Chapter 35

3376 Words
Takot akong mawala si Lukas. Sigurado ako roon. I've never felt something else like this before. Sa naging almost relationship ko kay Robin, I always felt so suffocated and controlled that I was constantly trying to break his chains on me. May time noon na halos ipag dasal kong magka gusto na lang sa iba si Robin at ibaling nya sa iba yung atensyon nya. I know that was wrong to pray for but I was so desperate that time kaya ng napuno na rin ako, ako na mismo ang lumakad palayo. But with this, I don't ever want to walk away from this. From him. That's why I am having doubts with my goal. "Ikaw? What are you thinking?" tanong nya. Natigilan ako sa tanong nya. Simpleng tanong pero parang ang hirap sagutin. I forced a smile. "Masaya akong bati na tayo." In the end, hindi ko na naman nasabi ang gusto kong sabihin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa pagiging duwag ko. Natatakot ako sa magiging sagot ni Lukas. Natatakot ako sa mangyayari pag sinabi ko na. Lukas wrapped his arms around me saka hinapit ako lalo papalapit sa kanya. "Hindi naman tayo nag away. Hindi lang tayo nagkaintindihan. Sa susunod na may mangyari, we should tell each other. Okay?" Gumapang ang guilt sa buong pagkatao ko. Para akong unti- unting kinakain nun. Pakiramdam ko, may naka bara na needle with poison sa lalamunan ko't pag nilunok ko iyon ay siguradong tapos ako. "Oo naman," sagot ko. Iyon lang ang nasabi ko. Sasabihin ko na lang pag final na ang desisyon ko. Pag nakapag isip na ako kung itutuloy ko ba o hindi. We stayed there for a while. He's telling me stories about their short trip on their relative's house. Umaabot sa mata nya ang ngiti nya habang nag ku- kwento. Halatang masayang masaya sya dahil aniya, nanganak ang pinsan nyang si Bettina sa baby boy na si Gideon. Tuwang tuwa sya dahil hindi raw umiiyak si Gideon pag hawak nya. He even showed me pictures. Now I can't really tell him today. How can I break that smile? *** Ipinatong ko ang bag ko sa upuan ko bago umupo. I pressed my lips para pigilan ang pag angat ng mga labi ko saka malokong tumingin kay Penny. Pagkarating ko kasi, parang may miracle na nangyari naroon na agad si Penny. Last school year kasi sh always barely made it on time. Kung hindi almost late, ay late talaga pero nau- unahan parin nya ang mga prof namin. On the way to the room, I mentally noted na i reserve sya ng upuan. What's more shocking is that magkatabi sila ni Aki. I don't know. What is happenning here? Dati ay polar opposites ang puwesto nila. Ngayon ay magkadikit na. I leaned on Penny malapit sa tainga nya. "Anong meron?" Dahil halos i dikit ko na ang mukha ko kay Penny, kitang kita ko ang pag gapang ng pamumula sa pisngi nya. Sapat na sagot na iyon para sa tanong ko. Gusto kong alugin si Penny but that would be too obvious. Magkasama kami halos nung nakaraan pero wala syang nabanggit sa akin. I wonder what happened during summer? "I will only be giving 510 minutes grace period for the late comers," ani ng prof namin at lumipad agad an tinggin ko kay Penny. "I also don't mind you eating in my class. I won't require you to do unnecessary projects. The only thing that I strongly require you is to have a good attendance. I will only allow 2 valid absences in my class. Kung lumampas kayo roon, you better look for another professor. Naiintindihan. ba?" Maam Perla rose from her seat. Sumagot naman ang lahat na naiintindihan ang sinabi nya. Gaya ng dati, first day ng klase ay counted ito bilang orientation day. We are meeting our professors in every subject. Kumpara naman last year, they allowed us to wear civilian clothes pero puwede pa rin naman ang uniform. That's one of the changes that the university's implying now. Mas prefer ko pa rin talaga ang mag suot ng uniform. Baka maubusan ako ng damit at talagang magiging outfit repeater ako. "You already know the drill. I want you to bring 1/4 index card and 1x1 picture tomorrow. Don't be absent. I will be discussing our first topic tomorrow." Ipinasok ko sa bag ko ang binder notebook ko saka isinara ang zipper bago isinabit sa balikat ko. Naka tayo lang ako sa upuan ko habang ang mata ay na kay Penny na inilalagay ang ballpen sa pencil case nya. Dahil may vacant kaming two hours bago ang subject naming Taxation after mag dismiss ni Maam Perla, tatambay na muna kami kung saan bago ang class. "Canteen tayo?" tanong ko. Automatic naman na sa amin ni Penny na tuwing vacant, canteen ang diretso namin pero tinanong ko pa rin just in case mayroon pa syang ibang gustong puntahan. "Syempre naman," pag kumpirma nya. Iniliyad ko ang upper body ko saka ibinaling sa kanan ang ulo ko. "Aki, sama ka? Mag ca- canteen kami ni Pen?" tanong ko. Akihiro also tinted his head in my direction ng nakataas ang dalawang kilay at ang mga mata nya. Agad namang lumipat ang atensyonn nya kay Penny nanlalaki rin ang mata sa akin. Magkatitigan lang sila na para bang nag u-usap ang mga mata nila. ItHe's looking at her like he's aking for Penny's permission. Oh my gosh! What drama is this? "Ano? Tara na," dagdag ko. Kinalas nila ang tingin sa isa't isa. Tumikhim si Penny saka nag layo ng tingin. Si Aki naman ay bumaling sa akin. I wiggled my eyes on him. "Mauna na kayo, Haya. Dadan pa akong dance room. Susunod ako after," aniya. Tumango ako. "Sumunod ka ha?" Buti na lang at sasama si Aki. I have to see how my ship is beginning to sail in the vast ocean called love. "Oo nga. Sa canteen lang kayo diba? Di naman kayo pupunta kung saan?" tanong ni Aki na panay ang sulyap sa direksyon ni Penny. Ang kaibigan ko naman, napaka passive lang ng expression. "Oo, sa canteen lang kami." Ako na ang sumagot dahil mukhang wala namang balak sagutin si Aki. Tumango sya saka sinabit ang backpack nya sa balikat nya. "Sige. Mauna na muna ako." Tumango sya sa akin pagkatapos ay saglit na sinulyapan si Penny bago lumabas sa pintuan. Kunawayan ko sya hanggang sa hindi ko na makita ang likod nya. Humarap ako kay Penny saka pina dapo ang palad ko sa braso nya. Nahahawa na rin ako sa pag hampas ngbraso ng mga kasama ko. Penny's face crumbled habang hawak hawak nya ang exact spot kung saan ko sya hinampas. "Hindi nga malakas?" depensa ko kaagad. Lumakad na sya palabas ng pintuan kaya agad ko rin dinampot ang bag ko para sundan sya pababa ng canteen. Wala ng masyadong tao sa hallway dahil kami lang ang may vacant yata ang may vacant sa floor na 'to. Nag si- babaan na ang ibang blockmates namin habang ang iba naman ay nanatili sa room. I bumped my shoulders on Pen's nang maabutan ko sya sa paglalakad. "Ano ba yun?" kunot noo na naman nyang sabi. Dire- diretso lang ang pag baba nya sa hagdan. I leaned closer to her para tingnan ang mukha nya. "Ano yun? Ano ang tea for today?" tanong ko katulad ng pagtatanong nya tuwing gusto nyang mag kwento ako. "Anong ano?" she said. "Walang ano." Humawak ako sa railings ng hagdanan para suportahan ang sarili ko at hindi ako malaglag. Baka mamaya'y bigla akong matalisod. Nakakahiya pg nagkataon. "Hindi ako naniniwala," I insisted. Lumiko kami pa kanan para marating ang canteen. Buti na lang, hindi ganoon ka rami ang tao't maraming bakanteng lamesa't upuan. "Anong kakainin mo?" tanong nya. Itinigil ko muna ang subtle na pang aasar kay Penny nang pumila na kami para bumili ng pagkain. "Hmm..." Tinitigan ko ang mga naka latag na pagkain. Light snack lang ang pipiliin ko kasi after ng 2 hour break na 'to at yung klase sa Taxation ay Lunch na rin naman. "Itong ham and cheese sandwich saka isang egg tart. Isa ring Chuckie," ani ko. Inabot ko ang pera ko kay Penny para isasabay na nya sa kanya dahil sya ang nasa unahan ko. Umalis ako sa pila ko saka tumabi sa kanya instead. "Tatlo pong ham and cheese, isang egg tart, dalawang brownies, dalawang Coke saka isang Chuckie." Taas kilay ko ulit syang tinabihan saka binulungan. "Ano yan? May dragon ka ba sa tiyan? Mag lu- lunch na rin maya- maya, " ani ko. Inabot naman ni Ate yung binibili ni Penny. "Hindi lang naman ako yung kakain nito," aniya. Oh. I tightened my lips while I shoot some teasing stares habang naglalakad na kami papalapit sa kung saan kami pu- pwesto. Nang maka upo na kami, ibinigay na nya sa akin yung pagkain ko. Tinusik ko ang straw sa inumin ko saka sumipsip. "'Di ka ba nagsasawa sa Chuckie? Halos Chuckie na yata laman ng dugo mo," ani Penny saka kumagat sa sandwich nya. "Hindi ba natin hihintayin si Aki bago kumain?" aniya. Ayos lang rin naman sa akin kung hihintayin pa si Aki. "Hindi na. Makaka nguya naman 'yun mag isa," aniya saka lumagok sa Coke nya. Tingnan mo 'to. Ang barubal talaga. Kunyari'y walang pake alam kay Aki pero binilhan naman nya ng pagkain. "Ano na? Hindi ka pa rin ba mag ku- kwento?" ani ko. "Anong iku- kwento ko? Wala namang iku- kwento." Ang atensyon nya'y nasa kinakain nyang sandwich. I know that's what she's doing para i- avoid ang pag sagot sa mga tanong ko. I shook my head. "Hindi ako naniniwala." "Iku- kwento mo sa akin o itatanong ko kay Aki mismo?" ani ko. Biro ko lang naman na itatanong kay Aki dahil hindi pa naman kami closeon that level pero nanlaki ang mata ni Penny saka ibinaba ang kinakain nya't tumingin sa akin. "Wala nga. Nagkausap lang kami nung after ng fiesta. After yata ng performance nila, dumiretso sila kila Popoy. Eh kapit bahay namin yun. Naka salubong ko nung pa- uwi sya mag isa sa may waiting shed pag baba ko. Gabi na kaya wala ng maraming dumadaan na sasakyan." "Nakasalubong mo lang tapos may pag tabi na sa klase? Dati pa naman kayo nagkakasalubong pero imbis na maging close nagbabangayan kayo?" pag usisa ko. Aware naman akong ang tsismosa ng dating ko ngayon pero kailangan talaga pinipiga 'to si Penny sa impormasyon bago magsalita eh. Hindi ako makaka tulog sa gabi hangga't hindi ko alam kung paano nagsisimula ang ship ko. I claim myself to be the president of this possible couple. Na realize na siguro ni Penny na wala syang choice kundi ang sagutin ako kaya sininghalan nya ako't inirapan. "Sinamahan ko nga. Nag kwentuhan kami ng higit dalawang oras." "Dalawang oras?" Nagulat ako. Ganoon ba ka walang dumadaan na tric na walang bakante at inabot sila ng higit dalawang oras? Tumango sya. "Oo. Kahit may dumadaan na na bakanteng tric, hindi sya sumakay kasi nawili kami sa kaka kwentuhan." Alam kong hindi ako namamalik mata nang makita ko ang pamumula ng mukha ni Penny. I've never seen her this red before! Hindi ko na naitago ang kilig ko para sa kaibbigan kong magkaka love life na rin. Magsasalita pa sana ako pero itinikom ko ang bibig ko nang makita ko si Aki na papalapit sa amin. Napansin ni Penny ang pag pako ng tingin ko sa likod nya dahil magkaharap kami kaya lumingon rin sya sa likod nya't sinalubong ng tingin si Aki na papalapit sa amin. Muli kong kinagat ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti nang ipinatong ni Aki ang bag nya sa direkson ni Penny't umupo sa tabi ng kaibigan ko. Kahit na pigil na pigil ako sa pag express ng kilig ko para sa dalawa, halata pa rin iyon sa mukha ko kaya nang angatan ako ng tingin ni Aki, binigyan nya lang ako ng isang tipid na ngiti. "Teka," Aki rose from his seat. napunta sa kanya ang atensyon namin ni Penny. "Bibili muna ako ng pagkain ko." Bago pa man maka kilos si Aki, bigla ng nagsalita ang kaibigan ko. "Huwag na. Sinabay na kita ng bili," aniya. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Aki saka unti- unting naupo. "Salamat, Pen." Habang kumakain, patuloy lang ang pag obserba ko sa dalawa. All along akala ko si Penny ang magiging parang conscious pero si Aki ang mukhang kabado sa kanilang dalawa. Panay ang sulyap nya sa kaibigan kong naka tuon lang ang atensyon sa pagkain nya kahit halata na nakikiramdam lang rin sya sa katabi nya. Parang hindi tuloy ako sanay na hindi nagbabangayan itong dalawa! I can't believe na may nini- nerboys makatabi ang kaibigan ko! Ang sarap naman umupo sa front row seat habang pinapanood ang movie na 'to. Dapat pala'y imbis na sandwich at egg tart ay popcorn ang binili ko. I want to see how this story unfolds. "Wazzup peeps! Nag ro- rosaryo ba kayo? Bakit ang tahimik nyo?" maingay na bungad ni Kuya Jules na may bitbit na bote ng Gatorade. "Kuya! Mag isa ka lang?" Sinilip ko yung likod nya pero wala talaga syang kasama. "Bakit? Hinahanap mo si Lukas? Nandoon pa sa room," aniya. I made face to him. Hindi naman si Lukas ang hinahanap ko kundi si Ate Roan dahil akala ko'y pati ngayong may klase na ay magkasama sila pero hindi. Ayos rin naman na sinabi na agad nya. I was also wondering kung ano ng ginagawa ni Lukas. "Ay, Kuya, si Aki pala classmate namin," turo ko kay Kuya kay Aki na katabi ni Pen. Nag tanguan naman yung dalawa paara i- acknowledge yung presence ng isa't isa. "Anong oras pala uwi mo?" tanong ni Kuya habang naka tayo lang sa gilid ko. Siinenyasan ko sya na maupo pero umiling lang sya. "Pa akyat na rin ako. Sinaglitan ko lang kayo. Ano? Anong oras uwi mo?" Binuksan ko ang phone ko para mag punta sa photos para tingnan kung anong oras ang uwi ko mamaya. Hapon iyon. Di ko lang sigurado kung 3 or 4 ba. Nang makupirma kong Alas- kwatro ng hapon, pinatay ko iyon saka muling ibinalik sa bulsa ng jeans ko. "Alas kuwatro Kuya. Bakit?" "Uwian namin ng 3:30. Sasabihin ko kay Lukas na ihatid ka." Pagkasabi nun ni Kuya ay basta na lang nya kamingpinag ta- tapik sa balikat bilang paalam saka lumakad palayo. Hay naku talaga si Kuya! Akala ko mama'y isasabay nya na ako pauwi. Not that I complain tho. Ayos lang sakin na ihatid ni Lukas pero ayaw ko rin namang obligahin na ihatid ako. Puwede naman akong mag commute. "Kuya!" impit na sigaw ko sa para tawagin ang pinsan kong tuloy tuloy lang sa paglalakad palayo. "Kuya!" Bigla kong na realize na nasa canteen pa nga pala kami kaya itinikom ko ang bibig ko. Buti na lang at walang masyadong tao. "Sila pa ba ni Ate Roan?" kuryosong tanong ni Penny. Si Aki naman ay nasa akin din ang atensyon na parang hinihintay rin ang sagot sa tanong ko but I doubt na kilala nya si Ate Roan. "Oo naman. Bakit?" "Hindi na sila laman ng timeline ko these days. Akala ko nga nag break na," aniya saka kinagatan ang bagong bukas nyang brownies. Tumango ako. "Hindi sila nag break. I don't think mag b- break pa yung dalawang iyon." Kahit sa akin rin naman. Dati kasi nung umpisa pa lang ng relationship nila, they're all over my timeline. Pictures nila, sweet posts nila for each other, saka mga shared posts na naka tag ang isa't isa. Lalo na ang kay Kuya Jule. Aakalain mong ang account nya'y fan page ni Ate Roan. These days hindi na. Baka nasa point na sila ng relationship nila na they'd rather be private than be all over the place. Ako, mas gusto ko iyong sinasabi nilang 'private but not secret'. Naniniwala kasi ako na the less people yung involved, mas smooth sailing ang relationship. Kumbaga, ang nag ma- matter lang sa relasyon ay ako at ang partner ko. Buti na lang ganun si Lukas. He still asks me if he can post a picture na hagip ako o picture ko talaga. He respects everything about me. at ang pogi nya lalo sa paningin ko whenever he's like that. Nang matapos kaming kumain, tumayo na kami sa pwesto namin. "Saan tayo? Akyat na o may gusto pa kayong tambayan?" Naka angat ang dalawang kilay ni Aki habang nagbabalik balik ang tingin sa amin ni Penny. Nagkatinginan kami ni Penny. "Ano? Saan?" tanong ko rin. "Quadrangle?" unsure na sabi ni Aki. Nagtanguan kaming lahat. Right. Pag undecided kung saan dapat tumambay, laging tamang sagot ang quadrangle. Sana lang wala masyadong tao para may maupuan kaming bench. "Wait lang," pigil ko sa dalawang kasama ko bago pa man sila maka labas. Sabay nilang pinihit ang katawan nila pa likod kung nasaan ako. Natawa ako sa nakita ko. They have the same posture and facial expression. Naka awang ang labi nilang dalawa't naka taas ang parehong kilay. I wish I captured that moment. They look so cute. Nag mukhang magkahawig tuloy sila. "Bakit?" sabay na naman na sabi nila. Humalakhak ako sa incident na iyon dahil nagkatinginan pa sila't mukhang nagka gulatan. "Ang cute niyong dalawa! Anyway, hintayin nyo ako saglit. May bibilhin lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagoot nilaang daalawa't pinihit ko na ang katawan ko sa tindahan at bumili ng Chuckie. Reserba ko sana mamaya pag na uhaw ako o nag crave ako ng maatamis. Kumunot ang mukha ni Pen nang makita kung ano ang hawak ko. "Kaunti na lang magmumukha ka ng baka katulad nyang nasa packaging kaka inom mo nyan." "Cute naman ah?" Penny just made a face at inirapan ako sa naglakad na palabas ng canteen. Sumunod naman kaming dalawa ni Aki. I squinted my eyes kung tama ba ako ng nakikita o hindi. Nakumpirma kong sya iyon nang malapad syang ngumiti saka itinaas ang kanyang mga kamay paraa kawayan ako. Ilang metro mula sa amin ay si Lukas na naglalakad habang ang kanang kamay nya ay naka suksok sa bulsa ng pantalon nya. We stopped midway para salubungin si Lukas. Pinasadahan nya ang buhok nya ng biglang humangi ng lumakas. Mukha tuloy syang nag nag mo- model walk sa gitna ng daanan. "Bati na kayo?" bulong ni Penny. Oo nga pala. Hindi ko pa na ku- kwento sa kanya. I nodded. "Oo. Nakapag usap na kami kahapon" Napa labi lang sya saka tumango. "Hi! Hello!" bati ni Lukas sa amin. Lumapit naman sya sa akin saka inangat at kamay nyaa para i pinch ang cheecks ko. Tinampal ko naman yun paalis kahit hindi naman talaga masakit na ikina tawa ni Lukas. "Saan kayo?" "Quadrangle. Ikaw?" First day pa lang pero mukhang stressed na kaagad sya. His hair is disheveled at parang maalalim na rin ang eyebags nya. Hindi ba sya natulog kagabi? "Canteen sana. Bibili ako ng inumin. Parang kailangan ko na agad ng sugar sa katawan," aniya. I raised my arm in front of him para i abot ang kaka bili ko lang at malamig pang Chuckie. Lukas beamed with joy nang makita kung ani iyong inabot ko sa kanya. "Oh. Inumin mo na habang malamig pa." Lukas cheeks is almost popping with happpiness."Nice one! The best ka talaga Hayabear! Matagal pa ba vacant nyo?" Sinilip ko ang wrist watch ko. "An hour and kulang kulang pa. Bakit?" Lukas shifted his direction sa mga kasama ko. "Puwede ko bang mahiram si Haya? 30 mins lang." Nanlaki ang mukha ni Penny't natigilan sya. Alam ko ang iniisip nya. Kapag sumama ako kay Lukas, maiiwan ulit silang dalawa ni Aki. Actually, I want that. More time together means more moments to be made. At pag nangyari yun, matayog na ang pag layag ng ship ko. Hindi pa man nakakapag salita si Penny, inunahan na sya ulit ni Lukas. "Nevermind. I'm snatching her. Kailangan ko lang ng pahinga ko." Ayan na naman ang mga puru- paro sa sinabi ni Lukas. Gusto ko tuloy syang yakapin. Hindi lang dahil sa pagpapakilig nya kundi dahil binigyan nya ng moment ang ship ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD