"BATO, BATO, PIK!" Sabay na lumapag ang kamay ni Kuya na naka yukom na parang bato at ang kay Kia na naka pormang gunting. Kuya punched his fist in the air for his victory dahil natalo nya si Kia sa score na 3-2.
"Ano ba yan. Malas naman!" hinaing ni Kia.
"Pa'no ba yan nanalo ako? Dagat tayo this Sabado," ani ni Kuya. Nag suggest kasi si Ate Yuli na we should do something bago magpasukan sa lunes. Wala pa kasi kaming proper na gala maliban nung fiesta sabi nya. Kia suggested na mag road trip daw kami kaso lang Kuya disagreed bilang sya lang naman daw ang driver sa amin. Nakaka pagod daw. Imbis na ma- relax sya, sakit ng katawan ang makuha nya so he suggested na mag beach na lang daw kami. 30 mins. lang ang layo.
Kung ako tatanungin mas gusto ko din sa beach. Mabibilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses ako nakapag beach. The last time was two years ago sa Calatagan, Batangas.
"Kasi! Mag road trip na lang kasi tayo! We could also do camping. You know. Building tents, do bonfires and stuffs like that!"
"Beh, isang araw lang tayo gagala. Kulang ang isang araw dun. Sa pag build pa lang yata ng tent sasakop na ng ilang oras. Baka mamaya ipa- hanap tayo ni Tito Jaime. Alam mo naman 'yun." sabi ni Ate kay Kia.
Kia clapped her hands, trying to get our attention. "Wait, wait, wait kasi! Okay! Bumoto tayo ulit tapos kung ano yung majority, iyon na."
Gusto kong tumawa dahil mukha talagang desperado si Kia na mag camping. Nabanggit nya kasi sa akin nung nakaraan na gusto nya mag camp para sa bago nyang ipi-paint kaya nung nag suggest sila Kuya na gumala talagang ipinaglalaban nya na mag camp kami.
"Okay, last na 'to ha. Pag hindi pa rin talaga wag na tayo gumala." warning ni Ate. "Game! Sinong in favor sa camping? Taas kamay." Kia proudly raised her hand at naka tingin lang kaming apat sa kanya, natatawa, dahil nanatiling naka baba ang mga kamay namin.
"Hoy ang sa- sama ng ugali nyo?! Talagang walang pag suporta?" reklamo ni Kia. Her bedroom echoed our laughter. "Haya? How dare you?"
I giggled at her remark. "Sorry!"
"Oh, game na 'yan ha? Wala ng bawian para ma- flex ko na muscles ko." Itinaas ni Miko ang mga braso nya tulad nung sa mga bodybuilders at natawa kaming lahat.
"Wag kang magpanggap na may ma f-flex kang muscle dahil isang ubo mo lang kakalas ka totoy," asar ni Ate Yuli.
Miko mocked his face kay Ate halatang naasar.
"Ito plano ha. Sa friday, kayong girls mag grocery sa bayan ng lahat mga kailangan natin. Alis tayo ng maaga para hindi masakit sa balat yung araw pag nag swimming." sabi ni Kuya saka tumayo at dumiretso sa pintuan. "Tawagan nyo ako pag may problema ha. The rest, ako na bahala."
Nang maka labas si Kuya sumunod na rin si Miko sa pag alis kaya na iwan na lang kaming tatlong girls na naka upo sa kama ni Kia na mahaba parin ang nguso dahil sa dagat ang punta namin at hindi ang road trip at camping. Maya- maya pa'y inilabas ni Ate Yuli ang phone nya saka inilista namin ang mga kakailanganin namin sa outing.
***
I PUSHED THE cart pa kaliwa at tumigil sa estante ng mga chichirya at biscuits. Kung anong makita ko, lagay lang ako ng lagay sa cart. Nasa isang Mart kami ngayon at hiwa-hiwalay kami nina Ate Yuli at Kia para kunin ang mga naka toka na kailangan naming bilhin gaya ng napag usapan. I was assigned to get snacks and the food for breakfast, kay Kia naman ang mga disposable stuffs and toiletries at si Ate naman ang bahala sa mga lulutuin namin na lunch sa outing pero dadaan pa daw kami ng palengke bukas para bumili ng seafoods.
Sabi naman ni Kuya pwede naman daw magluto sa ni- reserve nya na beach hut so I plan to make them Tosilog. That should be enough to fuel us before lunch.
Lahat ng kailangan ko ay nasa cart ko na and ready na para bayaran. Nang magkita- kita kami sa counter, mukhang isang baranggay ang mag o- outing dahil halos puno ang cart namin.
"Ito lahat yun?" Kuya looked shocked nang makita nya ang cart na puno ng groceries na pang isang araw lang nang sunduin nya kami.
"Wipe out lahat 'yan bago tayo umuwi. Hindi namin inunder- estimate yung katakawan mo Kuya." sabi ni Kia.
"Ayos ah. Sino kaya dito yung pa- sikretong nag iinit ng ulam tuwing hatinggabi?" Kuya clapped back.
"Sus, parehas lang naman kayo. Go na!"
Kanya kanya kaming bitbit ng mga eco bag papuntang parking lot. Kuya Jonas, wearing a black plain tee shirt at jersey na shorts. Ganun din si kuya. Malamang kakatapos lang nila mag basketball. He's standing in front of a Honda BR-V instead of the Grandia. Agad nya kaming sinalubong saka binuksan ang trunk at isa isa naming inilagay ang mga pinamili doon.
Ngayon ko na lang ulit nakita si Kuya Jonas after nung baylihan. Nabanggit din ni Kuya kasama din sin Ate Amelie at Kuya Jonas sa outing bukas. The more the merrier daw. After namin mailagay ang pinamili, sumakay na kami sa back seat.
"Saan tayo? May dadaanan pa ba kayo? Wala ng nakalimutan?" Kuya Jonas started the engine nang maka settle na kaming lahat sa loob.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Ate at Kia. Inalala ko kung may nakalimutan ba kaming bilhin or what. I mentally recalled the things na binili ko at wala naman akong nakalimutan kaya umiling ako sa kanila at ganun din naman sila.
"Wala na kuya. Covered na lahat."
"Ako, gutom na ako kaya kain muna tayo. Jollibee tayo, pre." And with that, Kuya Jonas drove to the nearest Jollibee.
Inikot ko ang tinidor ko sa paborito kong Jolli Spaghetti na ilang weeks ko ng hindi nakaka kain. Buti na lang talaga may malapit na Jollibee dito at makakain ko pa rin yung all time comfort food ko tuwing stressed ako.
Nag p- plano na yung mga pinsan ko kung anong gagawin namin bukas. I was expecting na mag s- swimming lang kami, mag re- relax, kakain at i e-enjoy yung dagat pero oo nga pala, hindi ganun ang definition ng mga pinsan ko sa 'fun'. Gusto nila yung mga extreme activities. Gusto nila ng mga bardagulan.
"Puwede bang sa shore na lang ako? Support ko na lang kayo?" sabi ko. Hindi ko yata kasi kakayanin na makipag sabayan sa energy nila.
Sabay sabay nila akong nilingon na para bang may nasabi akong hindi maganda.
"Ay, hindi beh. 'Di pwedeng pass dito. Kung liliparin kami sa banana boat dapat ikaw rin."
"Kaya nga!" pag agree ni Kia.
"Okay po. Sasama na." I raised my hands na para bang nag su- surrender.
"Ano pa bukod banana boat at kayak?" tanong ni Kia.
I raised my head and they look so serious sa pag lilista ng mga water activities na gusto nilang i try.
"Ano pa bang available? May snorkling ba sila 'dun?" Ate Yuli asked Kuya Jonas na hawak ang phone nya na nag b-browse sa f*******: page ng resort.
"Ni hindi ka nga marunong lumangoy?" singit ni Kuya Jule. Tinaasan sya ng kilay ni Ate.
"Excuse you, Julius, marunong na akong mag floating. Finally."
Tumawa si Kuya. "Oo. Finally after 7 years ng pagtuturo sa 'yo ngayon mo lang nakuha."
"At least hindi umabot ng 10 years?"
Natawa ako sa kanila.
"Surfing din pala available. Sinong gusto? Oh. Teka. Si Lukas 'to ah?" sabi ni Kuya saka iniharap ang phone nya sa amin. Saktong nasa harap ako ni Kuya sa pabilog na table kaya kitang kita ko ng malinaw kung ano iyon.
It's a photo of Lukas immaculately riding the waves. His knees are slightly bent and it looks like he was maintaining his balance. Ang kanang kamay nga ay naka straight paibaba na para bang he was actually touching the wave sa likod nya habang ang kaliwang kamay nya ay naka hawak sa buhok nya na hinawi paitaas. He was looking straight and very focused.
Kuya swiped left and it showed another picture of him na bitbit ang kanyang surfing board na kakaipit sa kaliwang parteng gilid at kamay nya habang naglalakad papuntang shore at halatang kaka ahon lang. He was brightly smiling at mukhang satisfied.
Wow. The photo was well captured! Lukas looked really cool in those photos. Aakalain mong ibang tao yung Lukas na mukhang bubbly at laging punong puno ng energy.
"I didn't know na nag su- surf pa rin 'yun?" sabi ni Ate. "Kala ko ba ititigil na nya ever since that?"
"Ewan ko dun?" Yumuko si Kuya at chineck muli ang phone nya. "Mukhang recent lang yung pics eh. Two months ago."
"Eh malay nyo naman na enjoy nya na talaga mag surf after all, diba? Saka matagal naman na 'yung mga happenings." sabi ni Kia.
"Sabagay. Hayaan nalang natin."
I looked at them at naka kunot ang mga noo nila, halatang may iniisip or rather may naaalala na nag resulta ng sandaling katahimikan sa lamesa namin. It's very obvious na ako lang hindi nakaka intindi ng context ng pinag u- usapan nila.
Something must've happened to Lukas before.
"Anyway, ano? Surfing pa tayo bukas?" pagbabalik ni Kuya Jule sa real agenda namin. And with that, natapos ang usapan tungkol kay Lukas. Mukhang ayaw na nilang pag usapan pa at ayoko rin naman mag mukhang nosy kaya hindi na lang ako nag tanong.
"Okay lang naman pero let's see muna kung kaya ng time natin," sabi ni Ate na i- kina tango ng lahat.
Sa byahe pa uwi, tahimik kaming lahat at tanging ang radyo lang ang nagbibigay ng ingay sa loob ng kotse. Nag kick in na yung food coma sa amin. Gusto ko sanang umidlip tulad ni Kia pero hindi ko alam kung bakit lumilipad ang utak ko sa usapan tungkol kay Lukas kanina.
Bakit ko ba 'to iniisip?
Curious lang siguro ako sa nangyari.
Nang makarating kami, kila Ate Kia kami dumiretso dahil doon namin sa kanila ilalagay ang mga pinamili. Ako at si kuya Jonas ang naglagay sa ref ng mga perishable goods pansamantala saka ililipat sa cooler pag aalis na habang ang iba ay abala sa pag ha- hain ng nilutong meryenda ni Tita. Kaka kain lang namin pero sino bang tatanggi sa pagkain diba?
I felt a soft poke on my arms at agad naman akong napa angat ng tingin para tingnan kung sino iyon. Si Kuya Jonas pala. "Haya, may tumatawag sayo."
I picked up my phone na naka patong sa lamesa. It was an un registered number pero kabisado ko ang bawat numero at kilalang kilala ko kung sino ang nagma- may ari ng number na iyon kaya't hinayaan ko lang na mag ring ang phone ko. I don't have a slightest intention to answer the caller.
"Hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Kuya Jonas nang mapansin nya na ring pa rin ng ring ang phone ko hanggang sa maputol na lang.
Umiling ako.
Hinding hindi ko sa sagutin kahit kailan.
"Okay..."
My phone beeped because of a text.
09XXXXX1234:
Haya? Can we talk?
09XXXXX1234:
I miss you.
Kumunot ang noo ko and I mentally rolled my eyes at patuloy na inignora ang mga text. Lumabas ako ng kusina at pumuntang sala kung nasaan sila nang makitang okay na lahat at pumunta na rin ng sala si kuya.
"Bakit mukhang triggered ka dyan? Anyare?" Tumabi ako sa tabi ni Kia at sumandal sa sofa.
Si Kia, Ako at si Miko ang nasa sofa habang sina kuya Jonas, kuya Jule at Ate Yuli ang naka salampak sa lapag habang nakapatong ang throw pillow sa mga lap nila. Mukhang mag mo- movie marathon kami dahil si Ate Yuli ay namimili na ng DVD na isasalang. Sa coffee table naman nakapatong ang mga platito at ang cheesy pa na Maja Blanca ni tita.
"Wala naman." Nahagip ng tingin ko si kuya Jonas na naka tingin sa akin. Binalewala ko lang. Kinuha ko yung mga platito saka isa isang binigyan sila. Agad naman kaming kumuha ng Maja saka pumwesto nang mag umpisa na ang pinlay ni kuya na movie. By the looks of it, horror movie ito.
"Tita meryenda po tayo!" Sabi ni Kia nang mapadaan si Tita na ma hawak na tray.
"Salamat 'nak. Doon ako kay tito nyo sa shop. Enjoy kayo dyan," nakangiting sabi ni Tita saka dumiretso na pa labas.
Wala pang limang minuto sa pano- nood ng movie, my phone rings again because of a call at naagaw noon ang atensyon ng lahat. I picked up my phone at in- end agad iyon. It's that person calling again. Suspicious na tumingin sa akin si Kia pero inignora ko lang at wala talagang balak na sagutin pero nag ring ulit.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng inis ko kaya kinuha ko yung phone saka dali daling lumabas ng bahay. I ensured na malayo layo ako sa bahay so they won't hear what I would say. Huminga ako ng malalim saka sinagot ang tawag.
"What do you-"
"I miss you."
Para akong nahimasmasan sa mga salitang 'yon. Umurong lahat inis ko at lahat ng salita na dapat ay sasabihin ko. I was silent for a while at sya rin na para bang tinatantsa nya ako.
"Ro, please."
"Kumusta ka na, Haya? Pumunta ako sa dorm mo pero wala ka na roon. Sinabi na lang sa akin ni Camila na umalis ka na," sabi nya in a low baritone voice.
That voice.
That voice used to calm my nerves pero ngayon hindi ko alam pero bakit iritang irita akong pakinggan ngayon. Boses na dati gusto kong laging pakinggan pero ngayon ni ayaw ko nang marinig.
"Kung tumawag ka para lang kumustahin ako, ayos lang ako Robin. I'm doing great here and I'm adjusting very well. Ngayong nasagot na yung tanong mo, I'll have to end this call dahil may ginagawa ako, " sagot ko sa isang matigas na tono. My voice was laced with coldness and no hint of warmth was evident with my response.
Sana lang makuha nya yung hint na ayaw ko syang kausap.
"Oh," gulat na sagot nya pero agad naman syang naka bawi. "Atleast reply to my texts, Haya, please?" malambing na sabi nya.
Oh no. That won't work anymore.
"Don't expect me to reply to your texts and please. Stop bugging me. We're done." Pinatay ko na ang tawag. Nanatili akong nakatayo roon ng ilang mga minuto pilit na kinakalma ang sarili ko dahil pakiramdam ko naubos ng ilang segundong tawag na 'yun ang buong energy ko ngayong araw. I feel so restless.
"Haya!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon and it was Ate Yuli na naka dungaw sa bintana na naka bukas. "Bakit naka tayo ka lang dyan? Tara na rito!"
My phone beeped again.
"Wait lang ate!" sigaw ko pabalik. She stared at me for a couple of seconds probably trying to figure out what's up with me saka tumango sabay isinarado ang glass window.
Mabigat ang loob ko na pinindot ang notification ng text ni Robin. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa pinapansin kung puwede namang i- ignore na lang.
09XXXXX1234:
Thanks for answering, Bub. I missed your voice.
Lahat ng natitira kong lakas pakiramdam ko gumuho. Gusto ko na lang matapos 'tong araw na to.
Lumakad na ulit ako pa pasok sa bahay dahil madyado na akong matagal na nasa labas. Pag pasok ko, lahat ng atensyon na sa akin na naman. I know mukha akong sinalpakan ng langit at lupa ngayon. Dumiretso ulit ako sa tabi ni Kia at tumabi.
"Sino kausap mo Ate?" tanong ni Miko.
Ngumiti ako. "Wala 'yun. Schoolmate ko lang dati."
Totoo naman. Robin was my Schoolmate and nangangamusta sya.
"Akala ko naman may kaaway ka na sa phone." Si Ate Yuli.
Muntik na. Pero syempre hindi ko sasabihin 'yun.
"Wala, Ate. Bakit pala may alak na dito?" tanong ko nang may naka patong ng bukas na Alfonso I Light, shot glass, at ilang pirasong bukas na chichirya sa lamesa. May naka timpla na ring orange juice sa isang pitsel.
Hapon pa lang pero ito't nag latag na sila agad ng alak. Good luck na lang talaga sa amin bukas at sana hindi malala ang hang over namin. Mukha ring nag give up na sila sa panonood nung movie dahil si Miko ay abala na nag se- set up ng pang videoke dahil naka labas na ang mic na naka patong sa lamesa.
"Baka kasi kailangan mo." Kia mumbled in a volume na sakto lang para maabot ng tenga ko ang sinabi nya. My body tensed kasabay ng pag lingon ko sa kanya habang ginapang ng kaba ang dibdib ko. "Wala lang! Pakana na naman ni Kuya syempre. Fuel daw para sa outing bukas," malakas na sabi nya this time.
Naka tingin si Kia sa 'kin at ayan na naman yung pang Marites nyang tingin. Yung para bang nagsasabi sya na ihanda ko yung sarili ko dahil kailangang malaman nya yung kung anong tinatago ko. Yung para rin bang hindi matatahimik yung kaluluwa nya kapag hindi ako nagsabi.
"Game na! Buksan niyo na yan! Ipa ikot na agad yung tagay nang maka rami na tayo," pag kuha ni Kuya Jule ng atensyon namin.
"O dahan dahan lang sa inom ha. Baka plano plano tayo ng outing tapos bukas lagpak tayong lahat," paalala ni Ate.
Kuya Jonas grabbed the shot glass at agad iyong nilagyan ng tagay. Si Miko naman ang nag lagay sa baso ng chaser. Ang unang tagay ay kay Kuya Jule na nag p- punch in na ng kanta. Si Kia naman hawak na ang song book at nag b- browse ng kanta.
A very familiar intro of the song blasted through the speakers. Hindi nga naman makukumpleto ang inuman at videoke kung wala ni isang kakanta ng Magbalik by Callalily.
Umpisa kay Kuya Jule, tuloy tuloy lang ang ikot ng tagay sa amin at hindi namin namamalayan na kalahati na ang naiinom namin. Siguro kasi madami kami kaya mabilis lang ang ikot.
I just can't seem to forget what happened at paulit ulit pa rin na nag p- play sa utak ko yung scenario kahit na may alak na sa sistema ko. Nagkakasiyahan na lahat, to the point na pati si Tito Ed pati sina Kuya Buboy at Manong Poli nabtrabahante ni tito ay napa tagay na ni kuya. Si Tito Harold din na pinsan ni tita eh napa shot nila pero yung utak ko iyon at 'yun pa rin talaga ang iniisip.
I felt a slight nudge from Ate Yuli. "Okay ka lang? Tahimik ka naman talaga pero mas tahimik ka ngayon. May nangyari ba?"
Shocked from the sudden question, I wasn't able to answer her agad agad.
Umiling ako. "Wala talaga, Ate. Uh..."
Kailangan ko ng isang matinding palusot.
"Hmm?"
"Naibalita lang kasi ng kakilala ko na namatay na yung prof namin sa Principles of Marketing. Medyo close ko pa naman si Maam kaya nakaka lungkot lang. 'yun."
Ate Yuli's expression softened. Nawala yung protective aura nya kanina na bumabalot sa kanya. She pouted her lips saka marahan na hinagod ang likod ko.
"Extend our condolences sa inyo at sa family ng prof mo, ha?" sabi nya.
"O- okay, makakarating ate."
Tumayo sya. "Sunduin ko lang si Ame sa labas."
I swallowed hard nang umalis si Ate sa tabi ko habang naniniwala na namatay talaga ang prof ko na kaka post lang ng Zumba session with kumares nya sa f*******: kaninang umaga.
"Hay naku po," bungad ni Ate Amelie na nakatayo sa pintuan when she saw that we're all over the place. She was wearing a casual gray tee shirt and maong shorts at naka sabit naman sa likod nya ang back pack nya. "Hala na buang na sila!"
Iginala nya ang mga mata nya at nang magtama ang paningin namin dalawa, I gave her a smile as a sign of acknowledging her presence.
"Ame! Tara shot!" si Kuya Jonas na namumula na at halatang tipsy na. Lumapit sya kay Ate dala iyong shot glass na may alak sa kanang kamay nya at ang chaser sa kaliwa.
"Ito talaga naman! Ni hindi pa nga ako nakakapag baba ng bag may pa- shot ka na kaagad! Kaloka 'to!" sabi ni Ate pero tuloy tuloy din naman ang abot ng kamay nya sa inumin at diretsong nilagok iyon.
"Ganun dapat para lahat tayo bangag bukas!" Pabirong hinampas ni Ate Amelie si Kuya Jonas sa braso.
Hindi ko na nasundan pa ng maayos ang mga ganap dahil dumiretso ako sa may kusina para sana kumuha ng tubig dahil nararamdaman ko na ang tama ng alak at doon ko naabutan ko si Kia sa may lamesa na nagtitimpla ng kape.
"Kape?" alok nya.
Umiling ako habang kumukuha ng baso saka dumiretso sa ref para kumuha ng tubig. "Tubig lang muna."
Luminga linga sya sa paligid then she motioned her hand na para bang pinapa punta nya ako sa gawi nya. "Tara dito," she said and I did. I walked towards her and she seemed so wary about the surroundings.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Spill."
"Huh? Spill the what?"
Nagbuntong hininga sya saka inikot ang mga mata. "Yung chika! Anong nangyari kanina? Hindi ako naniniwala na wala lang 'yun."
At ito na nga. Dumating na yung oras na sinasabi ko kanina. Kia's been eyeing me since lumabas ako galing kanina sa kusina hanggang sa pag sagot ko ng tawag ni Ro.
Bumuntong hininga ako at inisip kung paano ko sasabihin at saan ako mag uumpisa.
"That was Robin. We used to have a thing pero things happened kaya..." Unti unti ang pag angat at baba ng ulo nya sa pag tagtango.
"And?" maingat niyang tanong sa akin. "Anong nangyari before if I may ask?"
Questions like this would bring up the past. And bringing up the past means having flashbacks of all the things that I am trying to bury in the back of my mind. Sa totoo lang, I used to hate it when my friends asked me noon kung anong nangyari. Pakiramdam ko kasi ine- expose na naman yung bandage ng sugat na pinipilit kong mag heal na. But now that I'm about to tell her and open that bandage again, I feel kind of okay.
"From being school mates since noong Senior High, first year noon nung nanligaw si Ro. He was the sweetest and he's full of efforts but three months into that, he started to change nung may naging ka close akong block mate because of a project. Si Andrew. And because of it, he started being so controlling of me. At first, okay lang. Part of me didn't want to disappoint Ro," hayag ko.
Ang kaninang mahinahon nyang tingin ay naging matalim na. Naka tigil lang sya at halatang ina absorb ang mga sinabi ko. Hinila nya ang dalawang upuan saka naupo kami. Ang buong katawan nya ay naka harap sa akin, halatang invested na sa kuwento ko.
"Ang kapal? How controlling was he? How did he try to control you?" tanong nya muli.
My mind automatically went to those moments from the past.
"He tried to warn me about him and how he is. Sa totoo lang, I didn't care about Andrew's personal life but I still drew line. Yung project lang talaga yung reason kung bakit kami nag u- usap pero after the project, we got closer as friends dahil nasama na sya sa circle of friends namin." Itinaas ko ang baso ko at uminom ng tubig.
"Tapos?" Kia leaned closer to me.
"Napansin ni Robin yun. Tuwing may group hang out kami, he would tag along tapos he would be so sweet to me in front of them. Kung may interaction kami ni Andrew, he would lash out to me pag uwi. Kesyo ginugusto ko rin naman daw. Then pati sa mga damit at desisyon ko, he would control me. He would tell me I won't look good on the dress that I want to wear dahil di nya gusto or I should just watch his basketball practice instead of going into a required seminar or else magtatampo sya."
"How did that end?"
"Dumating na lang ako sa point na napagod na ako. Kung iisipin, hindi naman kami so why would I put up with that, diba?"
Huminga sya ng malalim. "At ngayon ginugulo ka pa rin? Sa susunod nga na tumawag o mag text sa akin mo ipakausap at talagang makakarinig sya sa akin," galit na sabi nya na taas ng sulok ng labi ko.
"Hindi na. I told him na we're done at di ko na sasagutin mga texts nya."
Ngumuso sya. "Ano ba 'yan. Bigay mo na lang sa 'kin pangalan nya sa sss para i- bash ko. Maka bawi ka man lang."
For some reason, she looks so serious about it. Knowing Kia, talagang gagawin nya talaga iyon.
'Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana may luha pa akong mailuluha
At nang mabawasan ang aking kalungkutan.'
Dumagundong ang boses ni Ate Yuli sa pag birit sa Basang- Basa sa Ulan ng Aegis sa buong bahay.
Nagkatinginan kami ni Kia at sabay na humalagpak sa tawa.