NAGULAT si Iris pumasok sa opisina niya ang dalawang pamilyar na mukha ng staff ni River. Matapos kumain ng lunch ay agad umalis ang nobyo kasama si Matt para sa isang importanteng meeting. “Ma’am, Mr. Hidalgo asked us to fetch you.” Kumunot ang noo niya. “What? Saan tayo pupunta?” “Malalaman n’yo po mamaya. Halina po at hinihintay na kayo ni Sir.” “P-Paano ‘yong trabaho ko?” tanong ni Iris. “May mga gagawa na po niyan.” Naguguluhan man sa nangyayari ay sumama na lang si Iris. Dala ang kanyang bag ay sumunod siya sa mga ito. Sa isang itim na luxury car siya sumakay. Habang binabagtas ang daan ay nagtext siya sa nobyo. “Love, what’s this?” tanong niya. “It’s a surprise, my love,” sagot nito. Lalong napukaw ang kuryosidad ni Iris nang mapansin na binabagtas nila ang daan

