KABANATA 16

1895 Words

NAGULAT KAMI NANG biglang mabasag ang salamin ng bintanang katapat namin. Umiihip ang malakas na hangin at nilipad-lipad ang kurtina. “Ano ‘yon, Lukas?” takot na tanong ni Jane at napakapit siya sa braso ko. Tumayo ako at tinungo ang bintana. Tumambad sa ‘kin ang babaeng multong nakaberde na nakatayo malapit sa terrace. “W-Wala ‘to. Dati nang basag ‘to. Sa sobrang lakas lang siguro ng hangin kaya natuluyan,” palusot ko na ewan ko kung kakagatin nila. Inaayos ko ang kurtina nang magsalita ang multo. Kung titingnan siya parang kaharap niya lang ang kausap niya pero ang boses niya ay malakas na naririnig sa loob ng bahay at kami lang ni Sunshine ang nakakarinig noon. “Oo, ikaw ang pinili niya. Pero ang katotohanang niloko ka niya, ay hindi na magbabago pa!” boses ng babaeng multong nakaber

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD