Rhea Anne Peralta's P.O.V Next week, ay pupunta kami sa isang seminar na kasama si Keefer. At syempre kasama ang anak ko. "Tito Rafael, Taas pa po!" Sigaw ng anak ko. Napangiti ako ng makita na sinusubukan nilang paliparin ang saranggola na gawa nila Rafael at Kean. Hindi naman ganyan yan si Kean at Rafael dati. Ewan ko ba dyan. Pero ayaw naman maglaro ni Kean ng tumbang preso na si Rafael ang kasama. Gusto daw niya si Daddy Keefer daw niya. Hindi na bumalik sa pagiging tito ang tawag ni Kean kay Keefer. "Sumasalipadpad na naman ang utak mo." Narinig kong may nagsalita sa harap ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at napangiti. "Wala. Wag mo akong alalahanin." Sabi ko sa kanya tumango siya at umupo sa tabi ko. "Hay! Ang hirap talaga kapag nakikipag laro ka sa bata. Ang sakit sa likod." S

