NATIGILAN si River nang biglang pumasok sa opisina niya si Tessa. Lumipad ang tingin niya kay Matt na humabol dito. “Sir, I tried to stop her.” “It’s okay, Matt. Ako na ang bahala dito.” “Okay, Sir.” “And Iris?” tanong ni River. “She’s currently at Ms. Reese’s office.” “Okay. You may go now.” Nang maiwan silang dalawa ng babae doon ay walang emosyon niyang tinignan ito. “What do you want, Ms. Montecillo?” tanong niya saka tumayo mula sa swivel chair. Tumalikod siya mula dito at pinindot ang button ng salamin sa kanyang harapan. River looked at his reflection. Kasabay niyon ay narinig niya ang tinig mula sa suot niyang wireless earphone. “Get rid of her and all those people who’s hurting Iris, light. Ayokong makita sila dito sa kompanya. Kung hindi, bukas ng umaga ikaka

