KABANATA 34

2274 Words

IKA-31 NG OKTUBRE “GOOD MORNING,” BATI ko kay Sunshine pagkadilat ko at masilayan ko ang maamo niyang mukha. Pinagmasdan ko siya. Para akong tangang hinihintay na dumilat siya at babatiin niya rin ako ng magandang umaga. Pumihit ako at hinalikan ko siya sa noo. Masuyo ko siyang muling pinagmasdan. Ipinikit ko ang aking mga mata at buong tamis kong idinampi ang labi ko sa kanyang labi. Hindi ko man bigkasin, alam kong naririnig niya ang sigaw ng puso ko ngayon kung gaano ko siya kamahal – at kung gaano ako natatakot. Bukas na ang pagtungo ko sa gitnang dimensiyon. Bukas na ang itinakdang araw – kung magtatagumpay ba ako sa misyon ko o hindi? – kung aayon ba sa amin ang tadhana o tuluyan na kaming tatalikuran? Napalabas ang dila ko nang mapaso ako sa unang higop ko ng sabaw ng instant cup

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD