Chapter 27

2504 Words
Pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis sa aking noo saka hinarang ang kaliwang kamay ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Halos hingalin rin ako sa dahil sa kawalan ng daloy ng hangin. "Haya, tubig oh." Inabot ni Tristan ang isang halos nag ye- yelong bottled water sa akin. "Salamat, Stan." Halos makalahati ko sa isang inuman ang tubig. Buti na lang nakainom ako ng malamig na tubig dahil parang napreskuhan ang buong katawan ko. Naka upo ako ngayon sa isang monoblock chair sa loob ng tent sa may plaza. Punong puno rin ng tao sa loob ng tent dahil dito rin sumilong ang lahat ng volunteers para sa street parade ng fiesta. Lukas asked me before if I could volunteer with him and I agreed. Apat na oras lang naman raw ang kailangan sa amin kaya pumayag na rin ako. "Ang init sa labas! Lalo pang iinit mamaya kung mag dagsaan na ang mga tao," ani Kia, na nahatak kong mag volunteer rin. Galing syang labas at agad syang sumalampak sa monoblock na katabi ko. This fiesta will be my second one here. Gaya ng dati, iisang handaan lang ang ginawa naming magkakamag anak and this time ay sa bahay nila Tita Rosa. Imbis na tumulong sa paghahanda sa fiesta, hinayaan nila akong mag volunteer para naman daw ma expose ako sa ibang tao rito sa probinsya. Natuwa pa sila nang malaman na mag vo- volunteer ako kasama si Lukas. Si Kia naman ang dahilan kung bakit sya nagpahatak sa akin rito ay dahil ayaw raw nyang mag hiwa at mag assist sa pagluluto. Kaya na raw iyon ni Ate Yuli. "Nakita nyo ba si Lukas?" tanong ng isang volunteer rin na hindi ko alam ang pangalan. I raised my head to her. "Hindi po eh. Bakit?" She showed me a folder na nasa bisig nya. "Kailangan ng pirma nya eh." Bumaling ako kay Kia na nag iniinom ang natira kong tubig na inabot ni Tristan. "Nakita mo si Lukas?" tanong ko dahil galing rin sya sa labas. Kia moved her eyeballs on my side saka umiling. Pagkatapos nyang maubos ang tubig ay tinapon nya na ito sa trash can sa tabi nya agad. "Hindi eh. Nakita ko lang syang dumaan sa gilid ko kanina pero hindi ko alam kung san papunta." Lumingon ako sa babae saka tumango sya't ngumiti. "Sige, hanapin ko na lang." Pagkarating namin rito kanina, agad kaming dumirerso sa tent. Ipinakilala nya kami sa mga kasama nya na regular na sa pag vo- volunteer rito at pagkatapos nun ay iniwan nya rin kami ni Kia. Dito raw muna kami hangga't hindi pa nag uumpisa. Inilabas ko ang phone ko para bigyan sya ng text. Lukas Orion: Nasaan ka? May nag ha- hanap sayo. Kailangan raw ng pirma mo. Tumayo ako sa inuupuan ko nang maramdaman ko ang pantog ko. Nagpaalam ako kay Kia na mag c- C.R. muna ako dahil baka maya maya'y hindi na ako maka CR pag nag umpisa na ang street parade. Lumakad ako papunta sa isang commercial building na hindi kalayuan sa tent namin dahil they are kind enough to let us use their comfort room. I roamed my eyes just in case makita ko si Lukas but failed. Marami ng tao ang naka kalat sa kalsada. For sure ay inaabangan na ng mga tao ang street parade at performance. Isa ang SPU dance troup kasama ng iba pang mga dance troups mula sa iba't ibang universities at academies sa mga mag pe- perform sa street performance. Excited na rin ako dahil isa sa mga blockmate ko na si Aki ay kasali sa dance troup. Sana'y maka rating si Penny. Ship ko pa naman yung dalawang yun. The whole place already looks festive. May mga nakasabit na mga makukulay na banderitas at lanterns sa bawat poste at mga puno around the place. Rinig na rin ang malalakas na tugtog mula sa bawat establishments na bukas pa rin kahit fiesta. "Happy fiesta po maam," bati ni kuya guard. "Saan po kayo maam?" I stopped from pushing the the glass door saka nilingon si kuyang guard. "Happy fiesta rin po. Sa CR po kuya. Okay lang po ba?" tanong ko. "Oo naman maam. Pag pasok mo riyan, diretso ka lang riyan sa hallway tapos kaliwa." Kuya guard motioned his hands kasabay ng pagturo nya sa akin ng direksyon. "Okay po, kuya. Salamat po!" Tuloy kong tinulak ang glass door saka dumiretso sa hallway at kumaliwa gaya ng instruction ni Kuya. Pag pasok, agad makikita ang tatlong sink sa ilalim ng isang mahabang salamin. Sa tapat ng lababo at salamin ay ang tatlong magkakatabi na cubicle. Puti at brown ang mixture ng kulay ang nangingibabaw sa buong CR. Hindi rin lahat ng bombilya ay bukas ang ilaw nito dahil may ilang mga lamp ang naka dim na syang nangbibigay ng ilaw sa CR. Dumiretso ako sa pinaka dulong cubicle. My lips curld up nang makita na ang puti at ang linis ng bowl. And there ni- release ang dapat i- release. I flushed the toilet saka inayos ko pa ang pagkaka tuck in ng tshirt ko sa pantalon. I heared the rush of water from the faucet sa labas at ilang dagundong ng apak ng paa. I should get out of here ng makapag CR din sila. "Nakita nyo yung girl na kasama ni Kuya Lukas sa may tent?" tanong ng boses ng isang babae sa labas dahilan kung bakit naiwan sa ere ang kamay ko bago ko pa tuluyang mahawakan ang door handle. "Saan dun? Yung maiksi yung buhok?" tanong ng isa pang boses. "Hindi. Yung isa pa. Yung mahaba yung buhok na maganda," sabi ni ate girl na unang nagsalita. Dumagundong ang puso ko nang banggitin iyon ng babae. They're talking about me. Hindi ko sure sa maganda na part pero between sa amin ni Kia na may maiksing buhok, ako ang may mahabang buhok na kasama ni Lukas sa may tent. Why are they talking about me though? Dahil mukhang hindi magandang timing na biglang lumabas, itinakip ko ang seat cover ng toilet saka naupo roon. Curious rin ako sa kung anong pag chi- chismisan nila tungkol sa akin. "Ah, yun?" boses ng isa pang babae. Bale tatlo silang nasa labas para pag usapan ako? Nice. "Girlfriend yata ni Kuya Lukas yun eh." si ate girl number 2. "Hindi! Tinanong ni Gia si Kuya Lukas kung girlfriend ba nya yung lagi nyang kasama, 'hindi pa' raw." Hindi pa. Tama naman sila. Tama naman din si Lukas. Hindi pa kami kaya hindi nya pa ako girlfriend. Na appreciate ko rin ang pag dagdag ni Lukas ng 'pa' sa Hindi pa. Sapat na sa akin yun para ma kita na hindi nya naman tinatago ang kung anong mayroonkamisa ibang tao. "Bakit hindi pa? Eh parang ang tagal ko ng nakikita na laging magkasama yung dalawa?" "Maraming may hindi alam kung bakit. Hindi naman nila dini- disclose yung relasyon nila sa ibang tao." Hindi ko naman masasabing Lukas and I is in a relationship sa ibang tao because wala pa naman kaming label. However, we do have a very special relationship and we're down for that. "Ano sa tingin nyo? Bagay ba sila ni Kuya Lukas?" tanong ni girl number 1. "Maganda naman sya ah?" sagot ni girl number 2. I placed my right hand to my chest saka mahinang tinapik ang dibdib ko para i- kalma ang puso ko na lalabas na sa katawan ko sa sobrang lakas ng t***k. "Maganda kaso mas bagay sila ni Ate Irah. Ewan ko ba kung bakit tinurn down ni Kuya Lukas si Ate Irah eh mas bagay naman sila." Para bang may kung anong malamig ang bumuhos sa akin nang marinig ko iyon sa babae. Ngayon ko lang na encounter na may tao palang mas pabor kay Irah kaysa sa akin para kay Lukas. Hindi ba nya nabalitaan ang pag sampal sa akin ng Ate Irah nya? "Nung dumating yung babae, saka lang naman na buwag si Ate Irah saka si Kuya Lukas. Ayos naman sila at mukhang nagkaka mabutihan na nga diba?" ani ng pangatlong babae. Gusto kong lumabas at ipag tanggol ang sarili ko but I held myself back because that would be pointless. Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko ko sa kanila. I know the truth na kay Lukas mismo nang galing. That's their opinion at hindi naman nag ma- matter ang opinyon nila sa kung anong may roon kami ni Lukas. Hindi sumagot yung dalawang kasama nya. Narinig ko ang pag bukas ng cubicle na bakante. Maya- maya ay ang pag flush ng toilet. "Tara na?" tanong nung pangalawang babae. Nakiramdam lang ako sa mga kilos nila kung ano pa ang gagawin nila o kung pag chi- chismisan pa ba nila ako at ang relasyon ko kay Lukas pero narinig ko ang paglayo ng mga footsteps sa CR. Nagbilang ako ng hanggang 20 at tuloy tuloy na nakiramdam bago tuluyang pinihit ang doorknob pa labas saka itinukod ang dalawang kamay ko sa sink. Parang nanlalambot ang dalawang tuhod ko't kaunti na lang ay bibigay na sa sobrang nyerbos ko kanina pa. Ipinag dikit ko ang dalawang kamay ko para sumalok ng tubig sa gripo saka yumuko ako para isaboy iyon sa mukha ko. Kailangan kong kumalma bago ako bumalik sa tent. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko mula sa bulsa ko at agad kong hinugot iyon sa kanang bulsa para tingnan kung ano iyon. Isang text mula kay Lukas. Lukas Orion: Matagal ka pa? Nag tipa ako ng reply kay Lukas sa phone ko. Helena Ysabel: Pa- balik na. Kinapa ko ang kabilang bulsa ko pero hindi ko nakapa ang panyo ko. Naiwan ko yata sa sling bag ni Kia kaya winisik ko na lang ng isang kamay ko ang natirang moisture tubig sa mukha ko saka lumakad na pabalik sa tent. Mas marami na ang nasa labas ngayon kumpara kanina. Buti na lang din ay humupa na ang init kahit paano kaya't nagtuloy tuloy ako ng lakad papunta sa tent na para bang walang nangyari. Pag dating ko, naroon na si Lukas katabi ni Kia at may hawak na bottled water. Pawis na pawis na ang noo nya't naka brush back na rin ang buhok nya. Naramdaman yata nya ang pagdating ko dahil agad syang nag angat ng tingin. Automatic na umangat ang sulok ng kanyang labi nang nakita na papalapit na ako. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng consciousness sa mga mga mata ng mga tao na lumilingon sa akin. Now that I've heard what those girls think about me, about Lukas and I, hindi ko maiwasan na hindi maisip kung ganun rin ba ang tingin ng iba sa amin? Sa akin? I mentally shook my head. Hindi ko dapat iniisip iyon. Lumakad ako papalapit sa kanila ni Kia pero dumiretso ako sa harap ni Kia at binuksan ang bag nya at hinugot ang panyo ko. "Ang tagal mo namang mag CR? Isang balde ba nilabas mo?" ani Kia na naka cross legged sa upuan hawak ang phone nya sa dalawang kamay. "Hindi ah. Medyo di ko alam kung saan kaya hinanap ko pa," palusot ko. "Kala ko kung ano nangyari sayo dun." Umiling ako"'t ngumiti saka bumaling kay Lukas. Mamaya'y pag nalaman pa nya kung ano yung nngyari sa CR at hanapin yung nga babae na mukhang volunteer rin. Lukas fondly looked at me at naka pout pa nang lumapit ako sa kanya't pinunasan ng panyo ko ang pawis na pawis na mukha nya. Mukha tuloy syang si Lily sa kaka nguso nya. "May nag hahanap pala sa 'yo kanina. May kailangan ka raw pirmahan?" banggit ko sa kanya. "Si Hazel? Okay na. Naka pirma na ako nung umalis ka." Uupo na sana ako sa monoblock chair na katabi ni Lukas pero bigla nyang hinatak papalapit sa kanya para mas dikit pa sa upuan nya. Pinanlisikan ko lang sya ng tingin pero lalo pang ngumiti. Ang init init na nga eh! "Guys! Guys! Guys!" tawag ng isang lalaki na palagay ko ay nasa 30s na. He's wearing a shirt that says coordinator. He is clapping his hands loud para kuhanin ang atensyon namin. Tumapat sa sya may entrance/ exit ng tent kaya kita sya ng lahat. "Okay, so, what we'll do today is that we'll make sure na walang civilian ang mag i- interrupt ng performance at sasama tayo sa parade at i a-assist natin ang mga mamamayan at bisita. Okay? Magsisilbi tayong human barricade to make sure na everything will go smoothly. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa mabubuti nyong puso sapag volunteer ngayon. Bless you all. Let's do this!" Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat sa sinabing iyon ng coordinator. Hudyat rin iyon ng pag tayong lahat at pagsisimula ng rason kung bakit kami narito ngayon. I moved my head towards Lukas' direction at nangiti ako nang naka tingin na rin sya sa akin. Kasama si Lukas at Kia, lumabas kami sa tent at finally, naka langhap na rin ng hangin. Dumiretso kami sa may plaza mismo saka doon kami in- assemble at pinarte- parte kung sino ang magkakasama at saan kami naka toka. Nanatili kami kung saan kami naka tayo. Bitbit ni Kia ang isang maliit na payong at solo nyang sinisilong ang sarili nya samantalang dalawa naman kami ni Lukas sa mas malaking payong na sya ang may hawak. "Sana lahat pinapayungan," parinig ni Kia. Natawa kaming parehas sa kanya ni Lukas dahil ang bitter ng tingin nya sa aming dalawa. "Gusto mo ba? May mga blockmates ako na puwedeng i reto sa 'yo," sagit sa kanya ni Lukas. "Ay. Pass sa Arki. Pass rin sa reto," umiiling na sabi ni Kia. "Eh anong gusto mo?" tanong ko. "Gusto ko yung mala- Timothée Chalamet tapos destiny ang maglalapit sa amin together," aniya na parang nag niningning ang mata. "Wala nun dito. Pass," ani Lukas. "Tapos na yung misa sa cathedral kaya marami na yung tao sa labas," ani Kia saka itinuro ng pointing finger nya ang dagsa ng pag labas ng tao sa bukana ng cathedral ng St. Pio. "Mga anong oras daw ba magsisimula yung parada?" tanong ko kay Lukas pero nag kibit balikat lang sya. Muling nagkaroon ng commotion sa harap kaya't roon napunta ang atensyon namin. "Guys! Mag uumpisa na tayo!" ani ng coordinator saka itinaas ang kanyang kamay. "Sundan nyo 'tong kamay ko na naka taas!" Gaya ng sabi nya, sumunod kami sa kanya at nag umpisang lumakad papunta sa street kung nasaan ang lahat. Rinig na rinig na ang dagundong ng tambol at mga instruments lalo na ng xylophone na nangingibabaw ang tunog sa pandinig ko. Pinagigitnaan ako nina Kia, na naka cling sa kanang kamay ko. Naramdaman kong may kung ano sa kabilang kamay ko ang it's Lukas slipping his fingers on mine. "Baka mawala ka ulit," ngiting sabi nya. A war of flashback flashed on my mind. Oo nga pala. Happy first anniversary to the day and same event that we bumped into each other.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD