Prologue
Hawak ko ang isang maliit na dagger sa pagitan ng aking mga daliri habang naglalakad papunta sa isang silid kung nasaan ang lalakeng hinahanap ko.
Tsk. They kidn*pped him for no reason kaya ako narito para iuwi na ang lalakeng 'yon, hindi kasi nag-iingat kaya laging natatangay ng kung sino sa kalsada.
Nang makapasok ako sa silid ay lumantad sa aking ang duguang mukha ng lalake, nakayuko ito at nakaupo at upuan, nakatali ang kamay at paa, marumi rin ang damit. Agad na nagdilim ang paningin ko sa galit dahil sa nakikita ko, i told them not to hurt this man.
Tinapik ko nang marahan ang pisngi niya nang makalapit ako sakaniya, agad naman siyang nag taas ng tingin, nanlaki pa ang mata nito nang makita akong nasa harap niya.
"Wife....." Hirap na usal nito, putok din ang labi niya at namamaga.
Mabilis kong tinanggal ang tali niya sa katawan. Mabuti na lang at tinapos na ng mga kasama ko ang mga tao rito, mga sagabal sa pagmamahalan namin ng asawa ko.
"Tsk. Nakaka-ilan kana." Pagbibiro ko rito.
"Sorry, i didn't mean this to happen." May bahid ng hiya ang kaniyang boses, mahina iyon at halatang nahihirapan.
Inakbay ko ang braso niya sa aking balikat upang makatayo siya at makaalis na kami rito, baka mamaya ay may dumating pang iba rito at atakahin muli kami, mahirap na.
Dahil marami naman kaming dalang sasakyan ay mabilis kong naiuwi ang asawa ko sa bahay namin. Nagulat pa ang mga kasambahay dahil sa itsura nitong bugbog sarado at puro dugo sa mukha.
"Wife, it's hurt." Pag-iinarte nito nang makapasok kami sa aming kuwarto.
"Papakain ko sa'yo 'tong bulak kapag hindi ka lumubay." Pananakot ko, napayuko naman ito.
Kinukuha ko ang first aid kit sa side table habang siya ay daing nang daing sa gilid ko. Ang arte talaga kahit kailan.
Nang matapos ako igayak ang first aid kit ay kinuha ko siya nang malinis damit sa walking closet, nagpakuha na rin ako ng mainit na tubig sa mga katulong upang linisin ang balat niyang puro grasa yata 'yon o kung ano man 'yon.
"Hey, change your clothes after i clean you up." Ani ko at sinimulan na siyang punasan ng maligamgam na tubig sa balat.
Dumadaing pa ito dahil makirot ang iilan niyang sugat, lalo na ang sugat niya sa mukha na magang maga. Matapos ko siyang punasan ay agad din siyang nagpalit ng damit.
"Wife, ouch! It's hurt." Daing nito kahit iodine lang naman ang pinapahid ko sa sugat niya.
Buti na lang at mahal ko siya. Hays
"Huwag kang malikot, i'm cleaning your wounds." Pagbabawal ko rito, kislot nang kislot ang loko.
"Arkand, i said stop moving." Matigas kong sabi, napatigil naman ito.
Para itong bata na sinusuway ng nanay niya dahil sa kakulitan, hindi ko alam kung anong pinainom nila sakaniya at nagkaganito. Hindi ganito ang ugali ng asawa ko, palagi itong seryoso at nakabusangot ang mukha
Dahil hindi na ito naglilikot ay natapos ko kaagad ang paglilinis ng mga sugat niya, nilagyan ko pa siya ng gasa sa noo niyang malaki ang sugat.
"Magpahinga kana." Utos ko rito.
"You rest, too." Malambot na sabi nito.
Nahiga ako sa kama kung saan siya nakaupo ngayon, mabilis naman siyang nahiga rin, ginawa pang unan ang tiyan ko. Ganito siya kapag pagod, naglalambing ng sobra na parang bata.
"Are you feeling okay? Hmm?" Malumanay kong tanong.
"Kumikirot ang mga sugat ko, wife." Mahinang sagot nito.
"Tumaas ka ng higa mo, dito ka." Tinuro ko pa ang unan na nasa tabi ko lang, agad naman siyang sumunod.
"Tell me what did they do to you, hon." Utos ko rito at hinalikan siya sa labi.
"They punched me a multiple times, they even tried to burn my skin using a cigarette, after that they slice my cheek." Kwento nito.
Namuo na namang muli ang galit sa aking dibdib na kanina ay nakatago na. Sinusuklay ko ang kaniyang buhok gamit ang aking mga daliri nang dahan dahan, ayon ang paraan nang pagpapatulog ko sakaniya.
"May pinainom ba sila sa'yo?" Tanong ko.
"Yeah, a yellow liquid, that's all i remember." Mahinang sabi niya.
Maya maya lang ay narinig ko na ang paghilik niya, napatawa pa ako nang mahina dahil hindi naman siya naghihilik kapag natutulog kaming dalawa, siguro ay sobrang pagod ang katawan niya ngayon.
"Sweet dreams." Bulong ko sa kalagitnaan ng tulog nito. Hinalikan ko siya sa labi at sa noo.
Umalis ako sa pagkakahiga para linisin na rin ang aking sarili, amoy akong semento dahil sa engkwentro namin kanina.
Naligo ako nang mabilis dahil baka magising si Arkand at hanapin ako, paranoid pa naman ang isang 'yon, lalo na ngayon ba wala siya sakaniyang sarili, baka bigla na lang siyang umiyak.
Nagsuot lamang ako ng fitted black sando at army green na shorts, naglagay na rin ako ng pabango dahil hindi talaga kaaya aya ang amoy ko ngayon.
Siguro ay pagkalipas ng ilang araw ay mawawala ang epekto ng gamot na pinainom nila kay Arkand, hindi pwedeng magtagal na ganito siya, hindi safe kapag ganito siya.
"Okay na ba ang asawa mo?" Tanong ni Kali habang pumapapak ng palaman.
Nagpunta yata siya rito para papakin ang mga palaman namin sa fridge, mamaya ay magtatae ang babaeng 'to.
"Yeah, pinapagaling na lang ang mga sugat niya."
Ilang araw palang ang lumipas kaya hindi pa magaling ang mga sugat niya dahil karamihan doon ay puro malalim at mahaba, nilalagyan ko pa 'yon bg ointment sa umaga at gabi para hindi magpeklat.
"What are you planning to do now?" Tsk. Wala akong balak ngayon kung tutuosin, pero ang mga gagong 'yon.
"I don't have any plan right now. My husband can manage them." Seryosong sambit ko.
My husband can manage them, hindi muna ako mangengealam sa mga balak niya, magpapahinga muna ako sa mga away na darating.
"Jace, you know your husband, he will kill them all barehanded." Bakas ang kaba sakaniyang boses.
Kinakabahan siya na baka patayin ng asawa ko ang mga taong iyon, sila naman ang may kagustuhan na mangyari 'yon, they kidn*pped him to get me down.
"I know, Kali." Ngumiti ako sakaniya ng maliit.
"Goodmorning, wife." Bungad ni Arkand at humalik pa sa labi ko. "What are you guys talking about?" Tanong nito.
"It's nothing, don't mind us. Are you going to work na ba?" Hinalikan ko ito sa pisngi.
"Wow ah? Infront of me? Really?" Naaasiwang sabi ni Agatha, hindi naman namin siya pinansin.
"Maayos na ba ang pakiramdam ko?" Tanong ko habang inaayos ang necktie niya.
"I feel better now, baby." Anito at humalik sa aking labi.
"Take care, okay? Call me if something happen." Pagpapaalala ko rito, tumango naman ito at ngumiti ng matamis.
Maya maya lang ay nagpaalam na itong aalis papuntang opisina niya. Noong una ay ayaw ko pa talagang pumayag na papasok siya sa trabaho, baka mabinat siya at dumugo ang mga sugat, pero dahil mapilit siya ay pinayagan ko na lang.
"Ang babastos ah, hindi manlang ako pinansin." Napatingin naman ako dahil sa sinabi niya. "I mean hindi niyo manlang pinansin sinabi ko." Pahabol nito.
Kinunutan ko naman siya ng noo dahil sa tono ng pananalita niya. Tsk!
"Wala ka bang trabaho ngayong araw?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Wala, naka 3months leave ako." Sagot ko naman.
"Bakit ka naka-leave?" Takang tanong nito.
"Magpapahinga lang ako, gusto ko muna magbakasyon." Simple kong sagot, napatango lang ito.
Hindi ko alam kung bakit parang naiilang siyang makipag-usap sa akin, parang meron din siyang iniiwasang pag-usapan.
Hindi ko naman na siya tatanongin, ilang buwan ko palang siyang kaibigan, ang kapatid niya ang talagang kaibigan ko, siya ay parang hindi ko alam.
That's all for our prologue. Thank you for reading! :)