Episode 1: Meet Sofi "The Probinsyana"
Sofi's POV:
"Gosh! Late na naman ako!"
dali-dali akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa aking kama. Ako nga pala si Philosophy. Sofi kung tawagin ng aking pamilya at mga kaibigan. 19 years old at isang working college student. Hindi ko na idi-detalye kung ano ang kursong kinuha ko. Basta ang mahalaga, studyante ako at magtatapos ako anuman ang mangyari.
7:40 na ng umaga nang magising ako at 8:00am sharp ang pasok ko sa isang department store na pinapasukan ko.
pataaaay! napakasungit pa naman ng supervisor ko! ano na naman kaya ang idadahilan ko this time?
nagaalala kong naisip ang itsura ng supervisor kong tsinoy na ubod ng sungit. akala mo naman gwapo.
binilisan ko nalang ang pagayak para makahabol sa tamang oras. pero kahit mag magic pa ako, hindi na talaga kinaya ng powers ko. 8:20am na nang mag log-in ako sa work.
"Tangina naman Philosophy! Hindi ka talaga napasok sa isang araw nang hindi ka late eh nuh?"
bulyaw kaagad sa akin ng bisor kong si Sir Garry.
"Eh sir, pasensya na po talaga. maga-alas 2 na kasi ng madaling araw natapos ang ginawa kong report sa isang subject ko kaya tinanghali ako ng gising"
napakamot noo nalang na paliwanag ko sa kanya.
"Wala akong pakialam! kung gusto mong manatili sa trabaho mo, baguhin mo ang performance mo! kung may award lang na MOST LATE OF ALL TIME ay tyak ikaw na ang nakakuha nun! hala sige! umpisahan mo na ang inventory sa grocery department! siguraduhin mong matapos mo yun ngayong araw ha???"
lumalaki pa ang butas ng ilong nya habang binibigkas ang mga salitang yun. kung hindi lang matibay at malakas ang pananampalataya ko sa ngalan ng pangangailangan ay baka hindi ko na kayanin ang ugali ng bisor ko na ito.
keri lang yan Sofi. malapit na finals kaya kailangan mong kumayod para sa tuition mo.
sabi ko nalang sa sarili ko. pagkatapos ng paninermon na iyon ni sir Garry ay nagmamadali na akong pumunta sa table ko at hinarap ko na ang computer ko para makapag generate na ako ng inventory sa grocery department. isusunod ko naman ang sa RTW department.
isang napakahabang araw ang tinahak ko at sumapit na nga ang uwian. alas singko ng hapon nang makapag out ako sa trabaho. sa awa ng Dios ay natapos ko naman ang trabaho ko nang walang aberya bukod sa masungit kong supervisor.
at hindi pa dito magtatapos ang araw ko. kailangan ko namang umuwi muna sa apartment ko para gumayak naman papasok sa school. alas 6 ng hapon ang umpisa ng klase ko.
para na naman akong sinilihan sa pwet sa kamamadali para huwag kapusin sa oras at hindi ma late sa klase. pagdating ko sa apartment ko ay agad naman akong naligo at nagbihin ng aking uniform. sa school canteen nalang ako maghahapunan.
nang matapos na akong makagayak ay dumiretso na agad ako sa sakayan ng tricycle at nakakuha kaagad ako ng masasakyan at nagpahatid na ako papuntang school.