KABANATA 7

3202 Words

“NAKIKITA MO BA si Mang Pedro?” tanong ko kay Sunshine. Nakasilip kami sa bintana para tangkaing kausapin si Mang Pedro. Pero hindi tulad ng mga nakaraang gabi na nasa unahan siya sa mismong tapat ng gate, ngayon ay wala siya, ‘di ko siya makita sa puwestong lagi niyang kinatatayuan. Hindi agad sumagot si Sunshine. Pinagmamasdan niya nang maigi ang mga multo para hanapin si Mang Pedro na kanina niya pa ginagawa. “Hayun siya,” biglang sabi niya. Agad kong nakita si Mang Pedro nang ituro siya sa ‘kin ni Sunshine. Hindi tulad ng ibang multong umuungol, nakasara ang bibig ni Mang Pedro at umiiling na nakatingin sa ‘min. Tila may hudyat siyang gustong ipaalam o babala? Nagkatinginan kami ni Sunshine. Balak naming lumabas para kausapin si Mang Pedro. Nararamdaman ko na rin ngayon na maaring m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD