Chapter 21

2534 Words
"Okay ka pa?" tanong ni Penny. Okay pa. Okay lang talaga. "Oo naman," tipid na sagot ko kay Penny. aasan nya ako ng kilay. Ini- ikot ko ang mata ko sa mga kaibigan at pinsan kong nasa paligid lang pero busy sila sa kanya kanyang ginagawa. Kami lang talaga ni Penny itong may iniisip na iba. Biglang nag angat ng tingin sa direksyon namin si Rubie kaya ibinaba kong muli ang tingin ko sa marshmallows na tinutuhog ko sa stick at roon na lang ibinuhos ang buong atensyon ko. Hindi na ako mag aangat ng tingin. "Kaloka 'to. Bakit ka umiwas ng tingin?" Penny said and frustration is evident in her voice. "Dapat pinaka titigan mo ng diretso para mag back out." "Wala nama silang ginagawang masama," sabi ko. "Besides, hindi nya alam." Hindi naman kakain ng isang araw ang pag build ng tent. Maya maya nama'y matatapos rin sila roon. Ayaw kong i- overthink yung nakikita ko. Umangat ang kilay nya. "Ay?" Ibibigay ko sa kanya yung natitirang stick ng mallows saka tumayo mula sa pagkaka upo. "Ikaw na tumapos. Mag si- C.R. lang ako." Without looking back, dumiretso ako sa isang public comfort room sa site. Direderetso lang ang daloy ng tubig sa faucet. Isinalok ko ang mga palad ko saka yumuko para ihilamos ang tubig. Humugot ako ng tissue at pinunasan ang mukha kong basa. Natulala ako sa salamin nang muling pumasok sa ala ala ko kung paano nag tawanan sina Lukas at si Rubie. I shook my head to remove all the unnecessarry thoughts. You shouldn't overthink, Haya. Itinapon ko sa trash can yung basang tissue paper saka lumakad na pabalik sa tent namin. Habang pabalik, tila ba dasal na pinapa ulit ulit ko sa sarili ko na huwag mag overthink at hiwag mag isip ng kung anu- ano. "Saan ka galing?" salubong sa akin ni Lukas na naka balik na pala mula sa pag tulong kay Rubie at sa kaibigan na i build ang tent. Lumingon ako sa gawi kung nasaan sina Rubie at yung kaibigan nya at nakita ko silang dalawa na inilalatag na ang mga gagamitin nila. See that, Haya? Wala lang yun. "Sa comfortroom lang." Inabutan nya ako ng Chuckie. "Chuckie ulit?" tanong ko. Kakainom lang nya ng Chuckie kanina't pangalawa nya na ito ngayon. "Strangely, this place reminds me so much of Chuckie." Natawa ako. Ako rin naman. Nung nag laro kami ng Never Have I Ever doon sa floating hut, imbis na beer ay Chuckie ang penalty shot namin dahil hindi puwedeng uminom kasi he'll drive. Napaka memorable. "Guys, yung mga naka toka sa pagluluto, kilos kilos na tayo para makapag dinner tayo ng maaga," ani ni Ate. Puro inihaw ang nasa menu namin dahil iyon lang naman ang pinaka madaling i prepare dahil kasama sa package ang ihawan. Pork belly, chicken thighs, sausages, shrimp at bangus. Naging abala kami sa pag prepare ng dinner namin. Pa lubog na ang araw kaya't isa isa ng binuksan ni Lukas yung mga ilaw. Pati ang fairy lights na ginamit noong birthday ko, dinala rin ni Kia para raw aesthetic tingnan ang camp namin at buti na lang naisip nya iyon dahil it made everything visually better. Inilabas ko yung marinated na mga iihawin sa cooler saka dinala kay Kuya Jonas na syang naka toka sa pag iihaw. "Paki patong na lang riyan sa lamesa Haya," aniya habang inaayos ang ihawan. Dumiretso ako sa isa pang lamesa na katabi kung nasaan si Ate Amelie na abala sa pag gawa ng Coleslaw salad. Hindi pa naman ako ganoon ka gutom pero natakam na ako kaagad nang malanghap ko iyong usok galing sa ihawan. Mukhang mapapa rami kaming lahat ng kain. I should do something. Kumuha ako ang toyo, sibuyas, kamatis, sili, at maraming kalamansi. Gagawa ako ng sawsawan. May suka naman na kaming dala na gawa mismo ni Tita Rosa pero just in case gustuhin rin nila ng toyo ay gagawa na lang rin ako. Abala ako sa pag hi- hiwa ng sibuyas nang may tumusok sa tagiliran ko. "Ano yan?" tanong ni Lukas na mukhang nag palit ng damit. "Sawsawan," sagot ko. Kinuha ko yung sili saka inilapit sa bibig nya. "Tikman mo 'tong tomato. Ah." Lukas opened his mouth but he immediately shut his lips tight nang ma kita nyang sili iyon. I laughed at his reaction na halatang nataranta't nagulat on my little prank on him. "Kala mo ma iisahan mo ko no?" tudyo nya. I pouted. "I thought you'd fall for that." Akala ko'y matatawa sya but instead, Lukas smirked. Lukas crossed the small distance between us. Inilapit nya ang mukha nya sa may bandang tainga ko at bumulong. "Sa 'yo lang ako ma f- fall," aniya sa isang matamis na tono. Naka upo na kami't naka palibot sa lamesa kung saan nakapatong ang mga niluto nilang pagkain kanina na ngayon ay paubos na dahil ang dami naming kumain. "Kumain pa kayo. Ubusin natin 'to," sabi ni Miko. Wala sa vocabulary namin ngayon ang diet at hinay hinay sa pag kain. Every one of us is pigging out and busy stuffing our mouth with food. Halos hindi na nga rin kami nag uusap usap at tanging yung kanta na tumutugtog sa bluetooth speaker ni Miko ang nagbibigay ng ingay sa amin or else puro pag nguya at pag sandok lang ng pagkain ang maririnig. Ibinaba ko na ang plato ko hudyat na tapos na akong kumain. "Kumain ka pa," sabi ni Lukas. Umiling ako. "Hindi na ako makaka tayo saka makaka hinga kung kakain pa ako. Busog na busog na ako." Hinawakan ko ang tiyan ko na halos manigas na sa sobrang kabusugan. "Inom ka munang tubig." Lukas handed me a water in a cup. "Thank you." Madilim na ang langit pero nagliliwanag ang paligid dahil sa buwan. Hindi ko rin ma alis ang pagka mangha ko sa mga fairy lights na naka sabit at yung mga lampara rin na naka palibot sa amin. Mataas na rin ang liyab ng apoy ng campfire na nagbibigay ng liwanag at ng warmth sa malamig na gabi. As expected, walang natira sa pagkain na niluto. Hirap na hirap tuloy kaming lahat na tumayo dahil ang bi- bigat na ng tiyan namin. Mas nakaka amaze si Miko dahil sya na ang umubos lahat ng natira, nakuha pang kumain ng grapes for dessert raw. Seriously, saan nya kaya nilalagay yung lahat ng kinain nya? Habang nagpapa baba ng kinain, kung anu- ano lang ang napag kwentuhan namin hanggang sa mapunta ang topic kay Rubie. "Jonas pormahan mo na," kantiyaw ni Kuya Jule. "Mukha namang bagay kayo ah." "Ito si Julius kung kani- kaninong babae tinutulak si Jonas. Kupido ka ba nya?" singit ni Ate Yuli. Napa bangon si Kuya Jule mula sa pagkaka sandal sa upuan nya saka ngumisi kay Ate. "Bakit nagagalit ka dyan? Gusto mo sa 'yo na lang?" Ate's face crumpled nang sabihin ni Kuya iyon kaya't natawa kaming lahat. "Ulo mo," sagot ni Ate. Muling bumaling si Kuya Jule kay Kuya Jonas. "Dali na, pormahan mo na. O mas bet mo yung kaibigan? Punta ka roon tapos tanungin mo kung kumain na sila." Mukhang hindi na kailangan na pumunta ni Kuya Jonas. "Hi ulit guys!" Napalingon sa bumati sa amin and it's Rubie again and this time kasama na nya yung kaibigan nya. Yung mga kasama namin, naka tingin na kay Kuya Jonas na may halong panunudyo lalo na ang kay Kuya Jule na halos itulak na si Kuya Jonas sa harap nina Rubie. Mas mahaba ang buhok ng kaibigan ni Rubie kumpara sa kanya na middle length ang buhok pero mas matangkad sya. Kung titingnan ay mukha silang contrasting na dalawa. Si Rubie, she looks like the outgoing one samantalang yung kabigan nya'y mukhang mahinhin. Sila yung tipong hindi mo aakalaing magkaibigan pero talagang magkaibigan. Sabagay, wala namang standard sa pagiging magkaibigan. Parang ako kay Penny at lalo na kay Cami. May bitbit syang dalawang box ng pizza kaya agad namang lumapit si Ate Amelie at si Roan sa kanila. Rubie's eyes roamed na tila ba may hinahanap. Nagkatinginan kami ni Penny. "Bakit, Rubie? May kailangan ka?" tanong ni Ate pero yung mga mata nya'y naka pako na sa pizza na dala nung dalawa. Inabot naman nya agad kay Ate ang mga box ng pizza na walang alinlangan na kinuha ni Miko bago pa maabot ni Ate. Muntik na akong matawa nang ma hagip ng mata ko si Ate Yuli na mukhang nahiya sa ginawa ni Miko. "Wala naman. Gusto ko lang i- abot yung pizza to thank you guys for helping us out. Ah. Ito nga pala yung friend ko, si Leila." pakilala nya sa kaibigan nyang kanina pa nananahimik sa tabi nya. Tipid na ngumiti't kumaway sa amin si Leila. "Hi guys! Salamat sa tulong nyo." Kumaway at ngumiti rin kami sa kanya. "Naku, wala yun. Hindi naman talaga kami yung tumulong sa 'yo kundi si Lukas," sabi ni Ate Amelie. "Asan na si Lukas?" tanong ni Kia. Luminga ang lahat para hanapin si Lukas. Agad naman namin syang namataan na pabalik galing comfort room at pinupunasan ng tissue ang kamay nya. Hindi ko maiwasang hindi mpatingin kay Rubie na nagliliwanag na naman ang mukha nang makita si Lukas. "Hinahanap nyo 'ko?" tanong ni Lukas saka tumabi sa akin. Nagkatitigan kami and then he scrunched his nose. "Si Rubie saka si Leila gustong mag thank you sa 'yo. Nag dala ng pizza," inporma ni Kuya Jonas. Napatingin si Lukas sa pizza na bitbit na ni Miko. "Talaga? Nakaka hiya naman, sana hindi na kayo nag abala pa pero salamat," sabi nya. Rubie bit her lips na para bang pinipigilan nya ang malaki nyang pag ngiti. "No, Lukas, it's really for you... guys so please enjoy the pizza." Buti't may natira pa akong pagpi- pigil sa katawan kaya't napigilan kong itaas ang mga kilay ko sa sinabing iyon ni Rubie. It's like dinagdagan nya yung sentence nya so it would not sound weird to other people. Pati yata si Kia ay naka ramdam na dahil nakita ko sa gilid ng mga matia ko na she's already looking at me. "Thank you, Rubie." "Nag dinner na ba kayo?" singit ni Kuya Jule habang mahinang hinahatak hatak si Kuya Jonas ng bahagya para lumapit. "Yup! We just ate dinner. Kayo?" "Katatapos lang rin," sagot ni Ate Roan. "Gusto nyo bang... mag join sa amin?" tanong ni Kuya Jonas nang tagumpay na nahatak sya ni Kuya Jule palapit sa dalawang dalaga. Nang masabi ni Kuya Jonas ay halos palakpakan at purihin sya ni Kuya Jonas sa laki ng ngiti nito sa ginawa ng best friend. Rubie's eyes widen from excitement at napa palakpak pa sya. "Really?" Tumango si Kuya Jonas. "Oo naman! Saka parang ang lungkot naman kung dalawa lang kayo sa tent," dagdag ni Ate Amelie. Naka palibot na kaming lahat sa campfire hawak ang kanya kanyang stick ng marshmallows habang bahagyang tinutusta ito sa apoy. Kanina pa ini- interview ng mga kasama ko sina Rubie at Leila. Childhood bestfriends pala sila and mga College students na rin. Gusto raw ni Leila na i try na mag camping so here they are. Magiliw na magiliw ang pag tanggap ng mga kasama ko sa dalawang dalaga. Si Rubie ang parang tagapag salita nilang dalawa dahil sya ang madalas sumasagot mga tanong at nag ku- kwento samantalang si Leila naman ay mag sa- salita lang kung tinatanong sya. "Talaga Haya? You lived in Manila? Ako rin!" aniya nang ma kwento ni Ate Amelie na magpipinsan kaming lima at kaka uwi ko lang last year rito. Tumango ako saka binigyan sya ng isang ngiti. "Yeah, I lived there." "Rubie," tawag ni Kuya Jule para kuhanin ang atensyon nya. "May itatanong ako ha, honest question lang, walang malisya." Walang malisya raw pero hindi naman sya mapakali sa kaka ngisi sa direksyon ni Kuya Jonas. Pati si Ate Roan ay sumusuko na lang rin sakanya. Hindi pa rin sya sumusuko sa agenda nya na paglapitin iyong dalawa. Hindi ko lang sure. Baka iba naman kasi ang gusto ni girl. "Ano yun Kuya?" tanong ni Rubie na na kay Kuya na ang atensyon. "I know napaka random pero may bet ka ba rito sa isa sa mga kasama ko?" tanong ni Kuya. Buti alam ni Kuya Jule na napaka random ng tanong nya. Saglit na nanahimik si Rubie. At sa pananahimik nyang iyon, halos ituro na ni Kuya Jule sa kanya si Kuya Jonas. Sa pananahimik rin nyang iyon, unti- unting umusbong ang hindi maga- gandang nararamdaman ko. "Meron," sagot ni Rubie. Lahat kami'y napapunta ang atensyon sa kanya dahil sa sinabi nya. Ang kaninang halos walang pake alam na si Lukas ay naka tingin na rin sa kanya. Mukhang alam ko na ang sagot. "Sino?" tanong ni Ate Amelie. Umangat ang sulok ng labi ni Rubie. "Si Lukas." Naka rinig ako ng malakas na singhap mula sa isa sa mga kasama ko. Hindi ko na nakita kung sino because my attention is pinned on the girl who confessed that she's interested to the guy that I like. There's no way you're getting him, missy. "Uh- uhm... si Lukas? Ah... si Lukas," sabi ni Kuya Jule pero bakas na bakas sa tono ng boses nya ang pagka bigla dahil malamang ay hindi nya ine- expect na si Lukas ang isasagot at hindi si Kuya Jonas. Nanantili lang rin na naka ngiti si Rubie sa amin, mukhang hindi nya pa rin nararamdaman ang pagbabago ng mood sa circle namin. Pinasadahan ko rin ng tingin si Lukas kung anong reaksyon nya pero his face remained neutral. He doesn't seem affected to the sudden confession ng babaeng kaka kilala lamg nya kanina. Isang malakas na palakpak ang bumasag sa katahimikan namin. "Okay, let's finish the mallows para makapag pahinga na rin tayong lahat, " ani ni Ate Yuli. Muling ngapa tugtog si Miko sa speakers para tapalan yung medyo awkward vibe na bumabalot sa amin. 'I know, I know, I know for sure Everybody wanna steal my girl Everybody wanna take her heart away Couple billion in the whole wide world Find another one 'cause she belongs to me.' I don't know with Miko's choice of song. Tapos he'll replace the pronoun from she/her to he/him at girl to boy na sinisigaw nya para malunod sa background iyong orihinal na lyrics. Di ko alam kung matatawa ako o ano. He's obviously trying to hint something. Si Kia nakita ko rin na tahimik na natatawa sa ginagawa ni Miko. Inilapit ko sa nagbabagang apoy iyong mallows na nasa stick na kanina ko pa pala hawak saka itunusta iyon. Kumuha rin ako ng piraso ng graham saka inipit roon ang piraso ng dark chocolate at ng marshmallows. "Lukas," tawag ko sa kanya. Inilapit ko sabibig nya yung ginawa kong smores. "Ah." Lukas playfully raised his eyebrows pero agad namang ibinuka ni Lukas ang bibig nya saka ko isinubo yung smores sakanya. He munched on it habang tumatango tango. Muling natahimik ang mga kasama namin at ang atensyon nila'y nasa amin na. Nang matapos ngumuya si Lukas, he leaned on me saka bumulong sa tainga ko tulad ng ginawa nya kanina. "I like it when you're jealous."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD