NAGISING si Iris nang umaga na iyon na wala na sa kanyang tabi si River. Napangiti siya nang sumilay ang liwanag mula sa kurtina. It was such a beautiful day. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Parang kahapon lang ay isang ordinaryong araw iyon sa opisina, and the next thing she knew, Iris was riding at River’s private jet and arrived in Singapore. Yesterday, she saw with her own eyes his life as a billionaire. Mula sa private jet hanggang sa mga taong umaasikaso sa kanila sa hotel. River gave her a taste of his life, probably the kind of life she will live after they got married. Mayamaya ay nag-inat siya saka bumangon. Binalot niya ng kumot ang hubad na katawan. Eksakto naman na bumukas ang pinto at sumilip si River. “Good morning, gorgeous,” nakangiting b

