'Choose the lesser evil..' Yun na lang ang iniisip niya nang pirmahan ang kontrata. Sa pagitan ni Vincent at Sir Kyle, mukhang mas ligtas siya kay Vincent dahil mukhang wala naman itong interes sa kanya. Matapos niyang pumirma ay kinuha iyon ni Vincent ng may matagumpay na ngiti sa mga labi. Masayang masaya siguro ito dahil nasunod ang gusto. Ibinigay iyon ng lalaki kay Zion. Nauna naman itong nagpaalam habang naiwan silang dalawa ni Vincent sa loob ng opisina. "I've already wired my half payment Miss Fallorina," anito at ipinakita pa sa kanya ang online receipt. "Congratulations, you're officially hired. Tumango siya at lihim na nagpasalamat. Unang beses niyang magkaroon ng ganun kalaking pera buong buhay niya. Dapat ay masaya siyang marinig ang salitang hired na siya pero ngayon hindi

