Arcade
Tahimik akong nakaupo sa sulok ng opisina ni Arkand habang nakatitig sakaniya, abala ito sa pagaasakiso ng mga papeles na ako dapat ang pumerma pero nagboluntaryo siyang siya na ang gagawa para sa akin. Namamaga kasi ang kamay ko dahil sa hindi ko alam na dahilan, pagkagising ko ay namamaga na siya at hirap akong igalaw.
Kunot pa ang noo nito na normal naman niyang ekspresiyon. May kumatok sa pinto na agad naman niyang pinapasok kahit hindi niya nililingon, hindi pa nga ako napansin ng babae dahil hindi manlang ako nito nilingon. Bago ito lumapit sa asawa ko ay binuksan pa nito ang dalawang butones ng suot niyang fitted polo, lumitaw ang cleavage niya na may kiss mark pa.
Nakatingin lamang ako rito hanggang makalapit na siya kay Arkand na hindi manlang siya tinatapunan ng tingin. Tumikhim pa ito para para magbigay ng senyales na nasa harap na siya ng asawa ko.
"Tell me why you're here and leave." Pagsusungit nito sakaniya, napatawa naman ako ng walang tunog.
"Arkand—" Pinutol ng asawa ko ang sasabihin niya.
"Call me boss, or sir, not by my name." Inis na sabi nito habang hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin.
"Sir, Mr. Gabrielle called and he wants to talk to you." Napataas naman ang kilay ko dahil sa malandi nitong boses.
Napatingin naman si Arkand dahil sa sinabi niya, ngunit magkasalubong ang kilay nito na para bang sinasabi na "bakit?"
Yumuko pa ang babae na naging dahilan upang lumaylay ang dibdib niya sa harap ng asawa ko. Wow, ganito pala ang ganap sa opisina ng asawa ko, sinasabi naman niya ang ginagawa ng mga employees niya pero iba pa rin pala kapag nakita ko mismo.
"Ehem!" Tikhim ko, napatingin naman ang babae sa akin, habang nakataas ang kilay na nawala rin agad nang makilala kung sino ako.
Prente akong nakaupo habang nakangisi sakaniya na may pang-iinis, mukha pa itong natakot dahil sa ginawa ko.
"That's how you work in here? Is it necessary to show your cleavage to your boss?" Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa aking dibdib. "Stop doing that to my husband or i'll fire you." Pananakot ko rito, agad naman itong namutla.
"Ma'am Jace—hindi na po mauulit. I'm so sorry!" May halong takot ang boses nito, halos lumuhod pa sa harapan ko.
Bumalik naman sa trabaho si Arkand na para bang walang nangyayari sa paligid niya.
Good job!
"You may leave." Utos ko rito, mabilis naman itong naglakad palabas.
Bigla akong nawala sa mood, kaya dahil do'n ay nabato ko ng ballpen si Arkand, nagulat pa ito sa ginawa ko.
"What the—Hey wife! Why did you do that?" Pagtataka nito, iniripan ko lang siya.
Napakamot ito ng batok bago lumapit sa akin.
"Why did you do that, baby? Did i do something wrong?" Malambing na boses na tanong nito.
"Tsk! Kaya pala palagi kang maaga pumapasok, dahil may nakikita ka ritong malaki." Tinaasan ko pa ito ng kilay.
"What? Anong malaki?" Kumunot ang noo niya.
"Malaking suso!" Singhal ko rito.
"Baby, your words." Bawal nito sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin.
Ayaw na ayaw niya talaga kapag nagsasalita ako ng may pagkabalahura sa harap niya, soft spoken kasi siya, eh ako kasi hindi naman ako gano'n.
"Baby, are you mad? I didn't even look at her thingy." Pagmamaktol nito, hindi ko pinansin.
"What? Hindi mo tiningnan pero alam mong mayroong nakalabas?" Pinanliitan ko siya ng mata.
Tsk. Bahala siya 'no, sigurado nagustuhan niya ang malaking dibdib ng babaeng 'yon. Pasensya naman kung hindi gaanong malaking ang dibdib ko, palagi kasi akong nasa gym.
Halos mapasigaw ako nang buhatin niya ako na walang kahirap hirap paupo sa ibabaw ng hita niya.
"What?" Pagsusungit ko sakaniya, ngumiti lang siya sa akin at humalik sa labi ko.
"Does your hand still hurts?" Malambing na tanong nito.
"Yeah, a bit." Sagot ko.
"Do you want me to massage it?" Pagboboluntaryo niya, tumango lang ako.
Dahan dahan niyang minasahe ang aking kamay habang nasa kandungan niya pa rin ako. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat niya at sininghot ang damit niya.
Ang bango bango niya talaga!
"Hon, how's your parents?" Tanong ko sakaniya.
"They're okay, and they are planning to visit here next week or maybe next month. I'm not sure." Napatigil naman ako.
Ramdam ko ang pagka digusto sa akin ng mga magulang niya simula noong ikasal kaming dalawa, ni hindi nga sila pumunta sa kasal. Hindi naman ako nasaktan dahil hindi ko na sila binigyang pansin, may ilang beses din naman nila akong binastos, lalo na ang mama niya na si Areah.
Hindi ko na siya sinagot at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya, napaitlag pa siya pero hindi naman nagsalita.
"Date tayo." Ani ko habang nakasiksik pa rin ang mukha sa leeg niya.
"Ngayon na ba?" Malambing ang boses nito.
"Oo sana kung papayag ka." Sagot ko at tumingin sakaniya.
"Okay." Aniya at humalik sa aking labi ng maraming beses.
Tumayo ako sa kandungan niya at inayos ang suot na leather jacket, maulan kasi ang panahon ngayon kaya malamig. Nauna akong lumabas sakaniya ng opisina kaya hindi maiiwasan ang bulungan ng mga empleyado.
"Alam mo na ba ang chismis? Uuwi na raw next week si Ma'am Haruka galing Russia." Bulong 'yon na rinig ko pa rin.
Haruka, that woman.
"Ha? Paano kapag nagkagulo?" Sagot naman ng isa.
Nilagpasan ko na lang sila. Naramdaman kong may yumapos sa aking bewang, ang asawa ko. Nginitian ako nito at humalik sa aking noo.
"Kabagal mo maglakad." Singhal ko rito, napatawa naman siya.
Taimtim kaming nag-uusap habang palabas ng building, marami pa kaming nakasalubong na tao, karamihan doon ay bumabati, ang iba naman ay walang pakealam pero hinayaan na namin.
Napag desisyonan naming kumain at maglibot kung saan saan, gusto raw niyang pumunta sa arcade at maglaro sa claw machine. Gusto niya rin yatang mamili ng mga damit.
Saksakan ang dami ng damit niya sa walking closet sa kuwarto.
Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay agad siyang naglabas ng cash, sa tingin ko ay nasa 20k 'yon. Gastador talaga si Arkand, 20k para sa arcade.
"Are you sure na gagastos ka ng 20k para sa arcade?" Tanong ko rito.
"Minsan lang tayo pumunta rito e. Let's have fun, baby." Ngumiti pa ito ng matamis sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Napunta sa amin ang atensyon ng mga tao, kinikilig pa ang iba, lalo na 'yung mga estudyante.
"Hala ano ba 'yan, nakakakilig naman sila." Parang kinukurot sa singit.
"Oo nga, tapos pareho pa silang cool. Bagay na bagay sila." Napairap na lang ako sa hangin.
Hindi na namin sila pinansin at nagpunta sa claw machine. Nakuha ng isang malaking Kuromi plushie ang atensyon ko, mukhang mahirap kunin dahil malaki.
"I want that Kuromi plushie." Turo ko.
Agad naman siyang umalis sa tabi ko, hindi ko alam kung saan siya pupunta, nabwisit yata sa sinabi ko dahil hindi niya kayang kuhanin 'yon, napatawa na lamang ako sa sariling iniisip.
Maya maya ay bumalik ito, nagulat pa ako sa dami ng dala niyang tokens, isang supot na malaki na puno.
Lakas ng tama e
"You want that plushie?" Tanong niya.
"Yeah." Maikli kong sagot.
Lumapit siya sa machine at naghulog ng token, masyado pa siyang naka focus sa paggalaw niya sa machine, hanggang sa.....
"Yes!" Mahinang sigaw niya ng makuha niya kaagad ang pinapakuha ko.
Mabilis niya iyong kinuha at inabot sa akin, ngumiti naman ako ng malapad sa kaniya.
"Tsk! Wala manlang kiss." Pagpaparinig niya sa akin. Lumapit naman ako sakaniya para bigyan siya ng halik sa labi.
PDA
Pagkatapos niya sa claw machine ay pumasok naman siya sa pinaka-loob ng arcade para maglaro ng mga kung anek-anek.
Nagtitinginan ang mga tao sakaniya, lalo na ang mga babae.
Damn handsome man!
Kumapit ako sa braso niya, at hinilig ang ulo sa balikat niya, bawal siyang maagaw sa akin, nambabaril ako ng kahit na sino. Kidding!
"I want to dry that horse, baby! Let's go there!" Parang bata niya akong hinila papunta sa carousel na malaki.
Maraming tao ro'n, karamihan ay buong pamilya na sobrang saya habang nagbobonding. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa aking mga nakikita sa mga oras na 'to, hindi ko rin maiwasang mainggit.
Namatay ang mommy ko noong bata pa lang ako, ang tatay ko...he left me and my mom for another woman, naging cause 'yon ng pagkamatay ni mommy, na-heart attacked siya noong malaman niyang may babae ang tatay ko.
I miss my mama
"Wife! Look here!" Pagtawag ni Arkand. Nakasakay siya ngayon sa carousel habang ako ay hindi sumama, mabilis kasi akong mahilo.
Nilabas ko ang cellphone ko upang kuhanan siya ng pictures at videos, ipopost ko 'yon sa social medias ko pagkatapos namin dito.
Inabot din ng limang minuto ang pagsakay niya sa carousel, halata namang enjoy na enjoy siya dahil nagulo pa ang pagkakaayos ng buhok niya na kanina'y naka gel pa.
"Let's eat, hon. I'm hungry." Pag-aaya ko rito, tumango naman siya.
Bago kami pumunta sa kainan ay napagdesisyonan naming ilagay muna sa sasakyan ang mga dala namin, mahihirapan kasi kaming kumain kung meron kaming bitbit na malaki, pero syempre bitbit niya pa rin ang tokens na binili niya kanina.
Nakahawak ang matipuno niyang braso sa aking bewang, may ilang beses niya pa 'yong piniga na para bang nanggigigil sa akin.
"Stop doing that." Suway ko rito, napatingin naman siya sa akin.
"Wife, i'm horny." Napamulagat ako dahil sa sinabi niya.
What the hell?
"Pigilan mo 'yan, nasa public place tayo." Pagtataray ko, napabuga naman siya ng hangin.
Parang walang ganang naglalakad si Arkand habang papunta kami sa kainan na malapit, wala pang restaurant dito, pilit siyang naghahanap ng restaurant. Naka-ilang pilit pa ako sakaniya bago siya pumayag na kumain sa isang karenderya.
Sabi pa niya baka marumi 'yung pagkain tapos magkasakit kaming dalawa, inexplain ko naman sakaniya na hindi marumi ang mga pagkain doon at safe.
Nang makapasok kami ro'n ay nasa amin ang atensyon ng mga tao, o sakaniya? Lahat yata ay nakatingin sakaniya, ang ilan siguro ay kilala siya dahil sikat siya sa mga magazine's.
Naupo kami sa pinaka gilid na pwesto, baka mailang ang asawa ko kung lahat sila nakatingin sa amin.
"Sure ka ba na safe rito???" Nag-aalalang tanong niya, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Safe nga rito, kumain na ako rito ng maraming beses, kaya sure ako." Ani ko, hinawakan ko pa siya sa kamay.
Tinawag na namin ang serbidor para umorder ng pagkain, nagbigay pa ito ng menu kaya madali kaming nakapili ng pagkain, marami rami ang pagkain na binili namin dahil gutom kami pareho.
Hinilig ko ang aking ulo sa balikat niya, nangangawit kasi ang leeg ko, hindi ko alam kung bakit, mabilis din akong mapagod nitong mga nakaraang araw.
"Ate Agatha! Nandito po pala kayo?" Nagulat ako nang makita ko si Anie.
Ang alam ko ay nasa Laguna siya at nag-aaral, palagi kaming magkasama noon dahil magkalapit kami ng bahay, dalawang taon kona rin siyang hindi nakikita dahil abala ako sa trabaho.
"Anie, bakit narito ka?" Tumayo ako para lumapit sakaniya. "Maupo ka." Aya ko, naupo naman siya.
"Ate, sino po siya??" Tukoy niya kay Arkand na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa.
"Ahm si Arkand, asawa ko hehe." Sagot ko sakaniya.
"Ay kilala ko siya ate, nakikita ko siya sa magazine sa school namin." Pinamulahan pa ito ng pisngi.
"Oh, bakit nga narito ka? Bakasyon niyo ba?" Pagbalik ko sa tanong ko kanina.
"Hindi po ate, tumigil na po ako sa pag-aaral e. Wala na kasing budget para pag-aralin ako." May lungkot sakaniyang boses, napayuko pa siya.
"Akala ko ba nagpapadala ang tatay mo?" Pagtataka ko.
Ayon nga ang sabi niya, nagpapadala raw ang tatay niya na nasa ibang bansa, hindi niya pa naman daw nakikita ang ama niya, pero nagpapadala naman daw para makapag-aral siya ng kolehiyo.
"Ewan ko ate, biglang hindi na raw siya magpapadala, hanapin ko raw ang kapatid ko dahil kaya raw akong pag-aralin no'n." Sagot niya at tumingin sa akin. "Hindi ko alam kung paano ko hahanapin 'yung kapatid ko na sinasabi niya, wala naman siyang binigay na litrato." Napaasim pa ang mukha niya
Oo nga naman, paano niya hahanapin 'yung hindi niya alam ang mukha.
"Gusto mo bang kumain?" Tanong ko
"Hindi na ate. Btw, dito pala ako nagtatrabaho. Dito kayo palagi kakain para meron kaming customer hehe." Ngumiti pa siya ng malaki, kita tuloy ang maliliit niyang ngipin.
Nagpaalam na rin siya na babalik sa trabaho baka raw pagalitan siya ng amo niya. Pagkaalis niya ay maya maya lang dumating na ang pagkain namin.
Kare-kare, adobo, sinigang at bicol express ang ulan na inorder ko, hindi naman siya pamilyar sa mga pagkain na nasa menu kanina.
"Masarap." Usal niya ng matikman niya ang bicol express.
"Told yah." Kinindatan ko pa siya.
Nag-simula na rin akong kumain, maganang kumain si Arkan dahil nasasarapan siya sa mga ulam na nakahain, kung ano ano rin ang binubulong sa bawat subo niya. Parang baliw lang siya.
Pagkatapos naming kumain ng kanin at ulam ay sinunod namin ang dessert na inorder namin. Halo-halo at dirty ice cream.
Tinuruan ko pa siya kung paano kainin ang halo-halo, kainin ba naman niya kaagad 'yung leche plan at ube sa ibabaw, ayon wala tuloy lasa.
"I told you not to eat the toppings." Pagtataray ko.
Sa huli ay nagpalagay siyang muli ng leche plan at ube, pero ang binili ay isang buong liyanerang leche plan at isang tub ng ube. Matakaw.
Nasarapan naman siya sa kinakain niya, siguradong bukas na bukas ay babalik kami sa gym dahil sa dami ng kinain naming dalawa ngayon.
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming bumalik sa arcade, maraming laro doon na kailangan ay tokens, pero dahil marami kaming tokens ay hindi na namin kailangan bumili. Marami pang bata ang nakatingin sa tokens na dala namin, sobrang dami ba naman.
Napansin ko ang isang bata na nakatingin sa amin, madungis ito at malungkot sa mukha, napapatingin siya sa mga batang naglalaro, halata ang inggit sakaniyang mukha.
Sinenyasan ko siyang lumapit sa amin, mabilis naman siyang naglakad palapit sa amin.
"Mag-isa ka lang ba?" Tanong ko sakaniya.
"Opo, bakit po?" Magalang na sagot nito.
"Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong kong muli.
"Wala po, nasa trabaho po sila, nangangalakal." Medyo nahihiya niyang sabi at napayuko.
"Gusto mo bang maglaro?" Tanong ko, mabilis naman siyang tumango at ngumiti.
Liningon ko si Arkand na ngayo'y matiim na nakatitig sa akin, may munti itong ngiti sa kaniyang magandang labi.
"Give him some of our tokens." Utos ko sakaniya, agad naman siyang sumunod.
Nagulat naman ako dahil lang tokens ang ibinigay niya sa bata, kundi pati pera, puro isang libo ang ibinigay niya sa bata. Mas lalo pa akong nagulat nang binigyan niya ang calling card at address ng bahay namin.
"Here, tell your parents to call that number and go to that address." Aniya, napakamot naman ng batok ang bata.
"Ha?" Napatanga ang bata sakaniya.
"Sabihin mo sa mga magulang mo na tumawag sa numero na 'yan, tapos pumunta sa address na binigay ko." Pag-uulit niya.
"Bakit po??" Takang tanong ng bata.
"Bibigyan ko sila ng trabaho." Maganda ang sinabi niya pero seryoso pa rin ang mukha.
Nagliwanag ang mukha ng bata. "Salamat po!" Yumakap ito kay Arkand na ikinagulat niya.
Pagkatapos ay yumakap din siya sa akin.
"Ako po pala si Marcus." Pagpapakilala niya.
"Nice name. I'm Arkand, and that's my wife, Agatha Jace." Pagpapakilala niya sa bata.
Napatango naman ang bata. "Aalis na po ako, salamat po rito ate at kuya, ibabalita ko po ito kila nanay at tatay." Paalam niya at mabilis na tumakbo paalis.
Napangiti naman ako dahil sobrang inosente ng batang 'yon.
Ps: if naka encounter kayo ng grammatical errors and typos just comment it, para ma-edit ko.
I know to myself na hindi ako gano'n kagalimg magsulat, pero there's always a room for improvement! Thankies!
Don't forget to vote!