Chapter 30

2120 Words
I'll tell you when I'm ready. Yan ang sinabi ni Lukas sa akin nang yakapin nya ako noong ihinatid ko sya sa kotse nya noong fiesta. Isang linggo na ang naka lipas at isang linggo na rin akong walang naririnig mula kay Lukas after he texted me a good night on that same day. I've tried texting him pero laging walang reply. I also tried calling him pero walang sumasagot sa akin. Sa sss at IG ay wala ring paramdam. He's not ghosting me, or is he? "Wala pa rin?" tanong ni Penny saka nilapag sa lamesa namin ang order naming burgers at fries. Hinatak ko syang mag mall dahil na fu- frustrate ako sa mga nangyayari at wala akong ibang mapag vent out- an. "Wala pa rin, Pen. Ilang araw ko ng tina- try paulit ulit. I don't want to appear really clingy pero I just can't help it. Diba nga I told you na I feel like hindi sya emotionally okay nung huling nagkita kami nung fiesta? Nag aalala ako kung ano na nangyayari sa kanya." Kumagat si Penny sa double cheese burger nya. "Baka busy?" "Pen kahit naman busy si Lukas, noon pa man hindi nya nakakaligtaan na mag text sa akin." "Baka kailangan lang nya ng space? Diba nga hindi okay yung tao? Girl hindi ka naman i go- ghost nun. Hindi naman ganon si Lukas. As much asyou want him to depend and lean on you, baka gusto muna nya to get some time off to himself at isipin yung mga bagay?" I slowly nodded at her. I see her point. Iniisip kong iyon rin ang pinaka plausible na explanation as to why Lukas is not responding to me. "What should I do, Pen?" I stared at my burger. I can see the thick beef between the patty at lumuluwa rin ang cheese mula rito. It looks visually appetizing pero mukhang hindi ko rin ito makakain dahil wala talaga akong gana. "Wait for him and trust him that he'll come back to you." I nodded in agreement. Right. I should do that. Hindi rin naman ako naniniwalang basta basta na lang akong iiwan ni Lukas ng ganon. I deeply sighed. "Ano pang problema?" tanong nya. Her eyes are focused on me kahit na panay ang nguya nya ng fries at burger. "Wala na." Tumaas ang dalawang kilay nya. "Dalian mo na. Kanina ka pa nag bu- buntong hininga. Tingin mo maniniwala akong wala na?" "I am noticing some odd behaviors about my cousins. Sobrang they're into me these days na namumukha ng weird. Maya't maya akong kinakamusta. Isa pa. It's almost always that whenever they're saying something to me is like they're tip toeing." "Tip toeing?" kunot noo nyang tanong. "Maingat na parang hindi pwedeng may maka lusot. I just feel that they might know something that I don't. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit tinatago nila sa akin?" "Okay. Do you think that has something to do with Lukas?" aniya and I nodded in agreement. Naisip ko na rin na baka nga ay may kinalaman iyon doon. "Anong meron dun sa girl sa plaza? Yung old friend? Diba sabi mo nang makita nya yun, that's when Lukas started to look uneasy?" Tumango ako. "Anong nangyari sa kanila?" tanong nya. "Because for me ha, hindi magiging ganun si Lukas kung simpleng away magkaibigan lang iyon." That made me curious even more. "Hindi ko rin alam Pen," iling ko. Lalong kumunot ang mukha ni Penny and her eyes squinted on me. She' s like thinking of something. "Are you sure she's just a friend?" Penny blurted out. Natigilan ako sa sinabing iyon ni Penny. "Iyon ang sabi ni Kia sa akin." Napa labi sya saka bumuntong hininga. Madiin ang tingin nya sa akin. "And what if Kia lied to you? What if yung alam pala nila ay yung about roon? About sa girl?" Unti unting bumigat ang puso sa sinabi ni Penny. That's just her theory but what if iyon nga talaga ang nangyayari? What if ganun nga talaga? Lukas is keeping some distance to me and my cousins are lying to me about it? Because of that girl? "Pen... anong gagawin ko?" My mind are full of tangled thread of thoughts. Ayaw kong mag isip ng masama pero hindi ko mapihilan na kuwestyunin ang mga bagay bagay. "Hindi ko rin alam kung anong dapat at tama mong gawin pero why don't you sit back and see what will happen. Sabi nga nila, time will tell." Gulong gulo pa rin ako sa sitwasyon but I acknowledge Penny's opinion. For now, I'll follow her advice and wait for things to unravel. "Sana mali ka. Sana talaga yung mga tinatago ng mga pinsan ko sa akin, won't hurt me." In the end, si Penny rin ang kumain ng burger ko. To get things off of my mind, nag yaya si Penny na manood ng movie. Libre nya daw ako para naman ma relax ang utak kong malapit na sumabog sa kaka isip ng mga sagot sa mga tanong na hindi ko rin alam ang sagot. "Anong gusto mong panoorin?" tanong ni Penny. I browsed at the movies na available and one particular movie caught my attention. "Ito na lang Pen," turo ko sa movie na gusto kong panoorin. It's a movie called Sweet & Sour. Iyon ang pinili ko because I've seen it's trailer and it looks really promising for me. Well, it's trailer says it's about cheating. I prefer yung mga thriller movies but I also don't mind watching movies like this. Nakayukong lumakad papalapit sa akin si Penny habang ang mata nya'y naka pako sa ticket ng movie na sya ang nag bayad. "4:30 pa yung next showing. Isang oras pa. Mag ikot muna kaya tayo? Balik na lang tayo rito pag mag sh- showing na?" aniya. Tumango ako. "Sige. Mag ikot muna tayo. Mabuburyo rin tayo kapag nag antay tayo rito sa labas ng cinema." "Or gusto mo munang mag frappe? Dun na lang tayo tumambay muna? Or gusto mong kumain muna? Wala ka pang kinakain." "Kaka kain lang natin?" medyo exaggerated kong sabi. "Ako lang. Ikaw, isang fries lang ang kinain mo. Ano?" "Wala talaga akong ganang kumain eh." "Sus. Kailangan mong mabuhay kahit wala pang paramdam si Lukas. So ano? Cafe na lang?" Tumango ako bilang agreement. "Mas okay na naka upo tayo't may iniinom kesa sa naglalakad tayo at pagod." With Penny by my side, we slowly walked towards the elevator dahil nasa 2nd floor pa ang cafe na gusto nyang puntahan. "Anong gusto mo?" tanong ni Penny. I scanned the whole place. The interior of the cafe itself looks retro. It's ssomething na makikita sa mga old movies. Black and white na squares ang flooring, alternate na blue and red ang chairs. Sa walls nito, may mga naka sabit na old posters, portraits of artists and musicians from the 80s and 90s, may mga plate numbers, and some photographs in that era. "Ikaw bahala," sabi ko. Inabutan ko sya ng pera to pay for our drinks. "Hanap lang ako ng table." I walked to the table na sa dulo banda katabi ng wall. Wala namang masyadong tao sa loob at maraming bakanteng lamesa but that was the best spot for me. Nakapa aesthetically pleasing and instagrammable. Right. Instead of thinking things, I should just divert my attention in the mean time. Dala dala ang drinks namin, Kia went to the table na napili ko. May kulang kulang 45 mins pa kami bago mag simula ang that's a lot of time. I'm glad we came here. Halos mapuno na yung storage ko sa sobrang daming picture na pinag kukuha ko. Ang ganda rito. Para akong nag travel pabalik sa era na iyon. "Girl," Penny whispered in front of me. Tinaas ko ang dalawang kilay ko. "Lingon ka sa kanan pero yung pasimple lang." Okay. Anong meron? Ipinihit ko ang ulo ko pa kanan gaya ng sabi ni Penny pero biglang dumampi ang palad nya sa kamay ko kaya hindi pa man ako tuluyang nakaka lingon, napa balik na ako ng tingin sa kanya. "Ano?" tanong ko. "Yung mata mo lang, kaloka na 'to!" Her eyes are rolling at me at halos i singhal nya ang sinasabi. I moved my eyeballs to the right. Hirap na hirap pa ako dahil bantay ni Penny ang pag galaw ko. Agad kong binalik yung focus ng mata ko kay Penny na halos ma luwa ko na yung eyeballs ko sa nakita. Penny raised her brows at my reaction. Naka angat na rin ang isang bahagi ng labi nya at ang mga mukha nya'y tila ba naka kita ng jackpot. "Tama naman ako ng nakikita diba?" tanong ko bilang pag kumpirma. Baka mamaya pala'y nag de- deliryo lang ako't kung anu- ano yung nakikita ko. "Oo girl. Sya yun," kumpirma ni Penny. Muli akong lumingon sa kanan at yhis time, buong ulo ko na ang inikot ko. Naramdaman rin yata nya na may naka tingin sa kanya kaya unti- unti nyang pinihit ang ulo nya on our direction at nagkatinginan kaming dalawa. Umawang ang labi nya nang makita na ako ang naka tingin sa kanya pero agad rin naman syang naka bawi dahil agad na nilingon ni Irah ang lalaking kasama nya habang hawak pa rin ang kamay nito. Yes. Si Irah ang babaeng nasa kanan namin ni Penny with, I don't know, maybe her boyfriend dahil magka holding hands sila at very sweet sila sa isa't isa. "Buti naman naka move on na si Ate mo girl," kumento ni Penny. "Wala ka ng kaagaw kay Lukas. Iyong iyo na." "Hindi ko naman sya tinuring na kaagaw kahit kailan. Una pa lang naman wala na syang laban," ani ko. Kia choked on her drink at kasabay nun ang pag tahol nya. Tumayo ako't lumapit sa gawi nya para i tap ang likod nya't inabutan sya ng tissue. Imbis na magpasalamat, hinampas pa nya ako nang tapos na syang umubo. "Ano?" Ani ko nang maka balik sa upuan ko. "'Wag ka nga! Nagugulat naman ako sa linyahan mo! Mag abiso ka naman kapag babanat ka ng ganun. Mamaya talagang mabilaukan ako tapos anong cause of death ko? I choked on my dark mocha frappe, ganon?" I bursted a loud hearty laughter on Penny. Salubong ang dalawang kilay nya't naka nguso sya. Agad namang nawala ang lukot ng mukha nya at malimit syang ngumit. "Ayan. Naka tawa ka na," aniya. Sampung minuto bago mag start ang movie, Penny and I decided to go na sa cinema para manood ng movie. Si Irah at yung kasama nya, naiwan parin roon sa cafe. Hindi na lang rin namin pinansin dahil of course, wala naman kaming mapapala kung papansinin pa namin. Besides, she legit looks happy. "Jowa nya ba yun? Sayang di natin na tanong, " ani Kia habang naglalakad kami pabalik sa cinema. "Huy, bakit naman natin tatanungin? Close ba tayo sa kanya?" "Hindi. Pero ico- confirm lang natin na over na sya kay Lukas," seryosong sabi nya. "Malay mo naman okay na sya? I mean over na sya. Diba? Hayaan na lang natin, " ani ko. "Malay mo rebound nya yung guy? Sayang. Cute pa naman si kuya." "Pen, hindi na natin problema yun. Labas na tayo sa kunganong gagawin ni Irah sa buhay nya." Penny just sneered at me saka itinuon na lang ang pansin sa mga nadadaanan naming restaurant at cafes. "Haya, wait lang, stop muna tayo." Hinarang ni Penny ang kamay nya sa harap ko para patigilin ako sa paglalakad. "Bakit?" tanong ko. Penny pointed at the sign na nasa taas sa bandandang kanan namin at way iyon papuntang CR. "Sama ka? Parang bumaba na agad yung ininom natin sa pantog ko eh." Naka hawak sya sa lower part ng tiyan nya at nalulukot na rin ang mukha nya. Tumingin ako sa relo. May oras pa naman bago mag simula. Tumango ako. Itinaas ko ang kamay ko saka ipinaypay ito palayo. "Hindi na. Antayin na lang kita rito. Go na." Penny walked by herself pa CR. I just stood there, waiting for her to finish. "Excuse po, " ani ng babae sa akin na dadaan. "Ay. Sorry po," paumanhin ko. Lumakad ako sa may kaliwang part dahil para akong naka harang sa likuan ng mga papunta sa CR kung dun sa may kanan ako tatayo. Cafe rin ang katabi nito at ang harang is made of glass doors. Humarap ako sa loob ng cafe para sana makita kung anong interior at mabisita ko next time pero iba ang nakita ko. On a table near the glass window, I saw Lukas and the girl on the plaza sitting together in one table, seriously talking to each other.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD