Chapter 29

2614 Words
"Oh... my... gosh," gulat rin na bulong ni Kia pero hindi iyon naka takas sa pandinig ko. What is happening? Mukhang naka bawi na sa pagkagulat si Lukas dahil inayos na nya ang tayo nya pero ang atensyon nya ay nasa babae pa rin. Tanaw ko ang pag bukas at pag sara ng bibig ni Lukas at ngayon ko lang yata nakita kung gaano sya ka awkward sa harap ng isang tao. He's never awkward with people. "Kia? Sino yung babae? Kilala mo ba?" tanong ko. Halos magsalubong ang mga kilay ni Kia sa nakikita nya sa harap but her jaw is literally dropped at the moment. What's with their reaction? Sino ba yung babae at bakit ganun na lang ang reaction ng dalawang kasama ko? "Ki!" tawag ko ulit at bahagyang siniko sya. Itinikom ni Kia bibig nya saka mukhang kabadong tumingin sa akin. "O- oh?" tanong nya nang maka bawi. Itinuro ko ang direksyon nila Lukas. "Sino yun?" "Ano... uh... dating friend ni Lukas. Ngayon na lang ulit naka bisita dito," sagot nya. Tumango ako. But I don't know. It doesn't feel right to me. Dating kaibigan ni Lukas? Isn't the usual initial reaction kapag nakita mo ulit ang dating kaibigan mo na ngayon lang naka bisita ulit is to be thrilled and happy na narito sila? Why does Lukas looks off and awkward? At dati silang magkaibigan? Did something happen? Inalog ko ang ulo ko. Wala rin naman akong makukuhang sagot sa sarili ko. Saglit na sumulyap si Lukas sa direksyon ko at ni Kia pero agad rin na bumalik ang atensyon nya sa babae. Lukas is now walking papunta sa direksyon namin ni Kia but he looks like he's not on his usual self. Para syang robot na mindlessly naglalakad papunta sa amin. Yung babae namang kausap nya ay dire deretso lang rin ang hakbang papalayo ng hindi man lang lumilingon sa amin. Tumikhim si Kia. "Ito na ba yung pa token of gratitude nila?" salubong ni Kia kay Lukas. "Oo ito na," sagot naman ni Lukas. Bumuntong hininga sa saka ngumiti, obviously trying to bury the odd atmosphere. "Tara na? Ihahatid ko na kayo." Kia and I nodded in unison. Sa kotse, pakiramdam ko'y masu- suffocate ako sa sobrang grim ng atmosphere namin. Tahimik lang si Lukas at si Kia naman ay parang nakikiramdam lang rin. Tila ba may dumaan na uwak sa sobrang tahimik. Hindi ako sanay. I buckled my seatbelt saka nilingon si Lukas na absent minded pa rin. "Lukas ayos ka lang ba?" tanong ko. Tumaas ang dalawang kilay ni Lukas nang tawagin ko sya't bumaling naman sya sa direksyon ko. Lukas slowly smiled at me saka tumango. "Oo naman," aniya. Oo ang sagot nya pero hindi ako maniniwala dahil hindi umabot iyong ngiti nya sa mata nya. His eyes are like my windows to his emotions. Hindi lang sa mukha dahil pati sa mata nya umaabot ang totoong emosyon nya and it bothers me because masayang naka ngiti ang mga labi nya pero ang mata nya'y parang naka default. Blangko't halos walang emosyon na makikita roon. This whole situation is starting to bother me on a different level at hindi ako naniniwalang wala lang iyon. Hindi ko alam kung anong meron and maybe this is not really a great time to ask him. "Can I connect my phone sa speakers?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na rin kinakaya ang mabigat na katahimikan rito sa loob. Hinihiling ko lang na putting music on will make the awkwardness all go. "Sure. Sige lang," tipid na sagot ni Lukas. I started connecting my phone on his car's speakers. I pressed shuffle on my playlist. Wala naman talaga akong pake kung anong kanta ang tumugtog. Gusto ko lang na matabunan ng music ang katahimikan. Dua Lipa's Don't Start Now is the first song to play. If you don't wanna see me Did a full 180, crazy Thinking 'bout the way I was Did the heartbreak change me? Maybe But look at where I ended up I'm all good already So moved on, it's scary I'm not where you left me at all, so The song's very upbeat. Natuwa ako nang makita na Lukas is now tapping his fingers sa manibela habang ang mata nya'y naka diretso pa rin sa daanan. That's better than him not reacting at all. "Gusto nyo bang mag meryenda muna?" Lukas asked. Sumulyap sya sa rear view mirror para makita si Kia bago sumulyap sa akin. Ipinihit ko naman ang katawan ko pa kanan para sana lingunin si Kia. "Gusto mo?" tanong ko. Hindi naman ako nagugutom pa. I don't even know if I can eat kung kaming tatlo lang pero if ever na gustong kumain ni Kia, okay lang naman. "Hindi na. Kainan rin naman yung maaabutan natin pag uwi. Daan na lang tayo ng milktea shop. Medyo nanunuyo na yung lalamunan ko," ani Kia. "Kahit saang shop?" "Oo Lukas. Kahit saan. Kung may madaanan tayo, yun na lang." As per Kia's request, Lukas delivers. Iniliko ni Lukas ang kotse sa isang street and then halted nang matanaw namin ang isang milktea shop. "Ako na bababa," ani Lukas pero hinawakan ko sya sa braso para pigilan syang i tanggalin ang seatbelt nya. "Ako na. Hintayin nyo na lang ako rito," sabi ko. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko para hindi na ako mapigilan ni Lukas. "Sure ka?" Tumango ako. He extended his arms sa dashboard saka kinuha ang wallet nya at inabot sa akin. "Dito ka na kumuha ng pang bayad." Imbis na tanggihan, kinuha ko na lang saka binuksan ang pinto ng kotse't tuluyang lumabas. Naka hinga ako ng malalim nang makalanghap ako ng sariwang hangin. Finally, a breathe of fresh air. "Welcome maam, ano pong order nila?" magiliw na tanong ni ate nasa counter. I looked up to see their menu and halos parehas lang din ito ng iba pang milktea shop. Kung may isang drink na pwede mong ipa inom kay Kia at hindi sya magsasawa, milktea iyon. "Isa pong brown sugar milk tea, isang oreo cheesecake milk tea, saka isang java chips milk tea. Medium po lahat." Binuksan ko yung wallet ni Lukas. May ilang tig iisang libo roon at humugot ng nag iisang 500 pesos at inabot bilang bayad. The cashier punched in my order and handed me the change. "Please wait po muna on one of the tables while we prepare your order." Tumango ako saka dumiretso sa isang table saka umupo. Itinuon ko sa hawak kong leather folding wallet na nasa kamay ko. Binuksan ko ang wallet ni Lukas at ang unang bumungad sa akin ay ang family picture nila. There's Tita El, Lukas, Levi, Lily and their Dad. Tama nga na ako na mas kamukha ni Lukas ang Daddy nya. Mula sa hubog ng mukha at tindig, kuha nya. But not his Dad's eyes. Yun lang ang tanging hindi nya nakuha sa Dad nya. "Maam ready na po yung order nyo," tawag ni ate na nasa cashier. Agad akong tumayo at kinuha yung cup holder kung saan nakalagay yung order ko. "Thank you po," ani ko saka hinawi ang sliding door para bumukas. I walked towards the car. Hindi ko nakikita kung ano na ang ganap nila sa loob dahil heavy tinted ang kotse ni Lukas. I stopped by the door, dahil may bitbit ang dalawang kamay ko at hindi ko ma buksan ang pinto. Lukas got the hint kaya madali nya ring akong pinag buksan ng pinto. I hopped in to the front seat na hawak pa rin ang drinks namin. Si Kia, naka rest na yung katawan nga sa sandalan sa likod at kaunti na lang ay pa pikit na ang mata nya pero nabuhay rin naman agad ang kaluluwa nya nang i- abot ko sa kanya yung milktea nya. Si Lukas naman, medyo okay okay na kesa kanina pero tahimik pa rin. This time, Post Malone's Circle is playing on the speaker. I sipped on the oreo cheesecake milktea in my hand. The sweet taste of the cheesecake played around my tongue. I love it. Napatigil ako sa pag sipsip nang inilapit ni Lukas ang mukha nya sa akin. Ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin. My heart pitter pattered. Isa lang sa amin ang biglaang mag lean forward, talagang mag didikit ang mga mukha namin. "B- bakit?" tanong ko. Inabot ni Lukas ang seatbelt ko at sya ang nag lagay nun para sa akin. One corner of his lips is curled up and he is already playfully looking at me. Gone the Lukas na kanina ay halos tuliro at hindi nagsasalita, I feel like bumalik na ang Lukas na kilala at kabisado ko. Iyong Lukas na playful at madaldal. Bumaba na kami sa sasakyan ni Kia. Bitbit ang cup ng milktea at yung box ng pastries na token for volunteering. "Tara sa loob Lukas," aya ko sa kanya na hindi pa rin bumababa sa kotse. "Pakita ka lang kila Mama saglit. Please?" Magtatampo kasi yun si Mama kapag nalaman nyang nadito si Lukas tapos hindi sya binaba't nagpakita sa kanya. Favorite na anak pa naman nya 'to. Hindi ko naman hahayaang magtagal si Lukas kasi I'm sure kailangan rin sya ni Tita El sa kanila. "Hintayin nyo 'ko. Magpapalit lang ako ng damit saglit," aniya. Naka dark navy pocket shirt sya at jeans saka white rubber shoes. Wala namang mali sa outfit nya. "Okay na yan. Pogi ka pa rin naman," compliment ko. Lumawak naman ang ngisi nya nang marinig iyon sa akin. Tingnan mo 'to. Gusto lang masabihan na pogi sya. "Magpapalit lang ako ng shirt sandali. Hintayin mo 'ko. Ayaw ko namang humarap kina tito't tita na mukhang dugyot." My lips broadly went upwards. Tumango ako para hayaan sya sa gusto nyang gawin. Isinarado nya ang pinto para magpalit. Kia tapped my arms to get my attention. "Girl mauna na ako sa loob. Akin na yan, ako na magdadala." Inabot nya yung hawak ko na box ng pastries saka dumiretso na sa loob. Tumayo lang ako sa gate nila Kia at hinintay sya. The car's dooe finally opened at iniluwa nun si Lukas na naka black and white button down polo na. His hair is properly brushed at bawat hakbang nya papalapit, naamoy ko ang pabango nya na bagong spray lang sa katawan nya. I really like the sillage of Lukas' perfume. You can really tell when he's around dahil talagang kumakalat ang amoy nya and among people that I know and I'm close with, sya lang ang may pabangong ganon. Sweet yet musky. "Tara." Gumapang ang kamay ni Lukas sa likod ko. It sent a thousand bolts of electricity in my skin that my back arched on his subtle and soft touch. Alam kong naramdamn ni Lukas ang pag igtad ko pero hindi na lang nya pinansin. "Okay lang bang walang bitbit pag pumasok? Parang nakaka hiya naman?" aniya. "Sus. Sarili mo lang yung dalhin mo okay na sila." Pag pasok namin sa front door, magkahalong pamilyar at hindi pamilyar na mukha ang sumalubong sa amin. Lahat ng atensyon ay na tuon sa aming dalawa ni Lukas kahit na iilan lang ang nasa sala. I plastered a smile on my face para hindi halata na unti unti na akong pinapawisan ng malamig. Fake it till you make it. "Oh. Ayan na pala kayo eh," ani Ate Yuli na kaka labas lang galing kusina at may bitbit na tongs sa kanang kamay at may oven mitt sa kaliwa. Nag tanguan sina Lukas at si Ate. "Nasaan sila, ate?" tanong ko. Ate pouted her lips saka ngumuso sa likod. "Nasa bakuran." Tumungo kami ni Lukas sa bakuran at doon, naabutan namin ang mas marami pang tao. They're enjoying the food on their plates. Kaliwa't kanan ang chatters na nagpapa ingay at bumubuhay sa buong paligid. "Lukas!" Mama almost screamed pagka kita nya sa kasama ko. She has her arms wide open for a hug. See? Hindi nya ako nakikita na anak nya. She has all her eyes for Lukas. Lumapit si Lukas para salubungin ang hug ni Mama. "Tita! Happy fiesta po! Gumaganda po kayo lalo kumpara sa huling kita ko sa 'yo ah?" Napaka bolero talaga pero gusto rin naman yun ni Mama dahil she giggled like a teenager. "Naku! Ikaw ha, baka maniwala talaga ako sa 'yo nyan!" "Ma pansinin mo naman po ako," biro ko. "Oh, hi 'nak! " tipid na bati nya. She just shortly caressed my arms. Lukas and I both chuckled. Mama held Lukas' arms saka hinatak. "Halika, ipapakilala kita sa mga kamag anak namin." Inangat ko ang mukha ko kay Lukas to see if he's uncomfortable with it. Lumingon rin sya sa direksyon ko at tinitigan ko sya mata ng naka taas ang dalawang kilay. He must've gotten my unspoken message dahil iginalaw rin nya ang kanyang eyebrows and scrunches his nose after. "Ma, hindi po magtatagal si Lukas dito ah. Bumaba lang po talaga sya to greet everyone," paalala ko ka agad. Baka kasi aakalain nya na Lukas will be here to celebrate with us. "Of course. Kailangan rin si Lukas sa kanila." Sa isang lamesa, naroon ang ibang relatives namin na pamilyar na sa akin dahil naging bisita rin namin sila last year. "Oh mga lola, mga tita, si Lukas. Boyfriend ni Haya!" Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa pag introduce ni Mama kundi ang pag tawag ni Mama kay Lukas bilang boyfriend ko. "Ma, hi-" Lukas held my hand saka iginalaw iyon para matigil ako sa pagsasalita. I just looked at him at masaya na syang naka ngiti sa mga kamag anak ko. "Hello po! Mano po!" Lukas went around the table to greet and para mag mano sa kanila. Sumunod rin ako. The relatives showered Lukas with compliments at tuwang tuwa sila sa kanya. Lukas smiled with everyone pero hindi ko alam at nakikita ko talagang hindi umaabot iyon sa mata nya. Lukas stayed with us for almost an hour. Hindi kasi pumayag si Mama na pauwiin si Lukas nang hindi nakaka kain kahit kaunti. Lukas got a Shrimp Fettuccine Alfredo pasta at Cordon Bleu. Naka upo na kami sa tabi nina Kuya Jonas at Ate Roan. "Inom?" alok ni Kuya Jule kay Lukas. "Hindi na, Jule. Uwi na rin ako maya- maya eh," pag tanggi nya saka ininom yung iced tea na nasa baso nya. Shortly after eating, nagpa hinga lang sya sandali saka nagpaalam na rin si Lukas para umuwi na. Mama is bummed out na aalis na ang paborito nyang anak pero naiintindihan nya naman. "Balik ka soon ha? Hindi ko pa naluluto yung Baked Mac and Cheese mo." Tumango si Lukas. "Promise po!" Hawak ang kamay ko, hinatid ko si Lukas sa kotse nya nang makapag paalam na sya sa lahat. "Ingat ka sa pag d- drive ha? Tell your family I greeted them Happy Fiesta. Okay?" "Yes po, Miss Maam. Makakarating po," then he raised his hands to salute. "And Lukas..." "Hmm?" I don't know if it's the right thing to say or to tell him but I'll do it anyway. Gusto kong malaman nya yung gusto kong iparating sa kanya. "If something's bothering you or you have a problem, you kno you can lean on me right? I also want to be with you always. Kahit ano pa 'yan." Lumamlam ang mga mata ni Lukas. He cut the distance between us and wrapped both of his arms on my body. Walang pag aalinlangan ko ring binalot ang kamay ko sa baywang nya. Hindi mahigpit pero hindi rin maluwag ang pagkaka yakap nya sa akin. Sakto lang. Sakto lang for me to feel na naiintindihan nya ang gusto kong iparating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD