Chapter 9

2136 Words
Wearing uniform for our course, sumandal ako sa pader sa harap ng room 2-B habang hindi pa kami pinapa- pasok. May nasa ten minutes pa bago mag alas nuebe, oras ng eksaktong pasok namin. Everybody looks like they're familiar with each other dahil they're forming their own circles at nagku- kumustahan na sila. Hindi ako naka ligtas sa mga mata nila. They probably figured out by now na isa akong transferee na magiging ka- blockmate na nila ako from now on. Napapansin kong sumusulyap ang ilan sa akin saka bubulong sa katabi. Now that people's eyes are on me, that made me feel awkward and kind of anxious. Sana lang hindi ako mukhang constipated sa paningin nila. Ang pangit naman kung ganun yung first impression ko. "Hi!" A girl in braids that is shorter than me approached me at tumabi sa akin. Nahihiya kong nginitian sya. "Uhm, hi!" "Transferee ka rin?" aniya. Relieved na hindi lang ako ang bago sa block na ito, I started to smile a little bit more. "Oo." "Galing kang Maynila 'no?" tanong nya. Nagulat ako. "Paano mo nalaman?" "Talaga ba? Galing ka talagang Manila?" Tumaas ang tono ng boses nya at bakas rito ang pagka amaze. Ha? "Anong...?" I tilted my head a bit and squinted my face a little bit. Ngumiti sya ng malaki. "Hindi ko talaga alam na taga roon ka, hinulaan ko lang kasi you give that kind of vibe. Tama naman pala ako," aniya. "Oh..." I want to ask her kung anong vibe ba ang sinasabi nya na I give off. Baka mamaya negative vibe pala iyon, sana hindi, kaso lang parang medyo medyo personal na iyon. Saka na, malalaman ko rin iyon. "Ay! Sorry, chinika na kita pero di pa ako nagpapakilala, ako nga pala si Penny. In short for Penelope. Ikaw?" she reached out her lands on me for a handshake na malugod ko namang tinanggap. "Helena Ysabel. Haya." "Haya." Penny mentioned my name. "Close na tayo, ha. Tabi tayo sa upuan." I smiled at her. "Oo naman." Buti na lang talaga there's Penny na transferee rin. Hindi lang ako ang magiging apple of the eye nila. Penny, the girl who just befriended me, looks like a cute high schooler dahil sa height nya. Plus pa na naka braids sya. She looks so soft dahil ang gaan ng aura nya na ibinibigay nya. Our attention went to the door nang may mag bukas doon at nag signal na pumasok na kami. Nagpa huli kami ni Penny ng pasok at ang tanging bakante na lang ay iyong nasa harapan, bungad ng pinto kaya doon kami naupo. Medyo umiingay na rin ang buong klase nang pumasok ang prof namin kaya't lahat ay nanahimik. She introduced herself as Maam Andrea, and she will be our prof for Human Resource Planning this sem. Apparently, orientation day lang daw ito at bukas pa namin mami- meet lahat ng profs. "Block mates na kayo since first year kaya siguradong kilala at sawa na kayo sa mukha ng isa't isa. Maliban sa dalawa nating tranferees." Luminga si si Maam na para bang may hinahanap. "Where are you guys?" Mabilis na tinaas ni Penny ang mga kamay nya at dahan dahan ko namang itinaas ang akin. Maam Andrea's eyes found us and walked towards our direction. "Ang p- pretty naman ng mga tranferees na 'tin! Welcome sa SPU mga binibini," si Maam. "At bilang tradisyon ng bawat first day of class, please introduce yourselves sa inyong magiging ka- klase." Ginapang na naman ng kaba ang dibdib ko. Introduce yourself lang 'to, Haya. Kumalma ka. "Sino mauuna?" tanong ni Maam. "Ikaw muna, binibini na naka braid." Walang alinlangang tumayo si Penny sa kinauupuan nya saka humarap sa mga kaklase namin. "Ah, hello sa inyo! Ako pala si Penelope Campos. Call me Penny, please lang po huwag Penelope," aniya saka natawa sa sariling sinabi. "Galing akong Suliman College pero nag transfer ako rito kasi mas malapit 'to sa bahay namin. Yun lang. Salamat!" Some of our classmates giggled at Penny's introduction. My time has come so I stood up. Huminga ako ng malalim saka nag umpisa. "Hi!" I tried to sound cheerful para itago ang kaba ko sa pag harap sa kanila. "My name is Helena Ysabel Almonte pero Haya ang tawag ng lahat sa akin. Ah... the last school I attended was Hilltop University sa Manila. Nag transfer ako rito kasi my family moved here recently." "Thank you, girls. Please don't hesitate to approach your classmates ha. Mababait yan sila," sabi ni Maam then she proceeds to the actual agenda for today which is the orientation. The discussion lasted for about two hours straight bago kami binigyan ng 30 minutes break. Habang palabas ng corridor, my classmates are giving me smiles tuwing nag tatama ang mga tingin namin. Pababa sa canteen, nag ku- kwento si Penny about her life. Apparently, hindi pa niya gusto itong course na ito. She wanted to take Fine Arts pero dahil pinapaaral sya ng tita nya at ito ang gusto ng tita nyang aralin nya, wala syang choice kundi ang gawin ito. Nakikinig lang ako sa kanya pero ang dami kong naisip. Na ang swerte ko pa rin dahil ny parents never forced me with anything. "Isa pong ham sandwich saka choc- o." Inabot ko yung bayad ko kay ate na nagtitinda sa canteen. Hinintay ko lang makuha ni Penny yung kanya saka lumakad kami palapit sa isang bakanteng mesa at umupo sa upuan. I unwraped the sandwich at saka kumagat roon. Mabilis kong naubos ang pagkain ko. "Hi, Haya!" Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Lukas na naka tayo sa likod ko. Sa kabilang kamay nya ay may Gatorade syang hawak. "Hi!" Minsan naiisip ko na Lukas is really everywhere. Yung tipo bang hindi mo ineexpect na naroon sya pero maya maya'y magugulat ka na lang dahil nasa tabi mo na sya. "Nagkita na naman tayo." Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Right. Medyo sawa na nga ako sa mukha mo." He laughed at my remark. "Excuse me, miss maam? Sa cute kong ito?" He leaned closer to me. "Excuse me, sir. Mali ata yung narinig ko?" And I also did. I froze nang magtama ng diretso ang mga mata naming dalawa. Para akong hinigop sa ibang dimensyon at wala akong ibang makita kundi ang mga mata nya. Did he felt it too? Ano iyon? We pulled out nang maka rinig kami ng mahihinang ubo sa harap namin. Si Penny iyon na nakatingin lang sa aming dalawa. "Uh... Lukas," tawag ko sa kanya. "Si Penny nga pala. Blockmate ko. Penny, si Lukas." "Hi po kuya," bati ni Penny kay Lukas na naka tingin na sa kanya nang naka ngiti. "Hi, Penny!" Tumawa si Lukas. "Wag mo na akong tawaging kuya. Don't be Haya." "Be what?" "Ikaw. Kuya tawag mo sa 'kin nung una tayong magkita." Nang aasar na sabi nya. "Of course," balik ko. "Hindi kita kilala and you seemed older than me. What am I suppose to call you then?" "You can call me baby." Muntik ko nang mabitawan yung choc- o na hawak ko. Dumagundong ang dibdib ko na parang tatalon na sobrang lakas. Paulit ulit na rumerehistro sa utak ko iyong sinabi nya. 'You can call me baby.' I shut my eyes saka humingang malalim. Pag dilat ng mata ko, the corner of Lukas' lips are curled up habang mukhang nag e-enjoy sa pag panonood sa expression ko. "Oof." Rinig kong sabi ni Penny. "Uh... Okay, next joke please," sabi ko. I am trying so hard to sound natural. Wala naman syang ibang sinabi maliban sa ngumiti lang sya. He opened his Gatorade and drank some. "Kumusta so far?" "Ayos naman. Nag orient pa lang naman kami kanina. Wala pang masyadong ganap," saad ko. "Ikaw?" "Stressed na. First day na first day nag papa draft na yung prof namin," reklamo nya. "Kaya mo yun! Ikaw pa ba?" "Yeah, ako pa ba? Ako pa ba na gusto na ulit mag bakasyon? Dapat pala di na lang tayo umuwi galing Haraya," aniya. Natawa ako. Kung di ko lang talaga alam na running for honors itong si Lukas, iisipin ko talagang petiks lang sya. "Sige, huwag ka na mag aral." "Joke lang naman!" He looked at his watch saka tumayo."Una na pala ako, guys. Doon pa ako sa likod na building eh." Tumango ako at kumaway sa kanya. "Oh. Okay lang, sige." "Nice to meet you, Penny!" Itinaas nya ang kamay nya papalapit sa mukha ko. Akala ko kung anong gagawin nya kaya iniwas ko pero nahuli pa rin nya. "Bye muna baby," he said and then pinched my cheeks. "Huy!" asik ko saka tinampal iyong kamay nya. Tumawa sya saka naglakad palayo sa amin habang kumakaway. Sinundan ko lang ng sya ng tingin hanggang sa maka layo sya. I drank my remaining chuckie saka tumingin kay Penny. "Ano yun? Bakit?" Tanong ko nang naka ismid sya sa akin at binibigyan ako ng malokong tingin. Nakikita ko tuloy si Kia sa kanya. "Girl! Ano? Ramdam mo ba? Kasi ako ramdam ko." "Yung alin?" nagtatakang tanong ko. "Yung spark, girl. May spark kayo," aniya. "Kung ako sa 'yo jowain mo na yun. Mukha pa namang habulin ng girls." I laughed at the idea. "Hay nako. Wala lang yun." "Girl, I swear meron talaga." "Guni guni mo lang yun. Inaasar mo ako ako dyan, malay mo may girlfriend pala." "Bakit di mo itanong?" " Bakit ko naman tatanungin?" sagot ko. "Wala yun. He's obviously flirting. Di mo ba na s- sense?" "Nope. Friendly saka pala biro lang talaga 'yun si Lukas." Tumayo ako. "Tara na, time na." Bumalik kami sa room and maya- maya pa our prof entered our room saka nag tuloy tuloy iyong orientation. It's one in the afternoon when our Maam Andrea called it a day. May ilang pointers and reminders syang binigay and bukas, regular classes na. Tinext ko si Ate Yuli kung pauwi na sila kaso hindi pa sya nag re- reply. Nag usap usap kami kagabi na sabay sabay kaming papasok at uuwi ngayon. "Haya, mauna na ako sayo ha. May duty pa ako sa kainan ng tita ko. Alam mo na, dagdag income." "Ganun ba? Sige na, baka ma late ka pa." "Thanks girl! Bye bye!" She waved her goodbye saka lumabas na ng gate. Dahil wala pa ang mga pinsan ko, I went to the quadrangle at naupo sa isa sa mga bench. Hindi mainit dahil nasisilungan ako ng isang malaking puno kaya't sobrang presko rin sa pakiramdam. Wala pang ilang minutong naka upo ako nang may napansin ako sa kabilang banda ng quadrangle. It's Lukas na nagalalakad with a girl that I don't know who na nasa tabi nya. They were talking to each other tapos tatawa. May bitbit sila pareho na drawing tube at ang direction ng lakad nila ay papunta doon sa farthest building. Sa likod kung saan nasaan ang Arki department. Sumagi sa isip ko yung sinabi ni Penny na Lukas' flirting kanina. See? Wala lang talaga iyon. It's really absurd to think na he's flirting when he's literally like that to everyone. "Pst! Sinong tinitingnan mo dyan?" Tumabi si Ate Yuli na bagong dating sa tabi ko. She looked at the direction that I was looking at at saktong kaka liko lang ni Lukas at nung kasama nya. "Ah, si Lukas saka si Irah," sabi nya. "Si Irah na isa mga na basted ni Lukas." Nakuha nun agad ang atensyon ko. And now that's some real tea. "Really, ate? Sya pa ang nang basted? Ang ganda nun ah?" gulat kong sabi. "Oo. Last year. Usap usapan iyon sa buong batch na walang ka abog abog daw na binasted nitong Lukas Orion si Irah. Sobrang broken daw si Irah noon. Umasa daw eh." "Mukha namang walang beef between them? Nagtatawanan pa sila kanina." "Malamang okay na sila." She crossed her legs saka sumandal "Di lang obvious pero habulin talaga yan si Lukas. Sa sobrang friendly nya, napagkakamalan na he was leading them unto something and then ma f- fall sa kanya," makahulugang sabi ni ate. Sana naririnig ako ni Penny nang tigilan nya ang pang aasar sakin tungkol kay Lukas. "If you read too much above the line of his actions, you'll definitely get the wrong idea," dagdag pa ni ate and I don't know how to respond to that. Nag baba ako ng tingin. Gets ko ang ipinaparating nya. It's a subtle warning for me not to give meaning to Lukas' actions. Iyon din naman ang pinapaalala ko sa sarili ko lagi. "Anyway, tara muna sa canteen. Samahan mo akong bumili ng gulaman. Pababa pa lang naman si Kia. Si Julius nag text sa akin, inaayos pa yung draft nya." Pumunta kami ng canteen saka doon naghintay sa dalawa pa naming pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD