Episode 2: Meet Tyrone "The mahilig"

552 Words
Tyrone's POV: Hi! you can call me Tyrone. That's what my mom called me. Dalawa kaming magkapatid. Si Tara ang bunso kong kapatid. Our dad died since Tara was 3 years old. 18 years old naman ako nun. I am 33 years old at kasalukuyan kong pinapatakbo ang kotse ko papunta sa company na ipinundar ng dad ko bago sya mamayapa. Nagmamadali akong magmaneho dahil ilang minuto nalang ay mali-late na ako sa meeting namin ng investor ng company ko na naghihintay ngayon sa opisina ko. Medyo mabilis ang takbo ng sasakyan ko habang papalapit ako sa intersection na dadaanan ko nang biglang may sumulpot na tricycle sa harap ko. "s**t!" nasambit ko nalang at tinapakan ko kaagad ang preno ko ngunit huli na dahil nasalpok ko na ang side car nito. hininto ko kaagad ang kotse ko at bumaba ako. "tarantado tong driver na to ah! porke't naka kotse ay akala mo hari na ng kalsada?" bulyaw kaagad ng babaeng pasahero nito. sa tingin ko ay isa syang estudyante base sa suot nitong uniform. "God! are you guys alright?" nagaalala kong tanong agad sa driver ng tricycle at sa pasahero nito. "Putok ang nguso ko dahil sa pagkakabangga mo sa sinasakyan ko tapos tatanungin mo kame kung okay lang kame? bulag ka ba??" pagtataray ulit ng babaeng pasahero. medyo mainit na rin ang ulo ko dahil nag approach na nga ako sa kanila ng tama tapos puro pagtataray naman ang ibinabato sa akin ng babaeng ito. "Look, I'm sorry for what happened miss. pero nagmamadali kasi ako. here's my calling card and here's some cash. manong driver, pakidala po muna sa pinaka malapit na ospital ang pasahero mo. you guys can call me pag nandun na kayo. I promise susunod ako dun. imi-meet ko lang ang napaka importanteng ka meeting ko sa aras na ito. Hindi ko kayo tatakbuhan I promise." mahabang pakikiusap ko sa kanila. "Aba! napakayabang naman pala ng taong ito! sa tingin mo ba ikaw lang ang nagmamadali? may klase ako at maraming-maraming salamat sayo dahil malamang late na ako!" mangiyak-iyak nang wika nito. at nakonsensya naman ako. "haaaaaaay! okay, I got it!" naawa ako sa babaeng ito dahil duguan nga ang nguso nya. mabuti nalang at hindi naman yata ganun kalala ang natamo nya dahil sa pagkakabangga ko sa kanila. yung driver ay nakakausap ko din at mabait naman ito. itong babae lang talaga ang mataray at naiintidihan ko naman sya. "okay, we need to go to the hospital now. manong pwede po bang sumunod nalang kau sa amin? isasakay ko itong pasahero mo sa kotse ko para ako na ang magdadala sa kanya. kailangan mong sumunod para mapatingnan ko narin kayo dahil may sugat ka din aa kamay." "okay lang ako sir. itong pasahero ko nalang ang alalahanin mo" sagot naman ng driver. "no, you need to be check po. I insist. at doon narin natin pag-usapan ang tungkol sa nasira mong side car." wala nang nagawa si manong driver at sumunod narin ito. habang bumabyahe kame papunta sa pinakamalapit na ospital ay tahimik lang itong sakay ko. tinawagan mo muna ang secretary ko na naghintay sa opisina ko para ipaalam sa kanya ang nangyari at para masabi narin nya sa ka meeting ko ang panghihingi ko ng pasensya. pinapa re-schedule ko nalang ang meeting namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD