Keefer Alex Miguel's P.O.V
Sh*t nabitin ako. Nakakainis na bubuwit na 'to! Bigla-bigla na lang dadating. Kainis. Pero hindi ko mapigilang mapangisi ng makita ko ang red mark sa leeg niya. Since she's wearing a sleeveless yellow sando, kitang kita yung markang yun sa kanya. Maputi pa siya. Masama ang tingin niya sakin. Well, wala na siyang magagawa. Nandun na yung mark na yun ehh. I smirk. I can't stop myself earlier. I just want to tease her for a bit but I guess I can't think straight kaya sinunggaban ko ang labi niya. She kisses me back and that makes me smile even more. I got this feeling na makukuha ko siya in time and I know I can make her mine again.
"Kean, dyan ka lang okay? Upo ka lang dyan. Magpapalit lang ng damit si Mommy, okay? Intayin mo ako ahh." Sabi ni Rhea sa anak na nakaupo na sa isang dinning chair doon. Tumango naman ang bata at tumingin sakin. I looked at him also. Umalis na si Rhea. Magpapalit siguro para hindi makita yung markang ginawa ko. Nakatingin sakin yung bata. Ano bang problema ng batang ito sakin?
"What do you want, Kiddo?" Seryoso siyang nakatingin sakin. Tinignan niya ako ng masama.
"I hate you!" Sabi niya at sinamaan ako ng tingin. Napangisi ako. Alam mo, he's like his Mom. Doing the same expression pero parang may kahawig ang batang ito pero hindi ko naman maalala kung saan ko nakita. Hindi naman nito kamukha ang nanay, siguro sa Tatay 'to naging kamukha.
"Don't worry, Kiddo... The feeling is mutual." Sabi ko. Nakita kong napasimangot siya. Umupo ako sa harap niya. hindi naman kalakihan ang lamesa. Kasya ang anim na tao na kakain sa lamesa. Tinignan niya ako ng may pagtataka.
"Mutual? Ano po yun?" Tanong niya. Ngumiti naman ako. Likas akong mahilig sa bata pero syempre, sinong playboy ang ipapakita ang side na yun? Hmm?
"Mutual means pareho. We shared the same feeling. You hate me, I hate you. That's a mutual feelings." Sabi ko. Tumango tango siya. Bigla naman pumasok yung lalaking nakita ko na kalaro ng batang ito sa garden kanina.
"Kean, where's your Mom?" Tanong nito. Naka pout pa rin yung bata at mukhang irita. Well, I think he doesn't like my presence.
"Nasa taas po, magbihis lang daw po." Sabi nung bata. Tumango tango naman yung lalaki at napatingin sakin. He's not looking, he's glaring at me. So, I did the same. I glared at him. What's wrong with these people? I know my presence is intimidating but I didn't do anything wrong towards them. F*ck! I don't even know them.
"Its such an honor to meet a Miguel bukod kay Christian." Sabi nung lalaki. Nagkibit balikat na lang ako. Miguel's is one of the most influencial Family in the philippines. Lalo na ang company na hawak ni Christian. It turns out to be second on the list. Magaling naman siya sa lahat ng bagay ehh. That's what our parents told us. Christian is not a playboy, a responsible person, maingat sa lahat ng bagay. Hindi nga rin nakalingtas si Kuya Francis sa pagkukumpara sa kanila ni Christian.
"Yeah. Its not a big deal." Sabi ko. Umupo siya sa tabi ni Kean. Kung uupo naman si Rhea sa tabi ni Kean. Para silang isang pamilya. And I hate the thought of it.
"I saw you on Christian's wedding reception. You're talking with Mr. Chua." Sabi niya. Napataas naman ako ng kilay. There's something under his sleeves. Well, I will find it out.
"Mr. Chua want to establish a new company and want us to be business partners but I decline." Sabi ko. Tumango siya tapos ngumiti.
"So ikaw na rin pala ang may-ari ng R & K?" Sabi niya. Tuamngo ako.
"Yes, even though I work for Mr. Peralta I still manage it the way how my father handle it." I said. Actually, its meant for me. Kaya ganun na lang ang pangalan ng kompanyang yon.
"That is a tough job for you. Buti you can still manage. So, may time ka pa rin ba to... Play around?" Sabi niya. Napangisi ako. Sabi na.
"Hmm... If I'm going to answer you honestly, yes I have time to play around." Sabi ko. Napatiim bagang siya. Hindi ko mapigilang mapangisi pero nagseryoso ako. Seryoso siyang nakatingin sakin at ganun din ako sa kanya.
"Tito Rafael, what do you mean?" Tanong ng bubuwit. Napalingon kaming dalawa sa bata. Muntik na namin makalimutan na nageexist pa rin pala ang bata dito.
"Ha?" Yun ang nasabi nung lalaking 'to. Rafael pala ang pangalan ng lalaking 'to. Tunog pambakla. Hindi ko mapigilang mapangise.
"You said that Tito Keefer has the time to play around. What does that mean? Does he plays on the playground just like me? I used to play around. Sabi ni Mommy, its good for me since I'm still a kid. I need to explore daw sabi ni Mommy. But Tito Keefer is not a kid like me anymore right?" tanong nung bata. Napangiti naman ako. I admit. Rhea is a good woman. I can sense that she can be a good mother before and look, she is a good and kind mother.
"Uhm.... Well, Kean... there so many-" pinutol ko yung pagsasalita nung Rafael.
"Kean, even if I'm not a kid anymore that doesn't mean I can't play around. There's so many games a man like me to play." Sabi niya. Napunta naman sakin ang atensyon ng bata. Nakakunot noo ito.
"Like what?" Tanong ng bata. Ngumiti ako. Napansin ko ang pagtingin ng lalaking yon ng masama sakin. I smirked. Gustong gusto kong asarin 'to pero baka magwala 'to at ako pa mapagalitan ni Rhea.
"Like, Golf, bowling, darts and some of old games like Tumbang preso, agawang base at mataya-taya." Sabi ko at natawa. Who in their 24 years of age ang maglalaro ng pambatang laro? Nakita ko naman ang kakaibang kislap sa mata ng bata. Bumaba ito sa upuan at lumapit sakin. Itinukod nito ang siko sa hita ko at nagkapalumbabang nakatingin ito sakin.
"What's tumbang preso?" Tanong nito. He's curious. Hindi niya pa nalalaro yung larong yun? Wala akong nagawa kundi ipaliwanag kung paano laruin ang larong tumbang preso. I saw excitement in his Eyes.
"Kean, tara kakain na- what happened?" Narinig ko ang boses ni Rhea. Hindi ko mapigilang mapangisi ng nakaturtle neck long sleeves siya. Ang init ng panahon, naka ganun siya. Umalis si Kean sa tabi ko at lumapit sa nanay niya.
"Mommy, Tito keefer told me what is Tumbang preso! Mommy! May lata po ba tayo?" Tanong ng bata. Kinarga naman ni Rhea ang anak.
"Meron anak. Pero anong gagawin mo sa lata?" tanong ni Rhea sa anak. Ngumiti si Kean sa ina niya.
"Secret!" Sabi niya at nagpababa na. Imbis na lumapit si Kean sa upuan na inuupuan niya kanina ay lumapit ito sakin.
"Tito, you said you hate me but I don't hate you anymore... Do you still hate me?" Tanong nito sakin? Napatingin naman ako kay Rhea at masamang nakatingin siya sakin? What? I didn't do anything wrong. Tinignan ko itong bata tapos ginulo ang buhok nito.
"No, I don't hate you anymore." Bulong ko sa kanya. Lumapad naman ang ngiti nito tapos umupo ito sa kandungan ko. He settled himself on my lap na ikinagulat ko at ng mga tao dito.
"Kean, baka hindi komportable na nakaupo ka kay Tito Keefer mo. Bumaba ka na dyan ay kay Tito Rafael ka na lang magpakalong." Sabi ni Rhea. Tinignan naman ako ni Kean at malungkot na nakatingin ito sakin.
"Tito, ayaw mo po ba ako magpakalong sa inyo." Sabi ni Kean na maiiyak na. Tinignan ko si Rhea na parang any minute matataranta na. Tinignan ko si Kean at ngumiti.
"No, its okay baby." Sabi ko. Napangiti naman si Kean. Pumasok si Mr. Peralta. Nagulat pa ito ng makita na nakaupo si Kean kandungan ko.
"Oh, nawala lang ako saglit nagkabati na kayo. O siya tayo'y kumain na." Sabi ni Mr. Peralta at umupo sa tabi ni Rafael. Walang nagawa si Rhea kundi ang umupo sa tabi ko. Nasa akin ang anak niya, talagang wala siyang magagawa.
"Mr. Arellano, hindi ko akalain na Close pala kayo ng anak ko." Sabi ni Mr. Peralta at tumingin dun sa Rafael. Tipid na nakangiti yung Rafael.
"Classmate ho kami nung College. Hindi po ba nakwento ni Rhea sa inyo?" tanong ng Rafael. Hindi ko na lang sila pinansin at hinarap yung batang nasa kandungan ko.
"Want me to feed you, baby boy?" Tanong ko. Nagpout siya.
"I'm not a baby anymore." Sabi niya. Ginulo ko na lang ang buhok niya.
"Okay Kiddo, I'll never call you that." Sabi ko. Tumingin siya sakin at nag thumbs up. Hindi ko mapigilang mapangiti. I dunno, magaan ang loob ko dito.
"Come here, Kean. Pakakainin na kita." Sabi ni Rhea. Tinignan naman ako nung bata tapos sa ina.
"I want Tito Keefer to feed me, Mommy." Sabi nito. Nagulat naman si Rhea sa sinabi ng anak tapos sinamaan ako ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit siya galit? I just ask him.
"Hayaan mo na, Rhea. Paglagyan mo na lang ng kanin si Mr. Miguel ng makakain na." Sabi ni Mr. Peralta. Bumuntong hininga naman si Rhea bago sumunod sa ama nito. Habang nilalagyan niya ako ng pagkain ay inapakan niya yung paa ko. Napangiwi ako. Sh*t! What's her problem? Kung galit siya edi sana hindi na lang niya ginawa. Lumapit siya sakin at bumulong buti na lang at wala samin ang atesyon ng dalawang taong nasa harap namin.
"I don't know what are you up to, pero kung ano man yan, tigilan mo na!" Bulong nito pero may diin sa bawat pagsabi niya. I looked at her at seryosong tinignan siya.
"What if I don't want to? What are you gonna do?" I ask. She looks at me murderously at sinipa niya yung binti ko. "Aish!" Daing ko. Amazona kahit kailan talaga. Napalingon si Kean samin tapos nakita niyang malapit ang mukha ng ina sa akin. Agad na itinulak niya ang ina para lumayo sakin.
"Mommy, you're mine! You're making me jealous." Sabi niya. Napangiti naman ako at ginulo ang buhok ni Kean.
"I'm innocent kiddo, your Mommy is the one who gets near not me." Sabi ko. Tinignan naman ng masama ng bata ang ina. Napangisi na lang ako. Napairap naman ito.
"Jerk!" Narinig kong bulong nito at nagsimulang kumain. Pinakain ko na rin ang batang nasa kandungan ko. Ang dami niyang kinukwento, parang nanay niya. Ang daldal.
"Tito, You know I'm top 1 on my class." Pagbibida nito. May kanin ito sa mukha. Kaya tinanggal ko. At hinayaan siyang magkwento.
"Really? That's great. I bet your Mommy is proud of you." Sabi ko. Tumango siya. Sinubuan ko ulit 'tong bata.
"Of course, I'm proud of my son." Narinig kong sabi ni Rhea. Tinignan ko siya. Nakangiti siya at nakatingin sa anak niya. Yeah, I know mothers love their children as much as they love the father also. So mahal niya rin ang tatay ng batang. Sino ang tatay nito? Bukod sa hindi kamukha ni Romouldez ang bata, hindi rin kamukha ni Rhea. Pero sino?
After half hour, natapos na kaming kumain. Hindi pa rin umaalis sa kandungan ko yung bata, hindi naman ako naiinis instead natutuwa nga ako. Kanina inaaway ako ng batang ito at ngayon naman ay parang bubblegum. Ayaw humiwalay sakin.
"Rhea, I want to talk to you." Narinig kong sabi ni Mr. Peralta sa anak. Umalis na yung Rafael dahil may trabaho pa daw ito. Naiwan kaming dalawa ni Kean sa Sala. Hanggang ngayon ay nagkukwento pa rin siya. I looked at his features, I'm sure my kamukha siya. Hindi ko lang maisip kung saan ko nakita.
"Tito, Do you have a Daddy?" Tanong nito. Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso itong nakatingin sakin. Inaantay yung sagot ko. i run my fingers to his hair.
"Yeah, I have one." Sabi ko. Tumango siya tapos nag pout.
"You're lucky that you have a Daddy, Tito. I don't have one kasi. I'm afraid to tell Mommy na naiingit ako sa ibang classmates ko na may daddy tapos ako wala." Sabi nito. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot ng sinabi niya iyon. I don't feel loved by Dad but this kid's situation is worst than mine. He didn't feel he have a Dad.
"Why don't you call me Daddy instead." Sabi ko. My goal is To get Rhea back. But I wont use Kean. Hindi ko gagawin yun. I just want him to feel to have a Dad. Tumingin siya sakin at nangislap ang mga maya nito.
"Really? Can I call you Daddy?" Manghang tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Ngumiti siya ng paglalapad lapad tapos Niyakap niya ako ng mahigpit. "Yay! I have a Daddy!" Masayang sabi niya. My heart feels happy. His happiness overflows and affects me too.
I'm happy as long as this Kiddo is Happy.
Rhea Anne Peralta's P.O.V
Tama bang iwan ko ang anak ko dun kasama yung lalaking yun? Baka kung anong ituro nun na kalokohan sa babae naku! Mapapatay ko yung keefer na yun.
"Rhea, I want you to listen carefully. Instead of me, you'll go to a seminar that will happen next week. You'll be my successor, Princess." Sabi ni Dad. Tumango naman ako. Since nagiisang anak lang ako, ako talaga ang maghahandle ng Comapany mi Dad.
"I understand, Dad." Sabi ko. Nakangiting tumango siya.
"I hope you cooperate with Mr. Miguel. He'll be with you there, too." Sabi ni Dad na ikinagulat ko. Kasama ko yung lalaking yun?
"Dad, Bakit kasama ko yung lalaking yun?" Tanong ko. Bakit ba kung magbabakasyon, nandun din siya.
"He needs to be there too. Kaya sabay na kayong pumuntang dalawa doon. Kung gusto mo isama mo pa si Kean para mas komportable ka." Sabi ni Dad. Napabuntong hininga na lang ako. Do I have choice? Lumabas kami ng makarinig kami ng sigawan sa labas. Nagkatinginan kami ni Dad. Kaya lumabas kami at nakita namin na nagsisigawan sila.
"Daddy Keefer dali takbo!!!" Nangingibabaw ang sigaw ni Kean. Pero nagulat na lang ako ng marinig yung sinabi ni Kean. Daddy Keefer?
"Look at your son, parang nakahanap ng kalaro at mas masigala." Nakangiting sabi ni Dad habang nakatingin sa mga naglalaro. Si Beth ang taya at naglalaro sila ng tumbang Preso. Si Kean, Keefer at yung driver ni Dad ang tumitira sa lata. Si Kean laging sablay sa paghagis patagilid ng tsinelas at ngayon ko lang din napansin na nakapaa na si Keefer at pawis na pawis. Naka sando na rin ito habang kanina ay naka corporate attire 'to. Ang palaging nakakatama ay si Keefer at si Manong. Malamang alam na nila kung paano laruin pero si Kean kasi this is his First time. Napangiti tuloy ako ng hindi ko namalayan agad. Para silang mag-amang nagbabonding.
"Nataya na ako!" Masayang sabi ni Kean. Nakita ko naman ang masayang aura ng anak ko na ngayon ko lang nakita.
"I wont go easy on you, Kiddo!" Sabi ni Keefer at biglang napatingin samin. Napatigil tuloy siya at ibinaba ang hawak na tsinelas. Napalingon ang anak ko at agad na naging malungkot.
"You're going already, Lolo?" Malungkot na sabi ni Kean kay Dad. Tumango si Dad.
"We need to, Apo. Tito Keefer has to go because he need to work." Sabi ni Dad. Lalong naging malungkot si Kean. Patakbo itong lumapit kay Keefer na tapos ng magayos ng sarili. Yumakap si Kean kay Keefer na parang ayaw niyang paalisin ang kalaro na meron siya.
"I *sob* don't want *sob* you *sob* Daddy *sob* Keefer *sob* to go." Sabi nito habang umiiyak. Kinalong naman siya ni Keefer. Nahahabag ako sa anak ko. Ayoko siyang nakikitang ganito.
"But I need to, Kiddo. But I promise, this is not the last time na magkikita tayo." Sabi nito sa anak ko na anak din niya kung alam lang niya. Humihikbing tumingin si Kean kay Keefer tapos isiniksik ni Kean ang ulo sa leeg ni Keefer at lalong umiyak. Shems, naiiyak rin ako.
"Dito *sob* ka na *sob* lang *sob* po!" Sabi ni Kean. Niyakap naman ni Keefer ng mahigpit si Kean.
"Hush, don't cry. Look, Mommy is also crying." Sabi ni Keefer. Lumingon si Kean sakin. Pulang pula ang mata nito at humihikbi pa. Napapahid naman ako ng luha ko. "You said, you don't want Mommy to cry so you should be brave. I told you, this is not the last time we will saw each other. And we'll try other games like, Mataya-taya at agawang base okay?" Pagaalo nito at pinunasan ang luha nito. Parang sanay na sanay ito sa bata. Tumango naman si Kean at niyakap ulit si Keefer bago nagpakalong sakin.
"Aalis na kami, Rhea. I'm sorry, Apo." Sabi ni Dad. Isiniksik lang ni Kean yung mukha niya sa leeg ko pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Tinignan ko naman si Keefer na malungkot na nakatingin kay Kean tapos ng mapatingin sakin ay umiwas ng tingin.
'Di kaya gagamitin niya ang anak mo para mapasakanya ka ulit? Wag kang papayag! Wag kang padadala sa damdamin mo!' Sabi ng utak ko. Tama siya. Tinigasan ko ang puso ko. Wag kang padadaig sa kanya.
"Salamat sa pagdalaw, Dad, Mr. Miguel. Magiingat ngayo sa daan." Sabi ko. Tumango si Dad. Tinignan ako ni Keefer pero cold ang pagkakatingin ko sa kanya. Pumasok na sila sa kotse at agad ding umalis. Lalong umiyak si Kean. Kaya napahaplos na lang ako ng likod niya.
"Hush baby, I won't let you get hurt by him." Bulong ko. I don't want to trust him again.