Chapter 22

1500 Words
Maaga akong nagising at nag asikaso dahil may usapan kami ni Lukas na ipapasyal nya raw ako sa Ruins. Pagka ligo ko, lumabas na agad ako para makapag almusal. Nadatnan ko na sina Mama at si Papa na nasa hapag kainan na. Sunday ngayon kaya walang pasok ang parents. May lakad ako with Lukas for the day and mamaya, mag mo- movie marathon naman kami ng parents ko after dinner. "Haya, mag almusal ka muna bago umalis," ani ni Mama habang ipinagtitimpla ng kape si Papa. Paano nalaman ni Mama na aalis ako eh naligo lang naman ako't hindi pa nagbibihis? Papa looks up to me. Ibinaba nya yung tablet nya kung saan sya nagbabasa ng balita. "Nag text si Lukas sa amin kanina, ipinaalam ka." Tumango ako. Magpapa alam pa lang sana ako pero naunahan na naman ako ni Lukas. Nung birthday ko kasi, my parents ang Lukas exchanged numbers. "How's Lukas 'nak?" tanong ni Mama. "Okay naman po si Lukas, Ma," sagot ko. "Invite Lukas mamaya sa dinner kung puwede sya. Then ask him to join us to watch a movie." Tumango ako. "I'll ask him po." Simula rin nang makilala nila si Lukas, they both kept on asking me about him. Giliw na giliw sila sa kanya. Napaka gentleman raw at napaka galang. Natutuwa raw sila na Lukas respects their presence in my life. Doon pa lang raw sa matapang at walang pag aalinlangan na pag amin ni Lukas at sa pag paalam nya tuwing may lakad kami ay natutuwa sila. Lalo na si Papa. Kaya lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pinag usapan nila noong birth day ko. That's like their little secret from me. Tuwing napag ku- kwentuhan namin si Lukas, hindi maiwasan na hindi lumundag ang puso ko sa tuwa. It's so heart warming to see na gusto ng parents ko si Lukas para sa akin. Honestly speaking kahit sinong magulang, gugustuhin nilang makatuluyan ang tulad ni Lukas. He knows how to treat a girl right. Maging si Cami ay nagtatanong how in the heavens that I pulled a Lukas Orion. Sabi ko sa kanya, mag antay lang sya dahil darating rin sa kanya yung para sa kanya. Nang matapos kaming mag almusal nag ayos na ako para sa lakad namin ni Lukas. I wore a simple yellow v neck chifflon two strap blouse tucked in a mom jeans at white sneakers. Nagsuot rin ako ng white jacket para hindi masakit sa balat kapag nasa motor lalo na't mataas na ang sikat ng araw. "Anak, yung helmet mo ha," paalala ni Mama. Alam na rin nila na kay Lukas galing yung helmet. Dati kasi'y tinatago ko pa sa kwarto ko, kabado na makita nila at mag tanong kung kanino galing. Suot ang helmet, umangkas na ako sa motor ni Lukas. He texted me na nasa labas na sya so medyo nag madali na ako na lumabas. "Let's go, Hayabear?" "Let's go." Direderetso ang pag d- drive ni Lukas sa highway nang lumiko sya sa isang corner na hindi sementado pero hindi naman lubak lubak ang daan. Akala ko'y naliligaw na kami dahil I am expecting to see na sa parang gubat pa kami dadaan pero puro establishment ang nadadaanan namin. Unti unting bumagal ang pag mamaneho ni Lukas saka umigil kami sa isang brow na gate na may naka sabit sa gate na notice. The Ruins Entrance Itinigil ni Lukas ang motor sa gilid ng gate dahil mukhang bawal ipasok ang sasakyan sa loob. All tourist and local are free to visit yun nga lang may lalakaran pang paakyat bago ka makarating sa mismong ruins. Ang init. Kung alam ko lang ay sana nag dala ako ng payong o pang taklob man lang sa mukha kaya hinubad ko ang jacket ko saka iyon ang itinaklob sa ulo ko. Mas naka ramdam naman ako ngkaginhawaan ng ginawa ko ngayon dahil nala sleeveless naman ako't mas presko. Mahangin naman kasi puro puno ang dinaraanan namin. "Pagod ka na?" tanong ni Lukas na pinagpapawisan na rin kahit na naka boxy sleeveless tee shirt lang sya't maong shorts. Dumukot ako ng tissue sa bag saka inabot ang mukha nya para punasan. Dahil naglalakad kami, medyo hassle habang pinu- punasan ko sya kaya kinuha nya ang tissue sa kamay ko't sya na ang tumuloy. "Hindi naman. Mainit lang talaga." Bumabagal ang pacing ng pag lakad ko dahil init na init na ako pero sinasabayan lang ako ni Lukas. Nasa gilid ko lang rin sya't dahan dahan na naglalakad kahit kung gugustuhin nya'y puwede syang mauna. Bumalik lahat ng energy sa katawan ko nang nakikita ko na yung pinaka tuktok sa di kalayuan. Lukas extended his hands on me at naka yukom ang mga palad nya. "Oh." "Ano yan?" tanong ko. Lukas shakes his hand na parang pinapahiwatig na abutin ko. Inilahad ko naman ang palad ko sa kanya kahit hindi ko alam kung ano yung nasa kamay nya. Medyo skeptikal lang ako dahil baka mamaya'y insekto pala yun tapos pinag ti- tripan na naman ako ni Lukas. Unti- unti nyang inilapit ang nakayukom na kamay sa palad ko at hindi insekto ang naramdaman ko sa palad ko kundi ang malambot na palad ni Lukas. Lukas held my hands saka pinag interwine nya ang mga palad namin. Kikiligin na sana ako kaso walang ka abog- abog akong hinatak para takbuhin ang natitirang distansya bago namin marating ang tuktok. "Lukas!" hiyaw ko. Lumingon si Lukas pero tawa lang sya ng tawa sa ginawa nya. Hanggang sa makarating kami sa tuktok ay hindi nya pa rin binibitawan yung kamay ko. "Nasaan yung ruins dito?" tanong ko. "Ito. We are standing on the top of the ruins, Hayabear." Para itong mix ng cliff at ng lighthouse. Cliff kasi nasa edge din kami at tulad ng light house, puro puno ang nasa likod namin tapos sa harap ay ang malawak na karagatan. Lumakad ako papunta sa edge na sementado, pero nalula ako pagdungaw ko sa baba dahil dagat at bato ang babagsakan mo kung malalaglag kaya't pinili kong lumayo na lang. Tantya ko'y nasa sampu hanggang labing dalawang palapag ang taas nito. There's no way I'd survive kung bigla akong madulas at mahulog rito. Habang takot na takot ako sa posibilidad na baka malaglag, nariya si Lukas na tuwang tuwa pang palakad lakad sa edge. "Lukas malaglag ka dyan!" saway ko sa kanya. "Hindi 'yan, Hayabear," aniya habang naka taas pa ang mga kamay nya na parang dinadama ang hangin. "Dito ka kasi Lukas! Madulas ka dyan!" na fu- frustrate na sigaw ko sa kanya. "Halika dito," aniya habang muling naka extend ang kamay nya sa akin. "Ayoko. Kinakabahan ako dyan." Kabado na nga ako na nakikita ko sya na nasa edge, dalawa pa kaya kami? Bumaba sya sa sementadong edge saka humakbang ng limang hakbang palayo. Nakaka takot pa rin pero mas okay na kaysa kanina na ma- mali lang sya ng apak ay mahuhulog talaga sya. "Halika. Dito lang tayo, promise. Kung kinakabahan hahawakan ko yung kamay mo para kumalma ka, " malambing na sabi nya. Seryosong naka lingon si Lukas sa akin. He's really determined on making me stand on the edge. I mustered up my courage saka unti unting lumapit kung nasaan si Lukas. Ngayon ay magka hawak kamay na kaming naka tayo limang hakbang ang layo sa dulo. "I want you to close your eyes," ani Lukas. I automatically shut my eyes tight. "I- alis mo sa isipan mo kung anong magyayari sa 'yo pag nahulog ka. Damhin mo lang kung anong nararamdaman mo ngayon. I'll be here." May urge sa akin na gusto kong i- mulat yung mga mata ko. Itong edge pa ba ang tinutukoy nya o iba na? This place was supposed to be a resort sabi ni Lukas. Kaya lang, nung binagyo ng malakas rito sa probinsya, the owner thought na it might not be a good place to build a resort because what's in front is a vast ocean so they halted the construction leaving it as it is. I really thought na yun na yung sa tuktok but Lukas pointed na may hagdan sa pababa sa gilid na noon ko lang napansin nung tinuro nya. Pag baba namin, may mga malalaking bato roon at bahagyang tumatama ang mga alon sa bato pero ang talagang naka agaw ng pansin ko ay ang ka- buohan ng ruins. Ang pader nito'y sementado at may parang mga malalaking haligi. One thing that reminds me of it is the wall sa movie ng the The Maze Runner. It's strikingly similar to that. It also reminds me of Attack on Titan's wall but the former is much similar. Dahil madulas at mabato, hindi tinatanggal ni Lukas ang pagsasakop ng mga palad namin. It's fine with me. Surprisingly, it doesn't feel awkward at all. Pakiramdam ko'y natural lang. Akala ko kasi'y may kung ano na namang mag bu- buhol sa sistema ko pero hindi. Kalmado ang puso't isip ko. "Dito muna tayo," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD