HUMINTO ang limousine sa isang magarang broadway theatre. Pagbaba ng sasakyan ay pinagbuksan sila ng pinto ng chauffeur. Unang bumaba si River pagkatapos ay inalalayan siya nito sa pagbaba. Pagpasok sa lobby ng theatre ay agad may nakakilala kay River. “Mr. Hidalgo!” “Good evening gentlemen,” magalang na bati nito. “It’s great to see you here.” “Thank you, same here.” Nakangiting nagkatinginan silang dalawa pagkatapos ay tinapik ni River ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito. “Gentlemen, I’d like you to meet my fiance, Iris Jade. Love, they are our business partners.” “Nice to meet you all,” magiliw na sabi niya sa mga kaharap pagkatapos ay nakipagkamay. “Congratulations on your upcoming wedding.” “Thank you.” “You guys are on a date, I see.” “Yes. It has been qu

