Chapter 32

1813 Words
"Tapos ka na?" Tumango ako saka ipinakita kay Penny ang resibo ko from the registrar. Sabay kaming nagbayad ng tuition fee dahil apat na araw na lang, back to classes na naman. Third year na kami. Isang taon na lang at g- graduate na kami. "Ano? May gusto ka pang puntahan?" tanong nya. I slid my reciept sa sling bag ko saka muling tumingin sa kanya. "Wala akong maisip eh. Ikaw? May gusto kang puntahan?" Lumapad ang ngisi ni Penny. "Punta tayong restaurant ni Tita?" Na excite ako nang sabihin nya yun. Mag i- isang taon na mula ng maging magkaibigan kami ni Penny pero never pa ako nakakarating sa restau ng tita nya kung saan sya nag p- part time. Actually, hinihintay ko lang na imbitahin nya ako. Baka kasi pag inaya ko sya noon ay maging awkward sya at ngayon ko na realize na tama ang ginawa ko. Sakay ng tricycle, we made our way to her Tita's restaurant. Taliwas sa ini- imagine ko ang restaurant ng Tita nya. I really thought they'd serve fancy food like pasta and steak pero it debunked my whole expectation when my eyes laid sa mga kubo na naka hilera sa harap ko dahil they serve all filipino food. Yung kubo, iyon ang nagsisilbing table for customers that can fit up to 4 person. "Anong order mo?" ani Penny. I scanned the menu. Inihaw na pusit, Kare Kare, Adobo, Pancit Bihon, Dinuguan at marami pang iba ang nasa menu. "Ikaw ang bahala. Surprise me with the food," ani ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong kakainin ko kaya si Penny na bahala tutal naman mas gamay nya rito. "Okay maam, please wait till I serve your order." Penny nodded saka pinihit ang katawan nya papunta sa kitchen pero bumalik rin sya agad na may pitsel ng tubig at cups. Penny looks so excited to serve me. Sinasalinan nya lang ako ng tubig pero abot tainga ang ngiti nya. Akala ko iiwan nya ako para sya mismo mag asikaso ng order ko pero umupo na sya sa harap ko. "Tatawagin nila ako pag okay na yung order," pag imporma nya. "Dapat masarap yung in- order mo ha." "Walang pagkain na pangit ang lasa rito sa amin, Girl." Penny looks really confident. "So ano ng tsaa? Habang hindi pa dumadating yung food." Penny folded her arms at ipinatong iyon sa bamboo made na table ng kubo. By tsaa, that means kuwento o chika. "Bati na kayo ng mga pinsan mo?" dagdag na tanong nya. I sighed saka ginaya ang pag fold at pag patong nya sa kamay nya. "Hindi naman kami nag away away. Naka usap ko na si Kia. She actually told me something." I know I got Penny's curiousity nang ilapit nya pa ang katawan nya sa akin. "Anong sabi ni Ki?" "Isa lang ang inamin nya sakin kasi sabi nya Lukas should be the one to tell me everything." Getting impatient, Penny softly slammed her hands to the table. "Ano nga? Ano ba yan! Ang bagal naman ng pag salin ng tsaa!" Bumwelo ako ng hinga saka ibinuka ang bibig ko. "Yung babaeng nasa cafe na kasama ni Lukas, si Davina daw yun. Ex ni Lukas." Penny went out a little shout to express the shock. Luminga ako sa paligid at buti na lang, bakante yung mga katabi naming kubo. "Seryoso? Ex nya yun? Bakit naman sya makikipag kita sa ex nya?" "Hindi ko rin alam, Pen." Nung nalaman ko kay Kia na ex ni Lukas yung babae, imbis na masagot ang mga tanong na naglalaro sa utak ko'y lalo pa itong nadagdagan. Mas lalong bumuhol. Lalong lumabo. "Ano yun, may something kayo tapos makita lang yung ex makikipag balikan na sya roon?" Kia's voice is loud that she's almost shouting pero halata pa rin ang pag pipigil sa boses nya. "Hindi ko alam. Wala rin namang sinasabi sina Kia at si Ate sa text. They've been telling me to talk to Lukas and just trust him pero... ewan ko. Parang ramdam ko pa rin yung yanig sa buong pagkatao ko hanggang ngayon." Hindi ko alam kung pang ilang buntong hininga na ni Penny pero bumuntong hininga na naman sya. "Paano kung ganun nga? Na babalik sya sa ex nya?" Isa yan sa mga tanong na mag mula ng makita ko sila na nangibabaw sa isip ko. Lukas getting back with his ex means throwing away everything that we have. Minsan rin tinatanong ko sa sarili ko kung trial card lang ba ako? Yung tipong expired na kapag dumating na yung ex? "Wala naman akong choice kundi tanggapin. I don't know. If being with her will make him truly happy, then I don't mind handing him back." Penny violently shook her head in disagreement. "Ay, girl, hindi! Hindi pwedeng ganun ganon lang yun. Hindi pwedeng sa ganito matatapos ang lahat. Ipaglaban mo karapatan mo." "Pero wala akong karapatan. Wala naman kaming label." Imbis na mag labas ng violent reaction, nanahimik lang si Penny ng ilang segundo. Naka tingin lang sya sa akin ng matiim. Bumunting hininga sya saka sumandal sa upuan. "Lukas called me kung alam ko raw ba kung nasaan ka nung araw na yun. Sa sobrang inis ko sa nakita ko, pinag malditahan ko sya. Sabi ko alam ko pero hindi ko sasabihin sa kanya." Hindi na ako nagulat na ginawa nya yun kay Lukas. Mas magugulat ako kung maayos at mabait pa rin ang approach nya kay Lukas eh bukod sa akin, unang una sya sa listahan ng gigil kay Lukas. "Saka, nalaman yata nya na nakita ko sila kasi pag uwi ko, sinabi ni Kia na dumaan si Lukas sa bahay para tingnan kung naka uwi na ako." "Ayaw mo pa rin ba syang kausapin?" I scrunched my face at dahan dahang umiling. "Hindi pa ako ready marinig kung anong sasabihin nya." Tumango lang si Penny. Sakto naman, tinawag sya ng kasamahan nya para kunin yung order namin. Adobo, Calamares at Kare Kare ang in- order ni Penny. Lahat ay paborito ko! Natakam ako dahil malayo pa lang ay amoy ko na ang aroma ng food. I unbuckled my belt dahil parang hindi na ako makaka hinga sa kabusugan. Habang kumakain, lumabas ang Tita ni Penny from her office at binati kami. Si Tita Donna. Sobrang bait nya. Kabalitaran ni Penny. She also insisted na the food is on the house pero tumanggi ako pero hindi talaga sya pumayag na magpa bayad. Okay na raw iyon dahil ngayon lang naman nag dala ng kaibigan si Penny. "Bye, Pen! Bye po Tita Donna! Salamat po sa food. Next time po dadalhin ko yung mga pinsan ko para ma try nila. For sure po magugustuhan nila." "Walang anuman, Haya. Balik ka rito ha? " Tumango ako saka kumaway para mag paalam na uuwi na. Maaga pa naman pero ayaw ko naman na magtagal pa roon dahil maya maya'y mag i- in na rin si Penny as part timer. Pag dating ko sa bahay, it wasn't long after nang kinatok na naman ako nina Ate Yuli at Penny sa kwarto. "Pasok," ani ko saka nilakihan ang siwang ng pintuan. "Ang daya ha. Hindi mo kami sinabihan na mag ba- bayad ka na. Dapat sumabay na rin kami sayo." Umupo si Penny sa upuan ko sa may study table at si Ate naman ay sa kama ko't sumandal sa headboard. "Nag aya bigla si Penny kanina. Wala naman akong ginagawa kaya sumama na lang rin ako." Inabot ko ang hanger na naka sabit sa pako sa likod ng pinto saka isinampay ang basang tuwalya na kaka gamit ko lang sa pag shower. Kia's lips portruded. "Sure ka? Hindi ba dahil iniiwasan mo kami?" Umawang ang labi ko nang sabihin iyon ni Kia. "Hindi. Bakit ko naman kayo iiwasan?" Tuluyan kong isinabit ang towel saka umupo sa kabilang dulo ng kama. "Kasi may tinatago kami sayo kaya nagalit ka?" ani Ate Yuli. Maingat pa rin ang tingin at pakikitungimo nya sa akin. Rather than being awkward, mas tamang sabihin na para nya akong tina- tantsa. Umiling ako. "Hindi ako nagalit. Nag tampo lang siguro ako dahil may hindi kayo sinasabi sa akin." "Sorry, Haya. Nakiusap kasi si Lukas sa amin na sya ang magsasabi sa 'yo." Natigilan ako sa sinabi ni Ate Yuli. "Si Lukas?" Tumango sya. "Pagkatapos ng fiesta kinontact nya kami at nakiusap not to say anything sa 'yo. Sabi nya gusto nyang sya ang magsabi sayo ng lahat. Nangako raw kasi sya sa 'yo. Pumayag naman kami. Nirerespeto naman namin yung request nya." Tumango ako sa sinabi ni Ate. Okay na. Para bang may isang invisible chaos string ang bumalik sa tama nitong ayos. Nakuha ko na ang isang sagot pero marami pa ring tanong ang hindi nasasagot. "Masasaktan ba ako sa malalaman ko?" diretsong tanong ko. Baka mamaya pala'y talagang babalik sya sa ex nya ang gusto nyang sabihin sa akin. I should at least know that para naman hindi masyadong masakit. Para naman hindi ako mabibigla pag sinabi na nya. Para matanggap ko kaagad. Sabay na nagpakita ng pagtataka sina Ate at Kia sa sinabi kong iyon. Para bang may sinabi akong malayo sa topic na hindi nila naiintindihan. "Huh?" pagtataka ni Kia. "Don't tell me iniisip mong babalik si Lukas kay Davina?" hindi siguradong tanong ni Ate. Natahimik ako't tumingin lang sa kanya. Napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang pinutol nya ang distansya naming dalawa at ang kamay nya ay nag landing sa braso ko. "Hoy?" gulat ring tanong ni Kia. "Bakit? May possibility naman ah? Halos isang linggo syang out of reach tapos makikita ko syang nasa cafe kasama yung ex nya pala? Anong gusto nyong isipin ko?" depensa ko. Pustahan pa, kahit sinong babae ganun ang maiisip pag nasa sitwasyon sila na tulad ng sa akin. "Okay, fine. Valid nama yung maisip mong ganon pero sis, si Lukas yun? Akala mo ba marupok yun sa ganun? Nagkakamali ka!" Okay? So bakit parang mali na maisip ko na makikipag balikan si Lukas sa ex nya? I mean, she's something. Kahit ninong lalaki ay manghihinayang na pakawalan sya. "True. Diba sabi namin sa 'yo na magtiwala ka lang kay Lukas? Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo pero I can say na he's not gonna do something that will deliberately hurt your feelings." Uma- agree si Kia sa sinabi ni Ate Yuli. Naniniwala na ako sa mga pinsan ko. I trust that what they're saying is true dahil kilala rin nila si Lukas. I know naman na valid namam na masaktan at maka ramdam ng ganun pero siguro nga, dapat mas nag tiwala ako kay Lukas. Na yanig lang ako, nag doubt na ako sa kanya na hindi naman pala dapat. Dapat siguro pinakinggan ko muna yung kung anong sasabihin nya bago ako nag isip ng kung anu- ano. I think I need to talk to him soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD