The last semester for this school year already started and iisa lang naman ang hiling naming lahat,
Ang matapos na agad ang sem na ito.
Kung may isa kaming inaanticipate, yun ay ang Christmas at New Year Break na ilang araw na lang ang layo. Lalo ng naging mas malamig ang simoy ng hangin at lalong nag litawan ang mga Christmas decors sa mga kabahayan.
"What should we get you for Christmas 'nak?" tanong ni Mama habang naghahapunan kami.
"Hindi na po, Ma. Wala naman akong particular na gustong makuha ngayong pasko."
Ibinaba ko sa lamesa ang kubyertos na hawak ko saka uminom ng tubig.
"Why? Don't you want a new lens for your camera? Or do you want a new camera?" tanong ni Papa habang nagpupunas ng labi.
"Hindi po, Pa. Okay naman po iyong camera ko ngayon. You don't have to get me anything."
Tumango sila Papa at Mama sa desisyon kong iyon.
To be honest, I want to buy something and I don't want my parents to buy it for me. Gusto kong bilhin iyon mula sa sarili kong ipon na pera. Gusto ko rin kasing maramdaman yung sense of fulfillment kapag nakuha ko na yung bagay na iyon.
For the past weeks, iyon ang ginagawa ko. Iniipon ko ang extra kong pera.
Soon, mabibili ko rin iyon.
"Okay. But if mag bago yung isip mo you can tell us anytime, 'nak." sabi ni Mama.
And that certainly won't happen. Tumango na lang ako.
"What should we do po pala sa Christmas Eve?" tanong ko.
"May pinaplanong Christmas Party si Tita Emma mo for the family. Instead of celebrating on our own, bakit hindi na magsama sama na lang tayo sabi nya," si Mama.
"I actually like the idea. Ano nga naman ang fun sa pag ce- celebrate ng tatlo lang tayo, hindi ba?" si Papa.
"Bakit naman, Pa? Fun rin naman kami ni Haya to be with ah," natatawang sabi ni Mama kay Papa.
"Hay naku, Ma. Fun raw pero tinutulugan nyo nga ako sa movie date nating tatlo? " reklamo ni Papa ng nagbibiro.
Natawa kami parehas ni Mama. Totoo nga naman kasi. Laging hindi namin natatapos ni Mama ang movie dahil ang ending eh makaka idlip din kami kaya ang ending, pinapa kwento rin namin kay Papa kung anong mga nangyari.
"Kaninong bahay naman raw ang dadausan?" tanong ni Mama.
"Malamang kina Rosa. Mas malaki ang bakuran nun eh," sagot ni Papa.
NAKA PULA KAMING magpi- pinsan at naka green naman ang mga oldies. Iyon ang color coding ng Noche Buena Party namin.
Simple lang rin ang set up. Mayroong isang long table kung saan nakapatong iyong mga pagkain at dalawang round table para sa aming magkakamag anak. Isa para sa parents at isa para sa aming mag pi- pinsan.
Sina Mama at Titas ang mga nagluto samantalang sina Papa at mga titos ang nag ihaw ng lechon at ng iba pang putahe. Kaming mga magpi- pinsan naman ang naatasang mag decorate ng bakuran nina Tita Rosa para magmukhang legit na Noche Buena Party ang okasyon ngayon. Tuwang tuwa naman si Tito Simon dahil dumadagundong na iyong malaki nyang speakers sa tunog ng Jingle Bells.
Kanina pa rin ako nag iikot, with my camera dangling on my neck to document this event.
"Haya, wala pang plato roon sa isang table. Paki lagyan please," ani ni Kia na punong abala sa pag aayos ng place.
"Alright," sagot ko saka sinunod iyong inuutos nya.
"Oh, in ten minutes mag uumpisa na tayo ha," anunsyo ni Tito Ed.
Limang minuto bago ang countdown, naupo na kaming lahat sa kanya kanya naming pwesto. Si Kia ang nagsilbing host namin for the night.
"Ayan na ayan na!" sigaw ni Kia sa mic.
Ten!
Nine!
Eight!
Seven!
Six!
Five!
One notification message from Lukas Orion.
Four!
Three!
Two!
I opened Lukas' message for me.
One!
Lukas Orion:
Merry Christmas, Hayabear!
I smiled at Lukas' message for me. Nag tipa ako ng reply sa kanya.
Haya:
Merry Christmas din sa 'yo at sa family mo, Orion.
Pagkatapos kong reply- an ay ibinaba ko na rin ang phone ko to enjoy Noche Buena with my family.
Sina Kuya Jule at Ate Kia nauna nang lumapit roon sa lamesa na may pagkain. Kanina pa rin kasi reklamo ng reklamo si Ate Kia na nagugutom na sya kahit kanina pa panay kupit nya ng Lumpia sa lagayan.
Nang maka kuha na kaming lahat ng pagkain, we started to dig in to our food.
"Okay! Dahil mukhang busog na ang lahat, let's move on to our next activity ngayong gabi walang iba kundi ang... Exchanged gift!" pag aanunsyo ni Kia.
Last week, we all gathered para mag 'meeting' about sa event na ito and Kia strongly insisted na mag exchange gift raw kami. Pumayag naman ang lahat kaya impromptu kaming gumawa ng palabunutan.
Ang nabunot ko ay si Kia so I got her the nice brush set na nakita ko nung pumunta kami ng art station. It has a nice wooden handle kaya ang ginawa ko ay pina lagyan ko ng pangalan ni Kia. Sinamahan ko rin iyon ng 48 colors acrylic paint tube set.
Hindi ko lang alam kung mayroon na sya nun pero I really wanna give her that kaya pa sikreto akong nagpunta roon para bilhin. Kinabahan pa ako dahil pag dating ko, wala ng naka display sa kung saan ko sya nakita noon. Buti, I asked the store owner at binigay nya sa akin yung last stock na mayroon sila.
Starting from Tita Rosa, nag palitan kami ng mga regalo. Nakakatawa lang yung mga regalo ng mga Tito't tita pag nabubunot yung isa't isa. Si Tita Rosa nabunot si Mama at yung regalo nya eh yung air cooler! Si Papa naman ang niregalo nya kay Tita Emma eh vaccum cleaner!
I can't with them!
"Okay, next na Ate Yuli. Sinong nabunot mo?"
Tumayo si Ate Yuli, bitbit ang isang box.
Lumaki ang ngiti ko nang ini abot nya sa akin iyong box.
"Si Haya," sabi ni Ate.
"Thank you, Ate Yul." Kunuha ko sa kamay nya yung box and it's quite heavy.
Hmmm... I wonder what she got me.
"May little surprise riyan sa loob," aniya sabay kinindatan ako at bumalik sa upuan nya.
Na excite naman akong buksan kaso mamaya na bago ako matulog.
"Oh, next na Haya, kanino na sa 'yo?"
Tumayo ako at lumapit sa kanya. " Sa 'yo."
She pouted at me then hugged me. "Aww. Thank you sis!"
I hugged her back. "Welcome!"
Pagtapos ng exchange gift ay nagkaroon pa ng sandaling inuman saka nagligpit ang na.
Dala dala ang regalo ni Ate Yuli, umuwi na rin ako nang matapos kami ng bandang alas tres na ng umaga. Dumiretso na lang rin ako sa kwarto ko para magpahinga.
This is probably the best Christmas that I've ever had. Hindi nawala wala ang ngiti ko buong magdamag. Nothing really beats celebtating Christmas with family.
Bitbit ang tuwalya galing banyo, naupo ako sa kama ko katabi ng reagalo ni Ate Yuli. Naka balot iyon ng puting christmas wrapper at may naka sulat na 'From: Yuli with love' gamit ang itim na marker sa ibabaw ng gift.
Sinira ko ang gift wrapper, gaya ng tradisyon saka hiniwa ng cutter ang box na palong palo sa dami ng magkakapatong na packing tape.
Ate Yuli's gift to me is a Foldable aluminum camera tripod na adjustable ang height and very lightweight na may kasama pang bag and a really nice leather camera shoulderbag. It's so beautiful kasi sa labas ay mukha lang itong classic na shoulder bag with mini pockets on the outside.
Everything's so cute! I really love Ate's gift for me. Hindi naman iti little surprise because this is a big surprise for me! I love it!
Kinuha ko yung camera bag at saka binuksan ang loob. Ang loob ay divided na into where the lens and the camera should be put into.
Teka.
Dinampot ko yung isa pang maliit na box sa loob ng bag na naka lagay sa may lagayan ng camera.
Seriously, I am so touched right now. I mean, sobra ko nang na a-appreciate itong camera bag at tripod tapos may pangatlo pa. I love Ate so much!
Binuksan ko iyong box halos atakihin ako sa puso nang makita iyong card na naka patong sa isa pang mas maliit na box.
Merry Christmas, Hayabear!
This is my christmas present for you.
- Lukas Orion
P. S. Text me when you see the gift.
So ito nga yung little surprise na tinutukoy ni Ate?
Ipinatong ko yung card sa tabi saka kinuha iyong maliit na box saka binuksan.
It is a exquisite gold pleated chained necklace with three slanted diamonds on the center.
Napaka simple ng design ng necklace but that's what makes it really beautiful.
I wonder why it's slightly slanted?
Feeling giddy about the gift, kinapa ko ang phone ko na nasa side table saka tinext si Lukas.
Haya:
Lukas!
Agad na nag ilaw ang phone ko, hudyat na may tumatawag. Lukas Orion's caller ID flashed on the screen of my phone.
"Hello..." bati ko nang sagutin ko yung tawag.
Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan eh si Lukas lang naman 'to.
"Hi, Haya. Kanina ko pa hinihintay yung tawag mo," aniya. His voice are almost hoarse at malalim.
"Lukas, sorry, nagising ba kita?" tanong ko.
Wrong timing pa yata yung pag text ko.
"Hindi. Naka higa lang talaga ako, hinihintay yung text mo," sabi nya then I heard him na parang bumangon pa yata sya sa pagkakahiga. "How's your Christmas?"
Nangiti ako sa mga nangyari kanina. "Best christmas ever."
"Really? That's good to hear."
"Ikaw? Kumusta sa inyo? Ah, Merry Christmas din sa family mo."
"Makakarating," aniya. "It's good like the usual."
"That's great. Oo nga pala. Thank you sa gift, Lukas. Ang ganda ganda."
"Welcome. Isuot mo yan palagi ha? It would really look good on you."
"Oo naman, thank you. Pero bakit slanted yung pendants?" tanong ko.
"Doesn't it look familiar to you?" tanong nya pabalik.
"No?" nag aalangan kong sabi.
I mean, that is just a three connected diamonds na slanted. I don't really recall anything familiar about it.
"Haya, that three connected stars are the Orion's Belt," sabi nya.
Bumalik iyong alaala ko sa mini stargazing namin sa sementeryo
'Do you see that three stars na magkakatabi? That's Orion's Belt.'
'That's so cool!'
'If you see that three perfectly aligned stars, it means Orion is formed.'
"Oh my gosh! Naalala ko na!" halos pa sigaw kong sabi sa phone.
Lukas chuckled on the other line.
"Buti naman."
"But why would you give me this?" tanong ko ulit.
Napaka random naman kasi na bibigyan nya ako ng necklace na konektado sa kanya?
Saglit na natahimik si Lukas sa kabilang linya.
"Lukas?" tawag ko.
"Because, I want you to remember and feel that I'm always with you."
Umakyat na yata lahat ng init ng katawan ko sa mukha ko dahil sa sinabing iyon ni Lukas at ngayon ako naman ang hindi makapag salita. Para pa yata akong kakapusin sa hininga.
Lukas bakit ka ba ganyan!
"Haya?" tawag naman nya.
"O- oh? Ano... Thank you."
Mag relax ka, Haya. Si Lukas lang yan.
Humalakhak sya. "You're welcome. And, kinikilig ka ba?" prangkang tanong nya.
Excuse me??
"Hindi ah!" maagap na sabi ko.
Bakit ko naman aaminin sa kanya na kulang na lang itutok ko yung electric fan ko sa mukha ko kasi ramdam ko yung init hanggang leeg at tainga ko?
"Ay sayang. Pinapakilig pa naman kita," sabi nya.
"Sorry to burst your bubble pero hindi effective," sabi ko.
Lie.
He slightly chuckled. "Hmm? Totoo ba?"
"Okay! Ibababa ko na 'to. Bye!"
"Joke lang!" agap nya.
Binibiro ko lang din na naman sya. Wala naman talaga akong balak na ibaba ang tawag.
And there, magkausap kami sa phone hanggang mag umaga. Kung anu- anong pinag ku- kwentuhan namin ni Lukas. Napunta na rin kami sa debate kung anong hindi dapat mawala sa hapag kainan sa pasko. Ham ba o Spaghetti.
Sya, sa ham at ako naman sa Spaghetti.
Hindi ko rin alam kung bakit napunta kami sa ganoong usapan eh pwede namang meron o walang ham o spaghetti. Hindi naman required.
Natapos na lang ang kwentuhan namin nang makita ko sa bintana ng kwarto ko na magbu- bukang liwayway na saka nagpaalam na na matutulog.