Chapter 8

1900 Words
Naka higa ako sa kama habang hawak ang phone ko sa kaliwang kamay. Kanina pa ako refresh lang ng refresh ng feed ko pero halos paulit ulit lang ang lumalabas. Nag upload na rin ako ng both sa f******k and IG ng mga shots ko kahapon. lukas0rion has requested to follow you. I clicked the ** notification on my phone and it directed to Lukas' feed. The photos are all black and white. Most of the pictures is his motorcycle shot at different places. Ang iba ay mostly dagat at iba ay random na. Wala syang picture or selfie maliban sa display picture nya na candid at black and white rin. Kaunti lang din ang fino- follow nya pero nasa libo ang nag f- follow sa kanya. I accepted his follow request and then followed him back. Ibinaba ko ang phone ko saka muling gumulong sa higaan ko. I'm still in my pajamas, magulo ang buhok at hindi pa nakapaghihilamos kahit tanghali na. Sobrang sakit ng katawan ko. Para bang may naka daghan sa aking dinosaur. Hindi ko ma angat ang buong katawan ko. Ito na yung epekto ng pag a- all out namin sa dagat kahapon. Pare- parehas kaming masakit kaming worn out at hindi mga maka tayo. My phone's notification sound ringed. Binuksan ko at may dm ako galing kay Lukas. lukas0rion: hey, finorward sa akin ni Yuli yung pictures kagabi. Okay lang ba kung i- post ko rito? helenaysabel: Hi! Yes, sure thing! Agad agad nyang na seen iyong message ko and true enough, maya maya pa ay nakita ko na yung post nya. Tatlong picture iyon. Yung dalawang kuha ko sa kanya tapos isang group picture namin kahapon na kinuhaan bago kami umalis sa resort. Lahat iyon ay naka black and white na. Wala syang caption maliban sa photo emoji at ang username ko. lukas0rion: Thanks again, Haya! Masakit katawan mo 'no? helenaysabel: Oo haha. Ngayon na lang ulit ako na worn out ng ganito. Para pa rin akong lumulutang sa dagat. lukas0rion: Try to have warm bath and then pahinga. helenaysabel: I can't even get out of the bed lol lukas0rion: You should or else lalo lang mahihilo. helenaysabel: Oki. Will try later. lukas0rion: Also try to drink some pain reliever baka makatulong. helenaysabel: Sige, after ko mag lunch. lukas0rion: Mag lunch ka na. lukas0rion: First day of classes tomorrow. Good luck pala! See you when I see you! helenaysabel: Ikaw rin! See you din! Nakangiti kong in exit ang convo namin at bumungad muli ang post nya. I clicked the heart bago mag exit sa app. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos kahit na kulang na lang ay kaladkarin ko na ang katawan ko papunta toon. I'm carefully patting my fingernails sa mukha ko to spread the moisturizer nang may kumatok sa pintuan ko. "'Nak lunch na! Labas ka muna dyan at kumain. Hindi ka pa nag aalmusal, " ani Papa. "Opo, pa! Susunod po ako!" Dahil linggo ngayon at wala silang pasok, my parents are just staying at home. Nang lumabas ako, naka upo na sa hapag kainan sina mama't papa. Day off ni Manang Belen kaya't tatlo lang kami. Naglagay ako ng kanin at pritong tilapia sa pinggan ko. "Helena," tawag ni Mama. Nag angat ako ng tingin sa kanya."Po?" "Your Tita Veron reached out to us." "Bakit daw po? May nangyari po ba?" "Wala, ayos naman sya. She just asked me to let you know na kung gusto mong mag OJT sa company nila, let her know and sya na ang bahala." My face lit up with the news at napa lunok ako agad sa pagkain ko. Mama seemed to be happy with it at si papa naman ay mukhang passive lang pero I know, he's fine with it. That's KSW Global, my dream company that we are talking about! Bibihira lang daw mag tanggap ng trainees ang KSWG pero sure na they'll hire you pag galing ka sa kanila when you graduate. "Talaga po?" "Yes. Let her know kung anong desisyon mo but alam nya namang papayag ka." "Of course po! Second year pa lang naman po ako, there's stil a lot of time." "Of course, you can take your time. Pero Haya," seryosong panimula ni Mama."Your papa and I talked and we'll still be staying here." Para sa akin, given na iyon. Nang lumipat sila rito alam ko naman na malabo na yung chance na mag stay ulit sila sa Maynila. Lalo na't nasa edad na sila na mas gusto na nilang nakaka kita ng halaman at mga pananim kesa ang nagtatasang buildings. I'm sure na napa pagod na rin silang makipag sabayan sa bilis ng takbo ng buhay roon. They're lucky na offered sa kanila na ma relocate rito mismo sa probinsya namin. "I understand, Ma. Magiging ayos naman po ako doon. I have tita and my friends there. Saka after that babalik pa rin naman po ako rito." "I'm sorry for dragging you here," aniya nang makita kung gaano ako ka saya na may chance akong maka balik sa Manila. "I know how badly you want to stay there pero sumunod ka pa rin dito." "Ma naman, it's okay. Nag e- enjoy naman po ako rito kasama yung mga pinsan ko saka malaki na ako." "Thank you for being so understanding, Haya. Kung anong gusto mong gawin, susuporta kami pero at least hanggang nag a- aral ka, sa amin ka muna ni Papa mo," madamdamin nyang sabi. Gustong tumulo ng mga luha ko sa sinabi ni Mama pero pinipigilan ko dahil nasa harap kami ng pagkain. "Ma naman, wala namang aagaw sa akin." Inabutan ko sya ng tubig sa baso. "Wala nga. But you are really growing up. Sooner ot later, we'll have to let you go." Hay, bakit ba kami napunta sa soft hours. After the lunch with the parents, bumalik agad ako sa kwarto at nahiga. Hindi ako inaantok pero ang sakit talaga ng katawan ko. Uminom na rin ako ng pain reliever kanina tulad ng suhestyon ni Lukas and it starts to kick in. Mukhang naka recover na, nag aaya na si Ate Yuli kung sinong gustong sumama sa kanila ni Ate Ame mag mall. Hindi daw pwedeng hindi namin sulitin yung araw bago sumabak sa giyera. Nag pass ako. Sinabi ko na masakit ang katawan ko. Totoo naman. Pero the greater reason is that ubos na ang social energy ko at kailangan ko ng mag recharge by spending some time alone. Just me and my own peace. Bitbit ang libro na babasahin, pumunta ako sa likod ng bahay namin kung saan may naka sabit na duyan saka humiga. Hawak ko rin ang phone ko at naka saksak ang earphones sa magkabilang tainga ko to listen to instrumental music. I do this when I wanna be sucked into the book's world. This is me imagining that I am the main character of the book that I am reading. Just when I thought na magkakaroon na ako ng katahimikan, nasa harap ko na si Kia, gulo gulo pa ang buhok, at naka pantulog pa na may sinasabi pero hindi ko naiintindihan. Tinanggal ko yung nasa tainga ko. "- 'yun no? Sya 'to?" "Ha?" She showed her phone to me. "Robin De Guia? That Ro na manipulative sad boy na buti na lang hindi mo jinowa?" Napa bangon ako at biglaan kong inagaw ang phone nya and nakita ko na profile nga iyon ni Ro sa f******k. "Paano mo nahanap account nya?" Baka talagang totohanin nya yung banta nya na he would bash him. "Sis hindi mo ba nakita?" May pinindot sya sa phone at iniharap ulit sa akin. "He tagged you on a memory a year ago." Tiningnan ko at totoo nga. It was a picture of him and me na naka upo sa upuan sa canteen at may hawak na mango shake. He shared the memory and then tagged me. Nilagyan nya pa ng caption na 'miss you, bub.' May mga nag comment ng ang sweet daw, goals at their ship is sailing daw. Those are the people na hindi alam yung nangyari. Hindi ko na rin ginustong ipag kalat pa. Mas okay naman kasing hindi na i- broadcast pa. Hindi ko na siguro kakayanin if it went out of hand. Napansin ko naman naman ang pag angry react ni Camila sa post na iyon. Nag comment pa ng 'Ang cute naman ni Haya na may katabing hayop.' Natawa ako. Iyong babaeng yun talaga. Hay naku. Ibinalik ko kay Kia ang phone nya. "Hayaan mo na yan. Huwag mo na lang pansinin." Mukha syang na disappoint. "Ay? Yun na yun? Ayaw mo ba ng away? Awayin natin," pagsulsol nya. "Di na. Huwag mo na lang bigyan ng atensyon." Umupo sya sa damuhan habang naka harap sa akin habang hinayaang lumapat ulit ang likod ko sa duyan. She's still scrolling at her phone. "Mukha naman syang okay pero ganun sya? And what is this? Parte pa sya ng Student Government?" "Yes. He was our First Year Representative." "He looks so decent and dignified, sis. Hindi mo talaga mahahalata." "He's a good friend and leader but not a good lover." I paused. "At least for me because we didn't work out." Huminga ako ng malalim. "Because he was a good friend to me, akala ko yung mga pag di- dikta nya at pagbabawal nya is only to bring out the best for whatever we had. Hindi pala. Kasi para akong nagka collar sa leeg noon." Totoo pala talaga na when the person is not for you, the universe will show signs and you have to listen to those signs. "Alam mo, you talk like you've already moved on from it," sabi nya. Napa isip ako. Have I? "Hindi ko na rin alam. Hindi ko na rin kasi pinag tuunan iyon ng pansin. I became occupied and busy with the last sem and all the transfer papers na kailangang asikasuhin. I didn't have the time to deal with him and all those feelings." In short, I just buried everything. Or maybe I'm just running away while trying to forget. "Why don't you try talking to him? Para matapos na once and for all? Baka kasi kaya ka nya kinukulit kasi gustong manghingi ng closure? Or akala nya may chance pa?" Umiling ako. "Closure for what? Para sa akin kasi natapos na kung anong mayroon kami nung sinabi ko sa kanya na ayoko na. And one of the reasons bakit ayoko na ng kahit ano sa kanya kasi ayaw ko na isipin nyang may chance pa." When a person has done a lot of damage to you, the moment na na realize mo kung anong worth mo, you'll never want to go back again. "Then block him in all of your socials." "I can't. Gusto kong ipakita sa kanya na okay na ako. Na hindi nya na ako hawak. Siguro nga natanggap ko na pero hindi pa rin ako nakakalimot." Siguro, this is how I cope. "You'll be okay," ani ni Kia. "Salamat, Ki." Dahil pina lungkot ko raw si Kia, according sa kanya, dahil sa kuwento ko, she dragged me para samahan sya na bumili ng gamit nya for school. I was baffled to know na first day of class na bukas pero hindi pa rin sya nakakabili ng gamit nya samantalang ako, namili na ako sa sa Manila pa bago pa maka uwi rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD