Chapter 28

2070 Words
Dumagundong ng tatlong beses ang tambol hudyat na magsisimula na ang paglalakad namin. Unti unti nang nag si- kilos ang mga nasa unahan namin. Nasa bandang dulo kami kaya hindi na kailangan na alam namin ang direksyon dahil susundan na lang namin ang mga taong nasa harap namin. Hawak pa rin ni Lukas ang kamay ko. Hindi ko alam kung dapat bang magtuloy tuloy yung kilig ko o ma bother dahil ang init init pero halos isiksik nya ang sarili nya sa akin. Ang route nitong parada ay paikot mula sa Gardenia St., pababa sa Daisy St., paakyat sa Camelia St., pababa ulit sa Dahlia St., at magtatapos doon kung saan gaganapin ang street performance agad agad. Paikot lang naman ang ruta kaya't hindi mahirap tandaan just in case. Tantiya ko'y nasa 30 mins kaming maglalakad given the pacing and the distance. "Pagkatapos natin sa parade sundan lang daw natin yung nasa harap natin para mamaya sa street performance." Hawak ni Lukas ang phone nya at ibinalita sa amin ni Kia kung ano ang message sa kanya. Tumango lang kaming dalawa saka patuloy na naglakad. Bawat madadaanan namin, may mga tao na nagwawagayway ng mga puting panyo nila. It's probably a sign of welcoming and celebration o pakiki- isa. Kumakapal na rin ang bilang ng mga tao and minute by minute, it's getting harder to grasp for a wind dahil nagsisiksikan na ang mga tao. Napa atras ako nang bigla akong ma sagi ng babaeng nasa harap ko patalikod. Naramdaman ko ang pag tense up ng katawan ni Lukas nang makita nya. "Ayos ka lang?" he softly asked. Tumango ako dahil ine- expect ko ito to happen this much. Sana lang ay hindi kami ma stampede sa dami ng tao o ma suffocate. Na alerto ako nang makita ang kamay ni Kia na kaunti na lang ay maitutulak na nya ang babae na sumanggi sa akin. Pinuwersa ko ang kamay ko na ibaba ang kamay nya. Baka mamaya ay mapa away pa kami rito. Hindi naman sinasadya nung babae! "Ki," tawag ko sa kanya saka umiling. Kia scrunched her face and kept her hand to herself. Lumingon ako kay Lukas at tumatawa na sya sa ginawa ni Kia. Nag apir pa yung dalawa at mukha pang proud sa gagawin sana ni Kia. Ang sasama ng ugali talaga! Natatawang iniling ko na lang rin yung kalokohan nila. "Lukas! Kuya Lukas ang pogi mo!" rinig naming sigaw kung saan. Pare parehas na namilog ang mga mata naming tatlo at nagkatinginan kami sa isa't isa. "Ooh... Lukas nyo may fangir!" tudyo ni Kia. Hindi na namin nahanap kung saan nanggaling yung sigaw na iyon but Lukas looked really proud na may sumigaw sa kanya at sinabihan syang pogi. Habang tuloy tuloy ang paglalakad namin, hindi namin namamalayan na papalapit na kami sa lugar kung saan dadausin yung street performance. Mas maingay at mas masigabo na ang mga tunog kumpara kanina. Ngayon ay parang may tumatambol mismo sa mga tainga namin sa sobrang lakas ng mga tunog. Ako lang siguro ang hindi sanay sa ganoon ka lakas na ingay dahil parang para sa dalawa kong kasama ay tila ba hindi naman sila apektado. "Doon tayo!" sigaw ni Kia sa amin para magkarinigan kami sa gitna ng mga ingay na nakapaligid sa amin. Itinuro nya ang isang banda kung saan hindi pa ganoon ka kapal ang tao para roon kumalat dahil wala pang volunteer sa gawing iyon. Nanghinayang lang ako dahil bandang likod na kami at yung tinuro ni Kia na pwesto ay likuran na ng mga performers. "Oo doon na lang tayo," pagsang ayon ni Lukas. Bago pa may ibang maka spot ng puwestong iyon, nagmadali na kaming lumakad papunta roon. Nang makarating kami sakto naman na pumasok na yung mga babaeng performers sa space sa gitna saka pumunta sa formation nila sa sayaw. "Ayan na!" tili ni Kia. Puro mga babae unang mag pe- perform ngayon. The apple green baro't saya na may floral ensemble made them seen to be very vibrant sa gitna. What made me amaze with them is that they're balancing a glass with candles in it. I've seen dances like this before but it is the first time na makikita ko ito ngayon rito sa fiesta. The music cueued and they got into their starting position. Imbis na sa speakers, sa actual na instruments nag play ang tugtog that makes it more entertaining and authentic. Hanga ako sa kanila. Dancing in a street kung saan direktang natatamaan ng init ng araw must be so tough. Nakangiti pa rin sila at composed na composed parin ang stance nila. Natapos ang sayaw nila at pumalit ang mga guys na naka red pants, topless at may mga naka sabit na bao sa iba't ibang parte ng katawan nila. I know this one. This dance is called maglalatik. Ang kanina'y halos tahimik na audience ay napuno ng tili ng mga babae. Everybody's jaw dropped with the sight of the guys who are gonna dance while topless. Hindi ako napa tili pero my mouth circled with surprise. "Oh my gosh! Oh my gosh!" tili ni Kia na katabi ko't hinampas hampas pa ang braso ko. Hinayaan ko lang sya na hampasin ako. Hindi naman masakit. Buti naman. "Tingnan mo 'to si Kia. Akala ko ba mga Timothée Chalamet mga tipo nito pero ngayong naka kita lang ng lalaking may abs akala mo sinisilihan na!" asik ni Lukas kay Kia na busy sa kaka tili. "Hayaan mo syang namnamin yung blessing ni Lord," ani ko. Nalukot ang mukha ni Lukas pagkarinig ng sinabi kong iyon. Wala namang masama sa sinabi ko? The next thing I know, naging purong itim na ang nakikita ko dahil tinakpan ba naman ni Lukas ang mata ko ng kamay nya! "Lukas kasi ano ba yan!" asik ko. I grabbed his hands saka pinilit ibaba iyon para maka kita ulit ako. Ang una kong nakita ay ang mukha ni Lukas na para bang maling mali na ginawa ko iyon. "Ay pumapalag? Gusto mong maka kita ng biceps saka abs ng iba?" aniya. Nanlalaki ang mata nya. "Bakit? Nanunuod lang naman ako!" natatawa kong sabi sa kanya dahil mukha na talaga syang hindi makapaniwala. "May abs saka biceps rin naman ako?" Minsan talaga ang childish din ni Lukas eh. Kala mo hindi mas matanda sa amin. "Sige, mag topless ka rin doon sa harap kapalit nila tapos ikaw panonoorin namin." Halos malakas ko syang tinulak tulak pero hindi man lang sya nabuwag sa kinatatayuan nya. "Joke lang. Di naman ako sasayaw dun," aniya ng naka pout pero naka kunot pa rin ang noo. "Pero hindi joke na may biceps saka abs ako." "Okay. Maniniwala ako," medyo nang aasar na sabi ko. "Oo nga. Meron nga!" pag i- insist pa nya. "Wala naman akong sinabing wala ah?" ani ko. Napa pikit ako kasabay ng pag angat ng dalawang sulok ng labi ko sa ka cute- an ni Lukas. Why is he seriously being so cu te these days? Nakaramdam ako ng isang malakas na hampas sa kamay ko na galing sa direksyon ni Kia. "Bakit?" Naka nguso na rin sya't hindi na naka tingin sa harap. "Tapos na. Sayang, dapat mas mahaba pa." Lumingon ako sa harap at wala na nga roon yung mga dancers na topless. Pumalit na roon yung mga majorette na hawak ang baton nila habang ang isang kamay ay naka pamewang at nag ma-martsa sa kanilang starting place. Did he just distract me para hindi ko mapanood yung mga naka topless? "Kita mo yang babaeng nasa dulo? Yung matangkad na petite?" bulong ni Lukas sa akin habang pumapalak ang dalawa nyang kamay. Tumango ako. "Ex 'yan ni Julius nung high school," aniya. Gulat akong napa angat ng tingin kay Lukas. His lips are shut together pero kita ko pa rin ang pag angat nun. "Talaga?" tumaasang boses ko nang sabihin ko iyon. Tumango naman si Lukas. "Siguro mga wala pang isang taon na naging sila." The girl looked very cute in her majorette outfit kahit na hindi ko naman talaga masyadong maaninag ang buong mukha nito. Mukha ngang ito yung nga tipo ni Kuya Jule pero syempre, Team Roan na tayo ngayon. Pagtapos ng majorette performance, pumalit na ang mix ng mga babae't lalaking performers. Dance troupe iyon ng SPU! Agad kong nakilala dahil may logo ng SPU sa kanang bahagi ng tshirt nila sa may dibdib. I finally spotted Aki na nasa may gawi lang namin. In fairness, ngayon lang nagmukhang cool si Aki sa paningin ko. Kinalabit ako ni Kia. "Hindi ba ka blockmate mo 'yan?" turo nya kay Aki. Tumango ako bilamg sagot. She must be familiar kay Aki dahil nakakasama namin 'yun minsan at nadadaanan nya kami minsan. Hinugot ko ang phone ko mula sa bulsa at agad na pinindot ang camera app to record Aki. Mukha akong fansite ni Aki but it's fine kasi hindi naman para sa akin 'to. It's for Penny to keep. I se- send ko sa kanya para i angat ang Aki X Penny ship ko. "Go Akihiro!" sigaw ko. He flinched at my shout pero talagang naka performance mode sya kaya't hindi man lang sya lumingon. "Street dance yata ipe- perform nila oh," kumento ni Lukas. True. Kumpara sa ibang mga nag perform, mas swaggy tingnan ang outfit nila. Nakumpirma ko iyon nang tumunog sa malaking speakers ang intro ng Hey Mama. Lahat ng audience ay na hype pagkarinig pa lang ng intro na iyon. SPU's Dance Troup proved that they are one of the greatest dancers in this town dahil kahit tagaktak ang pawis at hingal sa init, they still nailed the choreography na nag bigay ng buhay sa mga audience ngayon. You beatin' drum like dum di di dey I love the dirty rhythm you play I wanna hear you calling my name Like hey mama mama hey mama mama (Hey) The troup moved into a different formation. Ngayon ay naka perfect triangle sila. Banging the drum like dum di di dey I know you want it in the worst way I wanna hear you calling my name Like hey mama mama hey mama mama (Hey) "Yo! Go SPUDT! Let's go!" sigaw ni Kia. The crowd hyped hanggang sa matapos ang performance ng dance troup. What's better is that lumingon si Aki in my direction exactly kung nasaan ako saka kumaway at nginitian ang camera ng phone ko. Oh my gosh! Kailangan ko talagang i send to kay Penny! Ilang minuto matapos ang street performance, hindi pa rin halos humuhupa ang mga tao sa gitna. "Diretso daw tayo sa may plaza para kunin yung pa token of appreciation nila," pag inform ni Lukas. The three of us began walking sa plaza kung saan kami pinapa punta. May ilang volunteers rin kaming nakaka sabay na papunta roon. "Dito na lang muna kayo," ani Lukas. "Ako na lang kukuha ng atin." Tumango kaming dalawa ni Kia. Medyo napapagod na rin ako sa kaka lakad at kaka tayo kahit yun lang naman ang ginawa ko. I barely assisted with anything. We waited for Lukas sa silong ng isang puno. Medyo natagalan sya dahil doon pa yun sa front part at baka may pila pa kaya hindi pa sya nakaka balik agad. Mga ilang minuto pa ang naka lipas, tumayo ako mula sa pagkaka upo mula sa ilalim ng puno nang matanaw ko na si Lukas na puno ang kamay na may bitbit na tatlong na karton na may hawakan. "Ki, tara na." Nilingon at hinila ko si Kia mula sa pagkaka upo para sana salubungin si Lukas. Hahakbang na sana ako palapit but Lukas stopped from walking nang ilang dipa na lang ang layo nya mula sa amin. Hindi lang sya tumigil, shock is evident on his face na para bang nakalimutan pa nga nya yatang huminga. Literal na parang tumigil yung mundo nya. Isang babaeng naka blue summer maxi dress ang napansin kong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Lukas. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil naka talikod sa akin. Curvy yung girl at golden blonde ang shoulder length nyang buhok. Ang mga mata ni Lukas ay naka pako na lang roon sa babaeng lumapit sa kanya. Hindi ko alam but this whole situation that's happening right now is bothering me for some reason that I don't know. "Oh... my... gosh," gulat rin na bulong ni Kia pero hindi iyon naka takas sa pandinig ko. What is happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD