Chapter 31

2133 Words
Parang tumigil ang mundo ko. Wala akong ibang nakikita kundi ang dalawang tao na nasa harapan ko. Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang dibdib ko na halos pukpukin ko na sa sobrang sikip. Para akong biglaang pinukpok ng martilyo at hindi ko alam kung paano patitigilin iyon sa pagka basag. Kanina, sobrang daming tanong ang umiikot sa ulo. Pero hindi pa nga ako nakakabawi, ihinain na agad sa akin yung sagot. Ma- init init at umuusok pa na pag kinain ko, malamang ay mapapaso ako. Nag i- init ang pakiramdam ko pero ang katawan ko, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang baldeng tubig ng natunaw na yelo. Parang nag s- now rito sa mall. Nangangatog na rin ang tuhod ko't parang anytime bibigay na. "Huy." Kinalabit ni Penny ang balikat ko. "Anong tinitingnan mo dyan?" Penny also faced the glass door na kanina ko pa tinitingnan. Her hands flew on her mouth at nanlalaki mata akong tiningnan. "Girl..." Penny barely said. Iniyukom ko ang dalawa kong kamay at gamit ang kuko ko sa hinlalaki, idiniin ko ito sa balat ko until I feel enough pain, hanggang sa mamula at bumakat ito para hindi ko maisip na nama- malikmata ako at totoo ang nakikita ko. Totoong kasama ni Lukas, na matagal ng hindi nagpaparamdam sa akin, ang babae sa plaza na halos nagpa tuliro sa kanya. Kung tutuusin, wala namang kung anong mali o malisya sa ginagawa nila. Nag uusap lang naman sila na magkaharap. Mukha ring ang distanced nila sa isa't isa. Lalo na si Lukas. Kung hindi ko sana nakita kung paano si Lukas matapos nung sa plaza, baka ispin kong wala lang ang pagkikitang iyon. I let out a deep and painful sigh saka binitawan ang pagkakadiin ng kuko ko sa balat ko. Sinulyapan ko iyon at pulang pula na ang balat ko sa pagkaka diin. Bahagya na ring tumuklap ang outer layer ng balat na halos dumugo na. "Tara na," sabi ko kay Penny pero hindi sya kumikilos sa kinatatayuan nya. Half of my mind says na umalis na. Half of it says na lapitan ang dalawa. Pero bakit ko naman sila lalapitan? Anong karapatan ko, diba? Wala naman. Gamit ang natitira kong lakas, I held Penny to pull her away. Humakbang ako pero hindi pa man kami nakakalagpas sa cafe, lumingon yung babae't nagkatinginan kami. That's how I got to see her face. She looks like a lady boss. Her eyebrows are on fleek and her lashes is to kneel for. Mahaba ito't makapal. The red lipstick that she's wearing projects her some sort of power. Idagdag pa ang blonde nyang buhok na nagbibigay ng character sa kanya. She's wearing a plain white shirt at black trousers. Simple but she totally rock those. I've never seen anyone like her before. She flinched nang mag tama ang paningin namin. Malamang ay kilala nya ako because if she don't she wouldn't flinch by seeing me. Naputol ang pagtitinginan namin nang maka lagpas na kami ni Penny sa cafe na iyon. Hindi pa man kami nakaka layo, Penny starts tugging my hands. "Bakit?" tanong ko, patuloy pa rinang pag hila sa kanya. "Bakit hindi mo nilapitan?" aniya. "Bakit ko naman sila lalapitan? Anong gagawin ko roon? Kumprontahin sila kung anong ginagawa nila roong dalawa? Tanungin si Lukas kung bakit hindi nya ako sinasagot? Tanungin sila kung anong meron sa kanila?" Kunot noo akong tiningnan ni Penny na para bang hindi nya na- iintindihan kung bakit ayaw kong lumapit roon. But in the end, she just sighed and pulled me hanggang sa makarating kami muli sa cinema. "Sure ka bang manonood pa tayo?" tanong nya habang kinukuha ang ticket namin para maka pasok kami sa loob bitbit ang Popcorn at Cola na binili namin bago pumasok ng cinema. After all that has happened, hindi ko alam kung paano mauubos iyon ni Penny o kung may paglalagyan pa ba sya sa tiyan nya dahil kanina pa sya kumakain. Sabi ko nga sa kanya'y wag na pero nagpumilit sya. Paano raw kung magutom ako? Kaya hinayaan ko na lang din. "Oo. Kailangan ko ng tahimik na lugar, Pen." Sa bandang gitna kami ni Penny naka upo. Naka tulala lang ako sa screen without really understanding what's happenning in the movie. Lumilipad talaga ang isip ko sa eksena na naaabutan ko kanina. Kahit anong try ko na iwagwag ang isip ko sa nangyari, wala talaga akong ibang maisip kundi iyon. My train of thoughts are cut nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko. Hinugot ko ito saka inopen to read the text. Lukas Orion: Haya, can we talk? Ilang segundo akong naka tingin lang sa text na iyon ni Lukas. Napansin rin ni Penny ang pagka tulala ko sa phone ko so she leaned in para silipin kung ano iyon. Biglang inagaw ni Penny ang phone ko. Sinundan ko naman ng kuha yun dahil baka mamaya ay kung ano ang gawin nya o baka bigla syang mag reply kay Lukas pero in- off lang nya iyon saka muling ibinigay sa akin. "Huwag mo munang pansinin. Huwag mo munang isipin," aniya. I nodded. Hindi maldali but I tried putting my whole attention to the movie lalo pa't it reminds me of what's happenning now in some levels kaya't sumisiksik pa rin talaga sa isip ko ang kung anong nangyayari ngayon. The ending credit already flashed on the screen at nag uumpisa na ring magtayuan ang mga kasama naming manood na na blow ang mind sa plot twist at lesson ng movie pero hindi pa rin kami ni Kia nakaka tayo sa upuan namin. Naka tulala pa rin ako sa screen and I don't know what I should do next. "Tara na? Gusto mo pa bang mag stay o gusto mong umuwi na?" tanong ni Penny. Naka sandal pa rin sya't naka lagay pa rin ang kamay sa arm rest. "Gusto ko ng umuwi muna. Masyadong maraming ganap ngayong araw saka gusto ko munang mag pahinga. Pa gabi na rin eh. Mahirap namang abutin pa tayo ng anong oras." Tumango sya saka naunang tumayo. Iginala ko ang mata ko sa paligid. Kaming dalawa na laang ni Penny ang hindi pa nakakalabas ng sinehan. Hinatak naman nya ang kamay ko saka inalalayan palabas ng sinehan. "Sure kang kaya mo na? Ayaw mo bang ihatid kita?" Yumuko si Penny para dumungaw sa tricycle na sinakyan ko bago pa man ito maka andar. Tumango ako. "Kaya ko na, Pen. Hindi naman ganun ka layo ang uuwian ko. Salamat sa pag sama sa 'kin ha?" Umayos si Penny ng tayo saka bahagyang lumayo sa tric at tumango. "Wala 'yun." "Ingat, Pen. See you sa pasukan." Kumaway ako sa kanya kasabay ng pag layo ng tricycle sa kinatatayuan ni Penny na kumakaway rin. Inayos ko na ang pagkakaupo ko nang hindi ko na nakikita si Penny. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan saka nagpakala ng malalim na hininga kasabay ng pag pikit ng mata ko. Sobrang sarap sa pakiramdam ang pag tama ng hangin sa mukha ko. The feeling that I usually feel kapag nag r- rides kami ni Lukas sa motor nya. Hay. Si Lukas na naman ang nasa isip ko. Gusto ko na lang magpahinga muna. I still don't know how I would emotionally cope from this. Pagka tigil ni kuyang driver sa bahay, ibinigay ko sa kanya ang bayad ko at dumiretso na agad sa gate ng bahay namin. Mukhang wala pa sina Papa dahil wala pang kotseng naka parada. Diretso lang akong naglalakad na halos walang ka buhay buhay papuntang front door saka binuksan iyon. Pag daan ko ng sala, I heared rushed footsteps na papalapit sa akin. Nag angat ako ng tingin at nakita kong si Kia iyon. "Haya, saan ka galing?" nag a- alalang tanong nya. She looks like she's been waiting for me to go home. "Diyan lang. Mauna na ako sa kwarto, Kia. Pagod ako." Ngayong nakita ko si Kia, bumalik na naman ang mga tanong ko sa utak ko. They're all circulating in my head na para bang tinutudyo akong mag tanong pero pinigilan ko ang sarili kong mag salita. Wala akong lakas ngayon malaman ang kung anuman iyon. Hindi pa man ako nakaka hakbang palayo sa kanya, hinawakan na nya ang braso ko. Agad kong iwinaksi ang hawak nya dahil para akong napapaso. Bumilog naman ang mukha nya sa ginawa ko. "Haya, anong nangyayari sa 'yo? May nangyari ba?" tanong nya. Kung na offend ko ba sya sa pag waksi ko ng hawak nya sa kamay ko ay hindi ko alam. "Wala nga, Kia. Lumabas lang ako sa mall kasama si Penny. Kumain kami't nanuod ng sine," paliwanag ko at iyon naman talaga ang nangyari. "Bakit ka nandito?" "Lukas' been contacting me kanina pa asking kung nasaan ka dahil naka off ang phone mo. Dumaan rin sya rito para i check kung nandito ka na. Tumango ako saka lumakad na papuntang kwarto ko pero she tailed me. "Gusto kong magpahinga ngayon, Ki." Sana makuha nya ang hint na ayaw ko muna ng kausap ngayong sala- salabat pa ang mga iniisip ko. "What's with Lukas and you? Bakit hindi mo sinasabi kung anong problema? Haya hindi mo kami kaaway rito, " aniya. Para bang may nag snap sa loob loob ko. Kunot noo at dahan dahan kong hinarap si Kia na rather than iritable sa inaakto ko, mukhang nag aalala talaga. "What's with you all? Bakit parang pakiramdam ko may itinatago kayo sa akin? Bakit hindi nyo sabihin sa akin kung anong alam nyo? Is it about Lukas? Si Lukas at yung babae sa plaza nung fiesta? Si Lukas na isang linggo akong hindi kino- contact tapos makikita kong kasama yung babae sa cafe sa mall?" Umawang ang labi ni Kia't natigilan rin sya sa mga sinabi ko. Hindi ko na inantay pa na makapag salita si Kia. Nilagpasan ko sya't dire diretsong pumasok sa kwarto ko't sinara. I dived on my bed without changing my clothes or cleaning up myself. Wala talaga akong ganang kumilos. Hinugot ko sa bulsa ko ang phone ko saka muling in- on iyon. Agad namang bumaha ang messages from Kia, even from Ate Yuli at lalo na kay Lukas. Nasa halos 20 texts ang mayroon sya sa akin. Halos limang minuto ang pagitan ng mga text nya at sa gitna nun, ay ang pag try nya na tawagan ako. Nag ring ang phone ko muli sa tawag nya kaya dali- dali kong in- off iyon. "Haya! I'm sorry! Please? Buksan mo 'tong pinto!" halos sigaw ni Kia sa likod ng pinto ko at may iilan pang mahinang pag katok. "Ki, kaya ko na sarili ko. Please? Iwan mo muna ako. Hindi ako galit, okay? Hindi ko lang naiintindihan yung nangyayari pero hindi ako galit. Gusto ko lang mag isip," sigaw ko pabalik. "Ayoko. Dito lang ako! Buksan mo 'to. Mag uusap tayo. " Napa lalim ako ng hininga kay Kia. Minsan talaga hindi ko kinakaya ang kulit nya. Tulad nito ngayon. "Kia, ayaw ko nga." "Sasabihin ko na! Okay? Sasabihin ko na. Buksan mo lang 'tong pinto." Na alerto ako sa sinabi nya. That's good. Sasabihin nya sa akin kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung kaya ko bang i absorb ang maririnig ko mula sa kanya pero bahala na. Kahit parang ang bigat ng katawan ko, pinilit kong itayo ang katawan ko para pagbuksan sya ng pinto. Naiwan sa ere and kamay nya at muling bumilog ang mukha nya nang makitang binuksan ko ang pinto. "Pasok," tipid na sabi ko. Kung kaninang ang dami dami nyang sinasabi, ngayon ay naka tikom ang bibig nya papasok ng kwarto ko saka naupo sa kama ko. Ni lock ko ang pinto para walang maka istorbo sa sasabihin nya. "Haya, I'm sorry." Naka yuko lang si Kia at hindi man lang ako tinitingnan sa mata. "Ano yun? Ano yung sasabihin mo?" Dahan dahan ang pag angat ng ulo ni Kia. I also saw that she swallowed hard. "Ano kasi..." Mukhang nag h- hesitate pa sya sa kung anong sasabihin nya. Is it bad? Will that break me? "Ano? Dali na, Ki. Gusto ko na rin magpahinga and to get over with it." "Hindi ko masasabi sa 'yo yung ibang detalye kasi mas magandang si Lukas ang mag sabi sayo nun kaya.." Tumaas ang kilay ko. Hindi ko alam kung anong sense na kumatok sya rito para sabihin na she'll spill things pero hindi naman pala. Tumango na lang ako. "Yung girl na sabi mong kasama nya. Yung girl na nasa plaza..." Na alerto ako nang mabanggit nya iyon. I leaned closer to her. "Oh? Anong meron sa kanya?" Kia heaved a sigh. Tinuyo nya muna ang labi nya bago muling itinuon ang atensyon sa akin. "Si Davina yun. Ex girlfriend ni Lukas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD