KABANATA 33

1462 Words

IKA-30 NG OKTUBRE BAGO AKO MATULOG kagabi, muling dasal ko na sana magising na si Sunshine. Pero ngayon pagdilat ko, wala pa rin siyang malay. Napabangon-upo agad ako nang may mapansin akong kakaiba sa anyo niya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Napanganga ako. Hinaplos ko ang mukha niya… nahahawakan ko siya? “S-Sunshine? Sunshine?” tawag ko sa kanya at ginising ko siya sa pagyugyog sa kanyang balikat. Hindi ako makapaniwala. Nilibot ko ang aking paningin. Tinatanim ko sa utak ko na totoong nangyayari ‘to. Na hindi isang panaginip. Na hindi ako napaglalaruan lang. Na may katawan nga si Sunshine. At ang katawang ito ay hindi dahil sa hawak ko siya. “Gumising ka! Sunshine, gumising ka!” napalakas na ang boses ko. Dahil sa kabila nang saya ko, ang matinding kaba namang bigla kong nara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD