“Bakit mo ginawa sa akin ‘yun, Pauline? Wala akong kasalanan sayo para traidurin mo ako.” Galit kong tanong sa aking kaibigan habang ito ay nanatili sa kanyang kinauupuan. Hindi siya makatingin ng diretso sa aking mga mata kaya nanatili lang na nakapako ang tingin nito sa sahig.
Napansin ko rin na paulit-ulit nitong ibinabaon ang hintuturo sa kanyang hinlalaking daliri. Halatang napi-pressure ito sa presensya ko. Ilang segundo muna siyang nanahimik bago nag-angat ng mukha dahil nakatayo ako sa kanyang harapan. Tumitig sa akin ang namamasa nitong mga mata at nakikita ko na nakukunsensya siya sa kanyang ginawa.
“Sa maniwala ka man o hindi, labag sa kalooban ko ang ginawa ko sayo, Maurine., Wala kasi akong ibang pagpipilian kundi ang sundin ang nais nilang mangyari. Dahil kung hindi ay mawawalan ako ng trabaho, bukod pa run ay maaaring mapahamak ang pamilya ko.” Naluluha na sagot nito, ramdam ko mula sa kanyang tinig ang matinding pagsuko dahil wala siyang nagawa sa mga nangyari.
Nang makita ko ang labis na pagsisisi sa mukha nito ay napalitan ng awa ang galit nararamdaman ko para sa kanya. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan at nahahapo na naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi nito.
“Anong gagawin natin ngayon?” Problemado kong tanong habang nakatitig sa sahig na wari mo ay nandoon ang sagot.
“Tell me, wala naman sigurong nangyari sa inyo ni sir Felix, tama ba?” May pag-aatubili niyang tanong sa akin, nakikita ko mula sa kanyang mga mata na umaasa ito na walang nangyaring masama sa akin.
“Bakit mo na itanong sa akin ‘yan?” May pagdududa na balik tanong ko sa kanya, habang matamang nakatingin sa mukha nito.
“Dahil hindi kaagad ako umuwi ng gabing iyon, nagtago ako sa likod ng hotel at kita ko na nagkakagulo ang mga tauhan ni sir. Felix. Mukhang may hinahanap sila, kaya naisip ko na baka ikaw ang hinahanap nila.
Walang nangyari sa inyo ni sir Felix tama ba?” Mahabang paliwanag nito na sa huling tinuran ay tila umaasa ito na sana ay tama ang kanyang hinala.
“Tama ka, walang nangyari sa amin ng matandang ‘yun.” Ani ko, nagliwanag ang kanyang mukha na wari mo ay nakarinig ng isang magandang balita. Subalit, kalaunan ay napalis ang ngiti sa labi nito ng bigla akong umiyak.
“Maurine, bakit ka umiiyak? Nalulungkot ka ba dahil walang nangyari sa inyo ng matandang ‘yun? Ouch!” Ani nito, na hindi na natuloy ang sasabihin ng bigla ko itong batukan sa ulo.
“Nang-aasar ka? Eh, kahit magunaw man ang mundo or even he’s the only man here sa mundo ay hindi ko papatulan ang matandang hukluban na ‘yun!” Naiimbiyerna kong sagot bago maarteng pinunasan ang luha sa aking pisngi.
“Then, bakit ka umiiyak!?” Naguguluhan na tanong ni Pauline habang inaayos ng kamay nito ang nagulo niyang buhok.
“Because, bumagsak na ang bataan sa kamay ni Mr. Stranger!” Bulalas ko na sinundan ng iyak, at ang mas ikinalulungkot ko ay sa oras na muling magkrus ang landas namin ni Mr. Blue eyes ay wala na akong puri na iaalay sa kanya. Nang gabing makuha ni Mr. Stranger ang virginity ko ay natapos na rin ang pantasya ko para kaya Mr. Blue eyes.
Namilog ang mga mata ni Pauline at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang mukha nito na labis kong ipinagtaka.
“What's funny? You know I'm in trouble now, pero nagagawa mo p akong tawanan?" Di makapaniwala na tanong ko dito. Imbes kasi na makisimpatya sa problema na kinakaharap ko ay para pa itong nagdiriwang sa nangyari sa akin.
“Sinasabi ko na nga ba, ginusto mo ang nangyari sa akin, and now you still seem happy.” Naghihinala kong wika habang matalim na nakatitig sa nakangiti nitong mukha.
“Of course not! I feel happy dahil parang katulad ‘yan sa mga nababasa kong novela. A one night stand with stranger’s, and then suddenly ay nagkita muli si guy and si girl. Then the girl was discovered na mayaman pala si Mr. Stranger. You know, it seems like Cinderella's love story.” Tila nangangarap ng gising na pahayag ng aking kaibigan at halatang kinikilig pa ito.
Bigla, kinilig din yata ang puso ko at nagsimula na akong mangarap. What if nga mayaman si Mr. Stranger’s at isang araw ay magkrus ang landas namin? And then we’re meant to be pala. Gosh! Kinikilig ako!!
“What if mukha palang unggoy si Mr. Stranger? Or he’s like pinagkaitan ng tadhana?” Nang marinig ko ang sinabi ni Pauline ay parang may nagasgas na CD’s sa loob ng utak ko. Basag lahat ng pangarap ko!
“Pwede ba! Try to shut your mouth na lang kaya, if you think na alanganin ang sasabihin mo. Nakakasakit ka na.” Naiinis kong saway dito, sabay irap ng mata sa kanya.
“Pssst!” Sabay pa kaming napalingon ni Pauline sa pintuan ng aming classroom. Nanghaba na naman ang nguso ko ng makita ko ang pagmumukha ni kuya Harold. Mas lalo akong nainis sa kanya ng ituro nito ang orasang pambisig niya, tanda na kailangan na naming umalis. Tapos na kasi ang aming klase at kaming dalawa na lang ni Pauline ang natitirang estudyante dito sa loob ng classroom.
Pagkatapos akong ikulong ni ate Miles ay nagkaroon kami ng kasunduan na papayagan niya akong lumabas at mag-aral. Pero sa isang kondisyon, magiging bantay ko si kuya Harold kahit saan ako magpunta. May limitasyon din ang bawat kilos ko at meron din akong curfew kaya kailangan na naming makauwi kaagad sa bahay. Nakiusap lang ako kay kuya Harold na bigyan ako ng konting oras para makausap ang kaibigan kong si Pauline.
“Kailangan ko ng umalis, baka magalit na naman si Ate Miles sa akin.” Paalam ko dito, natigil ang akmang paghakbang ko ng biglang gagapin ni Pauline ang kaliwang kamay ko.
“Maurine, sana hindi magbago ang pagkakaibigan natin dahil sa nangyari.” May halong pakiusap na saad nito. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya dahil ramdam ko ang sincerity nito sa kanyang tinuran. Akala ko ay tuluyan na akong tinaraydor nito, pero mali lang pala ako ng akala.
Hindi ko naman pwedeng isisi ang lahat sa kanya dahil tulad ko ay biktima lang din siya ng mga nangyari. Ang dapat na sisihin dito ay ang walang pusong si Felix dahil pinagplanuhan niya ng hindi maganda ang isang batang katulad ko.
“Don’t worry, we still friends pa rin, at hindi ‘yun magbabago.” Nakangiti kong saad bago ito tuluyang talikuran.
Tahimik akong sumunod sa likuran ni kuya Harold hanggang sa nakalabas na kami ng University.
Walang imik na bumaba ako ng sasakyan, papasok na sana ako sa pintuan ng bahay nang sakto naman na palabas ng pintuan si ate Miles. Saglit na nagtama ang aming mga mata subalit mabilis din niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Nasaktan ako sa panlalamig sa akin ni Ate Miles, hindi ko naman ito masisisǐ kung magalit siya sa akin. Nauunawaan ko naman ang nararamdaman ng kapatid ko at kahit na sino talaga ay masasaktan sa oras na malaman ang mga nangyari sa akin.
“Don’t worry, Ate, babawi ako, at itatama ko ang maling tingin mo sa akin.” Bulong ko sa hangin habang nakatitig sa likuran ni ate Miles, kasabay ang paglitaw ng malungkot na ngiti sa mga labi ko.”