Binalingan niya si Nanay Minda na puno ng lungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya habang humihikbi..
"Aalis na po ako Nay.." Nanghihina niyang paalam.
"Ihahatid na kita sa labas Ysabela."
Nang makarating sa labas ay muli niyang niyakap si Nanay Minda ng mahigpit.
"A—ang batang ipinagbuntis mo noon Ysabela, nasaan na? Malaki na ba?" Bigla nitong tanong.
Marahan siyang tumango at tumingin sa malayo. "Opo. Malaki na at saka kamukhang kamukha ko po."
"Sana man lang makita ko ang batang iyon balang araw," anito na mas ikinalungkot niya.
"Sana nga po, Nay. Balang araw…" Darating pa kaya ang balang araw na iyon kung ngayon pa lang wala ng kasiguraduhan ang buhay ni Kreios sa malupit niyang mundo?
"Mag ingat ka Ysabela. Pasensya ka na talaga at wala akong magagawa sa sitwasyon mo ngayon," malungkot nitong turan.
Pilit siyang ngumiti. "Ayos lang po Nay.. Nay? P—pwede po bang malaman ang… Ang pangalan ng totoong nanay ko?" Atubili niyang tanong.
"Erlinda, Erlinda Reyes.. Dati siyang katulong dito noon. Kasing ganda mo rin siya noong kabataan niya, hija subalit wala ng balita tungkol sa kanya. Sana dumating ang araw na mahanap mo siya at maramdaman mo ang kalinga at tunay na pagmamahal ng isang ina na ipinagkait sayo ng tadhana."
Tumango siya at nagpaalam na kay Nanay Minda bago tuluyang nilisan ang lugar. Kahit nasa loob na siya ng bus, panay parin ang kanyang iyak. Ano bang naging kasalan niya at pinarusahan siya ng ganito? Siya ba ang magbabayad sa kasalan ng kanyang tunay na ina at ama?
Halos mag-uumaga na ng makarating siya sa Maynila. Tumingin siya oras ng kanyang cellphone. Napabuntong hininga siya. Ilang oras na lang schedule na ng operasyon ni Kreios. Umupo siya sa bench malapit sa terminal ng bus habang nakatulala. Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Sobrang dami ng nangyari. Parang sasabog yata ang ulo niya sa sakit.
Mariin siyang pumikit at tumingala sa langit. Tatanggapin ba niya ang alok ni Sir Kyle para maipagamot si Kreios o susugal siya sa inalok ni Vincent sa kanya?
'Diyos ko…Turuan niyo po ako sa nararapat kong gawin,' bulong niya sa hangin.
Napukaw ang kanyang atensyon nang huminto ang isang itim na sports car sa kanyang harapan. Maya maya pa ay bumaba ang isang gwapo at matangkad na lalaki mula dito. Nakasuot ito ng isang puting T-shirt at itim na slacks. Kumunot ang kanyang noo nang naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya. Huminto ang lalaki ilang pulgada ang layo sa kanya.
Base sa pagkakapokus ng mga mata nito, mukhang siya nga ang pakay nito. Sino na naman ba ang isang 'to? Another kidnapper niya? Hindi pa naman nalalayo ang itsura nito sa mga dumampot sa kanya kahapon.
"Mari Ysabela Fallorina?" Tanong nito sa baritonong boses.
"Bakit po?" Walang gana niyang tanong.
"I'm Attorney Zion Kade Samaniego, my client Vincent Veda Lee wanted to see you.."
Umangat ang kanyang kilay sa narinig. Madaling araw pa lang at pinapasundo na siya nito para kausapin? Ito na ba ang magiging daan para maipagamot niya ang anak niya?
Hindi na siya nag-atubili pa at sumakay na sa sasakyan ng lalaki. Marahil sa labis na pagod niya sa buong araw, hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa byahe. Nang magising siya ay naroon parin siya sa loob ng sasakyan. Lumingon siya sa driver's seat at nakitang natutulog din doon ang nagpakilalang Attorney Zion. Nasapo niya ang kanyang noo. Nakatulog pa talaga siya sa lagay na iyon gayong hindi niya lubos na kilala ang kasama niya. Mabuti na lang at hindi ito masamang tao.
Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nakitang ala sais na pala ng umaga. Dalawang oras na lang, sisimulan na ang operasyon ni Kreios. Nag-aalangan siya kung gigisingin ba niya ang lalaki o bababa na lang siya ng sasakyan at mauuna na. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone nito dahilan para magising ang lalaki.
Pungas-pungas pa nitong dinampot ang cellphone at sinagot.
"Yeah, we are already at the parking lot. Yeah…Yeah, were coming," anito bago ibinaba ang cellphone.
Lumingon ito sa kanya kaya nahihiya siyang ngumiti. "P—pasensya na at nakatulog ako."
"It's fine. I slept too because I'm so damn tired," anito at kinalas na ang seatbelt na suot kaya nakigaya na rin siya.
Sabay silang bumaba ng sasakyan at sumakay ng elevator. Ilang minuto pa, bumungad na sa kanya ang pamilyar na silid. Ang kaibahan lang ay wala pa doon ang babaeng nakasalamin na sa tingin niyang secretary ni Vincent. Sumunod lang siya kay Zion na tuloy-tuloy na naglakad papasok sa opisina ni Vincent.
Pagpasok nila, naroon na ang lalaki at prenteng nakaupo sa swivel chair nito na animo siya ang hari sa lugar na iyon. Napakaantipatiko talaga!
"Good Morning dude. Thanks for your great work," nakangising saad ni Vincent.
Pabagsak na umupo sa couch si Zion samantalang nanatili siyang nakatayo sa gitna ng opisina. "I'm not doing these for you. This is for Harper's project in your network," paingos na tugon ni Zion.
"Yeah, yeah," balewalang sagot ni Vincent bago bumaling ang tingin sa kanya. "Oh well, hi there Miss Fallorina," anito at tumayo mula sa swivel chair bago naglakad palapit sa kanya. "You seemed so tired today. Mukhang hindi mo yata nagustuhan ang mga ginawa ko sa pinasukan mo kahapon."
Vincent was very tall, towering her small height. Sa tingin niya nasa six foot yata ang lalaki samantalang nasa five feet and four inches lang.
Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin at tumitig sa mapaglaro nitong mga mata. Ito pala ang dahilan ng lahat ng pagdurusa niya. Ang lalaking ito ang dahilan kaya hirap na hirap siyang mailigtas ang anak niya? Kung dati naiinis lang siya sa pag-uugali nito, ngayon ay labis na galit na ang kanyang nararamdaman.
"Masaya ka ba sa pinaggagagawa mo?" Nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong.
Ngumisi si Vincent na para bang tuwang tuwa ito sa naging reaksyon niya. Ganito lang ba talaga kadali para sa mga mayayaman na paglaruan ang gaya niya dahil hindi nito agad nakuha ang gusto?
"Masaya. Masayang masaya ako Mari Ysabela. I'm so happy that I—Ouch!" Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya nang bigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa mukha.
Dinig pa niya ang pagsinghap ni Zion na nakatingin sa kanilang dalawa.
Vincent started to notice that his nose bled. He can't believe it na hindi lang sampal ang natikman niya sa babaeng ito ngayon kundi isang suntok na talaga. Wala siyang nakikitang pagsisisi sa mga mata nito bagkus ay puro galit lang. This woman is a sadist!
"Dude, are you okay?" Lumapit si Zion at inabutan siya ng tissue.
Kinuha niya iyon ng hindi lumilingon sa kaibigan at nakipagsukatan pa ng titig sa babae.
"Wala ka talagang kasing sama Mr.Lee. Pati ba naman trabaho ko pagdidiskitahan mo? Ganyan ka na ba talaga kaisip bata kung kumilos?"
Naiiling niyang pinahid ang dugo mula sa kanyang ilong. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. He should be sending this woman to jail because of the physical injuries she has been causing him to pero ayaw sumunod ng utak niya. He seems to enjoy her madness at him. Damn he even sounds like a masochist.
"Did you see that Zion, she punched me. You will be my witness not to mention the CCTV's from all the corners of this office. I will sue you Miss Fallorina," pananakot niya sa babae.
Unti unti naman itong natauhan sa ginawa at ilang beses na napalunok. Kibit balikat siyang tumalikod at naglakad pabalik sa kanyang lamesa. Kinuha niya ang nakahanda ng kontrata sa kanyang desk at inilapag iyon sa kanyang mesa.
"Now you choose Miss Fallorina, either way you will agree on what I wanted or I will call the police and send you to jail…"
Lumingon si Zion sa kanya at pinanlakihan siya ng mata pero hindi niya ito pinansin. All he wants is to make her agree on his terms and nothing more.
"Kapag ba pinermahan ko yan makukuha ko na ang pera na sinasabi mo?" Tanong nito.
Tumango siya at bahagyang itinulak ang kontrata. "You can read it. You don't have to worry about s****l aspects, we don't have to do it. All we need to do is pretend to be lovers infront of everyone. I will provide you a condo, luxury cars, expensive clothes, designer—"
"I don't need any of that. Pera lang ang kailangan ko," putol nito sa kanya.
"Okay. Give me your account, sign it and I will wire five million right away and send the other half if we will be successful."
Umupo si Mari at maingat na binasa ang bawat nakasaad sa kontratang inihanda ni Vincent. Para sa anak niya pikit mata niyang tatanggapin ang alok nito kapalit ng pera.
Humugot siya ng malalim na hininga at tuluyang nilagdaan ang papel na magsisilbing kasunduan nilang dalawa. At sa pagpirma niyang iyon, isang bagay lang ang sisiguruhin niya. Hinding hindi siya gagaya sa totoo niyang ina na nanira ng pamilya ng iba…