ang pinaka focus noon ay ang buhok ko na itinali nya na parang bow tie gamit ang panyo nya It was actually pretty good. Matapos ng ponytail session, we both silently watched the sunset's afterglow habang kinakain ang libre nyang streetfoods. Pagkatapos rin naman noon ay hinatid nya na ako pauwi sa amin. "Thank you for bringing me there, Lukas. Pakiramdam ko na re- charge ako." Inabot ko sa kanya iyong helmet. "Anytime, Hayabear." aniya. "Sabihin mo sa 'kin kung gusto mong bumalik doon ha?" "Oo naman. Gusto kong bumalik doon. Sino ba namang hindi?" His lips curled up na para bang satisfied sya sa sagot ko. "Mauna na ako. Thank you for coming with me." Tumango ako. "Mag ingat ka ha. Let me know kapag naka uwi ka na." When Lukas drove away from our house, pumasok ako na ako sa bahay saka dumiretso sa kwarto at nag palit ng damit. Maya't maya na sumasagi sa isip ko iyong nangyari kanina. Kung puwede ko lang ipa tattoo sa utak ko iyong mga ulap kanina, gagawin ko. A notification popped and it's a dm from Lukas. lukas0rion: Hi, Hayabear. Jgh safe and sound. To which I replied ng, helenaysabel: Okay. Pahinga ka na. Thanks! lukas0rion: Here's the picture of my successful bow tie ponytail. Kadunod nun ay yung picture ko kanina. helenaysabel: Thanks, Lu! Good Night! Lukas posted a new photo sa feed nya. Yung dalawang helmet na naka patong sa upuan ng motor nya at kita sa background iyong formation ng ulap. Again, walang caption iyong picture. I clicked the heart button. May picture rin ako ng sunset kanina so I posted it on my story kasama nung picture ko na naka talikod at nilagyan ko ng text na 'thank you.' Bumaba ako nang dumating sila Mama from work saka sabay sabay kaming naghapunan. Pagkatapos nun ay umakyat ulit ako sa kwarto saka isinend iyong syllabus na hinihingi ni Penny sa messenger. Agad rin naman syang nag reply at nagpasalamat. Mamaya na raw sya magbabasa pag uwi nya after shift nya. Nagpa habol pa na kailangan nya raw ng chika kung anong nangyari kanina. Gumagawa ako ng activity na ipapasa for tomorrow saka nag advance reading sa subject ni Maam Alice. Nang matapos, I did my night routine. Bago pumasok sa banyo para mag shower, I carefully placed Lukas' white handkerchief sa taas ng study table ko. *** KINABUKASAN, maaga akong nagising para sa klase. Sabay kaming umalis ni Kia. Hapon pa yata ang klase nina ate kuya. Nagrereklamo sya dahil tambak na rin daw sila agad ng gawain. Kaharap ko si Penny at si Kia na sumabay sa amin na mag break. Agad na nag click ang dalawa dahil sila naman ang halos magka ugali. Sa totoo lang pag kasama ko si Penny para ko ring kasama si Kia na mas maligalig ng ilang points. "Kita ko yung story mo kagabi ah," panimula ni Kia. "Ako lang ba yung may naamoy na fishy?" Hindi ako sumagot, hoping that Kia would drop the subject. I eyed her pero ang Kia, pinakatitigan pa ako. "Ako rin. Amoy ko yun," pag gatong ni Penny. "Diba?" "Ano bang fishy sa picture ng clouds?" sabi ko. "Sa clouds, wala. Sa magkasunod na ** post at story ng dalawang tao na iisa ang lugar, meron." "Isinabay lang ako ni Lukas kahapon, wala naman fishy roon." sabi ko sa kanila. "Hindi. Iba yung andar ng radar ko rito," si Kia. "Sira yata yung radar mo. Mali yung pick up nya ng signal." "Okay. Kunyari naniniwala kami." Kia eyed me. Buong lunch time, hindi nila ako tinantanan dalawa. Talong talo ako sa pag jo- join forces nila. Hanggang sa pag akyat sa room, si Penny panay issue pa rin. "Kumusta yung date with Lukas?" "Hindi iyon date." "Kayong dalawa lang ang magkasama sa isang romantic spot. He paid for the snacks saka hinatid ka. Date ang tawag doon, mare." "Hindi nga," pag tanggi ko pa. "Pero aminin mo, kinilig ka?" Nag kibit balikat ako at hindi sya sinagot. I felt peace. Buti na lang talaga nag review ako at nag advance reading kagabi dahil talagang nagpa not- really- surprise surprise recitation si Maam Alice. Yung katabi ko rito, mukhang maiiyak na. Hindi nya raw natapos iyong pagbabasa nya dahil nakatulugan nya. Grabe iyong kaba nung lahat nung nagsimula nang nag shuffle si Maam sa index card. Pa lakasan na lang talaga siguro kay Lord. Nang magtawag si Maam, natatawa ako dahil si Penny ay nagdadasal na sa tabi ko. Funny enough, malakas yata kapit namin sa itaas dahil out of sampung questions na meron si maam, hindi kami na tawag. Sir Faustino's two hour class hours came and kumatok si Maam Andrea na wala si sir dahil may in attendan na seminar. Nagbilin lang ito na mag self study for today. The whole class rejoiced. For us, self study is equivalent to free time. Kaya naman kalahati ng klase namin ay lumabas ng classroom. "Haya," tawag ni Giselle. Inabot nya sa akin iyong papel ko from yesterday's seatwork. Out of twenty questions, I got seventeen. "Thanks, Gi." Then she went off. "Fifteen lang nakuha ko. Kala ko talaga mga fifteen yung mali ko," Penny said. Relieved to see her score passed. "Tara sa canteen. Wala pa naman tayong gagawin," pag aaya ko. Inilagay ko sa bulsa ng palda ko ang wallet ko at phone. Pangatlo ako sa naka pila sa bilihan ng mga shake. Tinitingnan ko kung anong flavor ang bibilhin ko nang kalabitin ako ni Penny. Agad akong lumingon. Imbis na mukha ni Penny, si Lukas ang nakita kong nasa likod ko. Dahil mas matangkad sya, ang dibdib at leeg nya ang una kong napansin. Gumapang naman ang pabango nya sa ilong ko. Si Penny na mukhang kaunti na lang ay mangingisay na ang nasa likod ni Lukas. "Ikaw na naman," biro ko. "Hello din sa'yo Hayabear." "Dun ka sa likod. Bawal sumisingit dito." I playfully pushed him pa likod pero hindi man lang sya natinag sa kinatatayuan nya. Ni parang hindi sya naapektuhancng pag tulak ko. "Wala namang ibang naka pila." "Wala ka ng pasok? Ang dami mo naman yatang time?" "Kakarating ko lang." Itinaas nya ang sling bag nya para ipakita sa akin. "Tatlong subjects lang klase ko ngayon." Nang ako na ang nasa counter, I ordered drinks for us. Tinanong ko sila kung anong flavor ang gusto nila. Kung ano ang akin, yun din daw kanila. "Ate, tatlong watermelon flavor po. Yung medium." Inabot ko ang bayad saka ibinigay ni Ate ang sukli. Naglalakad na kami pa quadrangle para tumambay kasama si Lukas. Maya maya pa naman daw yung klase nya kaya sasama muna sya. Umupo kami sa bench. Napagigitnaan nila akong dalawa. Si Penny sa kaliwa at si Lukas naman ang nasa kanan ko. "Lukas, may girlfriend ka ba?" biglang tanong ni Penny na bumasag ng katahimikan namin. Oh my gosh? Muntik nang mabilaukan si Lukas sa bigla biglang pagtatanong ni Penny. Pinandilatan ko sya ng mata but she just mouthed me 'what'. Nang maka bawi, singot naman ni Lukas. "Wala. Wala akong girlfriend. Bakit?" "Wala lang. Baka lang may gusto lang na maka alam. Eh nililigawan?" "Nililigawan? Hmm..." "Meron?" halos pa sigaw na sabi ni Penny at napa tayo sa inuupuan nya. Hindi agad sumagot si Lukas sa tanong na iyon. I just sat there, pretending na hindi ako interesado sa pinag uusapan nila when in fact, nasa sasabihin nya ang buong atensyon ko kahit pa inom inom lang ako ng shake. "Hmm..." Lukas pressed his lips together saka mukhang may inisip. Kailangan pa bang pag isipan yung isasagot doon? "Ito pa showbiz naman! Ano na? Dali!" Napa buga ng tawa si Lukas. "Joke lang! Hindi. Wala akong nililigawan." Disappointed, Penny sat again. "Ay? Bakit wala?" "Haya! Penny! Paakyat na raw si Sir!" sigaw ni Cris na naka tayo sa may harap ng building. "Ha?" Gulat kaming nagkatinginan ni Penny at parehas kaming nataranta saka napa tayo bigla. "Lukas, sorry, si sir-" "Okay lang, papasok na rin ako eh." Pagtapos mag paalam kay Lukas, parehas kaming tumakbo ni Penny pa akyat ng building. Nang maka pasok kami, buti na lang wala pa si sir. "Akala ko wala si sir?" Hinihingal na tanong ni Penny kay Mica. "Kanina wala talaga sya dito, Pen. Kaso nakita ni Aki sa may parking mukhang kararating lang." Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Sir Faustino. Natahimik kaming lahat at nagpanggap na talagang nag s- self study tulad ng bilin nya kahit hindi naman talaga. Akala naming lahat na papasok sya para mag discuss pero pumunta lang ito sa harap para kumuha ng attendance at nagbilin na ituloy lang daw ang pag s- self study namin. Next meeting na raw sya mag di- discuss saka muling umalis. Humupa ang kaba namin nang lumabas sya ng classroom. "Yun lang yun?" Mahinang reklamo ni Penny. "Hindi tuloy natin nakuha yung sagot ni Lukas!" "Hindi naman na importante kung bakit. Ang mahalaga nakuha mo yung sagot sa tanong mo kung may nililigawan ba sya o wala." "Sa bagay. So ano na, nasagot na yung tanong mo?" Nangunot ang noo ko sa kanya. "Hindi naman ako yung nagtatanong?" "Okay, sabi mo eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD