MAAGA akong nagising at nag asikaso para sa pag punta namin sa SPU. Kagabi, I made sure na kumpleto na talaga ang lahat ng requirements ko para less hassle na for today. Pag labas ko ng kwarto, Mama's already making breakfast sa kusina which she always do bago pumasok sa work.
She said na kahit breakfast man lang eh maipagluto nya ako.
"Morning, Ma," bati ko kay Mama who looked really energetic kahit na halatang kagigising lang.
"Morning, nak. Don't forget to bring your water tumbler mamaya ha? Nandon na sa ref para malamig- lamig pa," bilin nya.
I grabbed a cup and filled it with hot water then I reached for the instant coffee na nasa lamesa na agad kong inihalo. Coffee is really essential for me before I start my day. Feeling ko kasi hindi gagana ng maayos ang sistema ko pag hindi ako nakapag kape.
"Yes po, Ma."
Naamoy ko na ang longanissa na piniprito nya at ang aroma ng bawang sa garlic rice na maya maya'y luto na at inilapag na nya sa lamesa na agad ko namang kinain.
Pagtapos ng breakfast, naligo na ako at nagbihis. I wore a simple beige polo at jeans saka nag rubber shoes para kahit pumila kami at maghintay eh kumportable pa rin sa pakiramdam.
Nauna nang magpaalam na aalis ang parents ko to work. They're working in an office sa city kaya maaga silang umaalis to allow travel time at pag darating naman sila, medyo gabi na kaya tulog lang talaga ang pahinga nila. Kahit noong nasa Metro kami ganoon talaga ang pattern nila kaya nasanay na din ako. But on weekends, they love to watch movies with me sabay magluluto si Mama ng dinner. Malayo nga lang ang sinehan dito so sa TV na lang kami nanonood ngayon. I didn't realize how it brings me joy until I lived in a dorm without them. Kaya ngayon, I'm enjoying the weekends that I missed with them.
Nang maka layo na ang kotse na sakay ang parents ko, pumasok ulit ako sa loob para hintayin ang mga pinsan ko. Maya- maya ay naka- tanggap ako ng text from Kia.
Kianna:
Haya tara na raw dito sabi ni kuya.
Agad akong tumayo at dinampot ang water tumbler, envelope na may requirements ko, at saka isinuot ang sling bag sa katawan ko. Nagpaalam rin ako kay Manang Belen na a-alis na kami dahil sya lang ang maiiwan sa bahay.
Naglakad ako papunta sa bahay nila Kia.
Excited pero kinakabahan ako sa totoo lang. My cousins have been telling me nice stories about SPU and what it is like studying there pero hindi pa rin humuhupa ang pag aalala ko. Ewan, mas kabado ako ngayon compared to when I entered my first university. Probably because I don't know how different it is studying here though sinabi naman ng mga pinsan ko na there's not much difference but still, I'm nervous.
Nang makarating ako sa bahay ng magkapatid na Jule at Kia, nasa labas na sila kasama si Ate Yuli. Ako na lang pala ang wala. It's just the four of us dahil Grade 12 pa lang naman si Miko. Kuya Jule's on his last year, Ate Yuli on the 3rd and kami ni Kia na nasa 2nd year. Buti na lang talaga na magka edad kami ni Kia kaya I won't be graduating alone.
Sumakay na kami sa Vios na ida- drive ni kuya saka bumyahe papuntang university. Hindi naman ganoon ka layo sabi nila Ate. Yung plaza na pinuntahan namin noong fiesta sa may bayan, yung likod daw nun, ay ang St. Pio Cathedral at sa dulo ng street naroon ang St. Pio University.
Sampung minuto mula nang maka alis kami sa bahay ay nakarating din kami sa SPU. Sa harap ay ang mataas na gate ang bubungad sa'yo at pagpasok mo'y kapansin- pansin ang pormang quadrangle ng mga buildings na kulay cream at may brown roof. Katabi ng gate ay dalawang buildings, sa gilid ay dalawang magka tapat ng buildings at katapat ng gate ay isang mahabang building. Pag tawid mo ay ng kalsada na naka palibot sa malawak na open field na napalilibutan ng mga puno na kung saan makikita na nagaganap ang enrollment process.
The school's buildings looks old yet modern to me. Old because of the architectural structure looks like one of those the old universities in Manila and has the vibe of it but at the same time, it's very modern kasi kapansin pansin din ang clean lines nito. It gives a mix of both and I love it. Kapansin pansin din ang mga puno na nakapaligid that gives coolness and fresh vibe.
Hindi nawala ang paningin ko sa labas ng bintana at hindi ko namalayan na naka park na pala ang kotse kung hindi pa ako tinapik ni Kia na kasama ko sa back seat. Nang maka baba kami, agad na lumakad kami papuntang field at may mga naka pila na.
"Welcome to SPU, Haya." Tinapik ni kuya ang balikat ko at nilingon ko sya saka nginitian.
Welcome to your new environment, Haya.
There are three lines of magkakadikit na retractable tents may mga indications na kung anong step iyon. May mga nag kalat din na may mga sash na nakalagay ay 'Assistance' just in case you have questions to ask or if you need assistance.
I visited SPU's f*******: page kagabi at naka post na rin naman doon ang process for enrollment so I would know where to go and what to do. The process for Freshmen and Transferees are basically the same.
"Alam mo na ba kung saan ka Haya?" tanongni Ate Yuli.
Tumango ako. "Yes ate," sabi ko saka itinuro ang tent na may naka lagay na 'Step 1: Admission'.
Lumingon sya sa itunuro ko. "Tara na beb, samahan na kita."
"Hindi na Ate. Ako na lang, mangawit ka pa sa pila eh," ani ko na ikina tawa nya.
"Sure ba yan?" paninigurado nya.
Tumango ako. "Yep!"
"Okay. Doon lang kami sa may bench ah." Tinanaw ko ang tinuro nyang bench na gawa sa kahoy sa ilalim ng isang puno sa gilid ng field.
"Okay, Ate."
May form na sinusulatan and that's basically basic infos about the student. Pumila na ako and there's like 17 people in front of me na naka pila rin. Hindi ganoon ka rami pero each person lasts for like 5 mins before maka alis sa Admission tent.
I just opened my phone and tumambay sa i********: to ease my boredom. Umuusad naman ang pila kaya lang medyo mabagal kaya nakakainip din.
When it's my turn, I gave the lady the form which she typed the details in her computer. She also asked for my TOR at nung tapos na sya, she gave me a white card.
"Proceed ka na sa Registrar," sabi nya. "Hindi mo na kailangang mag exam, pasok na ang average mo last school year."
Tumango ako. Just as I expected. " Okay po, thank you."
I went to Registrar's tent and another pila ulit. Kung sino ang mga kasabayan ko sa pila nung umpisa, sila parin ang nadatnan ko roon. Others are having small talk with each other while others like me ay tahimik lang na naka pila.
Halos tatlong oras na rin pala ang naka lipas nang makarating kami. Tumitindi na rin ang sikat ng araw at unti unti na akong pinagpapawisan kahit sa tent. Maya't maya kong tinatanaw ang mga pinsan ko and everytime I look at them, iba- iba ang kausap nila. Kuya Sio was even there and waved at me.
"Freshman?" the lady at the Registrar asked.
Umiling ako saka sumagot ng, "No po. Transferee." Inabot ko ang card at ang envelope na may requirements ko which she gladly accepted.
I was directed to the other lady beside her. Sa step na ito mas nagtagal ako dahil they validated my admission and discussed me the subjects I will be taking. After naman nun they gave me my admission card and pinapapunta na ako sa Accounting.
Lumapit ako kung nasaan ang mga pinsan ko.
"Okay na beb? Accounting ka na?" sabi ni Ate Yuli.
I showed them the admission card. "Yep!"
Nag inat si Kuya Jule at Kia habang tumatayo. Nag usap usap kasi kami kanina na sabay sabay na kaming pipila sa Accounting na nasa loob pala ng building dahil yun lang din naman kasi ang sadya nila. Kung tutuloy pa ang ganitong phase baka nga mga after lunch pa ako matapos.
Sana matapos na. Nanglalagkit na ako't nangangawit na din ang binti ko kakatayo. The only moment that I got to sit ay kapag ako ang nasa harapan.
Bente pa lang naman ako pero ramdam ko na ang sakit ng tuhod ko. Parang need ko na din yata ng nga efficascent oil at this rate!
I looked at the sign at the entrance and it says SPU-B Building. Ito yung building na nasa left part ng gate. The Accounting office was on the second floor kaya umakyat kami at pagdating namin, halos umabot na sa may hagdanan ang pila at nasa dulo ng hallway ang accounting.
"Jusko day parang pila ng pa relief goods," gulantang na sabi ni Ate.
Mahaba man ang pila sa Accounting, mabilis naman umusad. We just have to show our admission card and then magbabayad then okay na.
Mag a-alas dose na rin kaya nag aya muna si Kuya kumain that we all agreed. Nagugutom na rin ako at may tatlo pa akong steps na natitira bago matapos.
Hindi bukas ang canteen sa loob ng Uni kaya sa isang kainan sa may plaza kami ngayon nakaupo at naghihintay na ibigay ang pagkain namin.
"Pre!"
Sabay sabay kaming napalingon ng mga pinsan ko sa pamilyar na taong naka ngiti sa harap namin ngayon. Nagtama ang paningin namin. He wiggled his eyebrows and I just smiled at him.
"Uy! Galing ka na ng Uni?" tanong ni kuya kay Lukas na na kinukuha ang sukli nya sa binili nyang Gatorade.
"Hindi pa nga eh, papunta pa lang ako. Kayo?"
"Tapos na kami pero si Haya hindi pa," sagot ni Ate at saglit na tiningnan ako ni Lukas."Kumain ka na ba? Sabay ka na sa amin."
"Hindi pa nga eh, sabay na ako sa inyo." Naghila ng upuan si Lukas sa katabing table at saka itinabi ang upuan nya sa akin. "Haya, tabi tayo."
Tumango ako as a response. Sa tabi ko lang naman kasi ang may bakante. Nagpaalam rin si Lukas na bibili ng pagkain at pag balik nya, umupo na rin sya sa tabi ko.
Our meal arrived at parehas na parehas kami ni Lukas ng pagkain. We both ordered pork steak meal at may fresh lumpia on the side. Nagkatinginan kami at nagka ngitian lang dahil sa maliit na coincidence.
"Ilang stages ka na lang Haya?" si Lukas. Tumingin sya sa akin habang hinihiwang ang pork steak nya.
"Tatlo pa. Sa Clinic, Bookstore and IT Center pa," sagot ko.
Hindi ko alam kung mabilis ba ang process sa tatlong 'yun or what. I kind of feel bad sa mga pinsan ko dahil they have to wait me for hours pa bago matapos lalo na't tapos na ang business nila rito.
"Mabilis na lang 'yun," sabi nya.
Inabot ko ang pitsel na may lamang tubig pero hindi ko naabot. Napansin yun ni Lukas at sya ang umabot habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya. Hindi lang nya inabot, ipinag salin pa nya ako ng tubig sa baso ko.
"Thank you," sabi ko sa kanya to which he only smiled as a response. Habang kumakain napuno ng kuwentuhan ang lamesa namin. Nalaman ko na he's running for Latin Honors pala sa course nya and he recieved offers from different companies from Manila to do his OJT pero he refused. Naisip ko na kung ako yun, malamang tinanggap ko na ng walang pag aalinlangan.
Naglalakad na kami pabalik sa university. Kasama pa rin namin si Lukas at nasa hulihan sila ni kuya dahil nawiwili sila sa kaka- kuwentuhan.
"Sa sasakyan na lang kayo maghintay, ako na sasama kay Haya," sabi ni Ate nang makarating kami sa university.
"Hindi na ate. Kaya ko naman. Hintay na lang kayo sa van," sabi ko.
"Ako na." Napalingon kaming lahat kay Lukas. "Ako na mag hahatid kay Haya. Sa 3rd floor lang din naman yun."
Lumingon si Ate sakin na para bang hinihingi ang sagot ko saka naman ako lumingon kay Lukas. "Sure? Okay lang ba?"
"Yep!"
"Tara."
Dalawa na lang kami ni Lukas na naglalakad pa building and he just stayed close to me pero hindi rin kami nag u- usap kasi may mga nakakasalubong kami na mga kakilala nya na binabati sya.
Iba talaga pag people person tulad nito ni Lukas. I really could never.
"Girlfriend?" tanong ng isang naksalubong namin na hindi ko naman na ikinagulat.
Ang i- issue ha.
"Loko ka hindi! Pinsan 'to ni Julius! Saka friends lang kami," aniya saka tumingin sa akin at bumulong. "Friends naman na tayo diba?"
Natawa ako. Ang cute nya na he sounds like hindi sure pero at the same time mukha syang confident na para bang alam nya na isasagot ko and I just have to say the word.
I nodded.
Nang makarating kami sa floor, makikita mo agad yung room dahil may sign naman sa may pinto. May mga limang tao ang naka pila sa labas pero mukha namang mabilis lang din ang usad.
"Dito ka na friend," biro nya na sinakyan ko lang din.
"Salamat, friend."
He softly chuckled.