I moved my cursor to the exit button of SPU's student portal saka pinatay ang laptop pagkatapos. I'm done for the online enrollment for the incoming first semester of third year at kailangan ko na lang na pumunta sa Uni para sa payment. Parang dati lang kailangan ko pang dumaan sa butas ng karayom bago makapag enroll sa haba ng pila.
A message notification popped into my phone screen agad kong pinindot iyon.
Penny Campos:
Tapos ka na mag enroll?
Haya Almonte:
Yup!
Bilib rin ako rito kay Penny eh. Habang wala pang klase, nag p-part time pa rin sya sa kainan ng tita nya. Sana lahat may ganung level ng kasipagan.
Halos i drag ko ang buong katawan ko patayo dahil gusto pa nitong dumikit sa kama maghapon. Hindi puwede. Pa tapos na ang summer break at bilang na lang ang mga araw na puwede kong gawin lahat ng gugustuhin ko. Dumiretso ako sa sala pero ang ending ibinagsak ko lang rin ang sarili ko sa sofa.
I guess I'll be staying on the sofa the whole day. If my body wants it then I should submit to what my body wants.
Wala akong ibang makita kundi ang puting cieling ng sala namin at wala rin akong ibang maisip kundi kung gaano ka puti ito. Seriously, bakit ba ang sabaw ng utak ko today?
Tita Veron calling...
Lahat ng energy bumuhos sa akin para muling buhatin ang katawan ko pa tayo para kuhanin at sagutin yung phone ko na naka patong sa lamesita.
"Hello po, Tita!" bati ko nang ilagay ko sa tainga ang phone.
"Hello, Haya. Kumusta ka?"
Sumandal ako sa higaan saka ipinag cross ang dalawa kong binti.
"Maayos naman po, tita. Napatawag po kayo?" tanong ko.
"Hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa. I'm sure nabanggit na ito sa 'yo ni Ate Sonia. KSWG's opening it's slot for interns soon. I hope you're not forgetting about it?"
Napa pikit ako sa sinabi ni Tita. Oo nga pala. Nawawala sa isip ko about that internship.
"H-hindi po tita," sagot ko kahit hindi iyon ang nagyayari.
"Okay. Tumawag lang ako to inform you na malapit na silang mag open for applications according sa kaibigan ko because they'll be handling the candidates. You should pass your requirements as early as possible, Haya, to inrease your chance to get in."
I bit my lips. Wala namang po- problemahin sa requirements ko dahil aayusin ko na lang but why is this making me feel there's something wrong?
Was is the grades? Hindi. I don't think it's about that. Confident ako sa grades na nakukuha ko for the past semesters. Wala namang problema kina Mama. But why?
"O-okay po. Magpapasa po ako ng maaga, tita."
Tita sighed at the other line. "Okay, sure. But why are you hesitating?"
Nag salubong ang mga kilay ko. "Hindi po ako nag h- hesitate, Tita. I can't hesitate about this."
Hindi pu-pwedeng hindi ako maka pasok ng KSWG. That internship will be my ticket to employment once I graduate at muling maka balik sa Manila.
"I feel like you are. Haya?" tawag ni Tita. Lumalim at sumeryoso lalo ang kanyang boses.
"Po?" Dumaan ang bigat sa dibdib ko.
"Do you know that if you hesitate about this opportunity, your chances will blow?"
"Alam ko po, Tita."
Kung anumang maling pakiramdam ko, I should drop it and focus on my goal. Hindi puwedeng kung kailan nag bu- bukas na ang opportunity sa akin ay pagdadalawang isipan ko pa. I should go on according to my original plan.
You've been working hard for it, Haya. You can't blow it.
"Also, Haya," ani Tita Veron sa isang malambing na tono. "If it doesn't really feel right for you, you don't have to do this. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa bagay na nag bago na. Okay?"
"Opo Tita," sagot ko kahit hindi ko rin ma gets kung bakit nya sinabi 'yun. Wala namang nagbago. Wala namang dapat magbago.
"Good. How's your life there?"
"It's good tita. We're doing fine here. Sana po'y maka bisita kayo rito soon kasama si Tito Sid."
Si Tito Sid ay ang long time boyfriend ni Tita. 7 years na yata mag mula ng maging magkarelasyon yung dalawa and everybody's expecting them toget married dahil hindi na sila bumabata but those two are so busy with their work that a wedding might be too much for them.
I remember Tita Veron telling me before na okay naman ang relationship nila ni Tito. They are very much in love and commited to each other kahit na hindi pa sila kasal. She doesn't see the sense of rushing to get married if they're already married like.
Dati'y hindi ko maintindihan ang sentimyentong iyon ni Tita. Dati iniisip ko na they should just get married and get over with it. Ngayon, alam ko na now that I'm in a quite similar situation.
"I hope so, Haya, but that might not happen anytime soon. Napaka busy namin ng Tito mo these days."
"Ganun po ba? I'm not gonna hold you po in this conversation, baka busy po kayo. Thank you for the update about the internship, Tita."
"Alright, Haya. See you soon?"
"See you soon po."
After the phone call with Tita, I stared at the ceiling again nang isinalampak ko ang katawan ko muli sa sofa.
What's wrong with me today?
Feeling frustrated with myself, I decided to go back to my room ngunit hindi pa man ako nakaka ilang hakbang palayo, Kia appeared on the front door na bihis na bihis. Naka ripped jeans sya at cropped tshirt at may naka sabit na sling bag sa katawan nya. Amoy na amoy ko rin ang floral nyang pabango.
"Ano 'yang hitsura mo?" kunot noong tanong nya at nag taas baba ang paningin nya sa akin.
Hindi ko sya masisisi. Tila ba spider web ang buhok kong hindi pa nasusuklay. Ang mukha ko'y nagmamantika na't gusot gusot na rin ang pajama ko sa kaka higa ko kanina pa.
"Bakit?" tanong ko. Masama ang kutob ko sa pag silip ni Kia rito ng bihis. Imposible na she's just checking on me. Kung ganoon ay puwede naman nya akong i text.
"Maligo't magbihis ka. Mamimili tayo ng gamit ngayon."
"Gamit agad? Ni hindi ka pa nga yata nakapag enroll sa portal?"
"Tapos na kanina pa. Mag asikaso ka na."
"Hindi pa nga tayo nakakapag bayad?"
"Ganun din yun. Bibili rin naman tayo edi ngayon na lang."
"Ayoko-" Kia looked at me like she's aiming a gun at me na pag humindi ako ay yari ako.
Inis ko syang sininghalan at inirapan. Hinding hindi talaga ako mananalo sa kanya pagdating sa galaan! Kahit na humindi ako ng humindi, malamang ay hindi nya ako tatantanan hanggang sa sumama ako sa kanya. Ewan ko ba dyan kay Kia, ang pangit ng timing. Ngayon pa talagang wala ako sa mood at ubod ng tamad ang katawan ko na gumawa ng kahit ano ngayong araw.
Dire- diretso akong nag martsa papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit at mag ayos.
Walang gana akong sumunod kay Kia sa isang bookstore kung nasaan kami ngayon. Hindi naman ganoon ka rami ang bibilhin namin. Kung anong mga basic lang na kakailanganin ay iyon lang ang bibilhin.
Kung anong kinukuha nya ay yun din ang nilalagay ko sa cart ko. Binders, papers, bondpapers, and pen. Iyon ang nasa cart ko ngayon
"Kailangan mo ba 'yan?" tanong nya. Inangat ko ang ulo ko sa kanya na nasa harapan ko.
"Huh?" Nginuso ni Kia ang hawak hawak ko. It is a mechanical pen. Hindi ko ito kailangan. Dali dali kong ibinaba ang pen sa lagayan.
"Bakit ba ang sabaw mo today?" tanong ni Kia.
Umiling ako saka itinuon na lang ang atensyon sa mga pinamimili namin. Napadaan kami ni Kia sa may book sections na nagpabalik ng diwa ko sa katawan ko.
I saw the book Thinking, Fast and Slow by Daniel Khaneman. I've been eyeing this book since last year at unfortunately, wala silang stock. Ngayon na may roon na, hindi na ako nag dalawang isip na kumuha ng isa.
I've been waiting for this book to be mine. Mukhang hindi naman pala ganun ka sama na sumama ako rito.
I sipped on my cola and absentmindedly stared at the spaghetti in my plate. Mas okay na ako kesa kanina na one thing I know nag sh- shower ako and one thing ma re- realize kong nasa tricycle na kami. Thanks to that book.
"What's up with you?" salubong ang kilay na tanong ni Kia."Hindi ako maniniwalang wala dahil kanina ka pa halos tuliro. Ano nga?"
Huminga ako ng malalim sa ka umayos ng upo.
"Tumawag si Tita Veron kanina."
"Yung kapatid ni Tita Sonia?" tanong nya upang kumpirmahin. I nodded.
"Anong meron?" Kia twirled her fork sa spaghetti nya saka isinubo while her eyes are still on me.
"Okay, so, I have this goal of mine na maka pasok sa KSW Global. Yung dream company ko sa Manila. Tita called to inform me na they'll gonna be opening the slots for internship. That's my plan bago ako umuwi rito. Alam ito nila Mama't Papa. Pumayag na rin sila noon pa," ani ko.
"What's the problem?" tanong nya. Ibinaba ni Kia ang baso ng cola nya saka itinuon ang buong atensyon sa akin.
"Wala naman," sagot ko and then I breathed deeply. "Honestly, hindi ko alam. Wala naman dapat problema eh. Why does it make me feel na mayroon? It frustrates me na hindi ko alam kung anong problema."
Kunoot noo pa rin, Kia moved her head up and down like she understands me nd my frustration.
"You feel like hindi na tamang desisyon ang bumalik roon," aniya sa isang siguradong tono. Hindi iyon tanong. It's more of like a statement. "Why? Was it because of that Robin guy? You still think na guguluhin ka pa nya?"
Umiling ako. Ni hindi ko nga naisip si Robin sa sitwasyong ito. And if he bothers me again, I'd still stand up for my self. I won't flee or ignore. I'd just fight him head on.
"Wala akong paki alam kay Robin," sagot ko sa kanya.
"Then is it because of Lukas?" tanong ni Kia.
Nang mabanggit nya ang pangalan ni Lukas, para bang nag on sya ng switch sa isang madilim na lugar. Suddenly, all became light and visible.
It's Lukas.
The reason why it's so wrong to me na aalis ako rito is because leaving means creating distance from Lukas. And that's sounds so wrong to me.
"So, dahil nga kay Lukas," may conviction na saad ni Kia.
Kia's expression momentarily looked really intense na para bang may na alala sya then she shut her eyes eith her eyebrows furrowed saka iniling ang ulo nya bago buksan ulit na para bang walang nangyari.
"Kia, natatakot ako na baka may mag bago kapag lumayo ako rito sa probinsya."
"Alam na ba 'to ni Lukas? Have you told him?" Kia bit her lips anxiously.
Umiling ako't bumuntong hininga ng malalim. "Hindi pa. Hindi ko alam kung paano ibi- bring up sa kanya."
"Kausapin mo sya. He deserve at least to know your desicion if you'll really choose to go."
"Do you think he'll accept my decision if ever pinili kong tumuloy?" tanong ko.
"I don't know. Basta, I'll know he'll understand because that's a great opprtunity for you. Basta ipa- alam mo sa kanya. Huwag na huwag mong gagawin na magsasabi lang kapag aalis na tipong wala syang choice kundi bitawan ka na lang kasi wala na syang magagawa. Kawawa na naman si Lukas. Hindi naman nya deserve na maiwan ng ganun- ganun lang. Deserve rin naman na magkaroon ng time to accept and process things."
Natulala ako sa sinabi ni Kia. She talks like it already happened to Lukas kahit wala pa naman.
"Ki, wala akong intensyon na iwan basta basta si Lukas. Kaya nga ako na co- confuse sa desisyon ko dahil hindi ko kayang iwan si Lukas. Ayaw kong iwanan si Lukas," paliwanag ko.
Binasa ni Kia ng dila nya ang kanina pang natutuyong labi and then slowly exhaled in a relieved way.
"That's good."
"Natatakot ako. What if what we have won't work out?"
"Kung sigurado ka na talaga na i grab yung opportunity, only time can tell if the distance will do good or bad for you both. Huwag mong pangunahan."
And with that, I convinced my self to bravely tell him my final decision when the time comes.