Chapter 7

4117 Words
NAGHIHIKAB akong naglalakad papunta sa abot tanaw na bahay nila Ate wearing a yellow beach dress na pinatungan ng puting cardigan at five in the morning habang nasa likod ko ang backpack ko na ang tanging laman ay ang swimwear ko na gagamitin at ang pamalit ko na kulay puting beach dress din at isa pang tee shirt and shorts just in case. May dala rin akong pang skin care. Naka sabit din sa katawan ko ang bag na naglalaman ng DSLR camera ko. Hobby ko rin kasi ang pag kuha ng pictures. It is kind of fun and healing for me and it's nice to capture moments like these through cameras. In a way, I am preserving those memories by capturing it through the lens of my camera. Bukas na bukas na ang gate ang ilaw sa labas ng bahay nila at naka parada na rin ang Grandia doon at naka bukas na ang makina. Nasa labas yung mga boys at naka puwesto sa may trunk na mukhang ipinapasok na ang mga dadalhin. Dumiretso ako sa sasakyan saka pinatong ang backpack ko sa isa sa mga upuan saka malakas isinara ang pinto. "Uy! Akala ko kung sino!" gulat na sabi ni Kuya Jonas pero naka ngiti habang naka hawak sa dibdib nya. "Hi, kuya. Nilagay ko lang yung bag ko," sabi ko sabay turo sa loob. "Ah, okay. Lagay mo lang diyan. Andun na sila sa loob. Pasok ka muna roon." Tumango ako saka kumaway sa kanya para magpaalam. Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Kia na naka tulala sa may sala saka tanaw ko na rin sa may dining sina Ate Amelie at Ate Yuli na hinihilera na yung mga dadalhin para bibitbitin na lang. Tinapik ko ng malakas si Kia. "Mag kape ka muna. Mukha kang Zombie dyan." Nag angat sya ng tingin sa akin saka humikab at isinandal ang buong katawan nya sa sandalan ng sofa. "Antok pa ako, sis. Ayoko pa sanang bumangon lalo na nung naalala kong sa dagat pala tayo at hindi mag c- camping." Natawa ako sa sinabi nya. Hay naku! Akala ko na- let go na nya yung kagustuhan nyang mag camping dahil kahapon nangunguna na sya na it- try nya daw lahat ng lahat ng water activities na puwedeng i- try. "Oh, andito na pala si Haya," si Ate Amelie. Lumingon ako sa kanya. "Hi, ate!" Inubos lang namin yung isang bote ng alak at hindi na nag dagdag pa kagabi. Naka inom lang kami pero hindi naman sobrang wasted kaya hindi ganoon ka lakas tama ng hang over. Umuwi na rin ako ng bandang alas- otso habang si Ate Ame dito natulog at si Kuya Jonas kila Kuya Jule. Dahil sa inuman kagabi, I think I've gotten quite closer to them. Si Kuya Jule na may pinaka maraming nainom kagabi, akala mo tubig lang ang tinungga dahil ang fresh ng hitsura nya ngayon. Daig pa si Kia na naka ilang shot lang pero mukhang wasak na wasak. "Alis tayo in 30 minutes ha. Daan pa tayo ng palengke," paalala ni Ate habang ipinapasok na sa sasakyan ang mga gamit at kanya kanya kami ng bitbit. Lahat ng puwedeng maisip na dalhin, ipinadala na ni Tita ultimo yung mga extra kawali just in case daw. Nagpadala na rin sya ng mga extra na tupperware para kung hindi namin maubos yung pagkain, puwede pa naming ilagay sa lagayan at i- uwi. "Haya mag ingat kayo, ha? I- update mo kami kung naka rating na kayo at kung pauwi na kayo," si Mama na sumunod papunta rito kasama si Tita Rosa. "Opo, Ma." Kanina pag gising ko, hindi pa sila gising ni Papa. Mamaya pa naman ang pasok nila pero nung nag aasikaso na ako, biglang lumabas si Mama ng kuwarto. Gusto nya daw makita pag alis namin ngayon. Nang malagay na ang lahat ng gamit sa likod, nagpaalam na kami saka isa isa na kaming pumasok sa sasakyan. Pa silip na yung araw na saktong sakto lang sa pag alis namin. Kailangan daw kasi by 6:30 nasa resort na kami and by 5 P.M. ay naka check out na kami at pauwi na. We're all set. Naka sakay na kaming lahat. Katabi ko si Kia sa likod na naglalagay na ng neck pillow, ready ng umidlip. Kuya's slowly drove away from the house. Tahimik kaming lahat sa sasakyan. Walang nagsasalita unless necessary maliban kay Miko na kanina pa kumakanta at bilang sya lang ang maingay, nangingibabaw ang boses nya. Para kaming may unspoken rule na huwag munang mag sayang ng energy at saka na lang tumodo mamaya. Ipinikit ko na lang din ang mga mata ko at nag relax. Fifteen minutes on the road, Kuya stopped the car sa gilid ng kalsada. Automatic kaming napa angat ng ulo maliban kay Kia na tulog na talaga. "Palengke na, guys. Kung may bibilhin pa kayo, bilhin nyo na kasi diretso sa resort na tayo after," pag papa-alam ni Kuya Jonas bago bumaba ng sasakyan. I opened my bag's pocket saka kinuha ang wallet ko sa loob. Bibili ako ng fruits pang dessert or snacks namin. Kahapon sana sa grocery but I figured na mas fresh ang mga prutas kung ngayon ako bibili. And to be honest, mas masarap ang mga prutas sa palengke. Sariwa saka matamis. "Saan ka pupunta?" si Ate. Napalingon sila sa akin ni Ate Ame. "Bibili ako ng fruits, 'te. Saglit lang ako." "Ay, sige beh. Gusto mo samahan na kita? Sila Kuya naman mamamalengke." Umiling ako. "Hindi na Ate. Mabilis lang naman ako." Bumaba ako ng sasakyan saka naglakad Papasok sa palengke. Wala akong nakitang tindahan ng prutas sa may bungad kaya naglakad ako pa loob pa. Halos wala ring pinagkaiba sa palengke sa Manila. Dahil maaga pa, makikita mong bagong bagsak ang mga gulay at halatang fresh pa. Buhay na buhay ang palengke at marami na agad na tao. Pag lingon ko sa may kaliwa ko, may nakita akong nagtitinda ng nga sari- saring prutas na agad kong nilapitan. Plano kong bumili ng mangga, pakwan, saka oranges na buti na lang meron. "Uy." Lumingon ako sa likod ko nang makilala ko ang boses ng taong nasa likod ko habang inaabot kay manang iyong mangga na napili ko. "Akala ko kamukha mo lang. Ikaw pala talaga yan." "Kuya! Saan si Kuya Jule? Di mo sinamahan?" Luminga linga ako sa likod nya. He lifted his hands and pointed his fingers sa medyo dulo pang bahagi ng palengke. "Nandoon. Kaya naman nya sarili nya," sabi nya ang laughed. Natawa naman ako. "Sabagay." "Di ka sinamahan ni Kia?" "Nasa dreamland pa rin 'yun. Sarap ng tulog nya sa likod eh. Saka kaya ko naman." "Maam ganda, ito na lahat." Inabot nya sa akin iyong tatlong plastic na puro prutas. Aabutin ko na sana pero agad na kinuha ni kuya. "Let me," sabi nya kaya hinayaan ko lang. Inabot ko na lang kay manang iyong bayad saka lumakad. "May bibilhin ka pa ba? Samahan na kita." "Wala na, kuya. Iyan lang talaga bibilhin ko," sagot ko habang inilalagay ang sukli sa wallet ko. Kuya Jonas also seemed to be the type na mas kumportable sa tahimik. I am like that, too. Kung kaya't I don' t feel the urge to open a conversation with him pero hindi naman awkward kahit walang magsalita. Nakakatawa lang na napapaligiran kami ng mga taong hindi nakakatagal sa tahimik. In short, mga pinsan ko. Nang makarating kami sa sasakyan, unang nag angat ng tingin si Ate Yuli nang buksan ko yung pinto. Ibinaba nya yung phone na hawak nya saka umayos ng upo mula sa pagkaka sandal. "Si Julius nasaan? Wala pa?" "Wala pa." Lumingon sya sa akin. "Ako na maglagay sa likod. Pasok ka na." "Anong meron sa inyo dyan?" Speaking of the devil. Kuya Jule came with different plastic bags in both of his hands. "Oh, ito na pala o." "'Lang hiya 'to!" sabi nya kay Kuya Jonas. "Abot ako ng abot ng plastic ng hipon sa likod ko pero wala ka na pala dun! Akala tuloy nung nasa likod ko pinamimigay ko!" Tawa lang kami ng tawa kay kuya. Hindi naman sya mukhang asar pero mukha pang proud sya na may entry sya na magpapa tawa sa amin. Ayan na, nag uumpisa ng tumaas ang energy namin. Itinaas ni Kuya Jonas ang pinto ng trunk at inilabas ang cooler na may mga yelo na saka doon inilagay ang mga pinamili nya. We're back on the road at nag iingay na lahat ng kasama ko. Si Miko, kumakanta pa rin pero sinasabayan na sya ni Kia na nagising na pagka galing namin sa palengke. This feels like a proper outing ngayong maingay na. Excited na rin ako mag enjoy but the first thing I should do is to prepare for our breakfast. Mabilis lang naman iyon. "Andito na tayo. Mag inat na kayo!" Anunsyo ni Kuya Jule. Lumiko si kuya sa isang pathway at may madadaanan kang sign na may nakalagay na Welcome to Haraya Beach Resort sa mismong kanto and you have to drive in further. Mukhang gubat iyong dinaanan namin dahil naglalakihan ang mga puno sa gilid ng daanan but my excitement went up nang makalagpas kami sa mismong gate ng resort at nakita ko na ang dagat. Kuya parked at nag unahan na kaming lumabas ng sasakyan. My ears immediately catched the sound of the waves. Ang sarap din sa pakiramdam ng tama ng araw sa balat ko. It's been so long. I already love it here. Ang sarap ng simoy ng hangin. They welcomed us with complementary drinks saka they ushered us to the beach hut na pina reserve ni kuya. It's so beautiful! Inilabas ko na agad ang camera ko and I did some test shots sa labas ng kubo. The beach hut has a spacious balcony at mayroon doon na eight seater dining table sa labas mismo na bagay na bagay sa boodle fight at inuman. Pag pasok mo naman, ang bubungad sayo ay iyong dalawang bunk bed na magkatapat on both sides tapos sa likod ng bunk bed ay ang CR at kusina. May kalan at rice cooker na naka lagay. It's kind of spacious at puwede pang maglatag ng isang queen sized na foam bed sa gitna. Kanya kanya na kami ng hagis ng mga bag namin sa higaan. Lahat ay excited na. I took out my phone and sent a text to Mama na nakarating kami ng safe. Sina Kuya Jonas at Kuya Jule naiwan pa sa sasakyan dahil nandoon pa yung mga gamit namin sa likod ng sasakyan. "Haya! Tara sa may dagat!" Pag a-aya ni Kia. "Mauna ka na, magluluto pa ako ng almusal eh," sabi ko. "Wala pa naman eh! Tara muna saglit lang, samahan mo ako." Mahina nyang hinahatak ang braso ko pero I just stood still. "Sige, pero aminin mo muna na tama yung desisyon namin na mag dagat kesa mag camping," biro ko. Agad namang ngumuwi ang mga labi nya. Binitawan nya ang mga braso ko saka inilagay ang mga kamay nya sa baywang nya. "Alam mo ikaw-" Ngumisi ako ng pabiro. "Joke lang! Tara na!" Hawak ang kamera ko na naka sabit ang sling sa leeg ko, ako naman ang humatak kay Kia palabas ng kubo. Ilang metro lang ang layo ng beach front sa tinutuluyan naming kubo. May mga naka tayong parang poles na may colorful flags sa may buhanginan. May iilan ding sunlounger sa ilalim ng bawat coconut trees. May naka tayo ring beach volleyball net for those who want to play. Sa dagat naman, may iilang naka tigil na mga bangka. The waves are calm while the sunlight reflects on it that it shines like a thousand of diamonds. Napaka ganda. Kung papipiliin ako, gusto kong malapit sa dagat tumira. It's just so calming and healing. Everything feels so alive. Lumakad ako papuntang dagat at hinayaang mabasa nito ang mga paa ko. "Picture- an mo ako, Haya!" "Okay, pose ka ha! Pang upload sa IG feed mo!" I focused my lens on Kia na feel na feel naman ang pag pose sa buhanginan. Kia looks so natural in front of the camera. Sabagay, she had modeling gigs with me nung mga bata kami. Yes, I did too. I remember when tita would take us sa isang studio. They would dress us up with cute gowns and the only instruction was to smile and be charming in front of the camera. Kia continued to model until we were twelve but I stopped at nine. When I got offered to model again in high school, I rejected it. That's when I realized na what I like to do is hold the camera behind and not to smile in front of it and be the subject. "Balik na tayo? Na kuha na yata lahat ng gamit from the van," suhestyon nya. Tumingin ako sa relo ko. 7:03 na ng umaga. "Tara na. Magluluto pa ako ng agahan." Nang maka balik kami, agad akong dumiretso sa lamesa kung saan naka patong iyong cooler. Kinuha ko naman sa loob yung isang kilong tocino at inilabas iyon pati ang tray ng itlog at lahat ng kakailanganin ko. Nang mailagay ko na sa kusina, inuna ko muna na mag salang ng sinaing sa rice cooker. "Tulungan na kita," sabi ni kuya Jonas nang mapadpad sya sa kusina. "Hindi na, kuya. Ipi- prito ko na lang 'to then tapos na," sabi ko. "Hindi nga? Dali na, I can help you with anything. Wala na rin naman akong ginagawa." "Sure ba?" paninigurado ko. Natawa sya. "Oo nga. Dali na." "Hmm. Paki ayos na lang nung table sa labas para doon tayo kakain." "Alright. Roger that," then he went outside. Luto na ang almusal namin at tinatawag na ni Kuya Jonas yung mga pinsan kong nasa may dagat na. On the table, there are tocino, itlog at garlic fried rice. Nag hiwa rin ako ng kamatis at pipino on the side. "Naks naman! Sarap naman ng almusal natin Haya! Nasa bungad pa lang kami, naamoy na namin yung sinanggag!" Bungad ni Kuya Jule na basa na ang kalahati ng board shorts nya. "Shhh... Ako lang 'to," biro ko. "Joke lang. Kain na tayo." Our breakfast was filled with stories and laughter but nonetheless, we enjoyed it. After kumain, nagka yayaan na kami na magpalit ng pang swimming. Ate Yuli and Ate Amelie flaunted their bodies in their two piece swim suit. Si Kia, naka rashguard at ako naman ay naka one piece na backless swimsuit na sinuotan ko ng high waisted maong shorts. "Grabe, dapat pala hindi muna ako kumain! Kaloka! Lumabas na yung bilbil ko! Ang sarap ng pagkain eh," sabi ni Ate Amelie and looked softly at me. "Girl, wag kang mag reklamo. Matagal na iyang nandyan. Wag ka nang mag panggap!" Kia dramatically snapped her fingers. "So, isasantabi lang ba natin yung fact na ako lang ang balot na balot dito at mga hubadera kayo?" "Ay hala hindi ka ba na orient?" Nag aalala yung tono ni Ate Ame pero halata mong joke. "Ayos lang yan! As if naman hahayaan ka ni Julius na mag ganito eh alam mo naman 'yun.". "Sabagay, " sabi ni Kia. "Tara na nga! Sulitin na natin yung pa- bakasyon ng parents." Sinarado namin yung pinto saka dumiretso na sa dagat at naabutan namin na yung tatlong boys na nagtatampisaw na sa dagat. Ang mga Ate at si Kia, magkakahawak kamay na unti- unting lumusong sa dagat hanggang sa mapunta sila kung nasaan sila kuya. Ako, nagpaiwan muna ako sa buhanginan habang tahimik na tinatanaw at natatawa sa kanila. Gusto ko lang muna mag babad sa araw habang hindi pa sobrang init. Kumaway sila kaya kinawayan ko lang din sila pabalik and the next thing I know, umaahon na si Kuya Jule at Miko at papunta sila sa direksyon ko. Tawa ng tawa silang nasa dagat habang nakatutok sa amin. Tumayo ako saka lumayo sa papalapit na Kuya Jule at Miko. Alam ko na kasunod nito eh. "Wait!" I screamed. "Oo na, lulusong na ako! Ako na!" Itinaas ko ang kamay ko na para bang pinahihinto sila. "Hindi puwede ate, sumama ka sa 'min," sabi ni Miko at hindi nilang dalwa pinansin ang sinabi ko saka dumiretso sila sa magkabilang gilid ko. They locked their arms with mine then marahan akong hinatak pa lusong ng dagat. Nag bu- blurred na rin ang paningin ko sa kaka tawa and I actually don't mind them dragging me hanggang sa basa na rin ang kalahati ng katawan ko. Pag dating namin kung nasaan sila, bigla ba naman akong winisikan ng tubig sa mukha. "Teka lang! Stop muna guys, ang alat!" natatawa ko ring sigaw para patigilin sila. Tumigil naman sila pero lalo lang madagdagan ang tawa nila. Iba talaga ang definition ng fun ng mga pinsan ko kaysa sa akin pero ang kumportable nilang kasama. The fun thing for me is staying still, reading a book or watching a movie samatalang ang kanila ay ganito. "Yuli ano na? Dito mo ipag mayabang yung ilang taon mong pinractice bago mo makuha?" Winisikan ng tubig ni Ate Yuli si Kuya Jule. "Napaka sama talaga ng ugali nito ni Julius! Kaya ka di pinapatulan ni Roan eh!" Nanlaki ang mata ko at agad na napa- lingon kay Ate dahi sa sinabi nya. Ever since I came here, I've been hearing things about kuya na may nililigawan daw siya but they never mentioned who. Si Ate Roan iyon? Oh my gosh! I looked at my other pinsan at again, ako lang ang halatang nagulat sa nalaman. Lumingon sa akin si Kia saka natawa. I looked at her na nangumumpirma kung tama ba iyong narinig ko at tumango naman sya. I suppressed my lips saka iniwas ang tingin ko sa kanila while trying to absorb the information. Mga ilang revelations pa kaya yung malalaman ko? "Sus, baka mamaya sinusulsulan mo na 'yun na wag akong sagutin. Hater talaga kita 'no?" pambawi ni kuya ng pabiro. "Ay, correct ka 'dun!" *** Hilo at worn out akong sumadal sa sunlounger. Kakatapos lang naming sumakay ng banana boat at dalawang beses kaming nalalaglag. Una, dahil sa biglaang pag liko. Pangalawa, dahil kay Kuya Jule na nasa dulo. Inumpusahan ba namang itulak si Ate Yuli tapos iyon na. Nag domino effect na at nag tulakan na lang kaming lahat. Yung mga kasama ko tuwang tuwa samantalang ako drained na. Nang medyo tumaas na ang araw dahil tanghali na, nag presinta yung boys na asikasuhin na daw yung lunch namin. Mag g- grill sila nung seafoods na binili kanina at iyong liempo na marinated by Tita para mag bu- boodlefight kami. Kami namang girls, tumambay lang sa sunlounger. Tumayo ako. "Kunin ko lang yung camera sa loob," paalam ko. Pumunta ako sa kubo at naabutan ko sila na abala na sa paghahanda ng lunch namin. Si kuya Jule, nagpapa lingas ng apoy sa ihawan at si kuya Jonas, naghihiwa sa may mesa at pag pasok ko, si Miko ang nasa kusina na hinuhugasan yung pusit, bangus, hipon at alimago na iihawin. Bumalik din ako agad kung nasaan sina ate bitbit na ang camera. Game na game naman sila na mag pose at um- awra sa camera kaso lang umiinit na at medyo masakit na sa balat kaya't sa kubo raw muna sila. Nagpaiwan ako dahil gusto ko muna sanang kumuha pa ng pictures around and okay lang naman sa kanila. Tumayo ako then I went to the shore. I was trying to focus my camera on the sea but as soon as I clicked the shutter, somebody suddenly showed up and smiled for the shot. Gulat kong ibinaba ang camera ko. "Hi, Haya!" A smiling Lukas Orion with a surfboard in his arms is in front of me. Naka suot sya ng plain white muscle tee na may sabit na sun glasses at itim navy na shorts. "Lukas! Hi!" Agad na bati ko nang maka bawi sa gulat. Dumako ang tingin ko sa hawak nyang surfboard and then naalala ko yung picture na ipinakita ni Kuya Jonas while he's surfing in this resort. Obviously he's here to surf and it's today out of all days. "We bumped into each other again," aniya nang naka ngiti. "Oo nga 'no? Is it a bad thing?" "No," he said while his eyes are on my camera while mine is on his board. "Kanina ka pa rito? Hindi kita napansin?" "Halos kararating ko lang. Tinyempo ko lang na malakas na yung alon," aniya. Muli kong itinaas ang camera at this time, nasa kanya na talaga ang focus. Na gets naman nya and agad siyang ngumiti. I looked at his photo and Naglakad ako pabalik sa sunlounger at umupo. Sumunod naman sya na tumabi sa akin but he maintained a small distance from me. "Kasama mo family mo? Last hurrah before the sem starts?" "Hindi. Sina kuya lang din kasama ko and yep, last gala bago magpaka stress sa uni. Ikaw rin?" "Yes. Medyo maging hectic na this year pero kakayanin naman. Best of luck pala sa first day mo. Mababait naman prof sa SPU. Sige, pati students na rin." "Thanks, ikaw rin, best of luck sa iyo," I sincerely said. "Sino palang kasama mo rito? Friends?" "Solo flight. Bigla ko lang naisip na pumunta rito ngayon. Ganda pala timing ko kasi nandito ka rin- kayo." Napalingon ako sa kanya. Lukas focused his eyes on the sea in front of us. Unlike the usual Lukas na laging may playful aura, he looks so calm today. Naka ngiti't mukhang okay naman sya. I stood. "Tara?" pag a- aya ko sa kanya. Inangat nya ang tingin nya at unti unting kumunot ang noo nya. "Tara saan?" "Uh, sama ka sa amin kung okay lang sayo? Kami lang din na magpi- pinsan nandoon." Agad syang tumayo at ang gummy smile nya ay lumabas na. For a moment, he looked like the Lukas na sanay ako. "Tara! Akala ko di mo ko yayayain eh. Invite ko na lang sana sarili ko." Bitbit nya ang board nya, naglakad kami papunta kung nasaan ang kubo namin. Naabutan naman namin na nasa labas silang lahat at nag aayos na ng lamesa. "Nice naman may pa boodle fight si master!" bungad nya kaya nagsi lingunan ang mga kasama ko. Agad syang sinalubong ni Kuya Jule. "Uy bro, andito ka rin pala?" aniya kay Kuya Jonas. "Buti nag s- surf ka ulit? Akala talaga namin di ka na nag su- surf. Ang galing mo pa naman," banggit ni ate Ame. Binantayan ko ang expression ni Lukas pero hindi naman iyon nag bago. Akala ko ma o- off or ma o- offend sya sa pag o- open up ni Ate sa topic na iyon pero mukhang hindi naman. "Ano, minsan na lang pag trip ko. Sayang naman yung galing ko kung di ko magagamit." Biglang natawa si Ate. "Yabang! Pakitaan mo kami mamaya ah!" "Oo ba!" And there, the whole gang gladly welcomed Lukas to join us for the day. On the table, may naka latag ng dahon ng saging at doon naka lagay ang kanin na pinatungan ng inihaw na liempo at mga seafoods. May mga sawsawan at naka hiwa na rin ang punamili kong prutas kaninang umaga on the side. We gathered around the table at sabay sabay na nilantakan ang pagkain. Nasa may dulo ako ng lamesa at sa gilid ko ay sina Miko at Lukas. "Haya, try mo 'to." Lukas placed a crab on top of my rice. Wala na itong shell at naka hati na sa gitna. "Sawsaw mo sa suka. The best." "Thanks," sabi ko at ginawa ang sinabi nya. Naka tingin lang sya sa akin na mukhang ina- anticipate yung reaksyon ko. Nanlaki ang mata ko na napa tingin sa kanya. Itinaas baba nya ang kilay nya. "Sarap 'no? Favorite ko yan." After he gave me crabs, may mga ulam pa syang pinag lala- lagay sa pagkain ko. He also made everyone to try the crabs na isinawsaw sa suka. After namin kumain, nagligpit kami saka nagka yayaan ulit sa dagat. Sa totoo lang, nauubos na ang energy ko pero sila game na game pa rin. We're digging on the sand dahil we're gonna bury Miko for fun. Game rin naman sya. Lukas, on the other hand, is riding the waves with other surfers din. It is exactly like how it was in the pictures. Bumamabagsak ang mga hibla ng buhok nya sa mukha nya kaya't lagi nyang hinahawi. Mukha talagang na e- enjoy nya ang pag su- surf. Hindi ganoon ka taas ang alon at tamang tama lang to surf for fun. Tama nga si ate. Buti hindi nya itinigil dahil ang galing nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD