HALOS magiba ni River ang pinto pagpasok niya sa opisina ng head ng HR Department. Naabutan niya doon si Iris, ang kanyang nakakatandang kapatid, ang isa pang Department Manager at ang dalawang empleyado na umiiyak sa mga sandaling iyon. Nagngitngit sa galit ang kalooban ni River nang makita ang ayos ni Iris. Basa ang damit nito at bakas doon ang kape at tubig. She looked so messed. At alam niyang hindi okay ang pakiramdam nito sa mga sandaling iyon. Agad niyang nilapitan ang dalaga at hinubad ang suot na coat at pinatong iyon sa balikat nito. Hinawakan ito sa magkabilang pisngi. “Are you okay?” puno ng pag-aalala na tanong niya. Sa halip na sumagot ay umiling lang ito pagkatapos ay tuluyan nang nag-breakdown at umiyak. River sighed and pulled her for a tight hug. Magkahalong awa at

