Chapter 16

3002 Words
After a week of going through hell, naka laya na rin kami sa wakas by spending our semestral break away from all the deadlines and exams. Luckily, we all passed our subjects so now, we are spending our sweet semestral break away from all the school stuffs. Ilang araw akong nasa bahay lang at hindi lumalabas. Ilang beses na rin ako kinatok at in- attempt hilain ng mga pinsan ko na lumabas at gumala but I just can't. I refused every single invites. In the end, hinayaan na lang nila ako to do things my way. Hinayaan lang rin naman ako ni Mama. Alam nya kasi na this is how I rest. That this is the best healing time for me. I decided to take a rest Nag h- hibernate pa ako to recover from all the stress and puyat noong finals week ng first sem. Besides, ilang araw na lang naman eh pasukan na naman. Lukas also constantly texts me. Isa rin sya sa mga nag attempt na palabasin ako sa bahay at ayain na mag road trip but I declined. Sinabi ko lang na hibernation season ngayon and ang sabi lang nya is, 'Okay, Hayabear. Enjoy your time. I'll see you soon.' The hibernation agenda ended nang bisitahin naming lahat ang museleo ng grandparents namin. Sina Paps at Nana. I don't remember much of Paps except for the memories that I have with him tuwing nagbabakasyon sya sa bahay namin sa Manila noon. Paps is the one who first bought me a bike. Iyon ang niregalo nya sa akin noong tumuntong ako ng elementary. I still remember how happy I was. And then, Paps passed away shortly after that. However, si Nana, I have so much memories of her. I have so moments with her that it sometimes hurts that it's now a distant memory. Nana used to live with us until I was in elementary. My parents were both busy working and I can say na Nana practically raised me. She's also the one who named me Ysabel. Gusto nya raw iyong pangalan na yun sa akin kwento ni Mama so she calls me Ysabel and never my nickname Haya. I miss our Nana and Paps. "Beb, oh." Inabutan ako ni Ate Yuli ng isang puting kandila. "Mamamaya raw magdadasal tayo para kina Nana at Paps." I nodded. Kinuha ko yung lighter na naka patong and then lit the candle. We are now silently giving prayers to our loved ones who passed away. Pagkatapos ng pag aalay ng dasal para sa mga grandparents namin ay tumayo agad ako. "Saan ka Haya?" tanong ni Tita Rosa. "Maglalakad lakad lang po ako around." "Wag kang lalayo ha, baka hindi mo matandaan ang pabalik," aniya habang inaayos ang mga bulaklak para kina Paps at Nana sa vase na paborito raw ni Nana. I smiled at tita and nods. "Opo, babalik rin po ako kaagad." On normal days, the whole cementery is dark and cold pero ngayon, it is filled with people and napaka liwanag ng paligid dahil sa pag ilaw ng mga kandila. Tuwing humahangin, I could also faintly smell flowers. Sari sari rin ang ingay na maririnig sa paligid. Nariyan yung mga nagbabaraha, may mga nag kakantahan, yung iba nagkukeentuhan. There's a lot. It's such a sight. Diretso lang akong naglalakad habang lumilinga sa paligid ko. "Ikaw na naman." Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa harapan ko na agad kong nilingon. "Lukas!" gulat kong bati sa kanya. Lukas Orion is standing in front of me. Naka hoodie sya na black at jeans. Ngumiti sya't lumapit sa akin. "Akala ko makaka salubong ako ng multo sa sementeryo pero ikaw na naman pala, " asar nya pero ang laki laki ng ngiti nya. I waved at him. "Oh. Okay, bye!" Tumalikod ako saka naglakad palayo sakanya. "Joke lang! Ito naman si Hayabear hindi mabiro!" natatawang sabi nya habang hinahabol ako. Huminto ako't humarap sa kanya. "Sana makasalubong ka ng multo," sabi ko. Mabagal at diretso lang ang lakad ko na sinasabayan rin nya. "Joke nga lang eh! Tapos na hibernation period mo?" tanong nya. Timango ako. "I can not miss going here." "Sinong kasama mo?" tanong nya. "Kaming magakakamag anak. Binibisita namin sina Paps at Nana. Ikaw?" I looked at him. "Family ko lang rin. We're here for Tito Ben," aniya and I nodded. "Saan ka pupunta? Bakit mag isa kang naglalakad?" "Wala akong pupuntahan, naglalakad lakad lang talaga ako." Lukas nodded. " In that case, do you wanna come with me?" "Come with you? Saan naman?" tanong ko. Walang sinagot si Lukas at nginitian nya lang ako pero sinundan ko pa rin sya. Ano na naman kayang trip ang gagawin nito ni Lukas sa sementeryo? What could we possibly do in a cementery? Could it be... "Huy! Lukas, hindi naman tayo mag go- ghost hunting diba? Hindi ka naman talaga naglalakad para may makasalubong kang multo, diba?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Tumawa ng malakas si Lukas. "What do you think?" Huminto ako sa paglalakad. "I swear pag kalokohan 'to Lukas, iiwanan talaga kita!" Lumingon ako sa nilakaran namin at medyo malayo na rin ang narating namin. Iyong nilalakaran namin ay may iilan na lang na tao sa paligit kaya't medyo madilim na rin. "Lukas," tawag ko. "Andito na tayo," aniya. Tumigil kami sa parte na may ilang magkakadikit na mga puntod na walang bakas ng pag bisita. Medyo inaamag na ang lapida at halatang hindi nalilinis. Napansin ko rin na matagal na rin na namayapa yung may ari ng mga lapida. Nagulat ako nang inilabas ni Lukas ang dalawang pakete ng kandila at isang lighter sa bulsa ng hoodie nya. Ini abot nya sa akin ang ilang pirasong kandila. Sinindahan ko naman ang isa para roon na ako magsisindi para sa iba pa. Habang nilalagyan namin ng kandila iyong mga puntod, walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang kami hanggang sa umupo kaming dalawa sa damuhan sa harap ng mga puntod. "Do you know them?" tanong ko kay Lukas saka itinuro iyong mga puntod, pag basag ko sa katahimikan. Naka fold ang mga tuhod ni Lukas at nakapatong ang braso nya sa mga tuhod nya habang binubunot nya ang iilang d**o sa harap nya samatalang ako ay naka straight ang mga binti ko. "Ako? No. Hindi ko sila kilala," sabi ni Lukas saka lumingon sa akin. "Then why..." "Deserve rin naman nila na matirikan ng kandila at ipag dasal kahit na matagal na silang namayapa. Saka hindi lang naman kamag anak o pamilya ang pwedeng ipag tirik sila ng kandila," aniya. My admiration to this guy grows. How can he think of that? He just don't take care of the living, pati iyong mga suma kabilang buhay na ay naiisip pa rin nya. That is seriously admirable. Sya lang yata ang kilala kong ipinagtitirik ng kandila ang mga namayapang hindi nya kilala. "Saka, it's a way of telling them that we rember them," dagdag nya saka lumingon sa akin."You know how good it is to be remembered." "Yeah..." "Do you do this often? For them?" "I do this often, yes. Every year tuwing nagpupunta kami rito. Hindi lang naman para sa kanila. Nag iikot ako sa sementeryo, randomly, and then kung anong mga lapida yung makikita kong walang kandila, pinagsisindihan ko." "That's a nice practice, Lukas. Ang cool mo." "Sus. Ako lang 'to." Naka ngisi nyang sabi. "Yabang ha!" "Kaya ngayon, we'll offer a moment of silence to pray for their souls," sabi nya. I nodded at him saka yumuko. Ipinikit ko ang mga mata ko at tahimik na nagdasal para sa mga kaluluwa ng mga taong namayapa na. I opened my eyes nang matapos akong magdasal saka nilingon si Lukas. Naka yuko pa rin ang mga ulo nya at naka pikit ang mga mata nya. Lukas looks like he's really praying hard because his forehead is slightly creased. His figers are clasped together. Kumakabog lang ang dibdib ko habang nakatingin kay Lukas na taimtim na nagdarasal. Isa ito sa mga moment na pakiramdam ko napaka perfect ni Lukas. Para bang he's just too good to be true. May ka pintas pintas ba kay Lukas? Parang wala naman. Dahan dahang nag mulat ng mata si Lukas saka lumingon sa akin. Nagtama na naman ang mga mata namin saka ko sya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Dito muna tayo hanggang sa maupos yung mga kandila. Mahirap na, baka pag iniwanan natin matumba tapos gumapang sa d**o yung apoy." "Okay lang naman." With the light from the candles, nagliliwanag amg paligid namin ni Lukas. Para tuloy kaming nag bo-bonfire kasi it gives light and a little warmth. Nilalamig na rin ako dahil tshirt lang ang suot ko. "Haya," tawag nya. "Hmmm?" "Tingin ka sa langit." Sinunod ko naman agad iyong sinabi nya na tumingin sa langit. Manghang mangha ako nang makita kong kumikinang ang langit ngayong gabi. Itinaas ni Lukas ang kamay nya at itinuro ng daliri nya yung mga bituin na nasa taas. "Do you see that?" Sinundan ko ang pag trace ng kamay nya sa bituin and it's forming into something. It's a constellation of stars. "Yes, nakikita ko." "You see that constellation that's like a warrior holding a sword and a shield?" "Yeah. What does it called?" Tanong ko. I know that these group of stars forms a constellations and has names pero I'm not really familiar with it. Burado na rin sa utak ko ang mga lesson namin noon sa science about constellations. Lukas proudly smiled at me. "That's Orion the Great Hunter," aniya. Amazed akong napa lingon kay Lukas because its's his second name! The Orion in Lukas Orion. "That's you!" amazed na sabi ko. "I mean, your name!" Kaya pala pamilyar sa akin yung Orion noon, hindi ko lang maalala where I encountered the name. "Yup. I'm named after that constellation," sabi nya. "Do you see that three stars na magkakatabi? That's Orion's Belt." "That's so cool!" "If you see that three perfectly aligned stars, it means Orion is formed." "It must be so fascinating to see the constellation Orion when you look up in the sky knowing that you are named after it." "It was. I used to be so ecstatic noong bata ako kapag may mga stars sa langit. Sabi ko pa noon sa mga ka laro ko to look up in the sky and they'll see me," natatawa nyang kwento. "I bet it is. Sino ba namang bata ang hindi ma e- excite to be named after a star?" Tumawa sya. "Right. Do you know Orion's tale?" "Hindi pa. I haven't heared it yet." "So basically Orion, being the great hunter that he is, boasted to Artemis that he could take down any creature on the earth." "And then?" curious kong tanong. "Syempre, Gaia was angry sa sinabing iyon ni Orion kaya she sent a scorpion that killed Orion. Tapos ayun, na heart broken si Artemis na ipinakausap nya kay Zeus na ilagay nya si Orion among the stars. Zeus agreed. But he also placed Scorpio to commemorate the battle." Amused akong tumango sa kwento nya. "So why did they name you Orion?" tanong ko. His parents really did a good job naming him Orion. Bagay na bagay sa kanya. Not as Orion who boasted but the Orion who is shining brightly up in the sky. Lukas stopped smiling and then squinted his eyes na para bang may inaalala. "Hmm... They decided my second name to be Orion because nung pinapanganak raw ako, Orion is twinkling brightly at the sky that night." "That's cute! Should I call you Orion from now on? Bagay rin naman sa'yo yung Orion," tanong ko kay Lukas. Pinanliitan nya ako ng mata. "No. Okay na yung Lukas," sabi nya. "Why? Orion's cute?" "Pag tinawag ka ba ng Ysabel lilingon ka?" tanong nya. Nana calls me Ysabel tho. But that's a long time ago. Nobody calls me Ysabel now. "No... That's like a calling a different person's name." Tumango sya. "Exactly. " Tumawa ako dahil mukha syang satisfied na slightly na convince nya akong huwag syang tawaging Orion. Biglang umihio ang malakas na hangin kaya't I folded my arms. "Okay Orion," pang aasar ko. Lukas' hands reached for my cheeks pero iniwas kong mahuli nya nya but he did anyway so he pinched it. "Kulit kulit! Huwag nga yung Orion." "Aw! Aw!" Tinampal tampal ko ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko."Oo na! Oo na nga!" Parehas kaming tumatawa na ibinalik ang tingin sa constellations sa langit. May iba pa akong patterns na nakikita but I didn't bother to ask Lukas. It's enough for me to know kung alin ang Orion doon. "Lukas naisip ko lang," pag kuha ko ukit ng atensyon nya. "Aren't we weird?" "Weird? Why?" "Sinong matinong tao ang mag s- stargazing sa sementeryo? Sa tabi ng mga lapida at that?" tanong ko. Natawa naman ng natawa si Lukas sa sinabi ko. Kasi oo nga naman. There are places to do stargazing and obviously, hindi dapat sa sementeryo. "Tama naman. Pero okay lang yan! Hindi naman nila malalaman." "Yeah." Lumingon kaming dalawa sa paligid namin and they're minding their own businesses. Ni wala ngang lumilingon sa amin. Nagkatinginan kami at natawa. "Malapit nang maupos yung kandila," sabi ni Lukas. True enough, isa isa nang natutunaw iyong mga kandila na tinirik namin. Nagulat ako nang biglang inangat ni Lukas yung laylayan ng suot nya. Agad akong lumayo ng tingin sa kanya. "Hoy! Sira ulo ka ba? Bakit ka naghuhubad!" kastigo ko sa kanya. Nakakaloka 'to si Lukas! Di mo alam kung ano na lang gagawin nya bigla. "Oh," sabi nya pero hindi ko sya nilingon. "Lumingon na ka na. Hindi naman ako naka hubad." "Sure?" "Oo nga." Pag lingon ko sa gawi nya, sumubsob ang mukha ko sa hoodie nya na inaabot nya sa akin. "Isuot mo na. Kanina ka pa nilalamig eh," sabi nya. True enough, hindi sya naka hubad. Naka white tshirt sya. "Paano ka?" tanong ko. "Okay lang ako. Mas kailangan mo 'yan, " sabi nya. "Thank you." Hindi na rin ako tumanggi dahil kanina pa talaga ako lamig na lamig. Pakiramdam ko nasa freezer ako. Isinuot ko na yung hoodie nya and as expected, malaki iyon sa akin. But it's so comfy dahil ang lambot lambot ng tela. "Tara na, wala ng naka sindi." Nauna syang tumayo saka he reached his hands out for me. Kinuha ko naman iyon saka ihinila ko ang kamay nya para maka tayo ako. Nag pagpag kami ng mga likod pagka tayo dahil sa d**o at lupa. Lumingon ako sa mga puntod for the last time at nagpaalam sa kanila mentally bago lumakad pabalik sa mga kasama namin. Dirediretso lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa point kung saan namin nakita yung isa't isa at doon tumigil. "Dito na ako, Lukas. Alam ko na yung daan from here," sabi ko. "Alright. Thanks, Haya. Text me kapag naka rating ka na, okay?" Tumango ako. " Yes po, Boss Orion. Noted po." Tumawa sya't ginulo ang buhok ko."Sige na, lakad na." "Teka, itong hoodie mo?" "Sayo muna. Magkikita pa naman tayo." "Okay." Kumaway ako't lumakad palayo sa kanya habang ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie nya. Pag balik ko sa Museleo, agad akong sinalubong ni Kia sa laba. Lumingon ako sa mga kamag anak ko pero nasa loob pa naman sila. "Hoy babae ka, saan ka galing? Tinanong ka sa akin ni Tita kanina!" "Anong sabi mo?" "Edi sinabi ko na hindi ko alam, si Mama ang sumagot na naglakad lakad ka raw." Tumango ako sa kanya saka umupo sa isa sa upuan na nasa labas. Tumabi rin naman sa akin si Kia. "Naglakad lang ako sa labas, Ki. Pasok na ako muna," sabi ko. Tumayo ako saka naglakad papasok pero hindi pa man ako nakaka lagoas sa harap nya, hinatak na nya ang suot kong hoodie dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Bakit?" Kia's eyes are squinting and her forehead creased. Yung titig nya eh parang sinusuri ako. "Saan ka nga galing? Kaninong hoodie 'to?" "Dyan nga lang sa paligid. Naglakad lakad. Saka akin 'tong hoodie, " sagot ko. "Hindi ako naniniwala sa 'yo," punong puno ng pagdududa na sabi nya. Natawa ako sa kakulitan nya."Oo nga!" Tumayo sya sa pagkaka upo saka nilapitan ako. She circled around me at nilalapit nya ang mukha nya sa katawan ko. Nagulat ako nang bigla nya akong hampasin sa balikat. Ano na naman? "Amoy pabango ng lakaki kang bruha ka!" halos pa sigaw nyang sabi. Inamoy ko kaagad yung hoodie ni Lukas at oo nga. Amoy perfume ni Lukas. Hinatak ko kaagad si Kia palayo sa museleo dahil mamaya kung ano ano pa yung masigaw nya at marinig nung mga oldies na nasa loob. "Shh! Halika muna!" Tumigil kami sa ilalim ng isang puno na malapit lang naman sa museleo. "Ano? Anong chika?" tanong nya kaagad. Huminga ako ng malalim saka hinarap sya. "Okay. Sasabihin ko pero wag ka mag freak out okay?" "Okay!" Tumango tango sya. "Magkasama kami ni Lukas. Kanya rin 'tong hoodie, " sabi ko. Nanlaki ang mata ni Kia saka napahawak sya sa bibig nya. Gulat sa sinabi ko. Nang makabawi sya sa gulat nya, hinampas hampas na naman nya ako. "Ano na naman? Sinabi ko na ah!" reklamo ko. Tingnan mo 'to! Next time hinding hindi na talaga ako mag ku-kwento rito kay Kia! "Maharot ka! Marupok kang babae ka! Pati sa sementeryo nag di- date kayo!" Lumayo ako sa kanya ng bahagya para tumigil yung paghahampas nya. "Teka kasi! Nagkagulatan lang din kami! Sakto lang din talaga na naglalakad ako at ganun din sya!" Nangunot na ang buong mukha nya. "Papalusot pa eh!" Natawa ako sa pag sisimangot nya. "Oo nga. Bakit ba kasi galit na galit ka dyan?" "Pag makikipag date ka kay Lukas sabihin mo naman sa akin! Kahit abisuhan mo lang ako para naman makapag isip agad ako kung paano ko ilulusot pag nag tanong sila kung nasaan ka!" madramang sabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD