Buong magdamag akong hindi maka tulog. I've been tossing aand turning for i don't know how long now. I tried various things like lighting up a candle, putting on sleeping mask, drinking milk and even reading a book just so I could sleep pero wala pa ring nangyari. The next thing I know, naka sandal na lang ako sa headboard ng kama ko. I want to sleep and rest my mind but I just can't.
Hindi pa rin umaalis sa isip ko iyong nangyari sa cafe. Hindi ko magawang matulog sa dami ng iniisip ko, sa realizations and everything. Isa pa, gusto ko ng makita si Lukas para makapag sorry man lang sa kanya at ma- clear namin yung mis- understanding. When my past was haunting me, he was patient and understanding with me and my situation and what did I do nung sya naman ang nangailangan ng pag intindi ko? I shut him off. I should've been more mature about the situation.
Napa igtad ako sa gulat nang tumunog ang phone ko.
Lukas Orion:
Good morning, Hayabear. See you later!
I checked the time on my phone and it says 5:46 in the morning. Ang aga naman? Mali ba yung oras ng phone ko?
Hinawakan ko ang laylayan ng kumot ko saka inangat at inalis sa katawan ko. I peeked outside of my window at nakitang madilim pa nga sa labas.
I don't know if he's up early or he can't sleep like me. Nag tipa ako ng reply sa kanya.
Helena Ysabel:
Good morning din.
Hindi ko na chineck kung nag reply pa ba sya sa reply kong iyon dahil ipinatong ko na sa side table ang phone ko saka nag talukbong na agad ako ng kumot and shut my eyes. Nag bilang ako ng ng numbers hanggang sa maka tulog ako.
Ininat ko ang katawan ko kasabay ng pag mulat ko ng mga mata ko pero hindi pa agad ako bumangon dahil naka tulala lang ako sa ceiling. Blangko ang isip ko ngayon pero ramdam ko ang p*******t ng katawan ko. Natulog lang naman ako pero parang pakiramdam ko binugbog ang katawan ko.
Despite of being lazy to get up, inabot ko ang phone ko. Mag a- ala una na ng hapon and nobody bothered to wake me up. May ilan ring text si Lukas which is sent from different times.
Lukas Orion:
You're already up? O hindi ka rin maka tulog?
Hindi rin maka tulog? So, he really can't sleep like me.
Lukas Orion:
I drank some beer to help me sleep.
I double ckecked kung anong oras yung text dumating and it shows 6:15 ng umaga. Why did he drink beer that early? Gusto nya bang malusaw ang atay nya?
Lukas Orion:
Hindi ka na nag reply ulit. Guess you're already sleeping. Sleep well my Hayabear.
Lukas Orion:
I'll sleep now.
He sent that text 6:31 in the morning and haven't texted for few hours. The last text was just a few hours ago at 10.
Lukas Orion:
Good morning again, Hayabear. I just woke up and pa balik na kami sa Ilaya. I'm gonna sleep more in the car.
Lukas Orion:
What time should we meet later?
Lukas practically flooded me with texts. Pambawi nya ba ito sa halos isang linggo nyang hindi pag contact sa akin?
I typed a reply to him.
Helena Ysabel:
Ikaw? Whatever works for you. Ayos lang sa akin.
Hindi ko pa na la- lapag ang phone ko pero dumating na agad ang reply nya sa text ko.
Lukas Orion.
Four in the afternoon. Susunduin kita.
Hindi ko na nireplyan ang text nya at dumiretso na ako sa CR para maligo muna para mamaya ay magbibihis na lang ako.
Mukhang nakapag lunch na sina Mama't Papa na hindi ko alam kung nasaan nang lumabas ako ng kwarto kaya ako na lang ang mag isang kakain. Sumandok ako ng Pork Steak at kanin. Nag salin rin ako ng malamig na Chuckie sa baso para panulak.
Should I tell Lukas about the internship today? What would his reaction be? Tama bang timing na ngayon ko sasabihin?
I pondered those questions a lot during my meal. Kung hindi ko sasabihin ngayon ay anytime at araw araw na para akong kakainin ng konsensya ko kung lalo ko pang patatagalin. Lukas deserves to know. I know that it would be very selfish of me for wanting to keep my goal and my relationship with him but what can I do? I can't let both of them go.
Parang may hawak akong Koh-I-Noor Diamond sa kanang kamay at The Cullinan Diamond sa kanan. Both are very valuable and too good to let go.
Isinabit ko ang sling bag ko sa balikat ko saka sinabit iyon sa balikat ko. I recieved a text from Lukas na he's already outside so I grabbed my helmet saka dumiretso muna sa parents ko na nasa kwarto.
I knocked on their door at hindi na nag abala pang buksan.
"Ma, Pa, alis na po kami ni Lukas!" paalam ko.
"Tell Lukas I said hi!" sigaw ni Mama pabalik.
I breathed heavily and as I near our gate knowing that Lukas Orion, after weeks of not seeing him and having an umderstanding with him. Bawat hakbang papalapit ay ang pag sulpot sa isip ko ng paraan kung paano ko ba dapat sya babatiin at paano ko ihaharap ang sarili ko sa kanya.
I don't know. I just hope that I wouldn't look too awkward in front of him.
Tinulak ko ang black painted steel gate namin, kasabay nun ang unti- unti rin na pag litaw ni Lukas sa paningin ko.
He's leaning at his motor's seat at naka yuko hawag ang phone nya. Inangat ni Lukas ang paningin nya sa pag tunog ng kumalansing na bakal.
I crossed our distance while internally calming myself from the loud thump of my heart.
Mabilis na nilagay ni Lukas ang phone nya sa bulsa saka umayos ng tayo. He beamed with joy nang makita akong naka tayo sa harapan nya. I can even see his ears are turning red.
"Hi." Iyon lang ang tanging nasabi ko sa lahat lahat ng naiisip kong sabihin sa kanya dahil umurong ang dila ko.
Bahagyang nawala ang nerbyos ko nang makita ang pag ngiti ni Lukas sa akin. I really thought that he would be indifferent towards me pero hindi ko maramdaman iyon.
Sumakay kami sa motor nya. Tulad ng dati, hindi ko alam kung saan kami pupunta. With all the places we've been to, Lukas doesn't disappoint. Alam kong mapapa nganga na naman nya ako kung saan nya ako dadalhin.
Habang ang focus ni Lukas ay nasa daan at ang mga kamay ko ay naka pulupot sa baywang nya, pa ulit ulit kong ni- reherse sa isip ko ang sequence ng mga sasabihin sa kanya so I could say all the words that I've been meaning to tell him.
Tumigil sa pamilyar na lugar si Lukas. Of all the places, hindi ko ine- expect na rito sa plaza nya ako dadalhin of all places. Tanaw ko sa di kalayuan yung puno na sinilungan namin ni Kia at yung eksaktong pwesto kung saan unang nagkita ulit sina Davina at si Lukas.
"Bakit nandito tayo?" kunot noo kong tanong saka ibinaba ang helmet ko sa motor nya.
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Nag maneho lang ako not knowing where exactly to go. Nag drive lang ako and then I realized I was driving in this direction. Why? Are you uncomortable? we could go somewhere else."
Umiling ako. "Hindi na. Ayos na tayo rito."
Para akong napapaso sa pagdidikit ng mga braso nami pero para bang namamawis ang palad ko sa sobrang kaba. wala pang nag sa- salita sa aming dalawa. Para kaming nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. Napa dako ang mata ko sa mga daliri ni Lukas na ka sakop habang ang mga kamay nya ay naka patong sa binti nya. His thumb is caressing his hands.
Th air
"I'm sorry Haya," halos bulong na sabi ni Lukas and then he sighed. "I was wrong for not saying anything to you. Nung galing ako sa bahay nyo nung fiesta, na realize ko na I shouldn't have acted like that in front of you."
I shifted my position by facing his direction so I would see his face better. "Diba I told you na you can lean on me too?"
Binasa ni Lukas ang mga labi nya saka tumango. "But i didn't want to burden you so I thought habang mas maaga, ayusin ko na ng sarili ko lang. Kasi ayaw kong maging issue pa 'to sa atin. Ayaw ko kasing masaktan ka eh."
Natigil ang pag karera ng puso ko at napalitan ng hinahon. Parang may something warm ang humaplos sa puso ko't unti unti na itong nagiging kalmado dahil sa sinabi nya. Tama sina Ate Yuli at Kia. Hindi ng gagawa si Lukas ng bagay na aalam nyang masasakktan ako.
"But look where it got us," dagdag nya. "Alam ng mga pinsan mo lahat kaya pinakiusapan ko sila na habang inaayos ko yung dapat kong tapusin, bantayan ka nila at hayaan akong ako na ang magsabi sa 'yo."
Iyon pala aang tinatago ng mga pinsan ko sa akin. Iyon pala ang dahilan kung bakit they're all over me nung hindi nagpaparamdam si Lukas.
"Bakit hindi mo ako tinawagan or tinext man lang? Sobra yung pag aalala ko sa 'yo. I was even thinking of maybe you're ghosting me, o kung na offend ba kita nung fiesta, o kung babalik ka ba sa ex mo. Takot na takot ako nun. Akala ko mawawala ka."
Umiling si Lukas saka gumapang ang kamay nyang napaka warm sa pakiramdam sa kama'y ko't pinisil iyon.
"Hindi. Hindi, Haya. I just needed time to think kaya ako dumistansya. Hindi ko kailanman naisip na iiwan kita. Hinding hindi ko na babalikan si Dav. I just wanted to talk to her and put us a proper closure nung nakita nya na nakita mo kami. I assure you na naka move on na ako kay Davi. It's been years, Haya."
Tumango ako at pinisil rin ang kamay nya. "I'm sorry rin, Lukas. Actually, Davina already told me."
Namilohg ang mukha ni Lukas. "Si Dav? Nag kita kayo?"
"Oo. Pero nagkasalubong lang kami sa grocery kahapon. We sat over coffee at roon nya sinabi sa akin lahat. I'm sorry for doubting you."
"That's because I left you out of it at bumuo iyon ng misunderstanding. It's okay, Haya. What you felt that time is totally valid."
"Salamat for making me and my feelings valid, Lukas. Thank you for being so understanding."
"That's how this is suposed to be, Haya. I want us and what we have to work out. May pagkukulang at pagkakamali tayo at hindi lang ito ang magiging misunderstanding natin but just like this, pag uusapan at aayusin natin. Hmm?"
Tumango ako't inangat ang labi sa kanya. "Oo naman."
Hinigpitan ni Lukas ang pagakakahawaksa kamay ko.
"Can I ask what you have talked with Davina?"
"She just told me what that meeting was for and how you guys broke up."
"Yeah. There wasn't even a proper break up because one day, nalaman ko na lang kay Irah na umalis na si Davi. No text, no call, no everything. She just left me a short note na naka alis na sya at huwag ko na syang antayin."
"Si Irah?" takang tanong ko.
Why does Irah's name pops out of everything about Lukas?
"They were best friends. Si Davi at Irah. That's why I really can't bring myself to like her kahit na naroon sya nung binabangon ko yung sarili ko. I don't screw best friends."
Hindi ko alam na mas may igugulat pa pala ako sa araw na ito! Pero hindi na lang ako nag kumento. That was already past anyway.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Lukas habang ang mga kamay pa rin namin magkahawak. Tahimik lang namin na pinapanood ang mga naglalakad sa harapan namin.
Should I tell him now?
"Anong iniisip mo?" tanong ko.
"Ying sinabi mo kanina," aniya.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya ng naka kunot ang noo.
"Alin doon? Ang dami kong sinabi kanina?" tanong ko.
Walang halong kapilyuhan, ngumiti si Lukas kasabay ng pag ningning ng mga mata nya.
"Na natakot ka nung akala mong mawawala ako. It just... it feels so good na takot kang mawala ako."