Preggy
Bagsak ang katawan naming dalawang pag-uwi ng bahay, nagtataka pa ang mga katulong kung bakit pareho kaming madungis.
Pagkatapos kasi namin sa arcade ay nagpunta kami sa isang park para maglaro ulit, at aksidente kaming gumulong sa putik, napilitan tuloy kaming umuwi. Ang puti niyang polo ay nagkulay kayumanggi dahil sa putik, tinapon niya 'yon pagkauwi namin baka raw mahirapan maglaba ang katulong kung ipapalaba niya pa.
Natatawa pa ako sa itsura naming dalawa, lalo na sa itsura niya, ako kasi ay sa damit lang ang putik, siya ay pati sa mukha meron.
Masama ang tingin niya sa akin pagkalabas niya ng banyo, kakatapos lang niyang maligo, umabot yata ng isang oras bago siya matapos, saksakan ng arte sa katawan ang lalaking 'to.
"Tsk. It's not funny." Singhal nito, napanguso naman ako.
Nagtatampo akong tumalikod sakaniya at nagtulakbong ng kumot. Siguro ay ayaw na niya sa akin, baka may iba na siya kaya hindi siya natutuwa.
Tsk! Bahala ka sa buhay mo.
Nag tulog-tulogan ako at hindi siya pinansin, naglalambing naman niya akong niyakap habang hindi pa rin tinatanggal ang kumot sa aking katawan. Subukan niya lang tanggalin 'yan.
"Wife, are you mad?" Malambot ang boses na tanong niya, hindi ko pa rin siya kinibo. "Baby, talk to me. I'm sorry." Tinanggal niya ang kumot sa gawing ulo ko para patakan ako ng halik doon.
"Aray!" Daing niya ng kurutin ko siya sa balikat.
Ang loko ay naka topless habang nakayakap sa akin, ang sar—bastos niya.
"Magdamit ka ka nga. Hindi ka ba nilalamig?" Singhal ko sakaniya.
Napasigaw ako nang bigla niya akong ibabawan, pero agad ding natahimik nang siilin niya ako ng halik, nagulat man ako'y agad ding tumugon sa halik niya.
Mula sa mabagal ay naging mabilis ang paggalaw ng labi niya na sinasabayan ko naman, mapusok ang kaniyang mga halik na haloa hindi na ako makahinga. Naglalakbay ang malikot niyang kamay sa aking katawan, kung saan saan 'yon dumadaan, ngunit napako sa isang kamay niya sa aking dibdib.
Napatigil kami sa aming ginagawa dahil sa katok sa pinto.
"f**k!" Inis na sabi niya at mabilis tumayo para buksan ang pinto. "What?!" Bulyaw niya sa taong nasa pintuan.
"S-sir may tao po sa b-baba." Napayuko na lang ang katulong dahil sa takot.
Mabilis namang nagbihis si Arkand, inayos ko rin ang itsura ko dahil nagulo ang buhok ko dahil sa ginawa niya kanina.
Magkahawak kamay kaming bumaba sa living room, sobrang ang pagkakunot ni Arkand habang pababa kami ng hagdan, mas lalo pang kumunot 'yon bg makita niya kung sino ang nasa baba.
"Damn you, Arya. What are you doing here?" Inis na tanong nito sa kapatid niya na ngayo'y nakangiti sa akin.
"Sino namang nagsabi na narito ako para sa'yo? I'm here because i want to see your wife. Asshole!" Mabilis itong naglakad papunta sa akin at yumakap, gumanti naman ako sa yakap niya.
Pagkatapos ng yakapan session ay inaya ako nitong maupo, wala itong pakealam kung nandito lang ang kapatid niya at masama ang tingin sakaniya, basta siya e tuwang tuwa na makita ako.
Napatingin ako sa tiyan niya ng hindi sinasadya, maluwag ang suot niyang damit pero dahil nakaupo siya ay nahahalata ang umbok, bilog na bilog ang tiyan niya kahit hindi kalakihan.
"Arya, may sasabihin ka ba sa amin?" Tanong ko at pinanliitan siya ng mata, tumingin din ako sa tiyan niya para malaman kung ano ang tinutukoy ko.
"Ah hehe, wala." Pagtanggi niya at umiwas ng tingin, sumipol sipol pa.
"Tsk. You're pregnant, dumbass." Singit ni Arkand, inirapan naman siya ni Arya.
"Yeah yeah, i'm 16weeks preggy." Pag-amin niya.
Nagkatinginan naman kami ni Arkand na puno ng pagtataka, nagtataka kung paano siya nabuntis dahil wala naman siyang boyfriend.
"What the hell? How did you get pregnant? You don't even have a boyfriend or a lover." Ani Arkand, napatango naman ako bilang pag sang-ayon.
"Bakit? Kailangan ba may boyfriend para mabuntis?" Mataray na tanong niyan.
"Malamang!"
"Of course!"
Sabay na sabi namin Arkand.
"E ganito kasi 'yan." Panimula niya.
"Go, tell us." Utos ni Arkand, iniripan naman ni Arya.
"Ahm, may naka one-night-stand ako." Napakagat siya ng labi, ako naman ay napanganga. "Tapos ayon, tinakbuhan ko, akala ko kasi hindi ako mabubuntis kasi isang beses lang naman 'yon, tsaka virgin pa ako no'n." Bakas ang hiya sa boses niya.
Kaya siguro gusto niya akong makita dahil naglilihi siya, at ako ang pinaglilihian niya ngayon.
"And then?" Tanong ni Arkand.
"Kuya" pagtawag niya sa kapatid.
"Ahmm why?" Malambing na sambit nitom
"Si Laurence, Kuya." Napamaang ako dahil sa sinabi niya.
Si Laurence ay ang best friend ni Arkand simula elementary, ngayon ay sinasabi ni Arya na si Laurence ang nakabuntis sakaniya. What the freak?
Galit na tumayo si Arkand at mabilis naglakad paalis, mabilis naman namin siyang pinigilan dahil siguradong pupuntahan niya ang kaibigan niya at bugbugin.
"Kuya, huwag na. I can handle this." Pagpigil ni Arya sakaniya.
"Arya, no! That guy has a girlfriend, and he f*****g got you pregnant!" Inis na bulyaw ni Arkand.
Napahilamos siya ng mukha dahil sa inis, namumula ang tainga niya dahil sa inis, hinawakan ko naman siya sa kamay upang pakalmahin.
"Let Arya decide for them, hon." Nginitian ko siya ng maliit.
Bumuga siya ng hangin na para bang sumusuko na sa aming dalawa, hindi rin naman niya papakealam ang desisyon ng kapatid niya, siguro ay bibigwasan lang niya ang kaibigan at sasabihing wala lang.
Malakas tama ng asawa ko e.
Inalalayan niya pabalik ng living room si Arya, dahan dahan pa itong maglakad, natawa naman ito dahil mukhang tanga ang kuya niya na ingat na ingat sa kaniya.
"Sorry for disturbing you guys." Paumanhin niya. "I just don't know who to tell this." Dagdag niya.
"Pamilya tayo, Arya. You don't have to say sorry, and besides hindi mo naman kami naistorbo."
"Istorbo 'yan." Bulong ni Arkand, hinampas ko naman siya sa braso.
"What are you planning to do?" Tanong ko sakaniya.
"Ewan ko? Ayoko namang guluhin ang relasyon nila ang girlfriend niya, itatago ko na lang 'to." Ngumiti siya ng maliit, kita ang lungkot sa mga mata niya.
"What? How are you gonna raise that child?" Tanong ni Arkand.
"Malamang papalakihin ko. Jusmeyo naman kuya." Iniripan niya pa ang kuya niya.
"Stupid." Bulong nito. "Gabi na tapos pumunta ka pa, paano kung napahamak ka?" Sermon ni Arkand.
"May kasama akong driver, ang oa mo." Singhal ni Arya.
"Doon ka matulog sa guest room, matutulog na kami. We'll talk tommorow, okay?" Lumapit siya sa kapatid at humalik sa noo nito.
Hinila ako nito sa kamay habang may mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi, mukhang may masamang balak sa akin ang mokong, pero inaantok na ako kaya sa susunod na siguro namin 'yon gagawin.
Nang makapasok kami sa kuwarto ay agad aking nag-hikab para ipakita sakaniya na gusto ko nang matulog at magpahinga.