Chapter One: Denver
Denver's
***
Nagpupuyos akong bumangon sa aking higaan at agad na tinignan ang alarm clock sa gilid ng kama ko. Agad na nan'laki ang aking mga mata nang makitang halos 30 minutes na akong late sa aking unang klase.
Isa akong grade 12 senior high students, na nag apply para sa isang scholarship sa pinaka sikat na school dito sa Antipolo. Sa awa ng D'yos ay nakapasa ako sa exam at masayang binalita kay mama ang good news.
Ngunit isang gabi bago ang unang araw ng pasok, o mas sasabihin kong kahapon ay nagkaya-yaan ang buong barkada na mag-inuman. Para na rin daw sa Celebration ng pagkaka-pasa ko sa Exam. Well, the Exam was kinda hard , so wala naman siguro masama if I'll treat myself for such an achievement.
And the things got worst, nalasing ako ng husto at tila ba hindi na maalala ang nangyari makaraan ang gabing 'yon. Hindi ko na nga maalala kung paano ako napunta sa kama ko ngayon. What the h*ll just happened?
Namalayan ko na lang na nakatitig na ako sa aking alarm clock.
"s**t" mura ko nang mapansing tatlong minuto na ang nasayang sa oras ko.
Agad kong tinungo ang banyo at nagmadaling maligo.
Makaraan ang labin-limang minuto ay lumabas ako ng banyo. Madaling madaling sinuot ang aking bagong uniform. Dahil naninibago sa bagong uniform ay tila nangangati pa ang katawan ko dito.
Limang minuto akong tumingin sa salamin upang masiguro na mukha na akong tao.
Nang masiguro na gwapo na ako, ay kinuha ko na ang aking bag at mabilis na lumabas ng bahay.
Narinig ko pang tinawag ako ni mama para mag almusal ngunit sumenyas lang ako na hindi na.
Mabilis na pumara ng tricycle at tinungo ang eskwelahan. Sa totoo lang ay kinakabahan pa rin ako dahil sa bagong atmosphere na gagalawan ko. Bagong mukha, bagong lugar, bagong uniform, bago lahat. Ngayon pa talaga na late ako.
Kasalanan to ng Gerald na 'yon eh.
"Sir, andito na po tayo" anunsyo ng Tricycle Driver dahilan para bumalik ako sa wisyo.
"ah-ah, opo" medyo natulala pa ako dahil sa laki ng gate ng Unibersidad na ito.
Matapos magbayad ay pumunta ako sa gate at agad akong hinarang nang isang security guard.
"I.D mo bata" seryoso nitong wika nang makalapit ako. Agad akong kinabahan dahil wala pa naman din ako no'n.
"Wala kang I.D?" kunot noo nitong tanong.
Napakamot na lang ako sa aking ulo at tsaka tumango. Malas naman ng araw na 'to.
Agad itong tumindig at itinuro ang isang karatula.
Nang mabasa ko 'to ay agad na akong nawalan ng pag-asa.
"No I.D no entry" bulong kong basa dito.
"Mabuti naman at marunong ka magbasa" tila nang-aasar nitong sambit.
"I'm senior high tho" bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Ah-heh, wala ho, sensya na manong wala pa akong I.D eh, transferee palang po ako" napipilitan akong ngumiti dahil sa kaba.
"Teka" may isang boses mula sa likuran.
Nang tuluyang makalapit ito ay agad kong naalala kung sino ito.
Ito ang Speaker sa Scholarship Examination na ginanap noon sa school namin. Hindi ko akalain na isa pala siya sa mga nagtururo dito.
"Denver Nicholas Tuazon?" mapanuri nitong tanong sabay angat ng kamay.
"Ako nga po, nice to meet you Sir, again" atsaka inabot ang kamay nya. Pero nakalimutan ko kung sino sya.
"Prof. Golf Mendez, P.E instructor" pakilala nito.
Woah, I didn't expect na isa pala siyang instructor.
"Please let him in" baling nito sa Guard.
***
Malawak ang ngiti ko dahil sa wakas ay nakapasok din ako sa paaralan na ito. Not to mention, WALANG I.D.
Agad na inabot sakin ni Sir. Golf ang isang papel. Nang buklatin ko ito ay nakita ko na ito pala ang section na papasukan ko. Hmmm, paano ko kaya hahanapin 'to sa ganito kalawak na school.
Nang tuluyang makapasok, ay isang naglalakihang building ang nakapaharap sa isa't isa. Nahahati ito sa tatlong mga gusali na sa tingin ko ay limang palapag. Nakaharap ito sa isa't isa at makikita ang isang fountain sa gitna ng mga ito. Mistulang isang park ang napasukan ko dahil sa maaliwalas pagkaka-ayos ng mga halaman, magandang tanawin. malinis na kapaligiran at ang malaking puno na nakatayo sa gilid ng fountain.
"Wow"
Tangi kong nasambit dahil sa ganda ng aking nakikita, minsan ko na itong nakita ngunit sa magazine lamang o kaya naman ay sa telebisyon. Hindi ko sukat akalain na ganito pala ito kaganda kumpara sa mga iyon.
Nang marating ang pinaka malapit na gusali ay may isang propesor ang dumaan. Tila seryoso itong nakatingin sa harapan nya, at di alintana ang presensya ko.
Gawa ng matahimik na paligid ay gumagawa ng ingay ang kanyang mga itim na sapatos. Hindi ko alam ang expresyon sa mga mata nya dahil nakasalamin ito. Ngunit ang kanyang mga labi ay pantay, at ang kanyang mga kilay ay salubong.
"Excuse me sir, pwede magtanong?" kinakabahan kong tanong dito.
Ngunit ang nakakapagtaka ay parang nahimasmasan ito dahil sa hindi ko inaasahang pagsasalita, niyugyog pa nito ang kanyang ulo't mabilis na humarap sa akin.
Kunot noo ito na tila ba ngayon lang ako napansin kahit pa na sa mismong harapan ko sya naglalakad.
Anong problema ng isang 'to?
"I have to go" malamig nitong sabi at tsaka humakbang paalis.
Ngunit hindi ako sumuko't muling nagsalita.
"Ah sir saan po ang—" binuklat ko ang papel na binigay ni sir Golf.
"Room ng Gas-A po?" tanong ko mula rito.
Lalong nagsalubong ang mga kilay nito.
"In that building, third floor, and 3rd room from the elevator" mabilis nitong paliwanag.
Tumango tango ako at hindi na nagaksaya pa ng oras. Madali akong pumasok ng magandang elevator at pinindot ang 3rd floor.
Pasipol-sipol ako't nakakaramdam ng kaba dahil sa bukod sa late na ako, ay unang araw ito na makikita ko ang mga classmates ko.
Iniisip ko pa lang na baka mapahiya lang ako, o di kaya naman ay wala akong maging kaibigan.
Hays
Maya maya pa ay tumunog na ang Elevator senyales na nasa ikatlong palapag na ako.
Ngunit 'di ko inaasahan ang nangyari.
Nagulat ako ng makita ang isa pang lalaki na tila papasok sa elevator. Kagaya ng isang lalaki ay seryoso din ang ekspresyon nito.
Ang kaibahan lang nila ay ang kanilang suot.
Hindi man lang ito nagulat nang makita ako, para bang inaasahan nya na, na may sakay ang elevator.
Sa pagtataka ay nilagpasan ko ang lalaki, kasabay noon ang pagpasok nya sa elevator at ang pagsara nito. Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang ka-wirduhan nila. Walang kibo kibo itong nawala sa paningin ko.
Dumating ako sa pakay ko.
"Gas-A" basa ko sa label na nasa taas ng front door.
Nasa harapan na ako ng pinto, kung saan maari akong mamatay. Sa kabilang side nito ay naririnig ko pa ang Professor na nagle-lecture sa loob.
Shit
Lalo pa akong kinabahan nang may magsalita sa likod ko.
"Sir".
Pagharap ko ay isang Janitor ang nakita ko.
"Wtf, kuya wag mo naman ako takutin" nanginginig kong reklamo.
Napakamot ito sa ulo at tsaka tatawa-tawang humarap sa akin.
"Ah eh, pasensya kana iho, pero kung kinakabahan ka pumasok ay tatagan mo lang ang loob mo. Alam kong kaya mo 'yan" wika nito.
Napaharap ako sa kanya.
Agad naman akong napangiti at agad na nabuhayan ng loob.
"Salamat kuya!" pasasalamat ko sa Janitor.
"Sus, sige na pumasok kana at baka lalong magalit ang titser nyo" paalala nito.
Ngumiti ako ng malawak.
Agad ko siyang sinunod at mabilis ba pinihit ang seradula.
Isang nakakabinging katahimikan ang bangibabaw sa silid. Ang buong klase ay nakatitig sa akin. Ang professor namin ay tila nagulat din sa bigla kong pagpasok.
Shit, nakalimutan ko kumatok!
Masyado akong nadala sa sinabi ni kuya at nawala sa isip ko na kumatok.
Lagot na...
"Who are you? and why didn't you knock the door first?!" galit na tanong sa akin ng guro.
Tila hindi pa ako maka-imik dahil sa gulat at kaba kaya halos nakatitig lang ako sa kanya.
"Tinatanong kita mister!" muli ay sermon nito.
"Sorry po sir, medjo nagka problema po kasi sa bahay namin kaya nalate po ako" palusot ko
"At bakit hindi ka kumakatok?! alam mo bang kabastusan yang ginagawa mo?! I'm in the middle of my lesson, you know that? Wala bang pinto sa bahay nyo?!" sigaw nito sakin
"Are you a transferee?"
"From Silicano high po sir" sagot ko
"Introduce yourself" utos nito.
Yun lang...
Lalo tuloy akong kinabahan.
Pero mukhang no choice ako, kaya sige.
Huminga ako ng malalim at tsaka nagsalita.
"I'm Denver Nicholas Tuazon, a 19 ye—"
"Properly" putol ng professor sa pagpapakilala ko.
Talks about rudeness huh?
Nagtatawanan ang iba kong kaklase dahil sa pagpapahiya ng guro sa akin. Karamihan ay babae, ngunit ang mga kalalakihan ay tila nakatingin lang sa akin. Mukhang alam nila ang pakiramdam nang mapahiya.
Agad akong nagpakilala
"Hello.
Good morning. It's nice to meet you.
I'm Denver Nicholas Tuazon"
I'm 19 years old male from Silicano Academy"
I graduated of junior high from Shaker Holmes National Highschool"
I enjoy reading and traveling.
My strengths are hard-working and easily adapt any kind of environment.
My weakness is I feel uncomfortable until finish my work.
Please deal with me kindly, and I will engage and create strong friendship with you guys.
Thank you for giving this opportunity."
Matapos kong magsalita ay biglang nawala ang tawanan. Kahit ang ilan sa mga ito ay mayayaman.
"Take a sit" utos ng prof.
***
Matapos makaupo sa pinakadulong upuan ay huninga ako ng malalim. Sa wakas ay nalagpasan ko rin ang pagsubok na 'yon.
My Godness, akala ko mamamatay na ako sa hiya. Ni hindi ko na alam kung anong klaseng katangahan ba ang itsura ko kanina.
Shit
Matapos makabawi sa hiya ay agad na akong nakinig sa lecture. Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang dalawang lalaking walang ekpresyon kanina.
Ang unang lalaki ay masasabi kong isang guro dito dahil sa suot nya, ngunit ang nasa elevator ay parang panauhin lamang o 'di kaya ay outsider.
Hays, bakit ko ba sila pinagiiisip, ni hindi ko nga kakilala ang mga 'yon.
Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang unang klase.
Nagpa-alam na ang nagtururo't kanya kanyang daldalan ang mga estudyante.
Ako naman ay napa-pikit lang dahil sa sobrang kaantukan. Mamaya talaga ay lagot sakin ang Gerald na yon dahil sa panglalasing nya sakin. Yung bwesit na 'yon.
Iniisip ko pa lang ang mukha ni Gerald, parang gusto ko na suntukin.
Matapos ang ilang minuto ay walang pumapasok na teacher para sa susunod na subject. Ibig sabihin ay absent ang asigned teacher sa ganitong oras.
Thank God at makakapag pahinga ako.
Agad akong yumuko upang umidlip nang may nagsalita sa harap ko.
"Hey dude"
Pagangat ko ng tingin ay nakita ko ang isang lalaki, naaalala ko sya. Sya yung titig na titig sa akin kanina, na para bang may gusto sabihin sa akin.
Kunot ang noo akong humarap sa kanya.
"I'm Dawin, at eto naman si Chadler. Yung isang pa naming kasama ay si Yohan. Ikaw sino ka?"
Sa tono ng pananalita nito ay para bang gusto nila ako kaibiganin.
Ang akala ko nung una ay walang makikipag kaibigan sa akin. Dahil merong mga humors na masasama at basura ang ugali ng mga estduyante dito.
I think it's only humors.
"Ah, I'm Denver Nicholas. Nice to meet you bro"
Nakipag-kamay ako sa kanya.
"Hey, pasensya kana sa prof natin tol, gano'n talaga 'yon" natatawa tawang wika nung Chadler.
"Oo nga eh, akala ko papatayin na ako" biro ko
"Pre, kami ditong tatlo ay hindi tulad ng iba dyan na may naduduming ugali. Alam namin na nabalitaan mo na madudumi ang mga ugali ng mga nag-aaral dito. Pero ibahin mo kami, diba pre?" baling nito kay Yohan.
"Yeah" tugon ni Yohan at nag Fist Bomb ang dalawa.
"Salamat mga pre, nung una akala ko talaga wala nang nakikipag kaibigan sakin dito. May mga mababait din pala" masaya kong tugon.
"Wag ka mag-alala, lahat tayo dito magkakapatid na, you can rely on us" -Dawin.
"Salamat pre" tugon ko.
"You can count on me too" dagdag ko.
"Oo nga pala, taga saan ka?" tanong ni Yohan.
"D'yan sa Imelda"
"Imelda? I don't know na may ganyan palang Village here sa city natin" nagtatakang si Yohan.
"No, hindi sya Village" natatawa kong pagtama.
"Eh ano pala" naguguluhan nyang tanong.
"Squatter" sabi ko.
Nagkatinginan kaming apat at tsaka tumawa ng malakas.
Mukhang masaya ang pag aaral ko dito.